nus phail

[ibinalita sa telebsiyon ang resulta ng philippines top10 best humor blogs] at ang totoo? kahit maganda ang screen capture ng datkom ko sa TV hindi pa rin ito sapat na dahilan para maglabas ako ng letson at maghanda ng nakabubusog na piging.

sa palagay ko, walang silbi ang pagkapanalo naming lahat kung yung mismong nagsimula nito ay hindi man lang nabigyan ng tamang pagkilala. ano ba naman yung paglaanan mo ng kalahati ng kalahati ng isang segundo ng balita mo ang banggitin si badoodles, ang project lafftrip laffapalooza o kahit yung kwentongbarbero.com?

habibu. tama ba narinig ko? ANG MR_D? wtf. maramdamin si romydiaz kaya ayan tuloy, nagtampo ang pinakamatanda sa lahat ng batang blogger. hindi mo man lang makuhang banggitin yung diarya. tsk tsk. DEAR DAYARIYA baka kako di mo alam kung paano sambitin tulad na lang ng THE LOSER’S REALM. ewan ko, pero nagrereklamo si mariano na hindi dapat REYALM kundi RELM. babytalk.

[OFFTOPIC]
TARANTADO KA ROMYDIAZ. SINO NAGSABI NA BURAHIN MO ANG DEARDIARYA? PUTANGINA. DI KO ALAM GAGAWIN KO NGAYON. DI KO ALAM KUNG ANO ITATAYP KO.
[/OFFTOPIC]

malinaw sa akin ang lahat: na merong mga bagay na dapat at hindi dapat ipakita at bigkasin sa telebsiyon pero ginoong reporter, hindi mo ba alam na may mga tao sa likod ng mga blog na iyong nabanggit? ayusin mo trabaho mo ng hindi ka lumalabas sa ilalim mga ganitong klase ng titulo ng blog entry.

ayos na rin siguro dahil hindi naman sikat yung palabas mo. ano nga pala ulit yung bragging rights? ok.




24 Responses
  1. Napanood ko yung video na yun kahapon nung nasa Starbucks ako sa trinoma. HAHA! Nakiki-wifi ako doon! hahaha. ayun nga, mali pa ang pagkabigkas nung kay kuya m. at at, di nabanggit yung naghost nung contest. tskkkk.

    pero infairness. super proud ako sa inyo. hahahahaha. :)) pinagmalaki ko pa kau sa mga kasama ko nun kahapon. pinapanood ko pa sa kanila yung bidyo! :)

    ang whatever naman kasi nung nagreport eh. sauce.

    congrats ulit sayo miss xienahrchuleta. hahaha. naalala ko lang kasi tawag ko sau yan nung summer. :)) miss na kita ate x. busy busy ka ngayon sa gerbis. ako naman dahil finals! ;) haha. sa sembreak!

    tuwang tuwa ka sa wifi ng starbucks? haha. alam ko naman talaga na proud ka sa amin e. ikaw pa? sus. ano daw sabi ng mga kasama mo? wala naman? hahaha. salamat naman ayiene. ako busy? di naman ah? nagpaplarks pa rin ako. walang nagbago. binayaran lang ako. hahaha. goodluck sa finals. gogogo!

    [Reply]



  2. oo nga..

    curious ako kung ano ang reaksyon ni kuya badoods..

    ingatz

    di ko rin alam. dedma lang naman yan kadalasan. ayun nagiinat inat pa siguro sa ilalim ng cubicle niya yun

    [Reply]



  3. isa siyang ewan. pakdat mister reporter. haha.
    bat naman binura ni mr_d yung blog niya? malapit pa naman na akong mainlab sa kaniya. haha.

    ewan ko ba di inaayos ng reporter na yan ang tarbahu niya. yung si romydiaz? masyadong maramdamin ang matandang yan. hahaha

    [Reply]



  4. Huwaw sikat ang mga Taf Ten Humor Bloggers, na- Tee Vee pa pala! At least me exposure, blessing na din ‘yun. = D

    oo nga. sana man lang nainterbyu ako. haha. stepping stone ko pala ito para magartista! yeash. haha

    [Reply]



  5. awww man… i missed that on tv… teka, alam niyo ba kung saan ko pwedeng mapanood ang encore ng tv show na yan??? :)

    nandito sa [link] na ito ang video na iyon.

