dear IT programmers

ang galing galing niyo talaga–ginagawa ninyo kaagad na impyerno ang buhay namin dito sa kulungan kahit hindi pa kami namamatay sa sobrang kabagutan at kapaguran mula sa pagiging alipin. kala ko nga nung una puro dota at fashion wars lang ang inaatupag ninyong gawin sa opisina, pero nitong nakaraang araw napapansin ko na talagang pinagiigi ninyo ang trabaho ninyo kahit wala kayong amo na nakabantay.

makinig kayo sa akin, mahal kong mga IT programmers, alam niyo kung ano? siyempre hindi, kaya sasabihin ko sa inyo, isama niyo pa ang sampu sa mga guro ninyo nung kolehiyo na naturo ng motherfucking codes, na kahit na magpursige pa kayong lahat na ipahinto ang ligaya namin sa pagakses ng web, makakapaginternet pa rin ako kahit saang computer niyo ako ilagay.

kung sa mga susunod na araw ay hindi na ako makapunta sa datkom ko sa oras ng trabaho, isa lang ibig sabihin niyan–hello iT! hahahaha

[edit]
pinulong ako at ang dalawa pa sa mga katrabaho ko dahil sa tuluyan ng nalaman ng amo ko na nagbababad ako sa internet habang nagtatrabaho. kasalukuyang pinagiisipan ng administrasyon ng gerbis kung bibigyan ba ako ng 10 araw na suspensiyon bilang karampatang parusa.
[/edit]

[post edit]
bumaba na ang desisyon, binigyan ako ng ‘written verbal memo’. kung paano naging written ang verbal hindi ko na kailangan ipaliwanag basta ang alam natin hindi dapat pinagsasama ang dalawang salita na yan sa iisang parirala. lahat ng mga alipin na nilagyan ko ng akses sa internet ay muling nanghingi ng tulong sa akin para tanggalin iyon mula sa mga computers nila.
[/post edit]

[post post edit]
meron daw akong nagawang kabutihan sa opis, kumbaga ang labas ko parang accidental hero. meron daw akong nagagawa sa computer ko na maaaring pakinabangan ng buong kumpanya. sabi ng mga kapwa alipin ko, dapat daw ibahagi ko yung nalalaman ko na iyon para naman maisipan ng administrasyon na bawiin yung ipinatong na written verbal memo na binigay sa akin. kaso may maliit na problema, hindi ko alam na nagagawa ko iyon at kung nagagawa ko man iyon, hindi ko alam kung paano ko nagagawa iyon. magulo diba? kahit ako naguluhan din sa pinaliwanag ng amo ko sa akin. sa pagkakataong ito–pramis, kros may hart, hindi talaga ako ang may pakana. yung sa pagkakabit ng internet oo, ako may pasimuno niyon pero gustuhin ko man kunin yung parangal para sa pagkakatuklas sa nasabing kahenyuhan ay hindi ko magagawa dahil hindi ko talaga alam kung paano ko ginagawa yung tinutukoy nila na kabayanihan ko.
[/post post edit]




lugar lang

napatunayan ko na tunay ngang mababait ang mga residente ng aklan dahil sa mainit na pagtanggap nila sa aking pagdating pero di hamak yata na mas mabait talaga ang mga ticketing officers na akalanon dahil sa nakatanggap ako ng text message ng pagaalala nung nalaman ng isa sa kanila na wala akong matutuluyan dahil sa naiwan ako ng flight ko pauwi ng maynila galing ng aklan

ogie: gud pm po mis kamusta nman u my nkta knbng ma22loyan 4 d nyt? ogie pla 2 ung knina.
xienahgirl: ok na. ayos na. meron na.
ogie: ah ok, buti nmn cge po phinga nlng mna u im sure stress kpa hehe….
xienahgirl: check operator services

kahit dalisay ang intensiyon ng isa sa mga tauhan ng eksena na yan ay mapapansin mo na may mali pa rin. hindi dapat ginagamit ng mga empleyado ng kahit anong kumpanya ang personal na impormasyon ng mga mamimili nila lalo na kung yung customer ay morena, mapungay ang mata, mataas ang cheekbones at maganda ang hubog ng katawan.




poker

hinding hindi na ako makikipagkita sa kahit sinong kakilala ko sa kanto ng aurora boulevard cubao lalo na kapag madaling araw sa dahilan na kahit maliwanag sa lugar na iyon at maraming tao, nabubusinahan pa rin ako ng mga drayber ng taxi at nilalapitan ako ng mga lalake dahil napapagkamalan akong babaeng nagbebenta ng katawan para sa panandaliang aliw




« Previous Entries   Next Entries »