re: vengeance is mine
kung handa ka ng masira ang buhay mo–hayaan mong muli akong magpakilala sa iyo, mahal kong tagasubaybay.
kelan ba ako nagpakilalang mabuting tao ako? wala akong matandaan. ang pakiwari ko sa imahe ko sa blogosphere ay isa akong magandang malandi at maangas. bitch. isang mabilis: bitch. yung nangangalit yung ipin: bitch. yung parang dumudura ng salita sa isang hingahan: bitch. ngayon ay napatunayan ko na epektibo nga talaga akong blogger–nauuto ko kayo. bukod sa napapaniwala ay napapamangha ko rin kayo sa pamamagitan lamang ng mga letra at bantas na pinapakawalan ng mga daliri ko. ok payn. di ko kayo napapamangha dahil ako lang nagsabi nun pero hindi pa rin natin maikakala na nabibigyang hustisya ko ang mga ideya na nais kong ipakahulugan. kung hindi henyo, ewan ko na lang kung ano ang maaring maitawag sa gilas na iyan.
nasabi ko na mayabang rin ako, noh? thanks.
paano ko nga ba mailalarawan ang paraan ko sa pagpapatawa? sarcastic, yun yata iyon. mas binibigyang halaga ang natatagong emosyon sa likod ng mga direktang salitang binabanggit. ganito na pala talaga ang makabagong pagpapatawa at wala na sa uso ang mga nadadapa sa putik, nilalamukos ang mukha, sinusukahan ng kape, pinapasabog na bulok na kotse, pekeng tunog ng suntok, nahuhuli sa eksena na mga pulis at hinahampas ng diyaryo sa ulo. saang kamay ng bathala ako kukuha ng talento para gawin ang mga iyan sa internet? mahirap yun. kahit si mr google di iyan masasagot pero unti unting nabago ng mga bloggers ang konsepto ng komedya. lubos lubos ang nararamdaman kong ligaya dahil isa itong katibayan na ang makabagong pinoy ay intelektuwal–hindi na nakakahon sa ideya na ang pisikalan at ang sakitan ay nakakatawa.
hindi ko lang alam kung dapat ba akong mabahala sa pagkaaliw ninyo sa paraan ko ng pagpapatawa–ang pasimple ngunit marahas na pagyurak ng pagkatao at damdamin ng iba. bibihira lang ang may taglay ng ganitong katangian at dito sa mundo ng blog, kailangan matigas ang pagmumukha para makagawa ka ng kakaiba. hindi niyo alam kung gaano karaming apog ang tinutubog ko sa tubig at itinuturok ko sa ugat ko para tumigas ng ganito ang pagmumukha ko para gawin ang lahat ng nakikita ninyo dito sa datkom. sumpa ang pagmamayari ng konsensiya na tinadtad ng kalyo at ang naging kapalit nito ay ang malawakang hindi pagkakaunawaan. ang sarcasm ay balakid para maging sensitibo sa nararamdaman ng iba na himalang nakakatawa naman para sa lipunan. meron pa rin kasi tayong mga kapatid sa blogging na hindi bukas ang kokote para intindihin ang trip ng iba. killjoy.
ang pagpapakita nga ba ng pagkakamali ay pagpapakatotoo? ano ang silbi ng pagpapakatotoo kung ang tanging napupuna ay pagkukunwari?
hindi pagpapakatotoo ang ginagawa ko kundi pagpapakatao. hindi ako ang tipo na buong tapang na magmamalaki para makuha ang respeto ng karamihan. hindi rin ako nagpapakita ng pagkakamali, kahinaan at kakulangan para kaawaan. ipinapakita ko lang ang likas na katangian ni xienahgirl na nais maging inspirasyon sa kapwa.
ano daw?
binibigyan ko kayo ng karapatan na husgahan ako bilang isang personalidad sa internet. blog ito, mahal kong tagasubaybay. inilalathala ko kung ano ang gusto kong isipin ninyo tungkol sa akin. ihinahatag ko ang mga putahe na alam kong bebenta. malinamnam ang lahat ng matitikman ninyo dito sa datkom at wala kayong ibang pwedeng gawin kung hindi kainin ang nakahain, nguyain ito ng buong puso at lunukin ito ng may respeto. nakikikain lang kayo. nakikibasa lang kayo. lapastangan ang tao na huhusga sa kabuuang pagkatao ko base sa kung ano ang ipinatikim ko sa inyo. kung ayaw niyo ng niluto ko, pwes maraming karinderya diyan na malamang ay swak sa panlasa mo. ipinapaalam ko kung saan kayo lulugar dahil ngayon pa lang sasabihin ko na sa inyo–masama akong tao. ako ang huling tao na gugustuhin ninyong makabangga.
