gourd

ChuvaChooChoo, Kill The Cat, Teh Life, xGMonologues

isa sa mga pinakaayaw ko ay yung mga tao na nagsasalita pero di naman nila alam ang mga pinagsasasabi nila.

BITTER DAW AKO.

paano ba natin binibigyang kahulugan ang salitang bitter? ano ba tagalog ng bitter? mapakla. mapait. ah basta, ang pangit ng lasa–parang yung luto ko lang.

ang galing. ang galing galing ko kumain pero hindi ako marunong magluto. ako lang ba o nabawasan ng 3 ang may kras sa akin sa blogosphere dahil sa nasabi ko?

aaminin ko, nalilito na rin ako sa kung ano ba ang ibig sabihin niyang salita na iyan.

ang iwasan siya?

ang huwag siyang kausapin?

ang burahin siya sa list sa yahoo messenger?

ang tanggalin siya sa phonebook ng cellphone?

ang baguhin ang mga kanta sa playlist sa mp3?

ang maging masaya para sa kanya kahit sinaktan ka?

ang balewalain ang balita na hindi sila nagkatuluyan nung dapat na liligawan niya?

kung gayon, bitter nga ako. teka. hindi ba nakakatawa talaga yung balita na hindi sila nagkatuluyan nung dapat na liligawan niya? i know, im rude and thank you for noticing.

wala kayong karapatan na sabihing mali ang isang tao sa pinili niyang paraan para maghilom. hindi niyo alam ang nararamdaman ng mga taong palihim na nasasaktan. hindi niyo alam ang pinagdadaanan ng mga taong ito. aanhin ang panghuhusga? kahit kailan, hindi iyan makakatulong.

23 Responses to “gourd”


  1. bwahahaha

    call mo si mama sam go.. lol

    namiss kita xg.. buti nakalabas ka na ng ospital

    nobody does this better than saminella hhaha

    [Reply]




  2. bitter gourd? hahaha.

    ganian talaga. nagiging bitter naman tayong lahat. dumadaan tayo lahat sa phase na yan.

    and oo. asa stereo-love.co.cc lang ako lagi..

    namiss kita XG!

    hindi lang naman sa relationship nakakaramdam ng bitterness. doon ka pa rin pala sa co.cc? kala ko nasa tumblr ka na hinahanap ko nga yung link e. hahaha

    [Reply]




  3. at nakakainlab ang profile mo ate!

    anong profile? yung dito sa datkom?

    [Reply]




  4. welcome back Xg…nabalitaan ko ang nangyari sayu…sayang indi ako nakabisita..char

    kahit kailan indi ako naging bitter…

    kahit alam ko..

    iba ang laman ng puso mo..

    hindi mo naman talaga ako bibisitahin. ikaw lang ang mahal ko maldito. sos. kayo lang ni romydiaz at ni badoodles. hahaha

    [Reply]




  5. panalo! ginawa ko ang unang apat kamakailan lang. Malamang eh bitter nga ako.

    paborito ko ang huling paragraph!!! Haays lecheng mga lalaki talaga!

    Magbabalik…

    kahit kailan sakit ng ulo talaga yang mga lalake na yan! hahaha. lahat naman yata ginawa yung naunang apat

    [Reply]




  6. Musta ka naman? Nababasa ko lang ang condition mo sa mga YM statuseseses. Anyway, isa siguro sa paraan ng pagcope ang pagiging bitter.

    Kung anuman ang paraan mo, ikaw ang nakakaalam kung anong mas makakapagpabuti ng nararamdaman mo.

    defense mechanism lang nga yung pagiging bitter.

