mimic
Imitation is a form of flattery.
Naniniwala ka talaga diyan sa kasabihan na iyan? Kung gayon, binibigyan kita ng pagkakataon na lokohin ako basta huwag mo lang lolokohin ang sarili mo.
Palagi kong pinapaalala sa inyo na inggitera ako. hindi ko ikinakahiyang sabihin na likas sa akin ang mainggit pero ito lang ang sinisigurado ko sa inyong lahat: hanggang doon na lang iyon. Hindi ako umaabot sa punto na kailangan makapanakit ako ng damdamin ng iba para lang magkaroon ako ng bagay na wala ako. ako yung tipo na kapag nainggit, gagawa ako ng paraan para makamit ko ang gusto ko. trying hard pero sariling sikap.
Ayaw ko lahatin pero merong mga tao na wala talagang talentong magisip para sa sarili nilang kapakinabangan kaya kinakailangan pa nila tignan ang kung ano ang mayroon ang kapwa nila. Binabalaan ko kayo, hindi basta makakita tayo ng kaaya aya ay pwede na nating gayahin iyon. Hindi lahat ng maganda sa paningin natin, dapat gayahin pero kung alam natin na magiging mainam ito para sa atin–huwag na tayong magatubili na magpatumpik tumpik pa. gora lang ng gora.
Ano nga palang kalokohan yung tinatagalog yung mga english na kanta? Uso ba iyon? para akong timang na tawa ng tawa sa bus nung marinig ko yung katangahang iyon. Kung sino mang nilalang ang nakaisip na gawin iyon, gusto kong ipaalam sa iyo na ang bobo mo. anong kapakinabangan ang naidulot sa kanya nito? Huwag kang magpapakita sa akin dahil susuntukin kita gamit ang buong lakas na natitira sa katawan ko.
Hindi totoo na likas sa mga pinoy ang manggaya dahil lahat ng nilalang, kahit anong uri man ng kultura, basta makita nila na maaari nilang mapakinabangan ang bagay o gawaing iyon, natural–pipiliting kopyahin. Kapag may nakita tayo na alam nating makakabuti para sa atin, hindi na tayo magdadalawang isip pa kunin ang konsepto na iyon. ipokrito ang tao na nagsasabi na kahit kailan hindi siya nanggaya. alam ko hindi tayo dapat magalit sa mga taong nangongopya para sa sariling kapakinabangan pero merong mga pagkakataon na masasabi natin na umabot na sa sukdulan at kailangan na natin umapela.
Napansin ko na talamak ang ganitong gawain dahil may ilan sa mga bloggers na kung makaasta sila kala nila orihinal ang konsepto nila. Ang titikas, akala mo kung sinong magaling samantalang kumopya lang naman. kailangan ko pa bang utusan ang mga kokote nila na gumana naman kahit ngayon lang? subukan kaya nila magisip, hindi ba nila alam na makakabuti iyon sa lipunan? Walang masama sa pangagaya lalo na kung bibigyan mo ng pagkilala ang tao na kinuhanan mo ng konsepto pero ang angkinin ang lahat ng papuri? Sumalangit nawa ang iyong kaululuwa.
Ayos lang sa akin na gayahin niyo ako. Kung nakikita naman ninyo na kapakipakinabang ang mga bagay na ginagawa ko, libre kayong manggaya. nakakatuwa lang dahil kahit ako, hindi nakaligtas dahil bukod kay XienahGirlish, nadiskubre ko na may mga gumagaya sa akin lalo na sa paraan ko ng pagsulat. Hindi ko na lang pinapansin noon pero ngayon, hindi ko na mapapalagpas ang pagkakataon na ito.
Kilala mo kung sino ka dahil nagbabasa ka dito. Anong tinitingin tingin mo sa katabi mo? ikaw ang pinariringgan ko, nagmamaangmaangan ka pa. Iyan na nga lang ang gagawin mo, hindi mo na nga kailangan magisip dahil gagayahin mo na lang ang ginagawa ko tapos hindi mo pa pinaghusay. Ayusin mo. kokopya kayo tapos kapag pumalpak, ako pa yung mali. Ako nahihiya para sa mga taong tulad niyo.








