david cook

pahingi nga ng blade–yung mapurol at may kalawang. maglalaslas lang ako saglit.

“there is a lot of pressure when you are in a strong squad and you know that you must play well each week to keep your place.”–Aleksander Hleb

hindi ko na yata kaya sa gerbis. kung sino ang nagsabi na bawal magpuyat sa tanghali, magpakamatay na siya dahil puyat ako sa tanghali–palagi. mapapaaga talaga ang taning ng buhay ko dahil diyan. napapagod na ako. nanghihina. ayos lang na makatulog sa biyahe ng bus pero hindi normal yung lalagpas ka sa dapat mong babaan dahil bukod sa nakatulog ka sa bus, nawala na ang alerto mo sa katawan. isa pa, ayos lang na may kumpetensiya sa trabaho pero hindi yata maganda sa kaluluwa yung araw araw nakikipagpaligsahan ka lalo na kung alam mo kung hanggang saan lang ang abilidad mo. hindi magaan sa kalooban yung papasok ka sa trabaho para lang sukatin ang kakayahan mo base sa kakayahan ng iba. sa gerbis, hindi sapat na perpekto ka lang–dapat mas magaling ka pa sa perpekto. nadidismaya ako sa nagiging resulta ng mga ginagawa ko sa trabaho. sa lahat ng ito, ang pinakaaayaw ko ay kulang ang suportang moral na ibinibigay ng amo ko. mali. kalimutan niyo yung kababanggit ko pa lamang na pangungusap dahil ang totoo, walang ibinibigay na suportang moral ang amo ko. ang mas masakit pa, imbes na matulungan niya ako lalo niya pang ibinababa yung natitirang kakapiranggot na tiwala ko sa sarili ko.

“pressure and stress is the common cold of the psyche. –Andrew Denton”

nalalaman ang ugali ng tao sa kung paano siya bumuo ng tanong. naiirita ako kapag may naririnig ako na nagtatanong kung birhen pa ako. ito ang isa sa mga pinakabobong tanong na naengkwentro ko bukod sa tanong na kung bakla ba si piolo pascual. masyado kasing mapanghusga at mapangutya ang katanungan na ‘virgin ka pa ba?’ kaya eto, bigyan ko kayo ng teknik.

xienahgirl, sexually active ka ba?

ayon oh, tumeteknik. talagang may nalalaman pa akong teknik teknik? aminin natin, mas maganda iyan pakinggan kaysa sa naunang tanong. hindi halata na nagtatanong ka lang dahil naghahanap ka ng makakamot. nagaalala ako dahil sa edad kong ito, bakit hindi pa ako magkaroon ng boypren? madami namang mga lalake diyan. hindi ko pa siguro nakikitang pangangailangan ang pagkakaroon ng boypren. sa totoo lang naaalala ko lang naman na malungkot akong nilalang sa tuwing nakakakita ako ng dalawang tao na magkahawak ang kamay. kapag ganito nilalagay ko na lang yung kamay ko sa bulsa ko–sa back pocket para cool. kunwari mainit din yung palad ko. napapansin ko rin kasi na sa panahon ngayon parang lahat ng nasa paligid ko nakatikim na ng luto ng diyos. hindi ako makasali sa usapan ng mga kaibigan kong plastik. natatameme na lang ako dahil wala akong kahit anong karanasan na maibabahagi tungkol sa mga bagay na ganyan. nakakaramdam tuloy ako ng pressure para subukang makilasap sa kung ano nga ba ang lasa ng putahe ng panginoon. huwag kayong magalala, mararanasan ko rin iyan pero hindi muna sa ngayon. after 5 minutes pwede na siguro. ok, fine. sige, 10 minutes.

change topic.

