camel toe
malamig ang gabi habang kinausap ko sa pamamagitan ng text ang isa sa mga pinakamalapit kong kaibigan sa blogosphere para tanungin siya kung anong magandang konsepto para sa isang photoshoot at sa hindi sinasadyang pagkakataon–nabanggit niya na nakakaBONER ako.
BONER- a slang term for an erect penis due to sexual stimulation. It is called so because the penis resembles a bone.
naisip ko, parepareho lang ang mga lalake: yung mga pahinante ng truck na sinusundan ako ng tingin, yung mga gwardiya sa gerbis na binabansagan akong ‘miss gwapa’ sa tuwing magswipe ako ng ID, yung nakakasalubong ko sa bangketa at sinasabihan ako ng hello miss ganda, yung mga empleyado sa baranggay hall namin na kinukuhanan ako ng bidyo ng patago, yung mga nasa bar sumusubok ng pagkakataon sa pamamagitan ng mga pick up lines, yung mga nakakasayawan ko sa dance floor para mahipuan ako, yung mga tagapaghalo ng semento na sinisipulan ako sa pamilyar na huni kapag nakakakita ng babaeng may magandang katawan, yung mga bloggers na binobola ako sa messenger, yung mga kundoktor na sobra ang sinusukli sa akin, yung mga tambay na hinahabol ako para tanungin ang number ko sa telepono at higit sa lahat, yung mga bakla sa parlor na tinataasan ako ng kilay. huwag kang hangal, lalake pa rin iyang mga yan.
lahat sila, malaki ang posibilidad na sa isa o iba pang paraan ay nakaramdam na, ehem, maBoner sa akin.
Hi lhon poh 2 ung guy n bestfwend ni amo ahm ung dun s hawz nla ahm geh nytez2 poh txt nlang poh 2mrow mharlon nga pla cencia n hya ako knina kc bzta
tinext ako ng lalakeng nakilala ko lang sa inuman. bukod sa pangalan ng amo ko, wala na akong binagong kahit ano sa text niya, pero teka, ako lang ba o di ko talaga mawari kung saan nakapwesto yung letrang H sa pangalan niya?
marami akong nainom at hilo na ako pero itaga niyo pa yan sa tadyang ni dingdong dantes–hindi ako nalalasing. alam ko naman kung sino yung mga nakakainuman ko, kei? alam ko rin kung sino yung mga may dalang digicam na pipichurran ako habang natutulog sa inuman. hindi ako natutulog dahil sa kalasingan. pramis, puyat lang talaga ako.
dalawa ang rason kung paano ako nagkakaroon ng numero ng mga tao sa telepono ko: 1) kras ko sila 2) magagamit ko sila para sa pansarili kong kapakinabangan. 3) pinilit nila ilagay doon ang kanilang numero habang madami akong nainom.
hindi ko binibigay ang number ko ng wala lang. minsan, ako yung mismong humihingi ng number ng isang tao dahil para sa akin, ako ang may desisyon kung gusto ko silang kausapin o hindi. mas madalas, kapag hindi na talaga malusutan ang sitwasyon at natotorete na ako sa kapipilit ng mga tao na hingin ang number ko, sinasabi ko na lang na hindi ko kabisado–dahil totoo naman talaga na hindi ko sinasaulo ang number ko.
sa kaso niya, sinabi ko na hindi ko kabisado ang number ko. paraan iyan para sabihin sa kanya na hindi- ako- interesado- sa- mga- lalake- na- mas- malaki- pa- ang- sweldo- ko- kesa- sa- pinagsamasamang- baon- mo- ng- isang- buwan- sa- eskwela. akala ko ligtas na ako, na tuluyan ko ng nailigaw ang lampong, pero hindi ko na kasalanan na maparaan siya. hiningi niya pala ang numero ko sa amo ko.
sabi ko sa sarili ko, ayos lang na magtext siya. lilipas din yan. magkaiba kami ng linya ng telepono at isang matalinong dahilan iyan para makasagot sa tanong na ‘bakit hindi ko nirereplayan ang mga mensahe niya?’. kaya lang, ilang saglit na minuto ang lumipas at hindi pa man nagiinit ang ngiti ko sa labi ko ay nakatanggap na naman ako ng text.
