like a virgin

Overheard

gerbsimate: ikuha mo nga ako ng sugardaddy
amo: sugardaddy?
gerbsimate: oo. sugardaddy.
amo: bakit mo naman gusto ng sugardaddy?
gerbsimate: kailangan masusunod lahat ng luho ko.
amo: handa ka naman bang gawin ang lahat?
gerbsimate: lahat talaga? ayos na yung kissing kissing.
amo: pero susundin mo lahat ng ipapagawa niya sa iyo?
gerbsimate: bahala na, pero gusto ko bigyan mo ako ng sugardaddy
amo: alam ko na.
gerbsimate: ano?
amo: yung sugardaddy ko na nagpatapos sa akin sa pagaaral ang bibigay ko sa iyo
gerbsimate: sige. sige.

noon ginagawa ko lang biro ang ganyang klase ng ideya dito sa blogosphere. hindi ko sineseryoso, pero nung marinig kong naguusap yung katrabaho at amo ko tungkol sa pagkakaroon ng asukarera de papa, bigla kong naisip na malaki rin ang tsansa na magkaroon ako ng sugardaddy. bigla akong nainggit at gusto ko din masubukan.

for experience purposes only.

kung tutuusin, mas maganda pa nga ako sa amo at kagebris ko. nasa akin naman ang lahat ng kwalipikasyon na maaaring hanapin ng isang sugardaddy: maganda, matalino, may hubog ang katawan, madaling matuto, walang arte, masarap kasama at higit sa lahat ang pinakamahalaga, primera klase. sariwang sariwa, walang amoy, mapula ang hasang at kahahango lang mula sa tubig alat.

at talagang binenta ko yung sarili ko na parang panindang isda sa banyera?

marami akong gustong subukan at ilan sa mga karanasang iyon ay nangangailangan ng katuwang pinansiyal. aminin na natin, mahirap ang buhay ngayon at meron talagang ganitong klase ng kalakaran sa lipunan. ang masasabi ko lang–bukas ako sa ganyang klase ng, huwag naman nating sabihing negosyo, sabihin na lang natin na ‘relasyon’.

isa lang ang kundisyon ko–dapat walang asawa at anak sa pagkabinata yung lalake. mahirap dalhin sa konsensiya ang naudlot na pakikiapid dahil sa iisipin mo ang eskandalo ng paninira ng tahanan. wala dapat wasakan ng pamilya, medyo mahirap na lusutan ang ganyan klaseng problema.

gusto ko ng taong magmamahal sa akin na kahit kailan ay hindi hihilingin na suklian ko rin iya ng pagmamahal.

kunwari matapang ako pero huwag niyo ako hamunin na hanggang salita lang ako dahil mas nakilala ako sa pagiging mapusok. tulad ng mga lalake, nasa akin na lang din na gumawa ako ng kalokohan pero takot ako sa responsibilidad. hanggat maari gusto ko wala akong magiging obligasyon sa kahit kanino. malungkot ang ganung klaseng buhay pero yun ang kabayaran na kailangan suklian ng makamundong pagnanasa.

sasabihin ko sa inyo, meron talaga akong balak at pinagpaplanuhan ko ng maigi ang konseptong iyan. marami naman kasi ang nakakapansin na malakas ang dating ko sa mga lalakeng bente otso anyos pataas. hindi ko alam kung bakit pero puros ganung edad ang madalas na nakakaaangan ko ng loob. siguro kasi malaking bahagi ng buhay ko, wala talaga akong kinalakhang ama. alam ko lang may tatay ako, tapos yun na.

end of slideshow presentation.

13 Responses to “like a virgin”


  1. sino kaya ang maswerteng sugar daddy na iyon? ehehehe

    hindi ko alam pero naisip ko talaga na napakaswerte ng magiging sugardaddy ko.

