hello self

welcome to chiksilog. this is the first and probably the last post for 2009. edit or delete it? its my choice or better yet–i will just stop blogging!

paano ko ba sisimulan ito?

ibahin niyo ako. hindi ako katulad ng mga nakararaming ordinaryong blogger na magsusulat ng year end entry sa simula ng taon–pero inaamin ko: gumawa ako niyan kaya lang, ewan ko kung ano ang nangyari.

palagi kong sinasabi na ako at ang blog ko ay iisa kaya nung dumating sa punto na mawala ang datkom sa hindi ko mabilang na araw at sa hindi ko malamang dahilan–para rin akong nawala sa sarili ko. hindi ko alam kung sino na ako at para bang wala akong kalamanlaman. ubos. sagad. isang hangin na lumulutang sa himpapawid na maaaring nangangahulugang meron akong wala. pakiramdam ko ang tanging silbi ko lang ay ang umihip para magbigay buhay sa iba.

ngayon, hindi ko alam kung saan ako lulugar sa parehong paraan na hindi ko rin alam kung saan ako patutungo.

naisip ko, balewala lang pala ang pakikipagkaibigan ko sa inyo dito sa blogosphere dahil sa hindi naman ninyo ako madadalaw sa burol ko oras na mamatay ako. malamang, hindi niyo rin naman malalaman kung patay na ako. hindi naman ako pwede magsend ng twitter o plurk update para lang ipaalam ko sa mga dakilang sarili niyo kung saan nakahimlay ang aking mga labi. hindi rin naman ako pwede maglabas ng entry patungkol sa kung paano ko ginilitan ang leeg ko gamit ang thumbtacks. uunahin ko pa ba kayo kesa sa natural decomposition process ng katawan ko? siyempre, oo.

scheduled post siguro pwede pa. cool.

hindi naman ako manhid. maraming naging mga senyales ang bathalumang sinasamba ko para ipaalam sa akin na dahandahanin ko muna ang mga bagaybagay. hindi ko sasabihin na kamalasan ang lahat ng nangyayari sa buhay blogista ko, ipagpalagay na lang natin na hindi ako mapalagay. ayokong sabihin na iresponsable akong blogista pero mukhang ganoon na nga ang lumalabas. hindi niyo alam kung ano ang mga pamamaraang ginawa ko para lang maibalik ang nawalang parte ng datkom, ang naglahong piraso ng pagkatao ko. alam naman ng lahat na hindi talaga ako sanay humingi ng tulong sa kapwa ko dahil masyadong mataas ang pagtingin at pagpapahalaga ko sa sarili ko. totoo talaga na walang taong nabubuhay para sa sariling kapakanan at ang isang patunay niyan ay heto na–dumating na ang pagkakataon na mapapatunayan ko na merong handang tumulong para sa datkom.

walang iba, kundi ako rin.

pansamantalang mananahimik muna ang datkom mula sa magulong mundo ng intarwebs hanggang sa makakita ito ng tamang timing na sakto sa oras ng kanyang muling pagimik. hindi muna ako makikiagaw eksena at bibigyan ko ng wastong panahon ang mga bagong sibol na blogista na gumawa ng pangalan para sa sarili nila. ibinabahagi ko rin sa mga kaaway ko ang taos pusong putangina niyo at bahagyang atensiyon na nakukuha ko, inyo na ang pagiging sikat–di ko kailangan niyan. sa mga tunay kong kaibigan? alam niyo na kung saan ako matatagpuan. sa mga may kras sa akin? libre niyo naman akong sine.

hayaan niyong hahanapin ko muna ang datkom. bigyan niyo ako ng pagkakataon na hahanapin ko ang naliligaw na sarili ko. hindi ito pagtatapos o pamamaalam dahil kahit kailan, kahinaan ko ang magbigay wakas sa mga lathala. kailangan ko lang munang gawin ito.