October 12th, 2008 at 9:41 pm
uh oh uh oh uh oh oh no no no..
[Reply]
October 12th, 2008 at 10:36 pm
marahil nga ay talagang idol ka nia (nila?) ms xienahgirl. siguro ay hindi nia nakikitang marami pa rin xang pwedeng ibahagi sa sangkatauhan nang hindi nangongopya sa iba. you can be unique and still celebrated without plagiarizing others’ lives. sabi nga nila, “envy is a symptom of lack of appreciation of our own uniqueness and self worth. each of us has something to give that no one else has.”
[Reply]
October 12th, 2008 at 11:40 pm
groupies!! :) ain’t that cute? well, consider that a compliment. Iniidolo ka nila. pero plagiarism? ibang usapan na yan. hay nako… mga kawawang nilalang…
[Reply]
October 13th, 2008 at 12:15 am
sino kaya tong pinariringgan mo???
tsk tsk tsk…
ganyan talaga xG kapag maganda ka at sikat…
lahat ng bagay may nega side…
[Reply]
October 13th, 2008 at 7:36 am
Blogger(s) Da Who? *LOLz*
[Reply]
October 13th, 2008 at 9:05 am
Manggagaya na lang panget pa background. Haha.
Yung nanggagaya ng pagsulat mo? May kilala ako. :))
[Reply]
October 15th, 2008 at 7:35 am
Hindi ako shur kung yun yun ate ah! napansin ko lang kase eh. pero ewan. ang sama ko naman ata. :|
[Reply]
October 13th, 2008 at 10:17 am
fine! hindi na kita gagayahin. lol.
[Reply]
October 13th, 2008 at 2:02 pm
u should be proud my friend. ginagaya ka kasi karapat-dapat kang gayahin. pero i draw a line sa isyu ng pangungupya ng identity at literally na kinokopya ang boung post (or part of it) with even giving the credit sa utak na piniga to max para umagos ang makabagbag damdamin na ideya.
Mabuhay si xG! AHoo! Ahoo!
[Reply]
October 13th, 2008 at 4:30 pm
kabahan na ang mga dapat kabahan.
pagpawisan na ang dapat pagpawisan.
(teka, bakit bigla akong kinabahan at tagaktak ang pawis ko sa kilikili?shet?lols)
ako aaminin ko may mga ginagaya akong atake ng mga blogger kung pano sila magsulat. ahahaha. kasi idols ko sila. pero ang mangopya ng ginawa, naku mahirap yun.
isa pa, nagiisa lang si xG. kaya wag na kayong humarang dyan. mahirap banggain ang PINK na PADER.lols :)
hi xG! :)
[Reply]
October 13th, 2008 at 9:21 pm
hello XGirl..actually napapadalas ako sa blog mo mula nung makuha ko yung link sa blog ni Badoodles…di sana ako magcocomment pero gusto kong ishare yun katangahan ko..
nun iclik ko yun CLICK dyan sa entry mo. akala ko effect ng page mo ang biglang pagdidilim nito. ay hindi pala, isang pektyur pala ang lalabas, hahahaha..abnoy kasi PC ko eh sobrang bagal! kala ko isang EFFECT isa lang pala akong TANGA! hahahahaah
by the way sa nanggagaya sayo, tamaan sana ng kidlat ang internet connection o biglang malugi ang blogsite nya para mabura na ito sa blogosperya, hehe..
buti na lang ako pag nangkokopya, kinokowt ko yun author..takut ako mademanda e!
[Reply]
October 14th, 2008 at 4:05 pm
korek wala nga kasi kayong intellectual property rights….errr, teka ano ba yung rights na yun? nyahahahahah
kaya ka lang ginagaya kasi nga asteeg ang panulat mo..sabi nga sa nabasa ko..
BE OPTIMISTIC.
