Nov
23rd

112308

ito na ang pinakawalang kwentang 30 minuto ng buhay niyo.

ang audio file na ito ang isa sa mga pinakamatibay na ebidensiya na isa akong madaldal na nilalang. oras masimulan ko na ang magsalita, hindi na ako titigil. siguro gawa na rin ito ng wala akong makausap sa notepad.

at huwag na kayo masyado magreklamo–bulol talaga ako sa personal.


Nov
18th

sos

Sira na naman ang sapatos ko. Ilang sapatos ko na nga ba ang nasisira? Sa huling bilang ko may apat na sapatos na ang nasisira ko sa loob lamang ng isang buwan. Tatanungin niyo ako: bakit nasisira ang sapatos ko? Wala naman sigurong ngipin ang mga paa ko para nguyain nito ang bawat sapatos na susuotin nito, hindi ba? Hindi ba?

Marami sa atin ang may kakayahang tumakbo pero hindi lahat ay may talentong tumakbo gamit ang sapatos na may 3pulgada ng takong. Oo, tama ang nabasa mo: sapatos na may 3pulgada ng takong ang ginagamit ko sa pagtakbo. Ngayon kung tatanungin mo ako kung bakit ako tumatakbo, iyon ay dahil sa mahuhuli na ako sa trabaho ko.

Kailangan ko pa ba talagang ipaliwanag na kaya ako kumakaripas ng pagtakbo ay dahil sa mahuhuli na ako sa trabaho? Hayaan niyo kapag may libreng oras ako, magensayo ako kung paano kumandirit. Wala lang, para masaya.

May nakita akong sapatos sa tokador ko. Matagal na ang sapatos na yun pero nagtataka ako kung bakit hindi ko siya ginagalaw mula sa kinalalagyan niya. umalis na ako ng bahay at matapos ang ilang oras na suot ko ang sapatos na iyon saka ko pa lang nalaman ang dahilan kung bakit hindi ko siya ginagamit–sira pala ang sapatos na yun.

hindi man lang nagsalita yung sapatos para sabihin na sira pala siya, tado talaga.

Nakakahiya kasi ang ganda ganda ng lakad ko sabay biglang naiwan yung takong ng sapatos ko sa gitna ng kalsada.

Huwag ka na magbiro ng tungkol sa mentos, matatadyakan kita.

Puro paltos na nga yung paa ko tapos kailangan ko pa bumili ng bagong sapatos.

hindi ko pa naibibili ng kahit ano ang sarili ko, siguro sapatos na lang para sa susunod na sweldo. hindi naman ako maselan pagdating sa mga sapatos, basta alam ko na malayo ang mararating ko gamit iyon–sakto. sa lahat ng nakakamit kong biyaya, masasabi ko na nasa lupa pa naman ang mga paa ko. ngayon ko lang napatunayan na kailangan ko lang talaga gumamit ng mas matibay na sapatos sa paglalakbay na ito.

dito sa blogosphere, sa palagay ko walang tao ang kayang punan at gugustuhing lumakad gamit ang mga sapatos ko. basta ang tanging alam ko, may hihigit sa akin sa larangan na ito.

Nov
15th

phantom

basag. basag na basag ang pula ng itlog ko.

may karas ako sa gerbis at itago na lang natin siya sa pangalang [danny phantom]: maamong mukha, payat, maputi, matangkad, chinito, matangos ang ilong at maangas. teka. kailangan ko muna alamin kung matalino. mahalaga kasi sa akin na matalino ang lalake. magpapabola lang din naman ako, sa matalino na diba? akshuli madami akong karas pero eto yung tipo ng krasness na pwedeng magkaroon ng malisya habang sabay kaming nangangarap na bumuo ng aming pamilya.

