lock

halika, magplastikan muna tayo.

bago ako pumasok sa gerbis, nagsaliksik muna ako ng mga tsismakarus na pwede kong maging basehan sa istayl na gagamitin ko sa pangangamuhan ko dito. siyempre hindi ako naniwala sa mga forums forums chever chever na iyan dahil hindi naman ako yung mismong nakaranas nung mga sinasabi nila. malay ko ba kung may angst lang talaga sila at ipinanganak na negative kaya sila ganun magsalita. ngayon na nandito na ako sa loob mismo ng kumpanya–mapapatunayan ko ang ilan sa mga testimonya ng mga taong ito sa pamamagitan ng kwento ko.

si super boss kasi nagpunta sa kulungan naming mga bihag ng gerbis para maginspeksiyon. katapusan ng buwan. sweldo. kunwari ginagawa niya trabaho niya. pakitang tao. ako bilang baguhang alipin, natural lang maging inosenteng biktima ng kamangmangan at lahat ng pagkakamali na gawin ko ay may katumbas na matamis na kapatawaran. kabilang iyan sa mga hindi naisulat na batas. wala akong malay na bawal maglagay ng mga personal na gamit sa selda. gaya gaya lang naman ako kaya ginaya ko yung ibang mga bihag at naglagay ako ng personal na gamit sa selda ko. hindi ko alam kung ano ang nakain ni super boss kaya natripan niya maginspeksiyon, ayun–nahuli ako, balbon.

wala kang locker. nakakaawa ka naman.

humiwalay sa katawan ko yung kaluluwa ko sa sobrang kahihiyan nung marinig ko mula kay super boss ang mga katagang yan. palagi kong sinasabi na merong tamang paraan para sabihin ang mga bagay pero si super boss? matapobre ang tono. mapangmaliit. hindi ko nagustuhan. kailan pa naging basehan ng pagkatao ang kawalan ng locker?

super boss, dapat may locker kang ipagawa para sa mga alipin mo. teka nga. hindi bat dapat ay matik na meron na talagang locker ang mga alipin? mestisa kang naturingan. ang ginhawa ng katayuan mo sa buhay kung titingnan kaya lang kahit puti ang kulay mo, itim naman ang budhi mo. siguro maitim din gilagid mo? hula ko lang naman. smile nga?

nilagpasan ko lang siya. sayang sisikuhin ko sana si superboss, kaya lang nakaiwas. lucky bitch.

wala akong pambili ng locker. lakihan mo kaya ang sahod ko? no? ok.

siya nga pala, pilosopa na ako sa sasabihin ko pero wala talaga akong locker. hindi ako nagmamayari ng locker kasi nirerentahan iyon. tanga ka super boss, tanga ka. pustahan tayo, wala ka ring locker, ano?

ewan ko sa sarili ko, ang dami kong alam.

hindi pa nga yan yung nakakairitang parte, sasabihin ko pa lang. ito pa lang. hindi pa tapos. hindi nakuntento si super boss na ipangalandakan sa buong kulungan namin na wala akong locker dahil ipinagmalaki pa niya sa mga kaibigan niya na wala akong kakayahan magrenta ng locker.

thanks.

alam niyo? takot rin si super boss sa akin. nagparinig lang siya nung papaalis na ako. babalikan ko sana siya kaya lang kailangan ko pa ng pera pampakabit ng intarnets sa bahay. next time na lang kapag nakakita na ako ng ahenteng magliligtas sa akin sa pamamagitan ng pagkakabit ng iligal na kokensiyon ng intarnets.

ang mas magandang dapat na ginawa niya ay ang iabot ang palad niya sa harapan ko at ako na lang ang bahala magboluntaryio na ihampas ang namimilog kong pisnge sa kaliwang kamay niya. kanenete kasi ako kaya ganun. nakakahiya naman sa kanya at kailangan pa niya bumaba sa lebel ko–lebel ng mga alipin para mapatunayan lang kung gaano kalakas ang kapangyarihan niya.

flavor of the eye talaga ako ng mga powers that be. pansin niyo?

henakoh. pinapaaga niya ang taning ng buhay ko. kung tutuusin di ko naman kailangan sundin yang si super boss. hayaan niyo dahil sa susunod na magkakamali ako, ipapabawas ko na lang sa sweldo ko. masaya sa gerbis at hindi ako magsasawa na paulitulitin yan. hindi maiiwasan ang mga taong ganito–mga mayayabang. lahat talaga ng kumpanya, kahit saan ka mapunta may mga kupaloids na sisira at sisira ng pokus mo na kumita ng pera.

total nagwawasakan na lang rin naman tayo ng pagkatao–dun ka sa gerbis, dito ako sa blogosphere. ano, game ka ba super boss?