ang isa sa pinakamadaling paraan para makuha ang pansin ng madla ay ang banggain ang pinakasikat. oh, alam niyo na? nagkaalaman na. merong mga basurang umaasta at nagpapanggap na anyong tao diyan na susubukan akong sugatan sa pamamagitan mismo ng mga salitang binitawan ko. bakit kamo? kulang sila sa talino para makaisip ng dahilan para masira ako kasi sila mismo alam nila na hindi uubra sa akin ang bulok na paraan kaya gagamitin nila ang mga sinasabi ko laban sa akin. ang sagot ko? ang tanging pakay ng mga weakling na mangangahas na sumubok na kalabanin si xienahgirl ay walang iba kundi, fame.
im gonna live forever.
baby, remember my name.
remember. remember. remember. remember.
mahal kong tagasubaybay, nakakalimutan niyo na ako ay isang blogger at hindi kung sino mang artista na lumalabas sa telebisyon. buhay ko ito at hindi ito isang malaking tsismis na pwedeng pagpiyestahan ng mga labandera sa batis, thread sa plurk, bakla sa parlor, call center agents sa pantry at bloggers sa messenger conference. hindi ko kailangan patunayan ang sarili ko sa kahit kanino dahil alam ko na matagal ng matalim ang panulat ko pagdating sa blog. may kakayahan ang chiksilog na durugin ang kahit sino–pero kahit kailan hindi niya gagamitin ang kapangyarihang iyon. nakakatamad. ay, teka. may niyurakan na pala ako ng pagkatao gamit ang datkom at hindi ko na ipapaalala kung sinong eksotika yun. tsk. hindi katanggap tanggap na bababa ako mula sa pedestal na kinatatayuan ko para makihalubilo sa mga bobong tao na iyan. minsan nakakalimutan ko kung ano ang kaya kong gawin. mabuti na lang at may mga nagpapaalala sa akin sa kung ano ang kakayanan ko.
lahat ng tao may karapatan magsalita sa pamamagitan ng paglalathala pero hindi ibig sabihin nito na maiintindihan ka. ang pagiging kilala sa larangan na ito ay hindi nangangahulugan na susuklian ka ng pangunawa. palagi kong sinasabi na hindi ako naging kumportable na maglathala nitong nakalipas na taon dahil pakiramdam ko kailangan ko umayon sa kung ano ang gusto ng mga tagasubaybay. lahat ng mata nakatuon sa akin at ang pangkaraniwang galaw ko ay nabibigyan ng malisya. pilit akong binibigyan ng reputasyon–ng mga pamosong bansag na kahit kailan ay hindi ko naman hiningi o napakinabangan man lang dahil hindi ako nagpapakilala bilang xienahgirl sa tunay na buhay.
isa pa nga pala–babae ako, pero tuli na. mabuti na yung malinaw, kaysa naman magtanong na naman kayo? paulit ulit na lang tayo, mortal fools.
hindi ko hahayaan na maagnas ako ng kaisipang sikat ako. hindi mabuti sa isipan ang alingasaw ng nabubulok na pagkatao. sino may pakana magkalat ng katarantaduhang sikat ako? pwes, sumaiyo ang taos puso kong pakyu dahil sinira mo ang buhay ko. marami nagsasabi sa akin na sikat ako pero kapag tinanong ko naman kung paano nila nasabi na sikat ako? katahimikan–hindi nila ako masagot. hindi ko nga nararamdaman kung gaano ako kalaki sa mundo ng blog. nakakaraos pa rin naman ako sa buhay kahit nagpapakilala ako bilang isang nonblogger. hindi ko kailangan ng kasikatan para makakuha ng libreng jumpfood at chichurya. mainggit ka, ganda lang ang puhunan ko.
ako lang ito, si xienahgirl lang ito.
kanino ngayon ang huling halakhak?
remember. remember. remember. remember.








October 2nd, 2008 at 1:47 pm
gusto mong malaman kung bakit ka click sa tulad kong maangas din? kasi direct ang atake mo sa topic mo at ginagamitan mo yan ng mga salitang hindi ordinaryo sa pandinig ng iba, style mo yun para idikdik ang punto mo sa kamalayan ng iba, hanga nga ako sayo kasi ako purong tagalog ako pero namamangha ako pag binabasa ko blog mo, napaghahalo mo ang matatalinhagang salita sa mga usong salita ngayon ng dika nawawala sa topic mo. wala akong blog diko alam yun basta ako ordinaryong nagiinternet lang para malibang at makakuha ng impormasyong gugulo sa kaisipan ko.pero alam ko dun sa kumpetisyon ikaw ang mananalo.isa pang hinahangaan ko sayo bukod sa maangas ka (hehee) ubod ka ng hambol, gumaganda ka lang kamo at di maganda?? anu yun pwe..hahahaa..salamat utol napapasaya mo ako sa mga sinusulat mo,meron ka utol dito sa malayo, por yur impermesyshun.Godbless..
[Reply]
October 2nd, 2008 at 4:41 pm
makapangyarihan talaga ang pluma. kaya masasabi mo lang na matino ang isang nagsusulat kung hindi nya aabusuhin yung pwersa na yun kahit pa alam nyang pwede nya yun gamitin para makapanakit ng iba.