matapos ang dalawang buwan, sa wakas may magandang dahilan na ako para pumasok sa trabaho at si mr phantom iyon. sa palagay ko nga siya na yung inaantay kong swerte sa buhay ko. parang ungas lang kasi si kupido–habang pauwi na ako mula sa trabaho at pasakay na ako ng bus, nakangiti lang ako. oo nakangiti lang na parang tanga habang nakadungaw sa bintana. pinagtitinginan ako ng mga tao dahil parang nakaplaster ang mga labi ko. ngiting aso? di ko alam. ngisi? basta iyong may halong kilig–madaming kilig. inaamin ko nawiwirduhan ako sa sarili ko ngayon dahil unang beses ko naramdaman ang ganitong klase ng kalandian. pag-ibig nga kaya? di ko rin alam. sana talaga karas lang ito at lilipas din ang nararamdaman ko. kung sa paanong dahilan na tumugtog sa bus ang kantang the search is over habang bumibiyahe ako hindi ko rin alam pero sana hindi iyon ang katibayan na siya na nga.

yihee. tuksuhin niyo naman ako.

hinawakan niya yung kamay ko pero parang pakiramdam ko hindi–ilusyon ko lang yata yun. sa palagay ko nagdampi ang mga palad namin habang iniaabot niya yung pigyurin na palaka. kung di ba naman talaga swerte ang tambalan namin, hindi ko na alam ang maitatawag ko dito. nagulat ako nung kusa kong ibinigay ang kamay ko sa kanya para mahawakan ang iniaabot niyang palaka na nasa kanyang kamay. wala naman nagdikta sa akin na gawin yun, basta na lang iniabot ko sa kanya ang kamay ko tapos hinawakan naman ni mr phantom. tsansing. tama, tsinansingan niya ako. ayos lang, pwede rin naman niya ako bastos bastusin at halikhalikan at yakapyakapin at alam niyo na yung mga susunod na eksena.

makabili na nga ng mamahaling lotion.

bakit kasi may aso at palaka sa usapan?

dalawang beses na rin niya ako tinatanong kung kumain na ako. hindi naman ako yung tao na mukhang gutom sa personal. di nga? baka naman talagang mukha na akong gutom kaya tinanong niya ako kung nakakain na ako. baka gusto niya ako ilibre ng lunch? ayon oh, lilibre daw ako ng lunch. sana hindi pagibig ito at sana hindi sa ganitong paraan nagsimula ang lolo at lola niyo dahil ang korni ng labstori namin kapag nagkataon. dapaks.

ang dami ko pang kailangan malaman tungkol kay mr phantom pero mukhang imposible na makalapit ako sa kanya kasi natotorpe ako. tumitiklop talaga ako hindi lang sa kanya kundi sa lahat ng mga kras ko. yuck. ano ba yang self ko? pagsabihan ko nga later.

chance ko na ito. moment ko na ito.

malakas ang pakiramdam ko na gusto niya rin ako. tumitingin tingin naman siya sa akin at nahuli ko na rin siya minsan. oo, gusto niya rin ako, yata–pero ayaw ko umasa. masasaktan lang na naman ako ng mga lalakeng gwapo. mga lalake talaga wala ng ibang ginawa kundi paasahin at iwanan ako. letse! nagbago na isip ko. ayaw ko na pala kay mr phantom.

siyempre, pakipot lang–kunwari kikay.

[edit]
madilim ang kalsada papuntang gerbis at habang abala akong nagtetext biglang may humawak sa kamay ko–si mr phantom pala iyon. nagyoyosi sila ng kanyang mga kaibigan at sinabi niya sa akin na ‘maaga pa para pumasok sa gerbis’. patawarin niyo ako–tinanggihan ko samahan si mr phantom sa simpleng kadahilanan na torpe ako. i hate my life.
[/edit]

Nov
15th

retreat

Comments Off

bigla ko na lang nakita yung mga bagay at gamit ko na nawawala noon–yung kahit saan ko hanapin hindi ko pa rin makita. sabi ng nanay ko, bibig ko daw yung pinanghahanap ko sa mga gamit ko. totoo naman. ugali ko talaga iyon. ang palusot ko: alam ko kung saan ko inilalapag at inilalagay ang mga gamit ko. oras na mawala yun sa kinalalagyan, ibig sabihin may nangealam sa pamilya.

