araw mo ngayon

sabi ng marami, namana ko ang mapupungay kong mga mata mula sa iyo–magkamukha daw tayo pero kahit kailan, ni minsan, hindi ka sumasangayon. parati mong kinokondena at itinatanggi ang ideya na meron tayong pagkakahawig at sa mga oras na iyon hindi na ako nagulat pa.

sa tuwing magkasama tayong lumalabas, marami sa mga pagkakataon na iyon ang napapagkamalan ako ng mga kakilala mo bilang kasambahay–pero ayos lang dahil talaga naman magkaiba tayo ng itsura. mestisa ka, morena ako. nakakapagduda talaga na meron tayong kinalaman sa isat isa. inuunahan ko na lang nga sila ng tawa kapag nadidinig ko iyon pero alam mo sa loob mo na nasasaktan ako.

salamat sa iyo, hindi ko kinagisnan maniwala sa kahit kanino na maganda ako. patuloy akong makukulong sa konsepto na hindi ikaw ang pinakamagaling at pinakamahusay na ina.

alam mo kung bakit? nahigitan mo pa ang lahat ng pinagsamasamang pinakamagagaling na nanay sa buong mundo. kahit marami tayong hindi pagkakapareho, balang araw gusto ko pa rin maging tulad mo.

labas tayo sa araw ng sweldo. pangako, libre ko. ngayon ka lang makakakita ng alalay na manlilibre ng amo. ang cute natin ano?




9 Responses
  1. wow..ang sweet naman ni soulmate..ahehhee…..ako nag greet na ako kagabi pa..pero kahit thank you wala..baka nga indi ako importante at nauwi sa spam ang message ko..ahaahhaa..

    yang lang ang alalay na maganda…kaw lang yun.sos ka..

    happy mothers day sayu xiena…

    in the future.

    [Reply]



  2. sweet. happy mother’s day sa iyong ina

    sama kami jan lolz

    [Reply]



  3. …me gep ako sa nanay ko kasi me sweldo na ako..bag na mumurahin..at shawl na mumurahin din para ke lola…

    hindi kasi sanay si lola kumain sa labas..lolz..

    happy mother’s day to ur mom!Ü

    [Reply]



  4. Ang ganda ng mother’s day post mo! Badtrip. Wala na. Sapaw na ko.

    [Reply]



  5. ako den, dko kamuka nanay ko. pero pareho kami nang kilay tsaka nang tenga — sabog. :))
    happy mother’s day sa iyong maderdir. :*

    [Reply]



  6. Binabati kita at ako ay nagbibigay pugay sa mga taong katulad mo na nagpapahalaga sa mga nilalang na nagire at naglabas sa atin sa kanilang peching. mabuhay ang ating mga ina!

    [Reply]



  7. naku!pareho tayo.maputi rin nanay ko ako morena.pero pareho kaming maganda

    [Reply]



  8. sweet naman ni xG

    happy mothers day sa mom mo! :)

    [Reply]



  9. belated happy mother’s day sa mom mo ate xg hehe..:)

    [Reply]



Leave a Reply