14 Responses
  1. inggit sa ganda mo si superboss.

    imperness sa kanya matangos ilong niya. lamang ako sa height pero mas maganda talaga ako hahahaha

    [Reply]



  2. oo nga.. hindi ikaw ang timawa, siya yun dahil ikaw ang diyosa! :D

    ako ang ever diyosa of the diyosaness! go! haha

    [Reply]



  3. sila ang sa spice sa loob ng work area.. un nga lang bitter sila.wehehe.

    kala ko ba spice e bat bitter? nalito ako. haha

    [Reply]



  4. nyahahaha..may galit factor si XG!!!

    e sabihin mo kung dapat may locker ang bawat alipin hindi ba dapat iprovide yan ng mga amo??! hmf…mas gusto mo kamo kasi mamili ng sarili mong vendo machine kesa maglagay ng locker hehehe

    lagi naman akong galit e. wala ng bago don? haha. natawa ako sa sinabi mo. haha. shet. i labs bendo machings.

    [Reply]



  5. Saan ba yan? Resbakan na naten o!

    saka na kapag di na ako nagtratrabaho dito. haha

    [Reply]



  6. huli ka, balbon. LOL.
    nakaka-’ano’ naman yung boss mo. pero oks lang. ikaw na papalit sa kanya. hehe.

    “wala kang locker. nakakaawa ka naman.” hindi siya nakakabastos.

    naano ka ni superboss? haha. hindi siya nakakabastos. mahal niya pa nga ako ng lagay na iyan e. haha

    [Reply]



  7. may sakit sa utak si superboss kaya nagkakaganyan..

    superiority complex siguro dahil di sya mahal ng magulang nya nung bata sya..

    ps. di ako sure kung superiority complex nga yun.. hhaha. tinatamad akong maggoogle..

    mali nga yata yung diagnosis mo fb. haha.

    [Reply]



  8. according sa aking unfailing “gay” meter radar ang dugo ni bossing gerbis ay may halong violet, meaning isa siyang baklang martian. so, hwag ka nang magtaka kung palagi kang pinag-iinitan ni bosing gerbis kasi ikaw xienahgirl ang iyong dugo ay dugo nang maharlika na may halong pink.

    Tambayan Ni Byter

    babae siya. haha

    [Reply]



  9. siguro, pedeng, malamang e dating alipin si superboss at nagevolve lang sa pagiging superboss. naranasan nya din siguro ang mga pangaalipustang ito at sumumpa nuon na gagawin nya ang lahat upang maging superboss at mangaalipusta din ng mga alipin ng gerbis.

    pero sya ay mali.

    at nakakapagtaka, bakit kailangan rentahan ang locker. dpat sagot yan ng kumpanya. ang luwag ng locker ko dito sa ofis xG, gusto mo makilocker ka na lang sa akin :)

    nagevolve? ano yan pokemon? hahaha. tama naman siya. dapat talaga ako kumuha ng locker. pasaway lang ako. pero mali yung ipinahiya niya ako. tsk tsk. ang ganda ko pa naman that time? hahaha. pwede bang ilagay mo yung locker ko sa loob ng locker mo? aahaha

    [Reply]



  10. totoo yung sinabi ni popoy, ang mga malakas umalipusta ngayon, dati sila yung inaalipusta kaya bumabawi lang.

    yang si super boss, utus-utusan lang yan malamang dati at 45 years na nag-antay para magkaroon ng opportunity na makabawi sa mga pang-aaping ginawa sa kanya dati. malas mo lang xg, at ikaw ang nakita.

    victim abuser cycle ang tawag don at sa palagay ko maharlika talaga siya. nasanay na siya sa pagiging maharlika. hahaha

    [Reply]



  11. well obviously…. ingit lang cguro sa kagandahan mo c super boss. policy ba tlga na “for rent” ang locker? haler!!!!

    hindi nga nirerentahan yun. ano lang, parang lifetime payment. haha. uh zuhr. as if naman na for life ako sa gerbis dabah? haha

    [Reply]



  12. xempre. ikaw si superxienah eh heheheehhe

    takot nia lang sa alindog mo. wuahahahahaha

    oo. takot lang niya talaga. nyelff.

    [Reply]



  13. haha. lagot ka pag nadiskubre niya ito. haha. chill xienah. chill.

    mukhang malalaman niya ito at kapag nagkataon e magreresign na ako. teka. wala akong pangalan na nabanggit. huwag sila magfeeling. hahaha

    [Reply]



  14. inggit lang un sau kaya sya ganun. dito sa states bawal mamahiya ng tao– teacher sa student o boss sa empleyado. pwedeng pwede mo syang idemanda. takot lang nya. haha. cge, may kanya-kanya naman kaung balwarte.. tira lang ng tira. LOL.

    oo. hayaan na lang natin si superboss. trip niya yan e. sos. e nakakatamad kaya patulan yun sa personal. bigwasan ko lang yun e tutumba na. haha

    [Reply]



Leave a Reply