tulak
kaasar.
itago na lang natin siya sa pangalang ibarra. tipo ko siya, pero hindi ko siya kras.
ayaw ko gawin siyang kras kahit na matangos ang ilong, chinito, matangkad, maputla, may kotse at higit sa lahat nakakatawa. kainis lang kasi alam niya na gwapo siya. alam na alam niya. pero ako? hindi ko pinapahalata sa kanya yun.
aminado naman ako. hindi naman talaga maipagkakaila na gwapo siya.
tatanungin niyo ako kung ano na yung nangyari kay mr. phantom? hindi ko na siya kras. oo, naghiwalay na kami sa ambisyon ko. tinapos ko na ang relasyon namin na nabuo sa mga pangrap ko. pwera biro, simula nung nakakasama ko na siya araw araw unti unti na ring nawala na ang amor ko sa kanya. friends na lang kami–sabi ng self ko.
itong si ibarra katulad din ni mr. phantom na kilabot ng mga babae at bakla sa gerbis. sa totoo lang, sabi ko sa iyo, napapaligiran ako ng mga gwapo sa opisina namin–ako lang talaga yung pakipot. patay malisya sa oportunidad. hindi ako yung tipo na nagkakandarapa sa isang gwapong lalake. kung si john lloyd pa yun baka di lang ako madapa, baka ingudngud ko pa yung sarili ko sa lupa para sa kanya. kaso hindi, mabuti na lang.
nung lumipat ako ng amo, siyempre naghanap agad ako ng pwede–alam mo na, yung pwede mong tsansingan, pwede mong landiin, pwede mong pagalayan ng matres ng walang malisya. si ibarra lang naman ang gwapo sa kanila pero dahil nga sa alam niya na gwapo siya–medyo iwas ako sa kanya. maiba lang. ako ang papalya sa tradisyon niya pagdating sa mga babae.
yun ang akala ko.
talikuran kami ng selda ni ibarra at kapag inaatake siya sa pagkatamad at pagkabagot, haharap lang siya sa akin at kakalibitin ako–at ayun, meron na siyang matatawag na panandaliang aliw sa katauhan ko. ako naman si suplada di ko pinapansin. siya naman si kulit sige lang kakahanap ng atensiyon. hindi pagibig ito. nililinaw ko lang–hindi natin ito pwedeng tawaging pagibig at kung sasabihin niyo na dito nagsisimula ang lahat, pwes ngayon pa lang tatapusin ko na.
joke.
inaamin ko na nakakatuwa naman talaga si ibarra–mukha siyang tanga. fetish ko kasi ang mga lalakeng mukhang tanga. sorry na, huh? kasalanan naman kasi niya ito, papansin: kalabit ng kalabit. tawag ng tawag. kulit ng kulit. tulak ng tulak–ayan tuloy parang nahuhulog na ako.
erase. erase. erase.
siyempre naman, magiliw ako sa lahat. magkasama kami sa iisang kulungan. iisa ang grupo ng mga tao na nakakahalubilo namin. ang pangit kung may kakalat na tsismis tungkol sa pagiging mataray ko. alam niya kung saan ang kilti ko–internet. tinuruan niya ako kung paano gumamit ng ilegal na internet sa gerbis. marami pa siyang tinuro sa akin. nalaman ko nga na kapag tapos na yung pagpapaalipin namin sa gerbis–selda ko yung ginagamit niya para ipagpatuloy niya ang pagtratrabaho niya.
yiheee. huwag niyo ako tuksuhin. tseh! internet lang ang pakay niya sa selda ko. tamang hinala lang.
sabi ko pa naman sa sarili ko ayaw ko na muna manlalake sa taon ng ox, pero hindi ko naman sinasara ng mga posibilidad na magkaron ng boypren. tulad nga ng sinasabi ng marami: abangan ang susunod na kabanata.
lubos
iba talaga yung empermera, napapangiti ako sa tuwing nagbabasa ako ng mga lathala ko. hindi ako natatawa–hindi naman kasi ako nagpapatawa at wala akong balak gawin iyon. napapangiti ako, yun yata yung tamang salita na pwedeng ilarawan sa nadarama ko. napapangiti ako ng sarili ko.
i pleasure myself.
meron talagang natatanging kurot ang empermera sa puso ko.
