violation unintentional
Ito yung mga pagkakataon na gugustuhin niyo na lang umiyak kaysa sa magalit dahil wala na kayong lakas para maghuramentado—nakakatamad.
Natutuwa akong makita ang reaksiyon ng mga taong nagtatanong dahil interesado silang malaman kung ano ang mga naging karanasan ko pagdating sa pagtatrabaho. Oras na pumanting sa kanilang mga tenga ang pangangamuhan ko sa gerbis, hindi nila maiwasan na mapabilib. bukod pa riyan, nagugulat din sila sa ideya na sa napakabatang edad kong ito, ang tapang ko dahil sa ganitong klase ng trabaho ako napadpad.
Wow.
Hindi ako perpekto at mapapatunayan ko iyan sa pamamagitan ng mga pagkakamali ko sa gerbis. Nakakaramdam ako ngayon ng pagkadismaya. Alam ko sa sarili ko na magaling ako. gustong gusto ko yung sinusubukan ang galing at tatag ng pagkatao ko pero sa trabahong ito? mukhang marami pa talaga akong kakaining bigas at iinuming libreng kape—drink number 7 mula sa vendo machine.
Hindi naman sa pagmamalaki ng bayag pero masasabi ko na mas may brilyo ako ng kaunti kaysa sa mga naging kasabayan ko. Magagaling kami pero meron talagang lalabas na mas magaling at isa ako sa kanila. konting galing lang naman ang agwat ko. Hayaan niyo na ako magyabang ng maiangat ko naman ang aking moral sa sarili kong paraan. Kahit ngayon lang, please?
Hindi ko maipaliwanag kung bakit nangangati ang kanang kamay ko habang tumitipa sa keyboard. Magkakapera nga ba ako o sadyang nalimutan ko lang maghugas ng kamay?
Mabalik tayo sa aking pangungumpisal sa inyo pagdating sa aking bagong tuklas na kahinaan. hindi naman ako ungas na maituturing na walang silbi sa gerbis—hindi ganun at hindi magiging ganun kahit kailan. Ang akin lang, ako kasi yung tao na alam ko na magaling ako. tama ka. nasabi ko na yan kanina pa, inulit ko lang. hindi kasi ako marunong humingi ng tulong. Pakiramdam ko inutil ako. nasanay kasi ako na marunong ako sa mga bagay bagay, pero pagdating dito sa trabaho ko sa gerbis? para akong bagong hango na isda mula sa dagat na itinapon sa banyera na puno ng yelo ng walang awang mangingisda. nakakaabala para sa iba ko pang kasamang mga isda ang sapilitang pagkislot ko. Hindi nakakatulong.
Alam niyo yung kantang booty music ng the deep side? Naaliw ako. kulang na lang mapaos o di kaya naman ay sumabog yung vocal chords ng mga bokalista na yan. napapaindak talaga ako kapag naririnig ko iyang tugtog na iyan. sige, ganito. humanda at magabang na kayo dahil malapit niyo na akong makita na sumasayaw sa saliw ng kantang iyan.
Pangalawang off topic na ba iyon?
Bayanihan ang tema ng gerbis. Hindi niyo lang alam kung gaano ako kasaya ng malaman ko na may mga taong ipinanganak na may mahabang pisi ng pasensiya para turuan ako sa kung ano ang tama na dapat kong gawin. Walang masama sa paghingi ng tulong, kaya lang–hindi kasi ako iyon. Hindi ako marunong humingi ng tulong. Kaya siguro ako nadidismaya dahil naninibago ako sa konsepto na ako yung nagbibigay ng saklolo. Hindi ako ang bida—sa ngayon. Huwag niyong isipin na impyerno ang gerbis dahil ang totoo, mababait ang mga tao doon—ako lang talaga ang may problema at kailangan ko magayos ayos ng buhay.
ako ay inosenteng biktima ng kamangmangan. may tamang lugar para magkamali at hindi gerbis ang isa sa mga lugar na iyon. ako? nagawa kong baguhin iyon dahil sa dami ng beses ko ng nakagawa ng pagkakamali pero katumbas nito ang ilang bagong tuklas na kaalaman na hindi ko matutunan sa ordinaryong silid aralan.
blog ang solusyon sa pagod ko at mapapansin niyo na sobrang napapagod na ako sa ginagawa ko sa dalas ko maglabas ng lathala sa datkom. Bongga. Hindi na masama ang tatlong beses sa isang linggo. Kung kelan walang internet sa bahay at napakasobrang ubod ng abala ko sa buhay, doon ko naman nakuhang asikasuhin itong kalokohan na ito. Oo, pangatlong off topic na iyon.
