tengang kawali
namamahay na yata ako sa sarili kong blog at teka nga, bakit ako nagpapadala sa buyo ng iba?
inaamin ko na naging mapangahas ako sa naging desisyon ko nitong mga nakaraang araw na tuluyan ng iwan ang datkom. sa sobrang pagkadismaya, humantong ako sa paggawa ng bagong blog. nanlulumo kasi ako sa kinahihinatnan ng buhay ko. wala naman akong magagawa kung puro mabibigat na pangyayari ang nailalathala ko–totoo lang ito. hindi ko naman pwedeng ipilit na magsayasayahan sa harapan ninyo kaya mas minabuti ko na lang na yumuko, tumalikod at maglakad papalayo para tanggapin na mahina ako.
noon yun, naalala ko ako nga pala si xienahgirl na nakakasakit pero hindi nasasaktan. sabi ko pa man din na para akong bato–magandang bato. masasaktan ang sino mang tamaan pero hindi ninyo alam, may parte nito ang nagninisnis, nababawas at nadudurog oras ipukol ito.
mahina ang bato. mahina rin ako. hindi nakakabawas sa pagkatao na aminin ang mga kahinaan niya. nanibago lang siguro ako kasi untiunti ko na nadidiskubre ang sarili ko na nakakubli sa inaakala kong ako.
nahihiya ako magsabi sa iba–hindi ko na kilala ang mga tao na nasa paligid ko. ganun talaga yata kapag naiwan ka sa madilim na parte ng buhay mo, hindi mo na alam kung saan ang daan pabalik. bilang pagtatanggol sa mga taong iyan, hindi naman talaga ako naniniwala na wala na sila. ayaw kong hayaan na sumangayon ako sa katotohanang iyan dahil hindi talaga sila umaalis, nagiiba lang sila ng parteng ginagampanan sa buhay ko at sila ay naging mga estranghero na may blangkong mukha.
totoo nga pala talaga na natitikis ng anak ang magluang pero kahit kailan hindi matitikis ng magulang ang anak. patawarin na lang ako ng blogopshere na umampon sa akin sa pagtalikda ko sa kanya. patawarin niya rin sana ang mga kapatid ko sa paglalathala sapagkat hindi nila alam ang kanilang ginagawa.
naging uso nitong mga nakalipas na araw ang pagpaparinig sa kapwa lalo na sa gerbis. naranasan ko ito nung nakaraang araw at hindi maganda sa loob ang pakiramdam na harap harapan kang saksakin sa likod. kung nasaang parte ng limbo man iyong ponsiyo pilato na iyon nagtatago pakisabi sa kanya na duwag siya. ang hilig magpablind item samantalang hindi naman siya bakla. ako inaamin ko madalas ako magparinig. hindi, palagi pala ako nagpaparinig at oo, bakla ako pero nagbagong buhay na ako ngayon–sarili ko na lang ang pariringgan ko. alam ko hindi magandang bagay yun kaya hindi ako nangangako na magagampanan ko ang panata na yan kaya bahala na ang mga tao kung nakakakita sila ng kaligayahan sa pagpapakaduwag nila. bakit ko alam ang tungkol diyan? kasi ganun din ako, naduduwag.
meron akong narinig sa tabi tabi na ayaw niya sa mga tao na hindi marunong umintindi. alam mo kung ano ang maitatawag natin sa sa nagsabi nito? bright. brightest person evarr. kung ako sa kanya simulan niyang intindihin ang mga taong hindi marunong umintindi. simpleng good manners and right conduct, di pa maipasa. kanya kanyang kultura iyan. ano naman kung sabihin na meron kang sariling mundo? hindi mo sila inoobliga na pumasok sa mundo mo at makihati sa hangin na hinihinga mo. ano naman kung sabihan ka na papansin? atensiyon ba nila ang kinukuha mo? gumagawa ka daw ng problema–kesyo ganyan, ganito ka. ginagawang isang malaking tsismis ang internet samantalang wala naman sila sa batis para magastang labanderang intrimitida sa buhay ng iba.
ang hirap kasi sa nakararami, akala nila kapag binuksan mo ang buhay mo sa kanila ibig sabihin may karapatan na silang husgahan ka. iyan yata ang napapala sa kapapanood ng teleseryeng panghapon.
very wrong.