“don’t ask me how I do it. it always come out of me under pressure”. –Stanley Matthews

kakapal ng pagmumukha ng mga ito. maangmaangan pa? oo, kayo. salarin kayo kung bakit ako nakakadama ng pressure sa blogosphere. alam niyo na iyon. paulit ulit na lang. ayaw ko ng paulit ulit. ayaw ko ng paulit ulit. ayaw ko ng paulit ulit. ayaw ko ng paulit ulit. ok? ok? ok? ok? pakiramdam ko kailangan ko lagi magkaroon ng magandang entry. dapat lagi akong may bagong ginagawa. hindi ako dapat nawawalan ng isyung pinapaliwanagan. mas inuuna ko pa nga ito kaysa sa trabaho ko sa gerbis. kung sa bagay, ito naman talaga ang gusto ko kaya lang pakiramdam ko para akong isang specimen na nakalagay sa slide tapos nasa ilalim ng microscope. lahat nakatingin sa akin, pero ayos lang–trip trip lang talaga yan.

“under pressure, people admit to murder, setting fire to the village church or robbing a bank, but never to being bores. –Elsa Maxwell”

isa sa mga hindi nakasulat na batas ang pagtupad sa obligasyon ng mga anak sa pamamagitan ng pagtulong sa pamilya. hindi naman talaga ako obligado na makihati sa gastusin sa pamilya–pero gusto ko. sa simpleng bagay lang na iyon ko naipaparamdam na mahal ko sila. ang hirap gastusin ng pera na pinaghirapan ko pero wala akong magawa dahil kailangan ko bumawi sa lahat ng mga pagkukulang ko kahit sa pamamagitan lang nito. pakiramdam ko ang laki ng kasalanan ko sa magulang ko dahil sa hindi ko natupad yung kagustuhan nila na makapagtrabaho ako bilang nars. nagkakamali kayo kung iisipin niyo na ayaw ko maging nars. lapastangan kayong matatawag kung iisipin niyo na wala akong ginagawa para matupad ko ang simpleng mithi nila. kaligayahan ko ang kaligayahan nila. ngayon hindi ko alam kung paano ko magiging masaya dahil sa kasasabi ko pa lang na mga salita.

“pressure is a word that is misused in our vocabulary. when you start thinking of pressure, it’s because you’ve started to think of failure. –Tommy Lasorda”

kung susumahin, iisa lang naman ang kalalabasan nito: ako ang nagbibigay ng pressure sa sarili ko. ako ang pinakamahigpit kong kalaban. normal lang naman ang pressure sa buhay pero kung iintindihin ko ang lahat ng ito–malamang bumula ang bibig ko at bigla na lang akong matumba mula sa kinatatayuan ko. talo ako. hindi ako nagpapatalo. hindi ako sanay ng natatalo. saka, hello? ang ganda ko kaya. kung iisipin ko yan baka wala ng maganda sa blogosphere. wala ng maganda sa valenzuela. wala ng maganda sa pilipinas. wala ng maganda sa earth!

ako pa? kakayanin ko ito, sana.




39 Responses
  1. stress. pagod. stress. pagod.
    wag mong kakalimutan ang kalusugan mo ate x.
    ang beauty! :)

    kaya mo yan. kakayanin. :)

    kalimutan na ang kalusugan basta maganda ako! hahaha.

    [Reply]



  2. uh oh di ako makapgpost ng commet

    commet? di naman talaga pinopost ang commet. haha

    [Reply]

    FerBert

    adik to.. hahaha

    wag kang tumikim ng luto ng dyos sinasabi ko sayo.. wag muna ngayon.. saka na pag si JLC na ang boypren mo..

    selfish ka! palibhasa ikaw e naexperience mo na. haha. kung aantayin kong maging boypren ko si jlc e magiging matandang tigang na talaga ako forever! haha

    [Reply]



  3. wahahaha! ang tipid sa real estate ng layout, boss!

    nasan na yung “back to home” link? naliligaw na ako!

    haha… pagdating sa trabaho, ginagawa ko lang lahat ng kaya ko. kapag magustuhan ng iba, edi okay. kapag hindi, edi sipain nila ako palabas, for all i care. kapag may naiinggit, tangina niya… mag-ipon na lang siya ng utot.

    mayaman ako, hindi ko kelangan ng kakapiranggot na sinusweldo nila sa akin! hahahaha…

    pangit ba yung layout? sagutin mo akooooooo. haha/ walang back to home. redundant yun. either home o back lang. hahaha. sa hirap maghanap ng trabaho ngayon alam ko sinasabi mo lang yan. haha. mayaman ka? pwes magpakasal na nga talaga tayo. go. haha