All the people you hate are eventually going to die.
hehehe.by the way nilagay ko yun link mo sa blogroll..sana ok lang :D
[Reply]
October 16th, 2008 at 4:25 pm
hehe..XG salamat sa explanation, lols..nijojoke lang naman kita..alam ko naman yun ng ishlayt!
salamat sa approval :p
[Reply]
October 13th, 2008 at 10:15 pm
nasanay na ako na nauuso yung mga kawirduhan ko sa katawan. pag naglalakad ako sa mall, nagbibilang ako ng mga nakapurple jeans, naka wayfarer (fake naman), naka sun dress kahit tag ulan. may nagsabi pa sakin na ang baduy ko daw kasi BASTON daw ang pantalon ko. (s_putangina)(woot)
kelan ba yung uminit ang ulo ko? may napansin akong ganyan e. di porket cool sa isang blogger yun ganung style e babagay na sa iba. ayaw ko magbanggit ng pangalan. baka machismis pa ako.
(hmm. isang obserbasyon lang naman yun pero kasi nakakairita nga. parang gago lang. kagaya ni ano na nahahawa kay — ——)
hmm. naalala mo? sabi mo parang hawig kami ni ano ng atake? hindi kami parehas ng style ni ano. mahiya naman sya sakin. hehehe chaka basta, ayaw ko ng adik sa panggagaya. yun yung effort na walang sense e. diba?
[Reply]
October 14th, 2008 at 8:57 am
papakilala ko saiyo si Miss Ganda siya ata ung nag tagalized ng englisized song.wehehe.
natawa ako dun sa pix.infairness, pati ang angle balak na rin gayahin.
nasan na pala ung mga nangagaya ng istilo ni Ms.xG?gusto ko rin kayo madaanan sa bloghop.weehe..
[Reply]
October 14th, 2008 at 1:07 pm
pakisabi kay xienahGirlish…
na lumiyad na konti para mahalata rin ang boobs niya..
magbihis ng damit para hindi magmukhang katulong
at
magpastraight ng buhok para hindi “mahangin
sa labas” ang epek niya…
unless…
yun ang gusto niyang i-achieve na look..
bwahahaha!!!
[Reply]
October 15th, 2008 at 5:11 am
Hello XienaGirl,
Kami ang bagong blog boyband. Kung ikaw ay isang batang kalye, magugustuhan mo ‘to.
alasais.wordpress.com
Salamat,
Tem-i of Alasais
[Reply]
October 15th, 2008 at 8:58 am
lesson:
kapag nanggaya, siguraduhing mas maganda.
[Reply]
October 15th, 2008 at 4:34 pm
infairness maputi yang xienagirlish na yan at uhhmm mas may laman. pero napansin ko lang pareho kayong…..walang mukha? ok sagad sagaran na tong panggagaya na to! tama na sobra na! lubayan nyo na kami. isa lang ang nasisiguro ko..kung paramihan ng boylets ang labanan..panis yang babaeng yan.
hi Xg! congrats! nakahanap ka na ng kapatid na babae. twins pa pala kayo. astig!
[Reply]
October 15th, 2008 at 4:49 pm
Akala ko before, xG and ate sienna of pansitan ni ate sienna ay one and the only. Kung may bagong lumitaw na si xienagirlish, factsheet, kumpleto na kayo. Parang holy trinity ang inyong version: the mother, the daughter and the holysheet. LOL!
[Reply]
October 16th, 2008 at 10:33 am
kinilabutan ako sa picture, antapang!
[Reply]
October 17th, 2008 at 3:13 pm
xg naman..wala ako sinabing negra ka..sabi ko maputi lang sya..saka uhhmm nahahawa ka na kay joncabron magsalita..haha! lakas ng impluwensya.
[Reply]
October 17th, 2008 at 6:31 pm
Namiss kita xG! kakabalik ko lang galing Venus :) Anong meron? Huli nako sa balita. Hongapla, nde na tuloy ang kasal ko. Napag-isip isip ko gusto ko pala maging tomboy. hahaha.
Mabangis na XOXO. :)
[Reply]
November 9th, 2008 at 2:52 am
hahhahah! as in pati trademark pose mo di pinalampas?! Omigosh. LOL. sa susunod siguraduhin nya lang na hindi sya sa CR magpo-pose. ang jologs.
[Reply]