vendo
Namamangha talaga ako sa mga vendo machine.
Napakainosente ng mga vendo machine. obligado sila na maging mga piping saksi dahil wala silang kamuwang muwang sa mga nagaganap sa kanilang paligid.
Sabi ko sa sarili ko kapag yumaman ako, gusto ko may sarili akong vendo machine at photo booth sa bahay. Ano naman kung magmukhang pantry ang bahay ko? kung makapanghusga ang mga ito, huwag kayong makapunta punta sa bahay ko—hindi ko kayo iimbitahin. Masyado kayong maselan at malinis, hindi kayo bagay na maging kaibigan ko.
ang tikas pa kasi kapag nagutom yung mga bisita ko, ituturo ko na lang yung vendo machine. bahala na sila pagsilbihan ang mga dakila nilang mga sarili–napagkakitaan ko pa yung mga useless friends ko. hitting two mother fucking birds in one mother fucking stone.
kung may tv room, ako gusto ko may vendo machine room ako. bakit ba? kahit mawalan na ako ng banyo basta may vendo room ako, hindi maghahalo ang balat sa tinalupan.
siyempre bilang diyosa meron at merong mga dukhang mangagagawa ang handang magalay at magsakripisyo ng paglilingkod nila para sa akin. Nasanay ako na may nagsisilbi sa akin pero dahil napagpasyahan ko na magpaalipin sa gerbis wala ng maaaring maglingkod para sa akin. Walang mas bababa pa sa katayuan ng alipin, pwera na lang kung makumbinsi mo ako na mikrobyo mong maituturing ang sarili mo. pwes ako pa ang magpupumilit sa iyo na mangamuhan ka sa akin.
Dati kasi, sanitary napkin lang binibili ko sa vendo mechine. Ngayon, mataray na ako—chocolate na halagang sampung piso na. topilaks. binibili ko rin yung ube macapuno na blu iskays ata yun? basta yun. Naaliw pa ako kasi may canton sa vendo machine. Sabi ko sa sarili ko: bakit may canton? Paano kakainin yun? May bumibili ba nun? Bakit ko kinakausap sarili ko? yes.
Atin atin lang ito. tayo tayo lang naman ang nandito kaya sasabihin ko na hindi ako marunong kung paano bumili sa vendo machine.
shut up mofos.
Hindi naman sa ayaw ko matutunan kung paano gamitin ang vendo ng hindi kami parehong nagkakapisikalan–may takot lang talaga ako na baka pumalpak ako sa paggamit ng vendo machine at higupin nito ang dalisay kong kaluluwa. Hanggat maaari, iniiwasan ko ang kahit anong uri at klase ng machine na pwede pumasok sa kapiranggot mong kokote.
ang pinakamainam na ginawa ko? Pasimpleng magobserba. kala nga ng mga tao na bumibili sa vendo machine patay gutom ako na nagaabang ng mga tira tirang barya na malalaglag dispenser. tanginang yan. may foods kaya kami sa bahay, duh? Hindi kasi ako teknikal na tao. Kahinaan ko ang magmanipula ng mga makina. kahit yung sa mga ticket dispensing booths sa mrt? mas gugustuhin ko na lang pumila ng pagkahaba haba sa counter kesa makipagsapalaran pa ako. tapos yung sa atm? eto talaga yung pinakamalala dahil hindi na ako mukhang pulubi kundi mukha na akong kasabwat ng isang malaking sindikato na nagaambang na dukutan ang bawat magwiwidro ng pera.
gusto ko patunayan na mayaman ako kaya 100peso bill ang ipinipilit kong kong isaksak sa vendo. di pala pwede yun. baka naman pwede pero tanga lang ako? kung ganun kalimutan niyo na lang na mayroong xienahgirl. ang mga dukhang maralita na may tigbente at singkwenta pesos lang ang maaari nilang pagsilbihan. yuck.
may melamine nga ba yung cream sa coffee vendo machine? kaya lang naman ako natuto uminom ng kape ay dahil sa libreng inirarasyon ito sa gerbis. tanginang yan times, two.
Ayaw ko magmarunong. sino ba naman gusto mapahiya sa simpleng paggamit ng vendo, diba? Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag nangyari na mapahiya na naman ako. Dadalhin ko hanggang kamatayan ang kahihiyang iyon.
matagumpay akong nakakain ng meryenda. sabi ko nga, kakanin na lang ang dapat na binili ko saka kendi na dos tatlong piraso. ayos naman at nabusog ako sa libreng sabaw kasabay ng mga kasamahan kong mga bihag ng gerbis. masarap yung egg soup. alam niyo naman ako–basta maalat, masarap para sa akin. nasabi ko rin ba na masarap rin lahat ng libre? parang ang saya saya kaya nun kung yung egg soup nakalagay sa vendo.
henyo.
tapos ang galing pa parang astig lang na may kasamang wow kasi laging may laman ang vendo diba? parang di nauubusan. may nakita na ba kayong vendo na walang laman? ok. ako lang pala ang may problema at hindi pa nakakakita ng vendo na simot. gusto ko nga minsan bantayan yung vendo–para kasing magic. bigay lang siya ng bigay.
teka. magkano nga ba ang isang vendo machine? ang angas kasi. makabili na nga ng maitapon na ang refrigerator namin.








