dear amo

13 Comments »

oh, ano ka ngayon? gusto ko lang sabihin sa iyo na sa labas ng gerbis, wala kang kapangyarihan na utus utusan ako pero dahil sa ginanap sa loob ng bahay mo yung inuman, sa mismong teritoryo mo–pagbibigyan kita. nawalan ako ng pagasa na magangas angasan lalo na at napakalakas ng presensiya mo.

nasalubong kita na nasa harapan ng bahay niyo katabi ang videoke machine na inarkila para sa pagdiriwang ng kaarawan ng kapwa ko alipin. malayo pa lang, nagparinig ka na ng masilayan ako sa kanto. sakto, alam na ng buong baranggay niyo na gumagana ang vocal chords mo at malaki ang diaphragm mo. sinabihan mo ako na ipasok ang machine para masimulan na ang rakenrol. alam mo naman na puny person ako diba? weakling ako. kagagaling ko nga lang sa dengue at nagpasa ako sa iyo ng medical certificate patunay nun diba? higit sa lahat amo, kung hindi obvious–babae ako. malay ko ba sa siyensa ng tamang paraan ng pagbuhat ng videoke machine para ipasok sa loob napakaliit na bahay mo? hindi hinubog ng bathalang sinasamba ko ang aking napakagandang katawan para magbuhat lang ng kasangkapan mo. lalong lalo namang hindi ako nilalang para paglingkuran ka gamit ang natitirang kong lakas sa labas ng opisina.

hindi kita pinansin at diretso lang akong naglakad patungo sa pintuan. pumasok ako sa bahay mo pero ano ang napala ko? umupo ako sa sahig dahil wala kang sofa set. ang laki ng sweldo mo sa gerbis wala ka man lang pambili kahit kahoy na bangko na gamit sa paglalaba? i hate your life. kung sa bagay, nagpapalaba ka nga naman pero hindi iyon ang isyu dito. huwag mong ibahin ang usapan. hindi iyan ang dahilan ng pagputok ng butchi ko, pagkulo ng dugo ko, pagsakit ng batok ko at pagkalam ng sikmura ko.

siguro nilapastangan ka nung kabataan mo–minolestiya ka ng mga kalaro mo dahil hindi ko talaga maintindihan ang punto kung bakit kailangan lahat ng ilagay kong kanta sa videoke machine, ikaw ang kakanta. ayos lang kung isang kanta pero lahat ng ilagay ko? hibang ka. hindi naman magkatulad ang pangalan natin para magkaroon tayo ng parehong tadhana at sa pagkakaalam ko, hindi rin tayo magkamukha para magkataon na magkaroon tayo ng parehong paboritong kanta.

ang hirap magisip ng magandang kanta, yung bagay sa malamig na boses ko. sa tulad kong ipinanganak na may hindi matalas na memorya, trabaho para sa akin ang alalahanin ang mga kantang taos sa aking puso. mahina ako sa alpabeto at iyan ang rason kung bakit nahihirapan akong hanapin ang pamagat ng mga kanta sa songlist na kulang sa pahina at may bulok na pagkakasunod ng titulo. nakakatamad tumayo at nakakabagot lumakad papunta sa makina para makapaginput ng song. ayaw ko rin tumipa ng mga number dahil hindi ko alam kung ano ang susunod na pipindutin: kung play, insert, enter, alt f4 o ctrl alt delete.

higit sa lahat–gawin mo na kahit ano pa ang naisin mo, yurakan mo na pagkatao ko pero huwag mo lang ako agawan ng mikropono habang damang dama ko ang pagawit ng breathless ng thecorrs. malamang, meron ka ng maikukuwento sa mga apo mo–kung paano ang pakiramdam ng may nakatanim na mikropono sa bungo.

ano napala ko? kumanta ako ng walang microphone. pinagmukha mo akong retarded na hindi nakakainom ng gamot at otistik na may sariling mundo. hindi ko makakalimutan ang ginawa mo sa akin. noon lang nagdilim ang paningin ko–kasi gabi na pala. tandaan mo: tamang karma ka lang, bitch.

« Previous Entries