    [Reply]




  2. Pwede na ba sa iyo ang 31 years old? Sugar daddy ba maitatawag dun? Yung tito ko kasi girlfriendless na naman. Gusto ko ng magkaroon ng asawa yun. Walang sabit pa yun! At mayaman.
    Ay shet, ang sama kong pamangkin. Hahahaha!

    depende. kung mukha naman siyang bata bakit hindi diba? teka lang parang sobrang mukhang pera naman ako niyan ayiene. hahahaha. sabi mo gusto mo ng magasawa yung tito mo? hindi ko masasagot yan kasi hindi ako naghahanap ng asawa. ahahaha. hindi ka masamang pamangkin. ginagawan mo pa nga siya ng pabor kung tutuusin. malamang e bigyan ka rin nun ng boypren sa pasko. hahaha

    [Reply]




  3. hindi ako pwede kung ganun. di pa ko mayaman eh. payaman pa lang. lolz!

    sige sige. ihahanapan kita.

    pero…

    pero…

    pero…

    …pano kung mayaman nga’t alang sabit kaso kamuka naman ng blinender na pagmumuka ni dagul, bentong, at chokoleit? papatusin mo pa ba?

    ugliness is tolerable when blinded by money. huhlols. bawal na ang mayamang pangit ngayon. siguro naman presentable siya. e paano na yan kung magkasama kami baka magmukha lang siyang drayber ko? hahahaha

    [Reply]




  4. @ Ayiene

    naloka ako sa iyo. haha.

    ako rin! pero sa ganda naman ni ayiene malamang e gwapo naman yung tiyuhin niya.

    [Reply]




  5. kung sana ganyan ka dali ang paghanap ng pera no?
    yung tipong palamunin ka..
    pero wala namang konsensya na nagiintay sayu,
    ay gusto ko yang..
    idea na yan.lols

    madali lang talaga humanap ng pera. ganda at katawan lang naman ang puhunan natin soulmate. para namang di mo alam yan. hahaha.

    [Reply]




  6. eh kung tulungan na lang natin ang mga mayamang pamilya na malapit ng masira
    at ipa realize natin na hindi sila para sa isat isa
    akin yung asucarera de mama, sa iyo yung asucarera de papa
    oh diba. lolz

    teka… 28 yrs old na ako
    sugar daddy na ba ako ng pag nagka gf ako ng ka edad mo?
    iskeyri tot

    aba. kung gelpren mo ako malamang boypren ang tawag ko sa iyo at di sugardaddy.

    [Reply]




  7. ayks…mula nang mabasa ko ito eh gusto ko na rin ng sugardaddy..lolzzzz…makakahanap ka rin..ganda mo eh!

    ****talaga bang available iyang si lio loco??matagal na akong nakapila dyan, lage ako dinededma tas sayo, parang willing and able…

    oo nga nagulat din ako na nagboboluntaryo itong si lio loco na kras ng lahat ng babae sa blogosphere na maging boypren ko. ako lang pala ang gusto nito diba? tsk tsk. e kaso ayaw naman niya yata sa akin ayos lang.

    [Reply]




  8. gwapo ang tito ko.
    magaling kumanta.
    feeling artista pa yun oh.

    ay paano yan ang fetish ko ay magaling sumayaw. o sige asan na ang pichurr ipakita ang ebidensiya. hahaha

    [Reply]




  9. Onga mama, para may tatay na kong magpapalamon saken. Tutal wala naman akong natatanggap sayo!!! Hahaha

    anak talaga kita. mukha kang patay gutom mana ka sa akin. hahaha

    [Reply]




  10. I missed your posts ate! sobra.

    and pusta ako, mas magaling ka ng gumawa ng layout sakin. Putik na nursing na to.

    oh hai gyk buhay ka! kala ko nilamon ka ni florence nightingale. ahm. hindi ako ang base code nito. inedit ko lang ng bahagya para magkasya sa pangangailangan ko

    [Reply]




  11. teka lang..dina-digest ko pa yung pagkakasariwa mo na galing sa tubig alat at mapula ang hasang. magkano nga isang kilo? hahhaa!

    tungkol naman kay lio loco..umaygulay! heartrob naman pala. hindi man mayaman, inglisero naman ang dila. parang tunog mayaman na rin. o ayan binubugaw ko na. haha!

    mahirap yang sugardaddy…kadalasan eh possesive yang mga yan.

    alam mo yan na gusto ko ng possessive. hahaha. ako lang ang bisyo. ako lang! bibilhin mo ba ako? hanggang lapirot ka lang din naman tulad ng ibang mamimili. oo nagulat din ako kay lioloco ang dami pala may kras diyan at maswerte ako na kras ako ng kras ng bayan.

    [Reply]




  12. Ngayon lang ulit ako napadaan :] Hehe. Sensya naman.
    Namiss ko ang blog mo! :P Hehe.

    namiss mo? di kapanipaniwala.

    [Reply]




  13. gnda ng pagkagawa

    abay salamat

    [Reply]



Leave a Reply