done
huwag magsalita ng tapos.
Alam mo yung kapag may isinumpa ka ng buong tigas ng mukha at tapang ng dibdib na hindi mo gagawin ay bigla kang mapapasubo sa pangyayari na iyon? Hindi ko alam pero ganun nga yata mangtrip ang tadhana.
Sinabi ko noon na hindi ako magpapakita sa personal, pero ano ang nangyari?
Ako pa mismo ang nagaya sa ilang mga bloggers na makipagkita sa akin.
Sinabi ko noon na hindi ako magmamahal ng blogger, pero ano ang nangyari?
Hanggang ngayon mahal ko pa rin sila.
Sinabi ko noon na hindi ko papasukin ang trabahong meron ako ngayon, pero ano ang nangyari?
Masaya na akong nangangamuhan sa gerbis.
Matuto tayo mula sa akin. Huwag tayong maging siguradong sigurado sa kung ano ang mangyayari dahil wala naman talagang makakapagsabi sa kung ano ang maaring bumulagang maganap. Kaya ako? Hindi na ako magsasalita ng tapos. Hindi naman sa tinatamad ako, ayaw ko magsisi sa huli o ayaw ko na subuking muli ang tadhana pero ang tanging magagawa ko lang ay








October 27th, 2008 at 4:20 pm
Asos, wag daw magsalita ng tapos! Eh kung ako kaya ang
[Reply]
October 27th, 2008 at 6:21 pm
ayan na nga ang sinasabi ko…”don’t talk when your mouth is full…” Ang sabi nga nang bulag To see is to believe… So next time Don’t talk finish. Translation: Wag magsalita ng tapos.
[Reply]
October 27th, 2008 at 9:12 pm
…tama ka jan..itu rin ang natutunan ko sa buhay, nawalan na ako ng kaibigan dahil sa pagsasalita ko ng tapos..
…pero keri lang ang importante may natutunan ako!!..yun un eh!!..
[Reply]
October 27th, 2008 at 10:28 pm
may ikwekwento ako..
yung tungkol sa
[Reply]
October 28th, 2008 at 12:18 am
agree ako!mahirap magsalita ng patapos..ano’t anuman susubukin tayo ng kapalaran.
nabitin naman ako sa huli..at hinanap ko talaga ang karugtong.hehe
[Reply]
October 28th, 2008 at 9:53 am
hindi ko nagets nung una kung bakit parang bitin ang entri mo. oo nga pala sabi mo wag magsalita ng tapos. hehehe.
i agree, wag magsalita at mangako, tuld ko puro pngako yung iba hindi natupad yung mga sinabi ko minsan ndi naman natuloy, kaya tama wag magsalita ng
[Reply]
October 28th, 2008 at 12:35 pm
oo mahirap na kainin ang sariling salita kaya ayaw ko nadin magsalita ng
[Reply]
October 28th, 2008 at 4:09 pm
cge karirin nio ang hindi pagsasalita ng tapos.
hehehehehe
nakakabitin naman yan. wag ganun. hahaha
[Reply]
October 28th, 2008 at 7:17 pm
ayus di nga tinapos ang sasabihin
tama bawal magsalita ng
[Reply]
October 28th, 2008 at 10:35 pm
tama!
kaso…
[Reply]
October 29th, 2008 at 12:33 am
good luck na lang. hehehe
[Reply]
October 29th, 2008 at 6:27 am
bakit naman kase …
pero tama …
………. nangyayare.
ohwell. napagaya ako sa kanila.
[Reply]
October 29th, 2008 at 11:12 am
“Kaya ako? Hindi na ako magsasalita ng tapos.”
so last na yan?
[Reply]
October 29th, 2008 at 11:56 am
wehehe.. bawal ang pagsasalita ng may period… mas safe kung open ended..
tama ka..
minsan nasabi ko rin na di ko papasukin ang hospital na eto..ngaun anong napala ko?? kinain ko lahat.. minsan naiiyak na ako sa dami ng pasyente, sa pedia ward inaabot kmi ng 80 ang census.
sa susunod di na tlaga ako magsasalita ng
[Reply]
October 30th, 2008 at 6:38 am
May tama ka jan kabayan!
Magsalita na ng kapos, wag lang tapos
[Reply]
October 31st, 2008 at 7:55 am
ayaw ko magsisi sa huli o ayaw ko na subuking muli ang tadhana pero ang tanging magagawa ko lang ay….
ang mahalin ako ng…
[Reply]
October 31st, 2008 at 9:43 am
tama yan, wag magsalita ng tapos!
[Reply]
October 31st, 2008 at 10:34 am
Gusto ko tung
Punong puno ng
Pero naisip ko, nakakapagtampo
Kase wala ako sa
mahirap pala ang magsalita ng di tapos. xG paturo naman oh, pano ba?
[Reply]
October 31st, 2008 at 4:28 pm
maraming beses na rin akong nasabihan nang walang kamatayang linya na yan. pero maganda nga kung ganyan ang panuntunan natin dahil di naman talaga natin alam ang
[Reply]
November 2nd, 2008 at 5:28 pm
matuto na lang nga tayo mula sayo,dahil ilang beses na rin akong sumumpa ng buong tapang pero in the end nabe-break ko din,kaya hindi na nga lang ako magsasalita ng…
[Reply]
November 9th, 2008 at 2:25 am
oooops, hindi nga talaga tapos. haha. pero lakas nga siguro talaga magtrip ng tadhana, ginagawang challenging ang buhay. haha.
[Reply]