Kung sino ang xienahgirl na nakilala niyo sa internet, ganun din siya sa totoong buhay. Walang pinagkaiba. Ipinapakita ko kung ano ang nadarama ko. Umiyak ako sa harapan ng amo ko. Huwag niyong isipin na masama ang ugali ng amo ko dahil sa katunayan sobrang bait niya. Hula ko nga mapupunta siya sa heaven tapos makikita niya si father god—ngayon din, ora mismo. Huwag na kayong magano ano diyan para ipaalam sa akin na nakakahiya ang ginawa ko dahil alam ko na yun bago pa ako humingi ng permiso mula sa amo ko na pupunta ako sa banyo para huminga ng malalim. Kailangan mapuno ng pagasa ang nanliliit kong baga at maibuga ko papalabas ng aking sistema ang panghihina ng kalooban ko. Hindi ako napaluha dahil sa masamang karanasan o sa mga pagkakamali na nagawa ko kundi dahil sa pinaghalo halong kaartehan ko sa katawan at sa rason na baka hindi ko malagpasan o maabot man lang ang inaasahan ng grupo ko mula sa akin.
ako nga na itinuring na magaling dinadaga pa ang dibdib, paano pa kaya yung walang galing? magpakamatay na sila.
Saka ko na lang siguro sasabihin yung pangapat na ofttopic, na ang bobo ko na ngayong gumamit ng microsoft word kaya mas tiyatiyagain ko ang makipagplastikan sa inyo gamit ang internet browser. ewan ko kung ako lang pero hindi gumagana yung mga shortcut keys sa ms word.
Kaya ko ito. kesehodang bata pa ako o una ko itong trabaho kaya ito nangyayari sa akin. Maraming dahilan para umayaw pero mababalewala ang alinlangan na iyan ng isang matinding rason para magpatuloy: ang tiwala ng grupo ko na may maiaambag ako para sa ikabubuti ng lahat. patutunayan ko na hindi sila nagkamali. Paniniwalain ko sila sa parehong paraan kung paano ko pinaniwala ang sarili ko.
Magaling ako. magaling ako. magaling ako. confident positive self recitation. Ewan. ako lang nagimbento niyan.
Pustahan tayo, 4 buwan lang ang itatagal ko sa ganitong klase ng paninilbihan sa gerbis. Biro lang, pero pwede niyo rin seryosohin.








October 16th, 2008 at 10:29 am
ano ba yung gerbis?
[Reply]
October 19th, 2008 at 7:37 am
dito ako magcocomment para kunwari di ako nahuli.. hahahaha
anw.. apat na buwan? pusta ko 3 months.. hahaha joke lang.. paabutin mo na ng isang taon.. hahaha
ang daming off topic kaya eto OT salamat sa libre mo kagabe.. nakalimutan kong magpasalamat sayo.. salamat salamat salamat salamat..
nasukaan ko yung blanket ko.. err.. di naman ako nalasing.. sabi ko na eh di dapat ako umiinom… ikalawang off topic yan..
good luck sa gerbis life.. awoo awooo awoooo
[Reply]
October 16th, 2008 at 11:49 am
sana wag kang kainin nang stress at siguro naninibago ka lang ulit.
kelangan lang siguro lagyan si xG ng WD40 hahaha.
sana tumagal ka xG jan sa gerbis :)
hello xG!!!
[Reply]
October 16th, 2008 at 2:08 pm
welcome to the rat race xg… :)
sa totoo lang, hindi ko rin alam kung ano ang gerbis eh…. hehehe…
educate me.. :)
[Reply]
October 16th, 2008 at 4:05 pm
convergys ang naiisip ko… ?_?
