retreat

bigla ko na lang nakita yung mga bagay at gamit ko na nawawala noon–yung kahit saan ko hanapin hindi ko pa rin makita. sabi ng nanay ko, bibig ko daw yung pinanghahanap ko sa mga gamit ko. totoo naman. ugali ko talaga iyon. ang palusot ko: alam ko kung saan ko inilalapag at inilalagay ang mga gamit ko. oras na mawala yun sa kinalalagyan, ibig sabihin may nangealam sa pamilya.

natagpuan ko na yung mga luma kong gamit. mga stationery na kinolekta ko nung bata ako. mga damit na hindi ko pa nasusuot. mga sulat na binigay sa akin. napaluha ako kasi hindi ko na kailangan itong mga bagay na ito. nalungkot ako kasi nalaman ko na kaya ko pala mabuhay na wala ang mga gamit na iyon.

makakalimutin kasi akong tao at nagkakasya na lang ako sa pagtatabi ng mga basura–kumapit sa alaala. pakiramdam ko may attention deficit hyper activity disorder talaga ako. nagpopokus lang ako sa isang alaala tapos makakalimutan na yung iba pang mahahalagang bagay.

magandang balikan ang nakaraan pero hindi tama ang magpaiwan doon. hindi naman importante ang mga alaala para sa akin dahil nga sa makakalimutin ako. wala akong choice. kusa ko na lang nakakalimutan ang mga bagay. ang binibigyan ko na lang ng buong pagpapahalaga ay ang mga tao na kasama ko na gumawa ng mga alaalang iyon.




team xG

Alam ko hindi kayo nagpunta dito para makitsismis. Nandito kayo para kamustahin ako sa kung paano ko pinagdadaanan ang lahat ng ito.

Ang gulo gulo na ng blogosphere–parang perya. Napakalaki na talaga ng kinaibahan ng mukha ng intarwebs noong nagsisimula pa lamang ako at sariwang sariwa pa ang mga ideya ko sa kung ano ang merong katarantaduhan ngayon.

Sa gitna ng kaingayan na ginagawa ng lahat para mapansin ang gusto nilang mapatunayan, nakakatagpo pa rin ako ng kapayapaan sa piling ng mga kaibigan ko. Hindi nila nalilimutang tapikin ako sa likod para ipaalam sa akin na may nakaantabay silang suporta sa kung ano man ang magiging desisyon ko.

Walang tumapik sa likod ko nitong nakalipas na araw.

Kahit malamig na hangin sa batok ko, hindi ko naramdaman. Lumingon ako pero wala kong natanaw kundi anino ko lamang.

paano ako maghihilom kung ang mga taong inaasahan kong tutulong sa akin ay sugatan din?

Ngayon, binigyan nila ako ng napakagandang dahilan para umiyak. iyakin talaga ako, diba? Wala pala talaga sa likod ko iyang mga gagong yan dahil nasa harapan ko sila. Ang mga taong ito ang mismo at buong tapang na nakikipaglaban at nagtatanggol para sa akin.

hindi ako naapektuhan. Ito marahil ang dahilan kung bakit wala ako ng kahit anong galos o sugat–matibay ang pundasyon ng pananggalang ko na sa hindi inaasahang pagkakataon ay naging pinakaepektibong sandata ko rin.

Kaya pala nawalan ng tao sa likuran ko ay para mapilitan akong umatras ng isang hakbang para maiging tingnan at lubos na maintindihan ang mga nangyayari.

Kung hindi sapat na dahilan iyan para magpatuloy ako sa paglalathala siguro naman sobrang rason na ito para magpasalamat ako sa mga taong ito na hindi lalagpas ang bilang sa mga daliri ng isang kamay. Sila lang naman talaga ang pinakikinggan ko. Magdadadakdak na yung ibang bloggers diyan, pero hindi ako makikinig sa kanila. Namumukod tangi ang boses ng mga kaibigan ko. Nangingibabaw ang kanilang tunay na intensyon sa alon ng kaguluhan.

Hindi kailangan ng magtotropa ng paliwanag dahil kusa kaming nagkakaintindihan.

Ngayon kung hindi mo maunawan at maintindihan, isa lang ibig sabihin niyan. Ikaw yung kabaliktaran ng kaibigan. Sos. Ano ba namang kokote yan. Kabaliktaran ng kaibigan hindi mo alam? Eh di gankaibi. Acheche.

Tangina, ang corny ko ‘tol.

alam niyo na iyon. thanks much. :)




tampo
Comments Off

ok fine, uulitin ko yung title. tampo.

nagtatampo ako sa blogosphere at sa mga anak nito.

bago ang lahat pero luma pa rin ako, nais kong sabihin na putangina gumagana ang datkom sa pantry ng gerbis at lunch ko sa alas dos ng madaling araw. thanks.

nagtatampo ako sa mga bloggers. oo, inulit ko na naman.

nagtatampo ako sa kanya kasi hinahanap ko siya pero di ko siya mahagilap. hoy, hindi ko naman hinihingi yung buong araw mo–isang offline message lang tungkol sa tinatanong ko sa iyo sa palagay ko matatahimik na ako. sa bagay, mahirap nga naman yun. wala naman kasing send xienahgirl a private message button sa notepad.

nagtatampo ako sa kanya kasi tinetext ko siya pero sasabihin niya na abala siya. hoy, iyo na lahat ng stress sa mundo. bahala ka sa buhay mo. hindi mo na ako kailangan ipagtabuyan. alam ko ayaw mo ako makausap pwes the feeling is mutual understanding.

nagtatampo ako sa kanya kasi hindi niya man lang ako kinakausap tungkol sa isang bagay na imbolbs siya. ang kapal naman ng mukha mo. ok fine. sabi ko friend kita pero hindi na. binabawi ko na. pakyu.

nagtatampo ako sa kanya kasi siguro hindi ako ganon kasikat pa para maging karapatdapat na makausap siya. sikat ka e, diyan ka sa taas dito ako sa bahay namin. get mo? ako, oo.

nagtatampo ako sa kanya kasi hindi siya tumupad sa pangako. ayos lang, style mo yan e. paano ba yan? style ko rin na magtampo.

nagtatampo ako sa kanya kasi hindi niya na ako mahal. kala mo, makakahanap ako ng mas gwapo sa iyo, pangit na ito. nakahanap na nga pala ako.

one two three four five six. ayon. anim na bloggers pala kinakausap ko. ang gaan sa pakiramdam. gusto ko sana maghuramentado pero wag na, masisira yung hair do ko.

at hindi ako magpapakoment, maiba lang. leche.




« Previous Entries   Next Entries »