hypothetical question
mamahalin niyo pa ba ako kung malaman niyo na ginagamit ko pa rin hanggang ngayon yung sabon ko sa mukha na dati kong pinulot mula sa pagkakahulog ko nito sa toilet bowl?
pramis, hypothetical question lang talaga ito.
priceless
Comments Off
ito ang eksaktong naramdaman ko nung nalaman ko na nagtatalinutalinuhan yung isang blogista na sinabihan ko noon na bobo.
kung tunay kang matalino, mahal kong blogger, dapat natural na sa iyo na alam mo na kaagad ang mga paraan ng tamang pagiwas sa radikal kong pagkatao na dumudura ng mga matatalim na salita–iyan tuloy, napatunayan ko na tama ako at nahalata nila na talagang bobo blogger ka.
nice one.
happy chiksilog day
akalain mo yun? isang taon na tayong naglolokohan, nagbobolahan at nagplaplastikan dito sa chiksilog.
hayaan ninyo na ipabatid ko sa lahat ng patuloy na tumatangkilik sa blog na ito ang aking taos pusong pasasalamat sa pamamagitan ng paggawa ng kakaiba–kapag sinabi kong kakaiba, ang ibig kong sabihin dito ay isang tumataginting na video blog.
kinikilabutan ako. eew.
maligayang unang anibersaryo sa ating lahat. kampay para sa mas madami pang taon, kaaway, kaibigan, pera at pagmamahal na darating.