Hi poh! Hmpf yan bumli p k ng sim n glbe mka txt k lng geh 2mrow nlang poh geh nyte2z lab2
mga mahal kong tagasubaybay, ito ay isang matibay na halimbawa ng ating pagkapinoy–sa paraan ng pagiging masigasig. pwedeng magsalita? yung opinyon ko lang naman. hindi ako nadadaan sa sigasig, pero baka sa sisig pwede pa.
pwera biro.
natatawa talaga ako sa paraan ng pagtetext niya. di ko alam kung nagpapakyut o may saltik lang talaga sa utak. parang nababadingan ako na di ko maintindihan. para lang siyang teenager sa friendster na mahilig sa glitter fonts. hindi siya yung tipo na pagaaksayahan ko ng panahon at sa tingin ko ganun din naman siya sa akin. sa palagay ko, palagay ko lang naman, tulad din siya ng lahat ng lalakeng nabanggit ko–madadaanan ko lang. same old banana. naBoner ko lang.








January 28th, 2009 at 7:30 am
nagnosebleed ako sa pagbabasa ng message niya. pag ganyan ang message, direcho delete. sakit sa ulo eh. hahaha.
[Reply]
January 28th, 2009 at 7:30 am
bili ka daw ng sim.
hahaha..
ganun siya kademanding..
i like the term BONER..hindi ko alam yon..
ang ganda mo naman kasi..ineenchant mo nga ang cyberworld..paano pa ang world out there dibah..
?
[Reply]
January 28th, 2009 at 7:56 am
Ang tarush naman ng beauty mo. Haha.
Pero kung may magtext man sa akin ng ganyan, malamang hindi ko din pansinin.
Tsaka sa unang message, dalawang beses niya binanggit ang pangalan niya?
At sa saglit na oras, nakabili na agad siya ng sim?
Nakakatakot naman ‘yan. Stalker ang dating. Hindi ako magugulat na mapadpad siya dito at magcomment. Hahaha.
[Reply]
January 28th, 2009 at 8:53 am
wahaha, boner, i like it. kaso mukhang naBoner din sa akin ung ksama ko knina sa trabaho, ngkwento lng ako ng malaswa eh..hahaha..
[Reply]
January 28th, 2009 at 9:04 am
hi p0h. Nheil p0h 2. Bt d n p0h u ngttxt? geh p0h. nhyt2x.
==========
Ah. Kaya pala bigla mo ko tinext nun? Nasa banyo pa naman ako nun. Oo, natatandaan ko pa yun :D
[Reply]
January 28th, 2009 at 10:02 am
Mharlon with an H talaga.
HAHA bagong pauso! NakakaBoner. Haha.
Ang lahi talaga natin mama…
[Reply]
January 28th, 2009 at 10:20 am
Natandaan ko tuloy yung dating nakikisabit sa mga gimik namin na nagngangalang edhgehhhehehehehhhh…
Yun na siguro ang pinakabreathtaking na pangalan ever.
At ganyan din siya kung makadiskarte. Ewww…
Sayang, hindi ko naisipang ipaforward sa akin ang mga text niya dati. Kung alam ko lang na babalik na ako sa pagboblog. Di sana’y may kaagaw si Boss Baj sa parking space sa bulagsupot.
Gulak na lang kay Mahhhhhahahahhhrlonhhhhhhh…
[Reply]
January 28th, 2009 at 10:23 am
Mag-ingat sa mga lalaking may pangalang naglalaman ng H sa hindi dapat paglagyan ng H…
[Reply]
January 28th, 2009 at 11:54 am
siguro yung mga pagpapa=cute na mga guys sa’yo ay patunay lamang na may mala-dyosa kang ganda. compliment kung iisipin dahil minsan ko rin naranasan ang mga eto, pero minsan di na nakakatuwa..nakakairita na. walang nga talaga sigurong pinagkaiba ang mga lalaki. haha!
ingat lang!
