team xG
Alam ko hindi kayo nagpunta dito para makitsismis. Nandito kayo para kamustahin ako sa kung paano ko pinagdadaanan ang lahat ng ito.
Ang gulo gulo na ng blogosphere–parang perya. Napakalaki na talaga ng kinaibahan ng mukha ng intarwebs noong nagsisimula pa lamang ako at sariwang sariwa pa ang mga ideya ko sa kung ano ang merong katarantaduhan ngayon.
Sa gitna ng kaingayan na ginagawa ng lahat para mapansin ang gusto nilang mapatunayan, nakakatagpo pa rin ako ng kapayapaan sa piling ng mga kaibigan ko. Hindi nila nalilimutang tapikin ako sa likod para ipaalam sa akin na may nakaantabay silang suporta sa kung ano man ang magiging desisyon ko.
Walang tumapik sa likod ko nitong nakalipas na araw.
Kahit malamig na hangin sa batok ko, hindi ko naramdaman. Lumingon ako pero wala kong natanaw kundi anino ko lamang.
paano ako maghihilom kung ang mga taong inaasahan kong tutulong sa akin ay sugatan din?
Ngayon, binigyan nila ako ng napakagandang dahilan para umiyak. iyakin talaga ako, diba? Wala pala talaga sa likod ko iyang mga gagong yan dahil nasa harapan ko sila. Ang mga taong ito ang mismo at buong tapang na nakikipaglaban at nagtatanggol para sa akin.
hindi ako naapektuhan. Ito marahil ang dahilan kung bakit wala ako ng kahit anong galos o sugat–matibay ang pundasyon ng pananggalang ko na sa hindi inaasahang pagkakataon ay naging pinakaepektibong sandata ko rin.
Kaya pala nawalan ng tao sa likuran ko ay para mapilitan akong umatras ng isang hakbang para maiging tingnan at lubos na maintindihan ang mga nangyayari.
Kung hindi sapat na dahilan iyan para magpatuloy ako sa paglalathala siguro naman sobrang rason na ito para magpasalamat ako sa mga taong ito na hindi lalagpas ang bilang sa mga daliri ng isang kamay. Sila lang naman talaga ang pinakikinggan ko. Magdadadakdak na yung ibang bloggers diyan, pero hindi ako makikinig sa kanila. Namumukod tangi ang boses ng mga kaibigan ko. Nangingibabaw ang kanilang tunay na intensyon sa alon ng kaguluhan.
Hindi kailangan ng magtotropa ng paliwanag dahil kusa kaming nagkakaintindihan.
Ngayon kung hindi mo maunawan at maintindihan, isa lang ibig sabihin niyan. Ikaw yung kabaliktaran ng kaibigan. Sos. Ano ba namang kokote yan. Kabaliktaran ng kaibigan hindi mo alam? Eh di gankaibi. Acheche.
Tangina, ang corny ko ‘tol.
alam niyo na iyon. thanks much. :)








November 13th, 2008 at 4:23 pm
nakuha ko ang tema ng entring ito pero ayoko na lang ilahad baka mapahiya lang ko.lols
naging busy ka na kasi siguro eksgi. dont cha wori nandyan pa rin naman sila. hindi ka naman nila yat iniiwan?nakikipagtaguan pong lang siguro. pero lalabas at lalabas din yan para sila naman ang mataya. :)
[Reply]
November 13th, 2008 at 10:40 pm
ganyan din pakiramdam ko. minsan inaakala ko na wala akong kakampi. pero anjan lang pala sa paligid nag mga kaibigan ko. and we are very lucky to have a trust worthy friends.
ingat lagi xg! =)
[Reply]
November 13th, 2008 at 10:43 pm
next year bagong imahe ako.. bagong personalidad.. gusto kong maexperience yung dati.. yung nagsisimula pa ako.. masaya ang blogosphere noon..
[Reply]
November 13th, 2008 at 11:04 pm
ang tagal ko ng di nakadalaw.
sorry kung di kita nakakamusta ate x.
sana ayos na lahat.
*super hugs*
[Reply]
November 14th, 2008 at 11:28 am
kurak k xg.. angulo na ng blogosperyo.. grabe andami ng ngkalat na sandamakmak na blog .. kya hayun lagi na lng ako naliligaw..
butti nga lagi akong naddapa dito kahit ppapaano.. ksi marami parin akong nagibiak dito.. hehehhe..
[Reply]
November 14th, 2008 at 2:30 pm
hang in there girl.
kung ano man ang hinanakit mo sa buhay at sa mga tao, always remember:
IT TOO SHALL PASS.
Parang kidney stone lang yan.
[Reply]
November 14th, 2008 at 4:25 pm
relaks, napakasayang pagmasdan ng isang digmaan na kung sino pa yung maraming balang pinakawalan, s’ya pa ‘yung uuwing talunan.
hayaan mo lang sila, sa dakong huli wala pa rin ibang mas nakakakilala sa’yo kundi ‘yung mga kaibigan mong totoo.
[Reply]
November 14th, 2008 at 6:07 pm
buzz. andito lang ako reserba mo.
[Reply]
November 14th, 2008 at 10:40 pm
lagi ko yang nafee2l. parang wala akong kakampi. alone, parang ganun.
dito lang ako ate, kahit madalang nalang ako nkkadalaw. nursing student eh. grrr.
[Reply]
November 15th, 2008 at 1:43 am
kaya maswerte ka pa rin at nandyan sila para sayo. sana maging maayos na ang lahat.
[Reply]
November 15th, 2008 at 11:05 am
eng? silencer. hehe. kailangan pa ba magusap? di na diba? alam mo na yun.
[Reply]
November 21st, 2008 at 9:32 pm
tsk tsk tsk.
[Reply]