phantom
basag. basag na basag ang pula ng itlog ko.
may karas ako sa gerbis at itago na lang natin siya sa pangalang [danny phantom]: maamong mukha, payat, maputi, matangkad, chinito, matangos ang ilong at maangas. teka. kailangan ko muna alamin kung matalino. mahalaga kasi sa akin na matalino ang lalake. magpapabola lang din naman ako, sa matalino na diba? akshuli madami akong karas pero eto yung tipo ng krasness na pwedeng magkaroon ng malisya habang sabay kaming nangangarap na bumuo ng aming pamilya.
matapos ang dalawang buwan, sa wakas may magandang dahilan na ako para pumasok sa trabaho at si mr phantom iyon. sa palagay ko nga siya na yung inaantay kong swerte sa buhay ko. parang ungas lang kasi si kupido–habang pauwi na ako mula sa trabaho at pasakay na ako ng bus, nakangiti lang ako. oo nakangiti lang na parang tanga habang nakadungaw sa bintana. pinagtitinginan ako ng mga tao dahil parang nakaplaster ang mga labi ko. ngiting aso? di ko alam. ngisi? basta iyong may halong kilig–madaming kilig. inaamin ko nawiwirduhan ako sa sarili ko ngayon dahil unang beses ko naramdaman ang ganitong klase ng kalandian. pag-ibig nga kaya? di ko rin alam. sana talaga karas lang ito at lilipas din ang nararamdaman ko. kung sa paanong dahilan na tumugtog sa bus ang kantang the search is over habang bumibiyahe ako hindi ko rin alam pero sana hindi iyon ang katibayan na siya na nga.
yihee. tuksuhin niyo naman ako.
hinawakan niya yung kamay ko pero parang pakiramdam ko hindi–ilusyon ko lang yata yun. sa palagay ko nagdampi ang mga palad namin habang iniaabot niya yung pigyurin na palaka. kung di ba naman talaga swerte ang tambalan namin, hindi ko na alam ang maitatawag ko dito. nagulat ako nung kusa kong ibinigay ang kamay ko sa kanya para mahawakan ang iniaabot niyang palaka na nasa kanyang kamay. wala naman nagdikta sa akin na gawin yun, basta na lang iniabot ko sa kanya ang kamay ko tapos hinawakan naman ni mr phantom. tsansing. tama, tsinansingan niya ako. ayos lang, pwede rin naman niya ako bastos bastusin at halikhalikan at yakapyakapin at alam niyo na yung mga susunod na eksena.
makabili na nga ng mamahaling lotion.
bakit kasi may aso at palaka sa usapan?
dalawang beses na rin niya ako tinatanong kung kumain na ako. hindi naman ako yung tao na mukhang gutom sa personal. di nga? baka naman talagang mukha na akong gutom kaya tinanong niya ako kung nakakain na ako. baka gusto niya ako ilibre ng lunch? ayon oh, lilibre daw ako ng lunch. sana hindi pagibig ito at sana hindi sa ganitong paraan nagsimula ang lolo at lola niyo dahil ang korni ng labstori namin kapag nagkataon. dapaks.
ang dami ko pang kailangan malaman tungkol kay mr phantom pero mukhang imposible na makalapit ako sa kanya kasi natotorpe ako. tumitiklop talaga ako hindi lang sa kanya kundi sa lahat ng mga kras ko. yuck. ano ba yang self ko? pagsabihan ko nga later.
chance ko na ito. moment ko na ito.
malakas ang pakiramdam ko na gusto niya rin ako. tumitingin tingin naman siya sa akin at nahuli ko na rin siya minsan. oo, gusto niya rin ako, yata–pero ayaw ko umasa. masasaktan lang na naman ako ng mga lalakeng gwapo. mga lalake talaga wala ng ibang ginawa kundi paasahin at iwanan ako. letse! nagbago na isip ko. ayaw ko na pala kay mr phantom.
siyempre, pakipot lang–kunwari kikay.
[edit]
madilim ang kalsada papuntang gerbis at habang abala akong nagtetext biglang may humawak sa kamay ko–si mr phantom pala iyon. nagyoyosi sila ng kanyang mga kaibigan at sinabi niya sa akin na ‘maaga pa para pumasok sa gerbis’. patawarin niyo ako–tinanggihan ko samahan si mr phantom sa simpleng kadahilanan na torpe ako. i hate my life.