    [Reply]



  4. pressure is just a state of mind! :D

    everything is just a state of mind

    [Reply]



  5. tama ka, ngayun alam ko na kung bakit ako napre- pressure. dapat lagi lang akopng cool? ganun? asar naman! well at least alam kong di ako nagiiisa di ba?

    minsan kailangan mo rin ilabas. tulad halimbawa ng pagsapak sa boss mo. makakatulong yun as stress reliever. hahaha

    [Reply]



  6. wow. nakakamiss magbasa dito.

    ang mako-comment ko lang ay, don’t do anything because other people said so, do it because you want to.

    mwahugsz. hinahanap ko si david cook sa buong entry. wala pala. :D

    miss tisay. kamusta? haha. akshuli isa yan sa mga nakakalimutan ko na. i am not working sa gerbis for myself anymore. nagtratrabaho na ako para maging masaya ang boss ko. wala si david cook dito. haha. bandwagoner lang ako tulad ng iba. hahaha

    [Reply]



  7. Err… Bakit David Cook ang title? Hahaha.

    Ang masasabi ko lang siguro eh kailangan mo matuto mag-prioritize. Hindi ko naman sinabing hindi ka marunong, hehe. Pero alam mo na ‘yun, dapat ‘yung mga hindi naman dapat ka-stress-an eh wag mo na pansinin.

    Kaya mo ‘yan, xG. Go go go!

    Naghihintay akong may lumabas na kahit ano dito sa right side ng blog mo. Hahahaha.

    prioritize. tama. dapat sex unahin ko. salamat. hahahaha

    [Reply]



  8. nobody can make you inferior unless you let them. hinga lang ms xienah girl. ung malalim. pasasaan ba’t lulutang ka rin.

    oo. minsan nakakalimutan ko na nga huminga. wala naman nagpapadama sa akin na mahina ako. ako lang talaga yung nakakaramdam kasi magagaling yung mga katrabaho ko. yung boss ko? boss yun e. siyempre inferior talaga ako sa kanya. hahaha

    [Reply]



  9. nakakaistress talaga ang trabaho. tsktsktsk. pero keri lang yan. masasayang ang ganda mo. :P bwahaha.

    oo nga. yung ganda ko lang naman talaga ang puhunan ko sa lahat

    [Reply]



  10. Ur d man! este gurl! o watever nalang!

    kaya nga para sakin soulmate kaw lang ang babaeng indi nagpapatalo…at laging walang white flad tuwing gyera..

    thats the spirit xiena..

    thats the spirit of xmas!

    parang kasariang di tiyak lang ako diba? haha. mahal talaga kita maldito. haha.

    [Reply]



  11. Wag mo na lang intayin ang panahon na kailangan mo pang bayaran ang luto ng diyos para lang makatikim ka.

    isa pa yan sa kinakatakot ko. sa palagay mo talaga aabot talaga sa punto na wala ng gusto makipagsex sa akin? sheeeeet. afraid. hahaha

    [Reply]



  12. ang masasabi ko lang ay tikman mo na ng tikman. haha.,

    PS. BAKIT DAVID COOK????

    yan ang gusto ko kay miang e. naiintindihan ako. go girl! haha

    [Reply]

    FerBert

    napakalandi nitong mia na to.. haha

    dapat talaga nagdididikit ako kay miang e

    [Reply]

    mia

    syempre. hahaha

    tama!

    [Reply]



  13. ang pag-ibig hinihintay yan. antay ka lang. malay mo, nag-aantayan lang pala kayo :D tanggapin mo na ang lahat ng stress sa mundo alam mo kung bakit? dahil kapag nirarayuma ka na, mamimiss ko na rin ang lahat ng mga bagay na ginagawa mo habang malakas at bata ka pa.

    hindi ako naniniwala na patience is a virtue. ang motto ko ay if there is a will there is a way. haha. mukhang hindi ko na yata aabutin yung panahon na rarayumahin ako haha

    [Reply]



  14. ano nga pala ang relasyon ni david cook sa post mo?

    hahahaha. wala kaming relasyon ni david cook

    [Reply]



  15. cook= luto ng Diyos.

    basta ganyang trip lang..aahhaa

    hahaha. napakaimaginative mo talaga!