[Reply]
October 22nd, 2008 at 1:10 pm
malungkot na ako dahil ako’y mali. ano ba ang tama? walang clue?
[Reply]
October 16th, 2008 at 4:29 pm
kaya mo yan XG!
kalilipat ko lang din ng work (well actually last year pa haha) pero dun sa pinangalingan ko ako ang magaling then dito sa nilipatan ko bigla ako nangapa hehehe..pero kita mo naman umabot na ko ng mahigit isang taon and still counting..kaya KAYA mo yan sabi ni Jabi! ;p
[Reply]
October 16th, 2008 at 5:52 pm
ganon talaga ang lyf parang buhay, ang importante ay mahaga. ang lahat nang nag-uumpisa at ay nagsisimula sa ganon. gaya nga nang sabi mo nobody’s perfect, as time goes by matuto ka rin at madami ka pang mauto, matutunan pala. hang-on, you can do it!
Tambayan Ni Byter
[Reply]
October 16th, 2008 at 6:13 pm
Ine kaya mo yan,’kaw pa, lahat naman natututunan at napagaaralan, maski nga pagmamahal natututunan..wag ka lang magkakakain ng kaning lamig, nakakapasma ng isip yan hahaha biro lang..goodluck!
[Reply]
October 16th, 2008 at 10:46 pm
ikaw na din ang nagsabi… unang trabaho mo yan… hindi ko alam kung sakin dapat manggaling ito.. dahil ngaun lng din ako nagkaroon ng unang trabaho…
pero… kung ngaun ka agad susuko… hindi ka tatatag sa trabaho mong yan… marami pang pagkakataon na ganyan ang darating… pero kung malalampasan mo naman… maganda naman ang magiging resulta…
bili ka ng stresstab… hehehe
[Reply]
October 17th, 2008 at 12:51 am
lahat naman tayu may kahinaan ah…kahit mga superheroes indi talaga nagiging ganap na superheroes kung walang kahinaan..
may kahinaan din ako..
at indi ko talaga magets bakit umiyak ka..
sa plurk nalanng tau magkita..lols
[Reply]
October 17th, 2008 at 5:08 am
beginner ka pa lang naman kase sa pagttrabaho. natural lang yan noh. nako. mamaya marinig ko na lang na ikaw na presidente ng gerbis. hehehe.
[Reply]
October 18th, 2008 at 3:43 pm
tama, asawa ng presidente!
mas maraming magagastos na pera!
[Reply]
October 17th, 2008 at 10:42 am
ate x.
sauce.
kayang kaya mo yan.
kung ang sangkablogasperyuhan nga, nadominate mo.
gerbis pa kaya?
asus. magulat na lang ang mga ka-gerbis mo.
hahahaha.
wait, ano ba ginagawa sa gerbis?
[Reply]
October 17th, 2008 at 8:06 pm
hmm..naninibago ka ata sa bagong work mo ngaun. at sa tingin ko, makakayanan mo yan sa lalong madaling panahon with flying colors pa.
wag tayong mahiya magtanong.. kahit minsan hiyang hiya na rin ako kakatanong dahil sa palipat lipat ako ng institution ngaun, at iba iba ang routine. Pero sympre, maganda na rin ung sumasangguni sa mas nakaka-alam.
marami palang nagtatanong kung ano ang gerbis..hmmm..
[Reply]
October 19th, 2008 at 1:20 am
go go work. ako apat na buwan na sa work ko at buhay pa din. hahaha
[Reply]
October 19th, 2008 at 3:22 pm
Hindi ko maalala kung ano talaga nature ng work diyan sa CC. Tutor ba or customer service?
Dito kasi sa sales program namin, hindi gaanong stressful tulad ng sa Care. Medyo may pagka-care ang ibang calls pero we just need to meet the sales metrics. May commission or wala, basa meet the metrics ok ka. Super duper ganda/bait/understanding/caring/lovable/adorable/funny pa TL namin so san ka pa?
Sana lang di kami ma-dissolve at malipat sa ibang team. Dumadagdag ang natatanggal sa team namin. One of us was terminated because… ugh.
[Reply]