sos

Sangkablogosperyuhan, Teh Life, xGMonologues

Sira na naman ang sapatos ko. Ilang sapatos ko na nga ba ang nasisira? Sa huling bilang ko may apat na sapatos na ang nasisira ko sa loob lamang ng isang buwan. Tatanungin niyo ako: bakit nasisira ang sapatos ko? Wala naman sigurong ngipin ang mga paa ko para nguyain nito ang bawat sapatos na susuotin nito, hindi ba? Hindi ba?

Marami sa atin ang may kakayahang tumakbo pero hindi lahat ay may talentong tumakbo gamit ang sapatos na may 3pulgada ng takong. Oo, tama ang nabasa mo: sapatos na may 3pulgada ng takong ang ginagamit ko sa pagtakbo. Ngayon kung tatanungin mo ako kung bakit ako tumatakbo, iyon ay dahil sa mahuhuli na ako sa trabaho ko.

Kailangan ko pa ba talagang ipaliwanag na kaya ako kumakaripas ng pagtakbo ay dahil sa mahuhuli na ako sa trabaho? Hayaan niyo kapag may libreng oras ako, magensayo ako kung paano kumandirit. Wala lang, para masaya.

May nakita akong sapatos sa tokador ko. Matagal na ang sapatos na yun pero nagtataka ako kung bakit hindi ko siya ginagalaw mula sa kinalalagyan niya. umalis na ako ng bahay at matapos ang ilang oras na suot ko ang sapatos na iyon saka ko pa lang nalaman ang dahilan kung bakit hindi ko siya ginagamit–sira pala ang sapatos na yun.

hindi man lang nagsalita yung sapatos para sabihin na sira pala siya, tado talaga.

Nakakahiya kasi ang ganda ganda ng lakad ko sabay biglang naiwan yung takong ng sapatos ko sa gitna ng kalsada.

Huwag ka na magbiro ng tungkol sa mentos, matatadyakan kita.

Puro paltos na nga yung paa ko tapos kailangan ko pa bumili ng bagong sapatos.

hindi ko pa naibibili ng kahit ano ang sarili ko, siguro sapatos na lang para sa susunod na sweldo. hindi naman ako maselan pagdating sa mga sapatos, basta alam ko na malayo ang mararating ko gamit iyon–sakto. sa lahat ng nakakamit kong biyaya, masasabi ko na nasa lupa pa naman ang mga paa ko. ngayon ko lang napatunayan na kailangan ko lang talaga gumamit ng mas matibay na sapatos sa paglalakbay na ito.

dito sa blogosphere, sa palagay ko walang tao ang kayang punan at gugustuhing lumakad gamit ang mga sapatos ko. basta ang tanging alam ko, may hihigit sa akin sa larangan na ito.

9 Responses to “sos”


  1. yehey una ako. yehey!!! achibment na naman.lols

    yaks. hindi ka ba natatapilok kapag tumakbo ka nang mataas ang sapatos? mahirap nang mapilay eksgi. magingats.

    tutal nagtrabaho ako nuon sa isang high end store ng mga sapatos na panlalaki at pambabae, payo lang, kung bibili ka ng sapatos, unahin mo sa listahan ang comfort, tas style. maginvest ng mga ganung sapatos at yung mga tumatagal. :)

    [Reply]




  2. hmm… medyo malalim ata yung ibig sabihin ng huling paragraph.

    ako din, madalas, madaling masira ang sapatos. madalas ito ay dahil nakatayo ako buong araw, naglalakad at tumatakbo din kapag nauutusan ako ng aking residente.

    tara, shoe shopping tayo =)

    [Reply]




  3. Hello… Napagawi ako sa site mo… Anyways, para sa akin, bibili ka na rin ng sapatos, bumili ka na ng magtatagal… Although somehow, ang pagkamatibay ng sapatos ay may katumbas din na presyo… Pero diba, at least matagal mo na siya na magagamit…

    Ako, ok lang sa akin na bumili ng mahal na sapatos na alam ko naman na magagamit ko ng matagal…

    Sabi nga sa Meteor Garden, ahem, ang pinakamagagandang sapatos ang magdadala sayo sa pinakamagagandang lugar…

    Maganda,hindi ibig sabihin na magarbo, kundi matibay, comportable, at akma sa pangangailangan ng isang tao… ^_^

    [Reply]




  4. hindi din ako maselan sa sapatos. basta chuck taylor at vans pwede na. at basta hindi baba ng isang libo ang presyo pwede na din. at basta kelangan matibay pwede na din. at basta itim, puti, pula pwede na din. basta hindi orange o pink pwede na din. basta hindi sobra sobra ang allowance at hindi masyadong maluwag pwede na din. basta hindi masikip at ikamamatay ng kuko ko sa paa (alangan namang sa kamay) pwede na din.

    hindi ako maselan sa sapatos.

    bow!

    [Reply]




  5. nung nagduduty ako lagi akong nasisiraan ng sapatos kahit na mahal pagkakabili ko doon. every 3 months nasisira sapatos ko..

    dun ko din napatunayan na hindi dahil mahal ang isang bagay ay matibay na ito.. nasa tao pa rin yun. kung magtatagal ang isang bagay o hindi

    [Reply]




  6. may sapatos akong 200 pesos pero kahit anong takbo at lakad ang gawin ko, di pa natatanggal yung rubber nung takong niya. talo pa yung 800 pesos na isang linggo palang, nagtanggalan na.

    [Reply]




  7. mag flipflops ka nalang mas ok. make it an office trend LOL! XD

    [Reply]




  8. Tama si horhey, magchinelas ka na lang. Baunin mo na lang sa bag yung sapatos mo tapos magchinelas ka papasok. Tapos magchinelas ka din sa opisina.

    [Reply]




  9. ngayon lang uli nakapagkomento.wehehe..

    talento ung 3inches tapos tatakbo.sus ang hirap nun aralin.wehehe…

    ako sira na rin sapatos ko.kaso wala pang pamalit, wala namang takong, at sneakers duty shoes lang naman un..

    [Reply]



Leave a Reply