happy chiksilog day

Sangkablogosperyuhan, Video

akalain mo yun? isang taon na tayong naglolokohan, nagbobolahan at nagplaplastikan dito sa chiksilog.

hayaan ninyo na ipabatid ko sa lahat ng patuloy na tumatangkilik sa blog na ito ang aking taos pusong pasasalamat sa pamamagitan ng paggawa ng kakaiba–kapag sinabi kong kakaiba, ang ibig kong sabihin dito ay isang tumataginting na video blog.

kinikilabutan ako. eew.

maligayang unang anibersaryo sa ating lahat. kampay para sa mas madami pang taon, kaaway, kaibigan, pera at pagmamahal na darating.

46 Responses to “happy chiksilog day”


  1. ATE X! ATE X! :) Happy CHIKSILOG day! One year na! Ayos! :)
    Weh, naexcite naman ako dun sa video eh. may ganung effect ng legs!

    ahm. mabuti naman at nailipat ang atensiyon mula sa mukha papuntang legs. sadya yun. oha. oha. oha. ayiene maraming salamat sa pagampon sa datkom. mwa mwa. oo nga one year na ito akalain mo? hahaha

    [Reply]




  2. woohooo

    VBLOG!!!

    ayows!

    happy chiksilog day xG.
    congrets !!!

    ***panalo sa outfit
    woot!

    outfit? ahm. matagal na nasa cabinet ko yan. di ko masuot sa labas ng bahay kaya sa labas ng karton na lang. salamat sa bati.

    [Reply]




  3. ang kulit! ahaha akala ko may kung anong nakakagulat o nakakatakot na lalabas sa box. (masyadong marami na akong napanood na horror movie). so ibig sabihin ba nitong coming out soon eh hindi mo na idi-distort ang feyz mo sa sangkasperyuhan?

    oye. ako ang bakulaw sa box. haha. hindi ko na iba blarr ang mukha ko. imposible na yun e magmumukha na akong rape victim kapag ganon. sa susunod e gumamela na lang ang ipantatakip ko.

    [Reply]




  4. hahaha..

    im coming out..

    baklang bakla so aaminin mo na na bading ka at hindi ka talaga straight? ahahaha

    pero tangina mukha kang boldstar dito.. cass is that you?

    happy anniv chiksilog.com! naalala ko pa dati last year eto domain mo ang batayan ng pagkalalake ko kung hindi ko tutuparin yung pangako ko.. happy anniv! happy anniv! wish ko sa anniv ng blog mo sana ngayong taon hindi na madalas magloko ang host mo.

    xoxo shengsheng!

    naisip mo rin na pambakla yung kanta ano? sakto lang. haha. matagal na akong bakla efbee kakasimula ko pa lang e bading na bading ako. ikaw ang may kasalanan kaya ako nagba blog sa datkom ngayon. ahm. bold star? wag naman bold star parang bumaba naman ang antas ng pagkatao ko sa bold star–international bold star dapat mala kim kardashian. chos! hahaha. oo alam ko malayo ang pagkakahawig kaya wag ka na. mwa mwa. ahm. si ayiene ba ang pinariringgan mo tungkol sa host? hahahaha. hindi kasalanan ni ayiene yun. sos.

    [Reply]

    Ayiene

    so sana di ako magloko! hahaha!
    este yung hosting ko pala! haahah!

    yo yo kuya fb!

    mahal ka namin ayiene. alam mo yan. haha

    [Reply]




  5. nasan na yung vlog? pfft…

    one year old ka na…. kelan ka ba mapipisa?

    [Reply]

    Gugol

    haha… ayun pala laman ng vlog… napisa na! pfft…

    magaling. nireplayan ang sarili. self reply. salamat at napagaang ang trabaho ko. hahaha

    [Reply]




  6. Ine, maski di ako madalas magawi na sa lugar mo sa sangkatutak na kunsimisyon sa trabaho ko e may saglit din na pinapasyalan kita,tulad ngayon nalaman ko anibersaryo mo pala dito, edi babatiin na tuloy kita ng masayang ika isang taon ng chiksilog mo.Wag ka magsasawa kasusulat, outlet mo yan tsaka mat talent ka jan..Yung BONER anuyun? hehee..ingat and more power..

    oh hullo thurr mike where haf you bin? hinay hinay lang sa tarbaho–masyado ka na yatang mayaman. haha. sawa na ako sa kakasulat kaya nga nagVlog na lang ako hahaha. ahm. boner? tinitigasan. yon. haha.

    [Reply]




  7. bat wala na ung vblog?

    wala talagang vLog dahil teaser lang ito. kei?