isa pa, panira kasi talaga ng skillzzz yung isang social networking site. masyadong nakakasakit ang asta ng mga ibang tao doon. inaamin ko nakibahagi ako at hindi ako magmamalinis. uulitin ko–kanya kanyang kultura yan. kung gumagana yan para sa kanya, hayaan. sana lang maibalik natin ang kredibilidad ng blogging dahil napapansin ko na marami ang nawiwili sa networking site kaya panandaliang huminto sa ang ikot ng paglalathala. hindi naman hinihiling ng internet na maging banal tayo, gawan natin siya ng pabor na muling maibalik ang kredibilidad niya.
bumalik na ako at tuloy tuloy lang tayo ulit sa blogging. oo, hanggang sa magsawa kayo at matuyuan ako ng skillzzz.
sareeh
isipin niyo ng biro ang lahat ng nakasulat dito sa datkom pero ibahin ninyo ang isang ito dahil ang katotohanan, nalulungkot talaga ako sa ideya na ginawang pangkalso ng pintuan ng nanay ko yung trophy na napanalunan ko sa project lafftrip laffapalooza.
bukod sa naguumapaw na alindog at gumagandang katawan, ang pagkapanalo ko sa PLLP ang isa sa mga lihim na maipagmamalaki ko sa speryo, tapos nawala pa.
una pa lang sinabi ko na sa inyo na hindi ko kaya ang responsibilidad ng isang humor blogger dahil hindi naman talaga ganun ang karakter ko sa tunay na buhay. oo, madaldal ako at mas madalas ay taklesa rin at puros wala pang kwenta ang mga pinagsasasabi ko pero hindi ibig sabihin niyan na pwede na akong ihanay sa mga nakakatawang taong kilala ninyo sa inyong suking parlor at tampisawang batis.
alam ko naman na hindi nasusukat ang galing ng sino man sa pamamagitan ng mga napanalunang pigurin, istatwa, medalya, tropeo, korona, birds of paradise, gift cheques, paperbags o imaheng pangkolorete na inilalagay sa itaas ng telebisyon pero gusto ko lang malaman ninyong lahat na importante sa akin ang mga bagay na nagpapaalala sa akin na meron akong halaga–may kwenta ang pagbababad ko sa harapan ng kompyuter, na napapakinggan ako, na nakakaimpluwensiya ako, na nakakapagbago ako ng buhay, na nakapagliligtas ako ng isang ligaw na kaluluwa gamit ang mahalay na keyword mula sa paborito nilang search engine.
ang hirap pala magsulat habang nagtatrabaho. kahit kailan, sagabal talaga itong trabaho ko sa paggawa ko ng lathala.
hindi madaling ipaliwanag sa mga katrabaho, kaibigan pati sa pamilya ko ang mga bugrit na konsepto ng blogosphere at sa palagay ko hindi nila ako maiintindihan kung isiwalat ko man ang kung anong meron at wala dito. nagtataka nga yung tatay ko sa kung sino yung mga nagpapadala ng mga regalo sa bahay pati na rin sa kung saan ko nakukuha yung sobra kong pera na mula sa pagiging online manunulat. hindi naman sa minamaliit ko ang kakayahan nilang umintindi pero parang ganun na nga ang lumalabas kaya wag ka ng masyadong madaming inuusisa.
marami na rin naman ang nakakaalam sa mga mahal ko sa buhay na blogger ako pero mas gugustuhin ko na manatiling lihim muna ang pagkatao kong ito hanggang sa mga susunod pang henerasyon ng mga bagong sibol nilang mga apo. ayaw ko naman yata umabot pa sa punto na maipapakita pa ako sa paborito ninyong magazine show–hindi ako artista at wala akong balak tumawid sa landas na iyon. hindi ako tulad ng mga bloggers diyan na pasikat at pabibo sa tv. sus, mas maganda kaya ako sa personal at kung bibigyan naman ako ng pagkakataon, ayos lang at lalabas naman ako sa paborito ninyong variety show para magtanghal sa pamamagitan ng isang production number.
ngayon pa lang, humihingi ako ng tawad sa lahat ng karapatdapat nito. pasensiya na dahil hindi maikakabit ng pandikit ang lamat ng pagkabasag ng tropeo na yun.
uh zhur
bigla lang ako nainis sa inyong lahat.







