dear amo
oh, ano ka ngayon? gusto ko lang sabihin sa iyo na sa labas ng gerbis, wala kang kapangyarihan na utus utusan ako pero dahil sa ginanap sa loob ng bahay mo yung inuman, sa mismong teritoryo mo–pagbibigyan kita. nawalan ako ng pagasa na magangas angasan lalo na at napakalakas ng presensiya mo.
nasalubong kita na nasa harapan ng bahay niyo katabi ang videoke machine na inarkila para sa pagdiriwang ng kaarawan ng kapwa ko alipin. malayo pa lang, nagparinig ka na ng masilayan ako sa kanto. sakto, alam na ng buong baranggay niyo na gumagana ang vocal chords mo at malaki ang diaphragm mo. sinabihan mo ako na ipasok ang machine para masimulan na ang rakenrol. alam mo naman na puny person ako diba? weakling ako. kagagaling ko nga lang sa dengue at nagpasa ako sa iyo ng medical certificate patunay nun diba? higit sa lahat amo, kung hindi obvious–babae ako. malay ko ba sa siyensa ng tamang paraan ng pagbuhat ng videoke machine para ipasok sa loob napakaliit na bahay mo? hindi hinubog ng bathalang sinasamba ko ang aking napakagandang katawan para magbuhat lang ng kasangkapan mo. lalong lalo namang hindi ako nilalang para paglingkuran ka gamit ang natitirang kong lakas sa labas ng opisina.
hindi kita pinansin at diretso lang akong naglakad patungo sa pintuan. pumasok ako sa bahay mo pero ano ang napala ko? umupo ako sa sahig dahil wala kang sofa set. ang laki ng sweldo mo sa gerbis wala ka man lang pambili kahit kahoy na bangko na gamit sa paglalaba? i hate your life. kung sa bagay, nagpapalaba ka nga naman pero hindi iyon ang isyu dito. huwag mong ibahin ang usapan. hindi iyan ang dahilan ng pagputok ng butchi ko, pagkulo ng dugo ko, pagsakit ng batok ko at pagkalam ng sikmura ko.
siguro nilapastangan ka nung kabataan mo–minolestiya ka ng mga kalaro mo dahil hindi ko talaga maintindihan ang punto kung bakit kailangan lahat ng ilagay kong kanta sa videoke machine, ikaw ang kakanta. ayos lang kung isang kanta pero lahat ng ilagay ko? hibang ka. hindi naman magkatulad ang pangalan natin para magkaroon tayo ng parehong tadhana at sa pagkakaalam ko, hindi rin tayo magkamukha para magkataon na magkaroon tayo ng parehong paboritong kanta.
ang hirap magisip ng magandang kanta, yung bagay sa malamig na boses ko. sa tulad kong ipinanganak na may hindi matalas na memorya, trabaho para sa akin ang alalahanin ang mga kantang taos sa aking puso. mahina ako sa alpabeto at iyan ang rason kung bakit nahihirapan akong hanapin ang pamagat ng mga kanta sa songlist na kulang sa pahina at may bulok na pagkakasunod ng titulo. nakakatamad tumayo at nakakabagot lumakad papunta sa makina para makapaginput ng song. ayaw ko rin tumipa ng mga number dahil hindi ko alam kung ano ang susunod na pipindutin: kung play, insert, enter, alt f4 o ctrl alt delete.
higit sa lahat–gawin mo na kahit ano pa ang naisin mo, yurakan mo na pagkatao ko pero huwag mo lang ako agawan ng mikropono habang damang dama ko ang pagawit ng breathless ng thecorrs. malamang, meron ka ng maikukuwento sa mga apo mo–kung paano ang pakiramdam ng may nakatanim na mikropono sa bungo.
ano napala ko? kumanta ako ng walang microphone. pinagmukha mo akong retarded na hindi nakakainom ng gamot at otistik na may sariling mundo. hindi ko makakalimutan ang ginawa mo sa akin. noon lang nagdilim ang paningin ko–kasi gabi na pala. tandaan mo: tamang karma ka lang, bitch.