    [Reply]




  8. bakit di ko mapanood huhuhuhuh…
    hapy aniv sa lahat xiena hehe..hanep sa itlog na heart ah na sa gilid ang pula hehehe…:)

    pwede mo na siya mapanood.

    [Reply]




  9. soulmate….happy anniv….nako naman..bonga bonga ang presentation..naka box pa…ahahaha..

    in ferness soulmate..long legged chicken ka…wahoo!!!

    nother year of blogging soulmate! kaw na talaga ang dyosa!
    XOXO

    praktisado na ako sa mga stag party. dapat nga may kasama pang giling yan e kaso baka mapadami ang booking ko saka na lang pag dating mo sa manila. gagawa tayong dance bidyo. hahaha. long legged legs. camera trick lang yan. photoshop. ganon. hahaha. ayaw ko na maging diyosa sinira ni anne curtis ang reputasyon ko. haha

    [Reply]




  10. happy chiksilog day…

    prang d naman chiksilog…

    Sexilog pede pa hehehe

    sige dumaan lang ako dito

    balita ko kc dami chiks d2

    bb

    walang sexy diyan. wala pa ngang effort yan e. hahaha. malas mo. kung sino nagbalita niyan na maraming chicks dito e hindi totoo dahil ako lang ang nagiisang chick dito.

    [Reply]




  11. Gelps happy chiksilog day! You know I love you. ü

    pangalawa lang ako sa puso mo boyps kaya wag ka na. hahaha

    [Reply]




  12. Putangina! Hahaha. Amazeeeng. Haha. Sayang, wala bang malaking itlog d’yan sa bahay niyo? Hahaha. Naexcite naman ako dito!Haha.

    kung makareak itong si meryl parang wala ng bukas e noh? hahaha. walang malaking itlog dito. sus. gawan mo ako. padala mo dito sa bahay. tara. naexcite? baka naarouse ka na diyan. tsk tsk

    [Reply]




  13. isang mapungay na pagbati sa kaarawan ng iyong tambayan. mabohay ka xg.

    nagkasya ka dun sa karton na yun? huwaw!

    ahm. oo nagkasya ako sa box. imposible ba talagang paniwalaan na nagkasya ako sa box? nabawasan na naman ang pagmamahal ko sa iyo. layuan mo ako! hahaha

    [Reply]




  14. happy anniversary.

    malande! kunwari ka pa e. yan o tamo gusto na magpakita ng muka. epeks talaga neto. sooooos

    matagal na akong malandi! jusko. hahaha. ahm. kita ba yung mukha ko? sa palagay ko hindi e blarr pa rin. pasalamat na lang pala ako sa hindi magandang kalidad ng bidyo dahil diyan ay mahirap makuhanan ang mukha ko.

    [Reply]

    V

    pano ka nagkasya sa kahon!! ahaha epeks, hulaan ko. napisa ka mula sa isang itlog ng manok.

    walang camera trick o photoshop o copy paste na ginawa dito. kasya talaga ako sa kahon. sige na nga. ipapakita ko sa susunod kung paanong pagpilipit sa katawan ang ginawa ko para magkasya sa kahon. haha

    [Reply]




  15. wraaaaaaaaar!

    makabuluhang komento. dama ko ang emosyon sa likod ng mga titik at bantas. hahaha

    [Reply]




  16. ikaw ba yung box? mas mahaba pa yung exposure nung box kesa sayo… pero its worth the thrill… ahehe…

    happy isang taon… cheers;p-glesy the great

    ahm. ako yung sahig. hahaha.

    [Reply]




  17. “akalain mo yun? isang taon na tayong naglolokohan, nagbobolahan at nagplaplastikan dito sa chiksilog.”

    PA’NO MO NALAMAN?????

    hu u?

    [Reply]

    Neil

    Ahm… sorry po, wrong number. Kala ko babatiin ko ng happy anniv yung bathalumang mahirap-paniwalaan-ngunit-ganun-talagang nagkasya sa box. Thanks po. Bye. *hangs up the phone*

    [Reply]




  18. ikaw na ang makabagong sadako. punyeta. akala ko kung anong horror na ang lalabas sa dulo. haha. at nagkasya ka doon sa box? anong klaseng contortionist effect naman ang ginawa mo para jan ha xienah? haha. natatawa ako sa thought na nagkasya ka sa box. haha. at naka-black stockings ka pa talaga. dapat fishnet! fishnet! =P

    happy anniversary.

    ako lang yata talaga ang blogger na di nagcecelebrate ng anniversary. ;)

    napakagandang sadako ko naman. haha. yeah. nagkasya nga ako sa box! hanubarr. haha. im so flexible doc. malambot ang katawan ko. hahahaha. ahm. wala akong fishnet stockings e. sorry na. :( < --- sad face. hayaan mo doc. ipagdiwang natin ang hindi mo pagseselebreyt ng anniversary! oha. oha. oha.