October 24th, 2008 at 10:30 am
ahahaha. nakakabadtrip nga minsan bumili sa vendo. simula nung kinainan ako ng bente pesos dati para sa isang coke in can eh nadala na akong gumamit ng vendo machine. minsan palpak kasi ang mga makinang yan. mga walang utak hehehe.
teka, vendo machine din ba ang UFO CATCHER sa mga arcade? hihihi
[Reply]
October 27th, 2008 at 5:26 pm
ang pinaka kadiring vendo e yung mga hot coffee hot choco etc.. may ipis sa loob nung binuksan nakita ko!! ewww!!
[Reply]
October 24th, 2008 at 12:18 pm
Alam mo kung ano nakakainis sa mga vendo machine? Yung hindi nila tatanggapin yung pera mo kapag medyo GUSOT. Kailangan mo pang magsayang ng ilang minuto para i-straight ang iyong P20 bill eh di sana ginamit mo na lang yung oras sa pagi-istraight ng paper bill mo para bumaba ng canteen at dun bumili.
Eh di nakapag-exercise ka pa sana sandali at nakapaglandian sa Boy na nagbabantay ng softdrinks dun sa canteen.
[Reply]
October 24th, 2008 at 3:02 pm
ang mahiwagang bendo machine… bow… :) sana ang yosi me vendo machine din sa office namin dati…
[Reply]
October 24th, 2008 at 4:53 pm
magandang vendo yung kape. kaso deadly ka sa electricity.
[Reply]
October 24th, 2008 at 5:47 pm
favorite mo yung maalat? kasama ba dun ang kulangot, maalat-alat din yun…. at wag mag-wori ang beauty mo dun sa mga nakatingin sayo, neber silang mag-aakalang pulubi ka baka dugo-dugo at agaw selpon gang pwede pa…
[Reply]
October 24th, 2008 at 6:56 pm
Nangangain ng barya yung vendo machine sa amin. Hindi ko mapapatawad yung isang araw na kinain niya yung limang piso ko. Bente pesos lang ang dala kong pambili ng Sarsi. Kinain pa yung isa. Napabili na lang tuloy ako ng tubig sa tindahan. *sob*
[Reply]
October 24th, 2008 at 9:18 pm
Ay. Gusto ko din ng vendo machine.
Natry ko lang yun nung bumibili lang din ako ng sanitary napkin. hahaha.
[Reply]
October 25th, 2008 at 5:33 am
di ko kaya ang pangarap mo soulmate na magka vendo machine sa bahay..
dati ang pinangarap ko na mailagay sa kwarto ay lahat ng games na makikita sa time zone…
at dahil mayaman ako…
hanggang yoyo lang ang kinaya ko…
hu hu..pa share ng vendo mo soulmate..
[Reply]
October 25th, 2008 at 11:53 am
220,000
Hot and Cold ( Multi vendo )
almost new, good for call center ofc., factory, school and hospitals
You may contact at 6453988 ,or 09209197114
—
o kaya mag grocery ka na lang saka mo itambak sa fridge at pantry niyo.
[Reply]
October 27th, 2008 at 8:55 am
entrep talaga tong kambal ko na to.. alam lahat ng presyo.. pagamit ako ng vendo mo pag nakabili ka na..
_________________________________________________
pinapauna ko muna yung mga kasama tapos oobserbahan ko sila yun lang lagi kong ginagawa pag bumibili sa vendo..
ayokong masabihan ng tulad sa commercial ng coke noong unang panahon. FIRST TIME MO? kase babasagin ko pagmumukha nun..
[Reply]
October 26th, 2008 at 11:23 am
hindi ko alam kung kelan ako huling gumamit ng vendo.hindi ko nga alam kung pano ko un nagamit..wehehe… saka iniisip ko rin minsan kung pano kung expired na ung produkto sa loob ng vendo.wehehe…
[Reply]
October 26th, 2008 at 11:45 pm
Bilhan kita ng vending machine with hot kesonapays and hotdogs on the inside.=)
[Reply]
October 27th, 2008 at 8:51 am
yikee…
[Reply]
October 31st, 2008 at 4:39 pm
ala pa naman akong bloopers sa paggamit ng vendo machine. medyo na-miss ko nga yung vendo sa pantry nung dati kong pinapasukan. at ang madalas kong bilhin – iced tea! nyaks! sana makabili ka na ng vendo. hehe.
[Reply]
November 3rd, 2008 at 9:10 am
haha. maraming gumagawa ng vendo xG. lols
[Reply]
November 9th, 2008 at 2:38 am
ganun yta talaga pag vendo.. parang jeep, barya lang sa umaga ang drama! dito naman nakakainis kapag wala kang one dollar bill, m&m nalang di ko pa mabili.. nagpabarya pa ako dun sa kasunod ko. nakakahiya. ang sama ng tingin sa akin.. kulang nalang sabihin nya sa akin na dun nalang ako sa cafeteria bumili kesa sinasayang ko oras nya. pakbitch un! asar.
[Reply]