gerbsimate: ikuha mo nga ako ng sugardaddy
amo: sugardaddy?
gerbsimate: oo. sugardaddy.
amo: bakit mo naman gusto ng sugardaddy?
gerbsimate: kailangan masusunod lahat ng luho ko.
amo: handa ka naman bang gawin ang lahat?
gerbsimate: lahat talaga? ayos na yung kissing kissing.
amo: pero susundin mo lahat ng ipapagawa niya sa iyo?
gerbsimate: bahala na, pero gusto ko bigyan mo ako ng sugardaddy
amo: alam ko na.
gerbsimate: ano?
amo: yung sugardaddy ko na nagpatapos sa akin sa pagaaral ang bibigay ko sa iyo
gerbsimate: sige. sige.
noon ginagawa ko lang biro ang ganyang klase ng ideya dito sa blogosphere. hindi ko sineseryoso, pero nung marinig kong naguusap yung katrabaho at amo ko tungkol sa pagkakaroon ng asukarera de papa, bigla kong naisip na malaki rin ang tsansa na magkaroon ako ng sugardaddy. bigla akong nainggit at gusto ko din masubukan.
for experience purposes only.
kung tutuusin, mas maganda pa nga ako sa amo at kagebris ko. nasa akin naman ang lahat ng kwalipikasyon na maaaring hanapin ng isang sugardaddy: maganda, matalino, may hubog ang katawan, madaling matuto, walang arte, masarap kasama at higit sa lahat ang pinakamahalaga, primera klase. sariwang sariwa, walang amoy, mapula ang hasang at kahahango lang mula sa tubig alat.
at talagang binenta ko yung sarili ko na parang panindang isda sa banyera?
marami akong gustong subukan at ilan sa mga karanasang iyon ay nangangailangan ng katuwang pinansiyal. aminin na natin, mahirap ang buhay ngayon at meron talagang ganitong klase ng kalakaran sa lipunan. ang masasabi ko lang–bukas ako sa ganyang klase ng, huwag naman nating sabihing negosyo, sabihin na lang natin na ‘relasyon’.
isa lang ang kundisyon ko–dapat walang asawa at anak sa pagkabinata yung lalake. mahirap dalhin sa konsensiya ang naudlot na pakikiapid dahil sa iisipin mo ang eskandalo ng paninira ng tahanan. wala dapat wasakan ng pamilya, medyo mahirap na lusutan ang ganyan klaseng problema.
gusto ko ng taong magmamahal sa akin na kahit kailan ay hindi hihilingin na suklian ko rin iya ng pagmamahal.
kunwari matapang ako pero huwag niyo ako hamunin na hanggang salita lang ako dahil mas nakilala ako sa pagiging mapusok. tulad ng mga lalake, nasa akin na lang din na gumawa ako ng kalokohan pero takot ako sa responsibilidad. hanggat maari gusto ko wala akong magiging obligasyon sa kahit kanino. malungkot ang ganung klaseng buhay pero yun ang kabayaran na kailangan suklian ng makamundong pagnanasa.
sasabihin ko sa inyo, meron talaga akong balak at pinagpaplanuhan ko ng maigi ang konseptong iyan. marami naman kasi ang nakakapansin na malakas ang dating ko sa mga lalakeng bente otso anyos pataas. hindi ko alam kung bakit pero puros ganung edad ang madalas na nakakaaangan ko ng loob. siguro kasi malaking bahagi ng buhay ko, wala talaga akong kinalakhang ama. alam ko lang may tatay ako, tapos yun na.
end of slideshow presentation.