    [Reply]



  6. Nilalason nung reporter na yun ang kaisipan ng mga tao [kung may nanood man bukod saken at sa iyo]. Riyalm, fine.

    Sige tinatanggap ko ang imperpeksyon ng mga tao sa media. Tao din silang tulad kong nagkaaktpyo.

    Sige, pinatatawad ko na ang babytalk na yan.

    tayo lang ata nanuod neto eh? haha. pero sa palagay ko tama naman ang reyalm. mali nga ba? subukan niya lang maliin ang chiksilog datkom at makikita niya hinahanap niyang eksposyur. hahah. biro laaaang. haha.

    [Reply]



  7. ayun. di kasi inaayos yung trabaho nya, nablog tuloy sya ni xienah girl.

    (tears) dear diarya.. (tears)

    ampers kasi. ako inaayos ko trabaho ko bilang blogger kaya ayan tuloy naiblog ko siya. haha. etong si manding? mananagot sa akin yan. tsk.

    [Reply]



  8. media corrupts people’s mind..

    yun lang masasabi ko at OO PUTANGINA MO KA MANDING!

    wow. english yun ah? haha. ibinabalik ko na sa kanya ang integridad ng putanginamoka. sasampalin ko talaga ng buong lakas ko yan oas na makita ko hahaha

    [Reply]



  9. i think it was not okay at all kase d banggit ung founder at nag start…

    Pero sa kabilang banda I am happy that our media is kinda somehow giving some attention to Filipino Bloggers…

    hindi nakakatuwa yun akshuli. haha. nakakaasar pa nga kung tutuusin. medyo napapadalas na nga rin ang news exposure ng blogging community. asteggs

    [Reply]



  10. seen the vid… wow… sobrang ikli ng segment… nga noh, di lang naman inaknowledge ung contest and si badoodles… :( wala ngang kahit konting teaser or spoiler about sa mga blogs ninyo eh… tsk tsk tsk… but anyway, i’m still proud of ya… congrats!!!! :)

    oo maikli lang talaga pero ayos na rin. sana mas binigyang pansin na lang talaga si habibu abadudels.

    [Reply]

    b@kekang

    napanuod q n yung video..maikli nga yung segment..hmmnn nakulangan ata yun sa pampadulas eh hahaha!..at saka pakainin yung reporter dapat ng tumbong ng manok para daw matuwid yung dila(ayon sa mga mtatanda)hehehe

    tsk tsk tsk. tarbahu niya yun kaya dapat gawin niya ng maayos. ako nga tignan mo? ginagawa ko ng mainam ang tarbahu ko. hahaha ibinlag ko siya. go.

    [Reply]



  11. ayy loser’s reyalm. sana dinagdagan na lang niya ng letrang H every other letter para naubusan siya ng hangin.

    rhehyhahlhmh…

    *ventolin spray*

    offtopic: ayyyyy!!!!! (ulit!) i likey yung itlog na parang may mapanganib na malapit nang lumabas.

    natawa ako sa ventolin spray. haha. itong header na sider? haha. ito yung header ng empermera sa blogspot.

    [Reply]



  12. saang chanel ba yun? ndi ko tuloy napanood. buti nalang nilink ni ate xG. hay. mukang tamad na tamad ung reporter kaya di man lang nag-research kung sino sino ba ang nasa likod ng mga blog na nasa top10 at kung sino ang nagpakontes. Bukod dun, di man lang nya binanggit lahat ng nanalo. Ano ba yan! pinapasweldo pero ayaw gawin ang dapat gawin. Tsktsk. Nawala na si romydiaz. hala.

    sasabihin ko pa ba kung anong channel? ayaw ko kasi ipromote. haha. nawala si romydiaz pero sa palagay ko di naman tungkol dito. wala lang. nagiinarte lang siya. hahaha

    [Reply]