    [Reply]




  7. hindi niyo alam ang pakiramdam ng mga taong palihim na nasasaktan. — totoo nga naman. pero hmm.. yun ba talaga yung batayan nang pagiging bitter?

    alin ang batayan? yung mga nauna kong nasabi? hindi. madami pa. sample lang yun ng mga pinaggagagawa ko hahahaha

    [Reply]

    Noime

    hahahaha. madami pa ba. bwahahaha.

    oo. tulad ng hindi ko pagpunta sa blog nila. mga ganun. iniiwasan ko sila sa mga events. hahaha

    [Reply]




  8. “Iyon lamang nakararanas ng mga lihim na kalungkutan
    ang maaaring makakilala ng mga lihim na kaligayahan.”
    – Genoveva Edroza-Matute, Ang Kwento ni Mabuti

    hehe…wala lang..

    bakit parang ang manyak ng dating? hahaha

    [Reply]




  9. bitter gourd..di ba yun yung ampalaya?nakoww!di ako magaling sa ingglesan ng mga gulay.hehe

    nung una i admit di alam talaga ang salitang “bitter” bilang term sa isang nasasaktan out of a relationship. i have the same questions in mind like you do, pero later on nung na-experience kona talaga kung paanong madaya ang feelings by someone else whom i thought i could trust and love forever, unti-unti nag si-sink in sa utak ko yung salitang ‘bitter’.

    tsk tsk. hindi bat nakakalungkot?

    [Reply]




  10. ako nga sobra sobra pa dun sa na-unang
    apat yung ginawa ko e^^

    higit pa siguro sa bitter ang tawag sakin..
    tae..talaga!n_n

    higit pa sa bitter? bitterssss.

    [Reply]




  11. sya sya sya….
    bitter na kung bitter.
    eh anonaman dibah?

    BURAOT! wala lang gusto ko lang itype ng capital letters ang pangalan mo. cool noh? haha. musta ka na? sos. salamat naman at napadpad ka dito sa datkom. oo nga. e ano naman kung bitter ako? uso kaya yun. haahaha

    [Reply]




  12. ako din bitter. bitter pa din kay papa nap. pano hindi man lang siya napasakin. shet.

    pero keri lang. madami pa naman fafa dyan. haha.

    jusko naman mia pumili ka nga ng matino! yung walang kamukha. haha. minsan kahit maraming lalake diyan sa tabi tabi yung puso mo sa iisa lang talaga tumitingin

    [Reply]

    mia

    oo ang puso ko ay para lang kay nap. haha. kaso kamukha talaga ni toot. hahaha :)

    ang taba nga e potah parang buong frame ampotah e puro pisnge ampotaaaaahahaha.

    [Reply]




  13. abs

    herbs

    [Reply]




  14. Hello!

    na eenjoy ako sa mga sini=usulat mo. pareho tayong bitter… ang apit mare. nagtapat pa naman ako patos dinedma lang.. It hurts you know…

    sige balik balik ka lang dito

    [Reply]




  15. one bitterness on the go, please! :)

    inorder. oh, iyo na. catch!

    [Reply]

    hukombitay

    ooops… u missed! :)

    siguro kasi hindi talaga para sa iyo ang maging bitter. maging masaya ka.

    [Reply]




  16. oo nga… sana paalam niyo naman na alam niyo na na lihim niyo silang nasaktan. garabe…

    ano daw?

    [Reply]




  17. normal lang naman yata yun. kapag nagmahal ko ay may gusto ka na hindi mo nakuha.

    tao ka lang xG. tandaan mo yan :)

    ehem. gumagandang tao ako. tandaan mo yan. hahahaha

    [Reply]




  18. there’s nothing wrong in being bitter. remember, medicines usually taste bitter but it makes you well :P

    hahaha la lang :D
    hellffff
    ayan xg balik blog na ulit ako.hahaha

    i know there is nothing wrong with being bitter but the people around you seems to treat you in a different light. oo mabuti naman balik blog ka na e paano kasi kurismas bekeysyon.

    [Reply]




  19. Hmmm I can relate to this post! as in!
    Minsan talagang ganyan ang ibang tao! mahilig mag isip ng kung anu-ano! parang mas kilala pa nila tayo kaysa sa pagkakakilala natin sa sarili natin….

    and BTW! See yah soon xG! :)

    san ba tayo magkikita?

    [Reply]




  20. jan tayo sa Pilipinas magkikita!
    Tanungin mo mga campaign managers natin na si Hener at Kokey! Sabi nila sila bahala sa venue eh!

    alam ko dito tayo sa pilipinas magkikita. sos. parang major life event naman kasi yung magaganap. venue talaga ang tawag? haha. bahala na kayo. basta ako na yung pupunta. magtext lang kayo.

    [Reply]



Leave a Reply