natagpuan ko na yung mga luma kong gamit. mga stationery na kinolekta ko nung bata ako. mga damit na hindi ko pa nasusuot. mga sulat na binigay sa akin. napaluha ako kasi hindi ko na kailangan itong mga bagay na ito. nalungkot ako kasi nalaman ko na kaya ko pala mabuhay na wala ang mga gamit na iyon.

makakalimutin kasi akong tao at nagkakasya na lang ako sa pagtatabi ng mga basura–kumapit sa alaala. pakiramdam ko may attention deficit hyper activity disorder talaga ako. nagpopokus lang ako sa isang alaala tapos makakalimutan na yung iba pang mahahalagang bagay.

magandang balikan ang nakaraan pero hindi tama ang magpaiwan doon. hindi naman importante ang mga alaala para sa akin dahil nga sa makakalimutin ako. wala akong choice. kusa ko na lang nakakalimutan ang mga bagay. ang binibigyan ko na lang ng buong pagpapahalaga ay ang mga tao na kasama ko na gumawa ng mga alaalang iyon.

Nov
13th

team xG

Alam ko hindi kayo nagpunta dito para makitsismis. Nandito kayo para kamustahin ako sa kung paano ko pinagdadaanan ang lahat ng ito.

Ang gulo gulo na ng blogosphere–parang perya. Napakalaki na talaga ng kinaibahan ng mukha ng intarwebs noong nagsisimula pa lamang ako at sariwang sariwa pa ang mga ideya ko sa kung ano ang merong katarantaduhan ngayon.

Sa gitna ng kaingayan na ginagawa ng lahat para mapansin ang gusto nilang mapatunayan, nakakatagpo pa rin ako ng kapayapaan sa piling ng mga kaibigan ko. Hindi nila nalilimutang tapikin ako sa likod para ipaalam sa akin na may nakaantabay silang suporta sa kung ano man ang magiging desisyon ko.

Walang tumapik sa likod ko nitong nakalipas na araw.

Kahit malamig na hangin sa batok ko, hindi ko naramdaman. Lumingon ako pero wala kong natanaw kundi anino ko lamang.

paano ako maghihilom kung ang mga taong inaasahan kong tutulong sa akin ay sugatan din?

Ngayon, binigyan nila ako ng napakagandang dahilan para umiyak. iyakin talaga ako, diba? Wala pala talaga sa likod ko iyang mga gagong yan dahil nasa harapan ko sila. Ang mga taong ito ang mismo at buong tapang na nakikipaglaban at nagtatanggol para sa akin.

hindi ako naapektuhan. Ito marahil ang dahilan kung bakit wala ako ng kahit anong galos o sugat–matibay ang pundasyon ng pananggalang ko na sa hindi inaasahang pagkakataon ay naging pinakaepektibong sandata ko rin.

Kaya pala nawalan ng tao sa likuran ko ay para mapilitan akong umatras ng isang hakbang para maiging tingnan at lubos na maintindihan ang mga nangyayari.

Kung hindi sapat na dahilan iyan para magpatuloy ako sa paglalathala siguro naman sobrang rason na ito para magpasalamat ako sa mga taong ito na hindi lalagpas ang bilang sa mga daliri ng isang kamay. Sila lang naman talaga ang pinakikinggan ko. Magdadadakdak na yung ibang bloggers diyan, pero hindi ako makikinig sa kanila. Namumukod tangi ang boses ng mga kaibigan ko. Nangingibabaw ang kanilang tunay na intensyon sa alon ng kaguluhan.

Hindi kailangan ng magtotropa ng paliwanag dahil kusa kaming nagkakaintindihan.

Ngayon kung hindi mo maunawan at maintindihan, isa lang ibig sabihin niyan. Ikaw yung kabaliktaran ng kaibigan. Sos. Ano ba namang kokote yan. Kabaliktaran ng kaibigan hindi mo alam? Eh di gankaibi. Acheche.

Tangina, ang corny ko ‘tol.

alam niyo na iyon. thanks much. :)