January 30th, 2009 at 6:48 am
Langya namang amo yan. tsk tsk tsk. Ang bathaluman ng kaluwalhatian, kaalindugan, at kadalisayang Xienah, AAGAWAN NG MIKROPONO!
EKSKYUSMI PO!
[Reply]
January 30th, 2009 at 7:42 am
sa amin… kahit amo pa siya… ako ang videoke king.
pero natawa ako dito: “malamang, meron ka ng maikukuwento sa mga apo mo… kung paano ang pakiramdam ng may nakatanim na mikropono sa bungo…”
buti kung magkaapo pa siya.
[Reply]
January 30th, 2009 at 8:07 am
Epekto ba ng alak ito? Hahaha.
Dalas-dalasan mo ‘yang pagpunta sa bahay ni amo at pagbibidyoke – para kasing may koneksyon din siya sa pagiging madalas mo mag-post ng blog entry.
Oh well, hindi man lang ba siya nakaramdam? Kahit mga opismeyts mo, hindi man lang nagsabi ng, “xienahgirl, di ba sa’yo ‘yang kanta?” Wala?
…
[Reply]
January 30th, 2009 at 10:20 am
kung sakaling makakanta ka kahit isang beses lang eh piliin mo yung “hey jude”
tapos ulit-ulitin mo yung last part ng “na nana nananana nananana hey jude (hey jude hey jude hey jude)” na kahit tapos na yung song eh pa ulit ulit ka pa rin.
gantihan lang yan.
taragis ang mga ganyang tao… tama ka… ang hirap mamili ng kanta na bagay sa sariling boses tapos aagawin lang. naimagine ko lang kung gaano ka sa excited ng malapit na ang song mo tapos iba kakanta. pakdat!
*** add kita sa links ko ah
[Reply]
January 30th, 2009 at 1:29 pm
Nyahahaha… hindi nakakanta! Baka naman siya ang naghuhulog ng limang piso? Kaw naman…
[Reply]
January 31st, 2009 at 2:49 am
sabihin mo lang kelan natin buburahin sa mundo ang amo mo sa mundo. may kua ako sa baguiong tumutumba ng ganiang nilalang. tsk tsk. tama ang teorya kong kelangan na talgang magbawas ng mga bozos na punumpuno ng amag ang kukote. maxado nang masikip ang mundo para sa mga alang kakwenta kwentang nilalang na tulad ng amo mo.
[Reply]
January 31st, 2009 at 6:10 am
bwahahaha :p kaya ako nagkaron ng bidjokenophobia e.
[Reply]
January 31st, 2009 at 2:04 pm
haha!aliw na aliw ako sa kwento mo!kahit napaisip ako kung seryos ka ba talaga na tao o likas na may humor. i love the way you write down details. at di naman din sa nakikiride-on lang sa hilig sa pagkanta pero masarap talagang humawak ng mikropono at humuni ng paboritong kanta. langyang among yan ahh..at inagawan kapa ng moment.:)
[Reply]
February 1st, 2009 at 5:56 am
ang mga amo talaga. di na tayo inisip. sarili lang nila palagi. kahit ako agawan ng mikropono magwawala ako.
[Reply]
February 2nd, 2009 at 2:23 pm
buti na lang di ako marunong kumanta at di nang aagaw ng mikropono. :D
[Reply]
February 2nd, 2009 at 10:32 pm
gusto ko tuloy mgvideoke.
ako din! magwawala ako pag inagawan ng mikropono! hahaha!
[Reply]
February 3rd, 2009 at 7:36 am
nagmukhang otistik hahaha!
[Reply]
February 5th, 2009 at 7:44 am
epal naman si amo oh alangya yan..
adik ata yan eh..
:)
[Reply]