    [Reply]



  16. naguilty naman ako dun sa “salarin kayo kung bakit ako nakakadama ng pressure sa blogosphere”. aminado naman ako na lage ko ngang ineexpect ang isang napakagandang entry mula syo kaya nagbabasa akong blog mo. at sa minsanang pagdalaw ko dito, hindi pa naman ako nabigo. pero siguro, wag ka din matakot na minsan may mga taong madi-disappoint. it’s all part of life! pero sa tingin ko naman, sa galing mong yan, malabo mong madisappoint mga readers mo (leche! dagdag pressure pa ko neto!) iba na nga lang…

    yang mga taong nagtatanong nga kung virgin pa ang isang tao, minsan, utak ampaw! hmpf! in this day and age, importante pa ba yun? o defensive lang ako?? hahaha!

    kung may tao man na hindi ko makuha ang gusto wala akong pakealam sa kanila. hindi naman ako binabayaran para pasayahin ang kahit sino. nagbasa kayo. maganda. nagustuhan niyo. mas maganda. bonus lang ang lahat. mahalaga pa rin naman ang virginity para sa akin. ayos lang din kung hindi mahalaga sa iba. respetuhan lang. ganun.

    [Reply]



  17. stress na stress na rin ako! ayoko na ng nursing. totoo man.

    basta take care of yourself ate. sayang ang beauty. naman.

    magshift ka na sa ibang course! haha

    [Reply]



  18. naku mare.wag muna tikman ang luto ng diyos.pagperpek na ang lahat, pwede naman un initin uli (reheat).. wehehe… meron akong kilala ngaun na suicidal dahil,tinikman ang luto ng diyos ng wala sa oras.napaso.aun, pati ako sumasakit ang ulo sknya.wehehe…

    hmmm.. kahit stressout at pressured, laging mag bitamina ha?? hay, gusto ko na rin takasan ang propesyon.kaso hindi pwede..hay.. tc!!! miss na kita!!

    nako. ang dami naman na talagang nakakatikim ng luto ng diyos. hahaha. nahuhuli na ako sa uso. eto kakabili lang ni papa ng vitamin c. takasan na yan. tara. magsipagasawa na tayong lahat

    [Reply]



  19. so nars ka rin pala!!! yaan mo makakatikim ka rin ng luto ng diyos kumpleto rekado pa! cheers;p-glesy the great

    may iced tea? ayos.

    [Reply]



  20. Ganyan talaga ang buhay ms.xG.
    Lahat ng tao dumadaan sa ganyang pagsubok ng buhay.
    Lahat ng tao nahihirapan.
    Lahat ng tao ng iisip.
    Lahat ng tao nagtatanong.
    Lahat ng tao tumatae.

    Pero isipin mo na lang isa lang yan pagsubok sa buhay.
    “Time is the best healer”
    Punta ka lang sa isang sulok at ubusin mo ang oras sa pagiisip ng mga bagay tulad ng pagbabago sistema ng bansa sa pamamagitan ng Cha-Cha.

    Palalagpasan mo rin yan pagsubok na yan.
    Ang luto ng Diyos nandyan lang sa gilid,kung kailangan mo na,i am always available.Joke

    br,

    wala akong naintindihan. hahaha

    [Reply]



  21. ice lang yan… wag ka lang magddrugs. apir!

    muntik na nga ako magdrugs kamo hahaha

    [Reply]



  22. pag may problema sigaw ka lang ng Helfff.

    missyou katams :P

    katams goodluck this semester

    [Reply]



  23. alam mo ang isang magandang gamot sa stress ?
    breathing….
    pagnararamdaman mong naii-stress ka, inhale ka sa ilong, exhale ka sa bibig, gawin mo ng mga 1 minute….yung inhale mong hangin hwag mo sa lungs padaanin, dapat sa diaphram….mararamdaman mong mawawala yung stress sa katawan mo.

    hwag kang mainip na makatikim ng luto ng dyos…dahil oras na nakapag asawa ka na, sigurado maya’t maya kang makakatikim nun at malamang maumay ka na…LOLs

    masyado ka namang teknikal. ahaha. paano kung sa tearducts ko padaanin di na pwede? haha. makapagasawa na nga kung gayon! haha