[Reply]
January 28th, 2009 at 5:10 pm
pwamis.. naligaw akong basahin yung text,
akala ko ibang dialect…
kelangan ko pang ulit ulitin.
bad trip yung mga ganyang thext, phano mho khaya mhababasa yhung ghanyan. tsk tsk
[Reply]
January 28th, 2009 at 10:39 pm
parag lasing lang o naka droga yung mga ganyan kung magtxt..dapak na lalaki pa sya..kadiri. wala syang karapatan!
naalala ko yung famous line ni marlon sa survivor philippines..”it’s for me to know and for you to find out” na-boner nga ba? haha!
[Reply]
January 29th, 2009 at 3:26 am
un pala ang term sa ganun, na-boner sila haha..
inis ako sa mga ganyang lalake, sa text nakikipagkilala at nagpapahiwatig na gusto ka nila..duh..di ko sila pagaaksayahan ng panahon..hehe tapos ganyan pa magtext..haha mahilig sa H!
dami pala talagang naboboner itong si Xg( =
[Reply]
January 29th, 2009 at 3:58 am
hindi ko alam pero nakikita ko ang sarili kong kalagayan ngaun sa naboner saung si mharlon. masigasig kasi. maski na pinagtatabuyan na. haha. liban sa hinayupak na text niyang nagkabuhul-buhol (uhm..,it’s the thot that counts?), gusto ko xang magpursige hangga’t hindi niya naririnig sau ang salitang di dapat marinig ng mga lalakeng kumekerengkeng nang todo-todo. go go go mharlon! kaya mo yan. lol!
[Reply]
January 29th, 2009 at 5:32 am
naboner nga sayo hek3…:)
naaning ako sa txt nya.visaya ba yan si dong mharlon na yan ..
at tlgang may H pa ano kayang kinaganda ng H sa name nya :)
boner
boner
boner
xa..
[Reply]
January 29th, 2009 at 5:48 am
asar din ako sa mga pinaliguan ng H ang mga text msgs… feeling ko kung babae siya, siya yung pinaka-aasaran kung tipo ng babae.. at kung lalaki siya, sigurado akong bading siya at kung hindi man, di magtatagal marerealize nya rin yun… cheers;p-glesy the great
[Reply]
January 29th, 2009 at 7:49 am
*nosebleed* grabe.. speechless. ^^
ps: exchange links naman tayo. kelangan ko ng suporta. ^^
[Reply]
January 29th, 2009 at 2:08 pm
ba’t kase ganyan ang mga lalakeng nagkakagusto sayo?! sos yan.
malapit na balentayns. sad. hehe. asan na ba yung love interest mo?
[Reply]
January 29th, 2009 at 11:55 pm
ako nga di pa kita nakikita… … wala lang. hehehe.
geh geh. hahaha.
[Reply]
January 30th, 2009 at 1:01 am
pati bading na-boner. yay!
uu nga parang bading nagttxt sau ah. (sabi na nga naboboner din ang bading) lols
parang glitter txt lang -haha benta sakin toh :P
[Reply]
January 30th, 2009 at 2:57 am
may mga lalaki ngang ewan..di naman bading pero parang ewan magtext..mas maarte pa sa babae..yung iba nga nag e e xoxo pa sa fster..yung iba naman ang hilig hilig nga sa glitter text at ewan.waw naman yun..
[Reply]
January 30th, 2009 at 8:33 am
Nako…. binubutuhan ako… hahahaha
[Reply]
January 31st, 2009 at 6:07 am
oi SCL-xG, bat ganun, isang araw lang tayong nawalay sa piling ng isa’t isa, may secret lover ka na? pano na mga plano natin? pano naaaaa?
[Reply]