hindi na ako nakakapaginternet sa gerbis dahil ang gagaling ng mga IT ng kumpanya–tinanggalan ba naman nila ang lahat ng LAN ng empleyado ng karapatan na gumamit ng internet explorer? pangasar. ito ba ang nakukuha naming mga alipin kung hindi pumepetiks ang mga IT? mas maigi pa na bumalik na lang sila sa mga stations nila at magfashion wars sa facebook. kahit may mga ganyan ganyan sa gerbis,napagdesisyunan ko na hindi na pala ako aalis sa dahilan na inaprubahan ng amo ko yung ipinasa kong mga araw ng pagbabakasyon sa darating na katapusan ng mundo este buwan. sabi nga nila, false alarm. dont panick. ah oo, mali spelling ng panic. kaya wag ka na. hindi niyo lang alam kung gaano ako kapursigido sa bawat araw na magtrabaho para patunayan sa amo ko na karapatdapat ako sa dawalang araw na vacation leave. mahirap na, baka magkabawian. nararamdaman ko kasi na napapagod na ako sa pagtratrabaho. hindi ko pa nararanasan ang vacation leave na ako mismo ang nagabala magatas. nagulat na lang ako na ginamit pala ng dati kong amo yung vacation leave ko nung naospital ako. ayos na. hayaan na lang natin na si satanas maningil sa amo ko ng tamang paghuhusga.
ang mas matinding dahilan kung bakit di na ako tuluyang aalis ay dahil tinaasan nila ang sahod ko. tinapatan nila yung suswelduhin ko sa kumpanya na dapat na lilipatan ko. ganun talaga kapag performing employee ka, hindi ka papakalawan. ewan ko ba kung bakit ako pinapakawalan ng mga lalake samantalang performing din naman ako pagdating sa mga bagay na alam niyo na kung ano ang tinutukoy ko.
next slide, please.
medyo naaligaga naman ako para sa darating na buwan dahil bukod sa bertdey ko, may company outing kami. virgin. pers taym. sariwa. pagbigyan niyo na ako–hindi ko na nga naranasan yung christmas party diba? sana naman kunsintihin niyo na yung eksaytment ko para sa darating na company outing. dati naririnig ko lang yun sa tv, ngayon naririnig ko na siya mula sa amo ko.
tama nga talaga ang sabi ng horoscope ko. sabi ko na, effective talaga ang friendster horoscope.
sideline
pwedeng magsalita? ako lang naman ito.
ngayon kung blogger ka at naiinis ka sa isa pang blogger, bago ka pa gumawa ng entry kailangan mo muna suriin ang kakayanan mo.
kung ako sa iyo, huwag kang kikilos na para bang napakalaki na ng naiambag mo sa speryo. tara gumawa muna tayo ng simpleng aritmetik. bilangin mo ang taon na inilagi mo sa blogosphere at ibawas mo doon ang mga karanasang hindi pa nangyayari sa buhay mo–ganyan lang ang magiging katumbas ng halaga mo sa mundo namin. negatib.
kung wala pa sa 3libo ang komento ng entries mo–oo komento at hindi reply sa komento, wala pa sa higit sa 50libo ang hits ng site mo, hindi ka marunong gumawa ng layout gamit ang php, html at css, kung wala ka pang natatanggap na parangal, kung wala kang groupies at higit sa lahat kung wala kang manliligaw na blogger–senyales yan na wag kang sumubok na sugatan ang kahit sinong kaibigan ko na hindi mo naman kayang patayin.
hindi ko sinasabing magsukatan tayo. ang gusto ko malaman mo ay dapat naisip mo na agad ang silbi mo sa speryo.
huwag na huwag kang magbabanggit ng pangalan ng kahit na sinong kaibigan ko sa mga entries mo para ipakita ang katalinuhan mo na wala namang nakakapansin dahil yan ay mas kilala sa salitang kabaklaan. kung di mo pa alam yan, pakidagdag na lang sa listahan ng mga pagpapakilala ko sa iyo ang salitang tanga. alam ko ang internet ang naging lugar para sa maraming alitan na nagaganap at ang blog naman ang nagsilbing sandata natin. ikinalulungkot ko lang sabihin sa iyo na sadyang napakapurol lang ng espada mo kumpara sa nakakasugat na kinang ng punyal ko.
kamo di ka nagblog para magpapansin? ano lang iyan kung gayon? trip. ang siste ikaw lang? pwes ako din trip ko ito. ano naman kung masira friendster account ko? para lang yan sa mga malulungkot na taong walang nakikitang pagpapahalaga sa sarili at nakukuntento na lang sa glitterfonts at gif images. saka andiyan naman ang notepad, sandigan ko yan sa mga salitang pwede kong isiwalat. nga pala, nabaliw ka lang? kinontra mo yung sarili mong pahayag. nagpapasalamat ka pa sa mga nagbabasa ng blog mo at sa mga nagbabasa sa pagitan ng mga linya. alam mo kung ano ang hindi mangyayari? ang magpasalamat ka sa dalisay na sarili mo dahil di ka naman yata nagbabasa ng blog mo. ikaw ang lumulukot sa sarili mong kaligayahan.
huli, siguraduhin mo na yung susubukan mong awayin–walang resbak na gaya ko. iyan tuloy, nagawan kita ng entry.