    [Reply]




  19. maddapakingshet! ang sexy! nabitin ako run ah. ngayon i crush you na talaga. maski na hindi ko pa nasisilayan peys mo. akalain mong kabertdey pala ng blog mo ang taklesang si kris aquino? lolz! happy anniv miss xienahgirl. more hot chickness to come! :D

    sana di sumakit puson mo ano? haha. yes. thank you for crushing me.

    [Reply]




  20. pota nakablock hayup na mga IT kasi ito. hahaha

    gusto kong batiin ka merceditas ng maligayang bati para sa ika-isang taon ng blog mo. nawa’y ang mga susunod na araw, buwan at taon pa ay makatulong upang mahubog pa ang iyong galing at ang iyong pakikipagkapwa blog.

    maligayang kaarawan chiksilog!!!!

    P.S.

    Papanuorin ko na lang ito kapag inopen ng ng mga jologs na IT na ito ang video :D

    ahm. gusto ko sabihin na ang tsansa na mapanood mo ito ay –WALA. hahaha kung aasahan mo ang IT? wala talaga. pero ayos lang wala ka naman namiss masyado.

    [Reply]




  21. huwaw. one year na pala ang datkom. heehee.
    saan galing yung box? ahaha. alam mo ba ate, talaga inaabangan ko mukha mo. kaso biglang naging legs. ahahaha.

    naglipat kasi kami ng bahay diba? yan yung isang box na ginamit namin nung naghakot ng gamit. ahm. teka lang. yung mukha ko naging legs? labo.

    [Reply]




  22. Yun nga din ang malaking misteryo sa bidyo na ito eh, kung papaano ka nagkasya sa kahon sa kabila ng size ng katawan mo at kung bakit nagmukhang malaki ang boobs mo dito.

    Nice dress diosachoi!

    Maligayang anibersaryo!

    hindi naman sa pagaano pero sa palagay ko may manboobs naman talaga ako. kayo lang wala kayong tiwala sa natural na hubog ng boobs ko. haha. ahm. bebeh. hindi yan dress. BLOUSE LANG YAN! hahaha. kelan ka pa naging wardrobe stylist? eka lang. kasya ako. ikaw sa palagay ko hindi ka kasya. ano pusta? haha.

    [Reply]

    M

    Blouse, dress, shirt, they all look the same when they are all off of someone’s body.

    Heniwei, keep it up sa manboobs mo, malapit na kayong magpang-abot ni FB! Ahahaha.

    Kasya din ako sa kahon na yan! Ang tanong eh kung masisira ba siya o hindi kapag pinagkasya ko ang sarili ko diyan.
    Sige, paekstra na lang sa susunod na project mo.

    Sana pala pinakita mo munang dala-dala yung kahon tapos saka ka lalabas no? Ahihi.

    dont expect me to have clothes off my body–not very soon, though i have yet to discover teh international pornstar that is in me. eka lang. wala pa ring tatalo sa manboobs ni efbee siyempre hindi ako makikipagkumpitenisya don. haha. paExtra sa next project ko? ahm. gusto mo ba talaga? sige pero ikaw magdirek. hahaha. cameo appearance ka din? sure. yun lang pala e. hindi pwede yang sinasabi mong konsepto kasi mawawala yung ideya na ‘coming out’ kung nakita na ako bago ako lumabas? sus.

    [Reply]

    M

    Ang ibig kong sabihin, sana may ibang tao muna na nagdala ng kahon at naglapag dun sa frame bago ka lumabas. O davah, mas chorva effect.

    ahm. sino? hindi ko naman pwede ipaalam kay vEx at sa nanay ko na nagbibidyo ako. sa kwarto ko nga lang yan e. naglock ako ng pinto. hahaha

    [Reply]




  23. happy chiksilog day!

    haha.hindi ko kinaya yung ‘i’m coming out’ na video mo.

    panalo.hehe

    hindi mo kinaya? salamat. yata. hahaha

    [Reply]




  24. malupet at nakakabitin na patikim..haha..anu kaya ang sunod na mangyayari?

    sa totoo lang may ideya na ako sa susunod na mangyayari kaya lang e wala lang makinarya. yun ang laging problema e

    [Reply]




  25. rawr!