    [Reply]



  24. alam mo ang isang magandang gamot sa stress ?
    breathing….
    pagnararamdaman mong naii-stress ka, inhale ka sa ilong, exhale ka sa bibig, gawin mo ng mga 1 minute….yung inhale mong hangin hwag mo sa lungs padaanin, dapat sa diaphram….mararamdaman mong mawawala yung stress sa katawan mo.

    hwag kang mainip na makatikim ng luto ng dyos…dahil oras na nakapag asawa ka na, sigurado maya’t maya kang makakatikim nun at malamang maumay ka na…LOLs

    masyado ka namang teknikal. ahaha. paano kung sa tearducts ko padaanin di na pwede? haha. makapagasawa na nga kung gayon! haha

    [Reply]



  25. alam mo ang isang magandang gamot sa stress ?
    breathing….
    pagnararamdaman mong naii-stress ka, inhale ka sa ilong, exhale ka sa bibig, gawin mo ng mga 1 minute….yung inhale mong hangin hwag mo sa lungs padaanin, dapat sa diaphram….mararamdaman mong mawawala yung stress sa katawan mo.

    hwag kang mainip na makatikim ng luto ng dyos…dahil oras na nakapag asawa ka na, sigurado maya’t maya kang makakatikim nun at malamang maumay ka na…LOLs

    masyado ka namang teknikal. ahaha. paano kung sa tearducts ko padaanin di na pwede? haha. makapagasawa na nga kung gayon! haha

    [Reply]



  26. Hindi maiiwasan yang pressure. Bahagi na ng sistema ng bawat tao yan. Kung pressured ka, pressured din sila, in diffrent ways nga lang.

    Kelan mo pala balak mapraktis ng propesyon bilang nars? Ako din nars, pero eto nasa kolsenter. Wala e. Pressured! :)

    gusto ko na rin magnars. tara nga magtayo tayo ng ospital. tayo tayo na lang. hahaha

    [Reply]



  27. wag mo kasing i-press para hindi ka ma-pressure…eheheh…joke lang..para maiba sa mga nagko-comment..hwahehe

    ang sarap mo sikuhin sa panga. haha. biro lang. hahaha

    [Reply]



  28. bakit david cook?

    sex is overrated. tama ng wag kang maging eksayted. may panahon din para diyan.

    parang lalo ako naging eksayted? hahaha

    [Reply]



  29. parehas kayo ni ate vanny ng sinasabi pag nastress.
    “kakayanin ko to, ang ganda ko kaya..”

    =)

    pareho talaga kaming maganda ng ate mo

    [Reply]



  30. parehas kayo ni ate vanny ng sinasabi pag nastress.
    “kakayanin ko to, ang ganda ko kaya..”

    =)

    pareho talaga kaming maganda ng ate mo

    [Reply]



  31. parehas kayo ni ate vanny ng sinasabi pag nastress.
    “kakayanin ko to, ang ganda ko kaya..”

    =)

    pareho talaga kaming maganda ng ate mo

    [Reply]



  32. hindi masarap ang luto ng dyos. wag ka nagpapaniwala kasi sa chismis. wag ka na tumikim xienah. duduguin ka lang at masasaktan.

    based on experience ba yan kay mrs gasti? lagot kaaaaaa. hahaha

    [Reply]



  33. tama ang sinabi mong ikaw lang ang nagbibigay ng pressure sa sarili mo xG. loosen up :)

    kelan ba ako nagkamali? hahaha

    [Reply]



  34. tapusin mo nalng tong taon nato (para makakuha ka ng libreng hamon) tapos lipat ka sa likes ng gerbis na regular hours ;)

    sos. bahala na. haha. isumbong mo pa ako kay papa hans porkenbins

    [Reply]



  35. speechless yata ako sa entry na’to. parang karanasan korin to ah!

    i enjoy the read…witty.

    kaya mo ‘yan!

    salamat naman at nagustuhan mo. balik balik ka lang

    [Reply]



  36. link you ha!:)

    salamat

    [Reply]



Leave a Reply