  13. mas tuliro ako sa pagbura ng blog ni romy. di ako mumurahing tao pero tanginang tanginang yan talaga. pinagpa-planuhan ko na kung pano bobombahin ng hatemail si romy. pinadalhan ko na sya ng warning email kahapon na dalawa. dalawa ulit mamya. :lol:

    sa totoo lang tuliro pa rin ako hanggang ngayon. alam ko maraming di makakaintindi kung bakit ganito ang naging reaksiyon ko sa pagkawala ng dear diarya. yaan niyo ipapaliwanag ko yun. hahaha. hate mail? ni hindi nga marunong magemail yun e! hahaha

    [Reply]



  14. tsk! di ko man lang nalaman na na-TV pala ang ang taf ten ng PLLP. pano ala akong TV sa bhaus. takte! heniways, congrats sayo xG, ang nag-iisang dyosa ng blogosperyo. kumusta naman ang binigay ko sayong titulo. congratz ulit sayo at sa lahat ng nanalo. pati din kay kuya bosing badoods!

    wala talaga nakaalam. nagulat na lang kami ni hindi nga ipinagpaalam yun. haha.

    [Reply]



  15. congrats po!..ala n b blog n diarya?tsk isa p nmn xa sa mga paborito q..huh!

    ewan ko ba diyan. haha. biglang nagbura. haha

    [Reply]



  16. POTEK DAPAT MASAPAK YANG SI MR. DEE.

    :D congrats mama. ayee, wala akong TV sa dorm. suri naman.

    naku. sasampalin ko ng bonggang bongga yan. haha. oo ayos lang anak alam ko naman na wala kang tibee sa dorm. hayaan mo lalakihan ko ang allowance mo sa susunod. magpatayo ka ng sarili mong kwarto dun.

    [Reply]



  17. wah mapanood ko nga. san ba un ipinalabas. hanep may exposure na.. hahaha

    ayaw ko sabihin kung saan yung palabas na yun. baka sumikat pa.

    [Reply]



  18. buset oo nga noh di nabanggit si badoodles….tsk..

    [Reply]



  19. ba’t niya binura?
    ba’t di nabanggit si kuya badoodles?
    ampooootahng reporter yan. ano na ang nangyari sa responsible journalism? hindi kumpleto yung facts. nakakabwisit. ano ba yun, di ba siya marunong magresearch?!

    binura nga ba? tsk tsk. di ko rin alam. pareho lang tayo na walang alam. hahaha.

    [Reply]



  20. oi delayed reaction nanaman ako sa mga komento.wehehe. oo nakita ko rin un. kaso hindi nila nabanggit kung sino ang dapat pasalamatan sa matagumpay na contest. si sir badoodles. .hmm..

    naku nasan na pala si mr.d??

    ewan ko diyan kay manding. potah yan. oo nga di nila napasalamatan si badudels pero ayos lang daw sabi ni badudels.

    [Reply]



  21. Amp nasaang lupalop ba ko at hinde ko nabalitaan yang mga yan. :lol: Meron lang nagsabi saken dating dati pa ng project lafftrip na yan pero ngayon ko lang nabigyan ng attention. That explains why ngayon lang ako napadpad dito sa blog mo, hehe.

    Pers taymer po. Penge namang orange juice. :lol:

    ah oo, ang nangyari kasi e parang naging extension ng kwentong barbero ang chiksilog hahaha. welkam to hell kirk. haha

    [Reply]



  22. Ooopsss hinde pala gumagana ang smileys dito.

    [Reply]



  23. “Your musical compatibility with gerbis is Unknown”-ito ang pinaka da best na nakuha kong kasagutan sa tanong na “ano ang gerbis?” cge tanong ka pa,at mumurahin ka na ni gerbis,nakatimkim ka na ng ice cream na ampalaya flavor? prang ganun,sabagay sabado bukas,nagulo ba lalo?aus

    hindi kita maintindihan. seryoso. kung naghahanap ka ng away tamang pader ang binangga mo. ano ba? hahaha. hindi ko maintindihan kung first person ba ito o third person ang statement mo e.

    [Reply]



Leave a Reply