    [Reply]




  26. Malandi ka

    i know you mean this in a good way. salamat mare. bahahaha

    [Reply]




  27. wahahah! ang cute! gusto ko panoorin ulet.

    at pagkatapos ko basahin yung mga comments eto lang ang masasabi ko, KASYA KA SA KAHON!??! ahah. astig.

    happy anniversary sa blog mo. :D

    wow! san galingyung tanong na yun? galing ah. haha. pwede mo naman p[anuorin ng panuorin e. salamat miss tisay. mwa mwa.

    [Reply]




  28. huli man daw at magaling, huli pa rin. Happy Anniversary pa din sa’yo ms. xG! Sana di na laging maintenance mode, kada punta ko kz ganun eh. i’m glad ok na ngayon..

    hahahaha. ako lang naman ang may kasalanan nitong nakaraang araw dahil sa pinapakealaman ko yung mga files ko. haha. sorry na.

    [Reply]




  29. HAPPY ANNIVERSARY XG!

    salamat

    [Reply]




  30. happy berdey manok. ay…chick pa din ba? dapat manok ka na eh. nyork…

    happy anniv sa datkom mo! nyelfff

    oo tama. hindi na ako chick. tandang na. salamat katams

    [Reply]




  31. wow.congrats!! anibersaryo pala rito.. tunay na seksi..tsktsk..

    parang masamang bagay ang pagiging sexy? haha. salamat mare.

    [Reply]




  32. kala ko lalake ka, sing ganda mo ung babae sa box….

    hehehe…

    sino nagsabi sa iyo na babae ako? lalake talaga ako. sus. haha

    [Reply]




  33. Wow! Happy Chiksilog Day! Grabe, one year ka na pala. Teka, kasama din ba sa one year mo yung una mong blog?

    ahm. kung bibilangin lahat lahat e akshuli magtatatlong taon na ako

    [Reply]




  34. Wow I love the concept!!!! na excite ako! :)
    If u start doing vlogs! for sure I will have a video blog with u!!!

    aba! nandito ka. himala. teka. naexcite o naarouse? nililinaw natin dapat ang mga ganitong bagay. hahaha. talaga? kei. dalawa na ang gusto makipagkolaboreyt sa chiksilog. salamat boytoy ko.

    [Reply]

    umleo23

    oo unless hindi-an mo ako?

    ikaw pa boytoy? hihindian ko? sino ako para gawin ko sa iyo yun? ikaw pa malakas ka sa akin e. sus. mwa mwa.

    [Reply]




  35. happy anniversary. mwah mwah! ;)

    - tenco

    natutuwa ako sa iyo. alam mo kung bakit? kasi sa inyong 3 ikaw lang ang mahilig magpunta dito. kung pumupunta man yung sila tem-i at tikboy e di ko na alam. ikaw ang paborito ko sa inyong 3. ikaw lang binabasa ko sa inyo. hahahaha. hindi ko alam pero napangiti mo ako nung may nakita akong mwah mwah sa dulo ng komento na ito. salamat tenco.

    [Reply]

    alasais

    hahaha, pati ako natatawa ngayon. as in ngayon habang nagbabasa at nagtatyp. :))

    big hug pare, big huuuug! ;)

    - tenco

    sabay sabi ng pare. hahaha. yan ang tinatawag na magic ng chiksilog. nagmumukhang baliw yung nagbabasa dito kasi nangingiti at natatawa na lang sila bigla. dalasan mo pa pumunta dto kita mo maiinlab ka na sa kin hahahaha

    [Reply]

    alasais

    aba aba naman. tingnan natin kung sino ang unang maiinlab (uy may ganun). kahit hindi mo sabihin talagang dadalasan ko ang pagpunta rito.

    talagang nag-usap sa comment section e.

    - tenco

    naghahamunan na ba tayo? haha. saksi ang blogopshere diyan. nako. haha. wag ka pupunta dito kung wala kang dalang palabok. kei? gege. pwede naman magusap dito. pwede rin sa sibaks. kung gusto mo kahit saan naman pwede.

    [Reply]




  36. hindi ko lam kung napost ung unang comment ko pero ulitin ko na lang para mabati lang kita ng happy anniversary!

    at sabihing naalala ko si sadako at ang mga ahas sa india na tinutugtugan ng flute sa post na ito..

    maraming salamat sa pabati. haha. mukhang di napost o baka naman sa iba mo nilagay? hanubarr.

    [Reply]




  37. Sige ako na ang namangha. Congrats sa chiksilog.com
    Mabuhay ka!

    oy! napadpad ka dito! wow. nagulat ako hahahahaha.

    [Reply]



Leave a Reply