mapurol
mapurol: hi :D
xG: hello
mapurol: sino si xG?
xG: ewan ko
mapurol: lol :))
mapurol: pero inaadvertise mo blog niya?
xG: oo
xG: bakit hindi?
mapurol: hmmmm
xG: magaling yan e
mapurol: lalaki mo?
xG: huh?
xG: di mo kilala si xG?
mapurol: :->
xG: homaygad
mapurol: di ako fanatic ng bloggers
xG: sino ba ako sa palagay mo?
mapurol: i mean
mapurol: nakilala kita dahil kay badoodles
mapurol: nakilala ko si badoodles dahil sa ate ko
mapurol: nakilala ng ate ko si badoodles dahil RANDOMLY kung saan nakuha ng ate ko ang site niya
yun
xG: aaaah
mapurol: hmmmm
xG: so sino nga ako?
mapurol: medyo may typo ka dun ahh
xG: san?
mapurol: sa blogspot mo
xG: panong typo
mapurol: hmmm
mapurol: error?
mapurol: sorry hindi kasi ako blogger
xG: aaah ok lang
mapurol: hindi kasi ako familarado sa mga terminolohiya niyo
xG: aaaah
xG: pero kilala mo ako?
mapurol: bakit ganun?
xG: ano nga?
xG: di mo sinasagot ang tanong ko
xG: hahaha
mapurol: kasi parang may pagkabitterness sa lablayp ang pinopost mo
mapurol: ‘pagalayan ng matres’?
xG: hu u?
mapurol: ako si khristian :D
mapurol: hmmmm
xG: ah ako pala si xG
mapurol: tama
mapurol: nice meeting you?
mapurol: hayy
mapurol: may mailalagay na akong pandagdag sa blog ko ang kakaibang pagkakakilala ko kay xg
:)
xG: kahit wag na
mapurol: hmm
mapurol: ayos lang
mapurol: nga pala
mapurol: yung nakaraang term
mapurol: di ba nanghingi ako sayo ng permiso na ifeature ko ang blog mo sa site ko
mapurol: hmmmm nagalit ang prof ko kasi walang koneksiyon
mapurol: :))
mapurol: kaya 2.25 lang grado ko
mapurol: pero hindi kita sinisisi
mapurol: kung bakit ganun ang nakuha ko
xG: di mo na nga ako kilala
xG: sinisisi mo pa ako sa grades mo
xG: salamat
mapurol: nagpapasalamat lang ako ha
mapurol: di nga kita sinisisi
xG: ahmkei
mapurol: hmmm
mapurol: yun lang
mapurol: :)
pakitasahan nga ito–pakisaktan na rin.
kahit kailan, wala sa kasaysayan ng pangalang xienahgirl ang pagiging palakaibigan pero bilang pagtanaw niya ng utang na loob sa masigabong suporta sa kanya ng speryo, pinili niya na maging magiliw sa lahat sa pamamagitan ng pagtanggap ng mga taong nagaabalang idagdag siya sa messenger list.
meron akong mga mangilanngilang obses na obses na tao na inilagay sa ignore list at pinasiklaban ng stealth settings at sa palagay ko, wala kayong pakealam dahil karapatan ko iyon bilang tao. aksidente lang naman. sinubukan ko kasi nairita ako. ayun, hanggang ngayon di nila ako nakakausap. epektibo nga talaga.
powerful.
pangako, ito na ang huling pakiusap ko sa inyo: bago niyo ako idagdag sa listahan ng mga kaibigan niyo, magdalawang isip naman muna kayo para makasigurado na tama nga ang taong kinakausap niyo.