[/edit]

November 15th, 2008 at 8:50 am
Naks! Mukhang in-lab ah. Ang mahalaga eh masaya ka. = D
[Reply]
November 15th, 2008 at 11:07 am
yan. masarap magkalablayp. sana swertehin ka kay mr.phantom. karapat dapat ka naman maging muse. natutuwa ako para sayo. :x
[Reply]
November 15th, 2008 at 12:11 pm
check mo yung balls baka naman mas malaki pa yung balls mo dyan..
imbitahan mo na lang ako sa kasal nyo.. ring bearer ako ah..
[Reply]
November 15th, 2008 at 2:08 pm
yihee… sarap magkalablayp noh? :) sana si mr. phantom na nga ang lablayp mo :P
[Reply]
November 15th, 2008 at 2:37 pm
huwaw… inlab ang dyosa. mas okey ng gwapo siya no? kung pinaasa ka naman sa huli, at least, hindi kahiya-hiya na gwapo ang nagpaasa sayo.
pero mukha namang type ka rin niya. sige na nga, tuksuhin na kita sa kanya…
UYYYYYYY…
[Reply]
November 15th, 2008 at 9:55 pm
yihee…uuyyyyyy…o yan ha. tinukso na kita. gudlak sa lablayp ms xienah girl. sna nga hindi lang krasness yan.
[Reply]
November 16th, 2008 at 5:39 pm
lalake ba yan? sure?
[Reply]
November 16th, 2008 at 6:29 pm
Uyyy inlababo. :D
[Reply]
November 16th, 2008 at 8:13 pm
yehes.
[Reply]
November 17th, 2008 at 9:01 am
Ayihieee. Edi kilig to the soul ka na?
May dahilan ka na nga para pumasok.
Keep it up! haha.
[Reply]
November 17th, 2008 at 9:53 am
ayikiii!
ayikiii!
love life!
hahahaha! :P
at least diba may dahilan ka na para pagtyagaan ang gerbis. ako rin eh, may dahilan na ako para pasukin ang klase ko sa cs12. hahaha. ang gwapo ng prof! :P anywaysss.. wag na you patorpe kay mr. phantom. karass ka rin niyan!
[Reply]
November 17th, 2008 at 11:50 am
ets jas a letel theng
every time we tatsss
crush… ooooooooh… crush…
[Reply]
November 17th, 2008 at 2:21 pm
ay taragis na yan. sya na nga ba, sya na nga bang syosyotain mo xG? yikeeee!!!!
wag mo na pakawalan yan. pero ingats pa din xG. mahirap nang masaktan ulit.
enjoy lang. be happy olweys :)
[Reply]
November 18th, 2008 at 12:34 am
aba inlab ang utol ko..hehee tumigil ka nga jan,hindi karas yan lab na yan halata sayo hahaha..pero seriously hapi ako sayo, maswerte lalaking iibig sayo, sabihin mo lang kung paaasahin ka lang ng kumag na yan at lagot sya saken,,padadalhan ko letterbomb hahaha ingat and enjoy your life..
[Reply]
November 19th, 2008 at 2:12 am
huwaw….magandang simula yan.
saka bakit ikaw ang aasa, dapat siya ang paasahin mo, tingnan mo kung hanggang saan ang kaya niya….oh di vah ang taray….LOLs
[Reply]
November 19th, 2008 at 2:41 pm
Eto ok naman….ganito pa rin parang isinumpa ng panahon…LOLs
Lagi naman akong dumadalaw sa iyo ngayon lang ako nakapag comment kasi natutuwa ako at nakatagpo ka na ng lab mo….
Ikaw kamustasa rin? Kamustasa ang labs mo? Pagpinaiyak ka sabihin mo sa akin at ilalagay natin sa kahon yan padadala natin sa Somalia….LOLs
[Reply]
November 22nd, 2008 at 11:22 pm
pang ilan ka ng nagsasabi sa akin nyan, LOLs…laging ganun ang first impression, kahit nung nasa HS pa ako… siguro dahil sa mata ko, pero hindi naman ako suplado, super prenli nga ako eh…lalo na pag naging prenster ko talaga…walang iwanan sa ere LOLs

November 21st, 2008 at 9:17 pm
Nanonood ako ng Danny Phantom. At oo, gwapo nga ang krass mo. Goodluck naman, kelan ba ang huling pagkakataon na kinilig ka? Sa isang taong nakita mo na sa personal?
[Reply]
November 22nd, 2008 at 8:56 am
tsktsk.bakit tumanggi ka?? pwede na pang moment un eh..wehehe.. konsintidor ah..
ienjoy hanggat anjan pa ang kras feeling.wehehe.
[Reply]