(pero.. pwede din naman.. paminsan minsan hehehehe.)
humor blogger ka ba? ow? di ko alam yown! HA HA. whatta funneh
[Reply]
October 2nd, 2008 at 5:06 pm
nagkokomento ako bilang isang tagasubaybay,hindi bilang isang kaibigan sa blogosperyo..para wag namang sabihin na bias ako.wehehe.
una ko palang nun nabasa ang mga entries mo,napansin ko na ang katalinuhan at pagging maangas ng paraan ng panunulat ni ms.xienahgirl. Habang nagbabasa ako nun ng mga mahahabang entries ng empermera at chkslg, hindi ko nararamdaman na tapos na pala. Ganun ung magic eh: may pesonality, may utak at may puso.
Bilang isang tagasubaybay nirerespeto ko ang bawat salita ng blog ni ms.xienahgirl , walang halong paghuhusga.Dahil kahit ubusin natin basahin lahat ng entries,twit,plurk at reply niya sa blogsikret –> hindi natin siya talaga makikilala ng buong buo. Tao po si ms.xienahgirl at hindi mga palad na may mga daliri na matikas pumindotpindot ng keyboard.Chic na may damdamin.Ang mga humuhusga,naiingit,nayayamot at kung ano pa mang tawag dun–>lalo niyong pinalalakas si ms.xienahgirl.
Sori sa mahabang komento.wehehe.
[Reply]
October 2nd, 2008 at 7:51 pm
shet helfff katamas anong meron hahahaha
kahit naman anong sabihin nila sayo…wala parin makakatumba kay super xienah girl ehehehehehe
bawal magemote. hahaha
ang bumangga..giba!
nyelfffp
[Reply]
October 3rd, 2008 at 12:52 am
Basta ako kaya ako nandito kasi feel ko ang mga sinusulat mo. Gagawin ko ba itong tambayan kung di ko type ang mga nakasulat? Ahuh! Keber ko kung may nasasagasaan ka at may natatamaan, blog mo to, wala silang pake sa gusto mong isulat dito. Tulad ko, mambabasa lang rin naman sila ng blog mo. At oo nga pla, hindi ako naniniwala na hindi ka mabaet ate xG. Lokohin mo lelang mo. lols :)
Dahil nabibilang lang sa daliri ang dumadaan sa blog ko, walang plurk at walang yM, hindi ako makarelate sa kung ano ang latest at isang mukang malaking away na meron ngayun sa blogosperyo. At dahil wala akong background dyan, hindi ako makikisawsaw pa. Peace.
Pero isa lang ang masasabi ko, ang langaw, miski dumapo pa sa kalabaw, hindi pa rin mapapansin sa malayuan.
[Reply]
October 3rd, 2008 at 1:18 am
ibang klase ka xienahgirl… :)
beauty+brains+biting sarcasm+mala Francisco Balagtas vocabulary=Chiksilog.
[Reply]
October 3rd, 2008 at 6:21 am
Ms. X…
Ikaw bitch? hindi naman.. ang bait mo nga eh.
seriously, it’s easy to judge someone just because of what they say, what they write, how they smell and how they spell, how they talk, how they fart and how they blog… you know…
pero like me, they think Im 100% psychotic just because of my writings… of course not! Borderline lang.
I know you are a good person Ms X.. Nurse ka eh.
TC.
[Reply]
October 3rd, 2008 at 7:10 am
so gayahin ko din si ate lunes *nyenye*
last year ko unang nabasa yung blog mo. nung asa blogspot ka pa lang, ako din. nako. napa-huwaw mo ako sa mga entries mo. AS IN HUWAW. kase halos lahat ng entry mo eh may SENSE. nakakatawa pero may ibig iparating. alam kong marami ng nakakakilala sayo non. dahil kahit sang blog akong magpunta andun link mo. :P simula non, naging fan *kahit ayaw mo* mo na ako. Hehe.
kaya ayun. maswerte ako kase basta! *haha.biglang nahiya*
congrats talaga.
[Reply]
October 3rd, 2008 at 9:27 am
im a bitch too! who cares?! *apir*
keep on rockin the rocky blogworld! =)
[Reply]
October 3rd, 2008 at 11:36 am
hmmmm now im much eager na kilalanin ang tao sa likuran ng Chiksilog.Com
[Reply]
October 3rd, 2008 at 3:28 pm
wag ko lang maririnig ang kantang fame, dahil ikaw na ang maaalala ko.lols
tagos sa buto ang tema ng entri mong to. hindi ko talaga alam kung san nanggagaling ang lakas mo para sumulat ng ganitong kadiretsong topic. ah oo sabi mo nga, ganda lang puhunan mo. shet, im such a loser yaya! nakalimutan ko agad.lols.
malapit na akong magwanyir at ikaw pa rin ang xG na nakilala ko nung nagsisimula pa rin ako. yun at yun pa rin. ikaw pa rin yung nagsasabi na emo ang blog mo pero hindi naman. kaso nahaluan na yata ng .0000001 ml na dugo ni Gabriela Silang at .0000001 raise to he 3rd power na dugo ni Joan of Arc. Sarcastiko, nkakatawa. xG, NAG-IISA :)
[Reply]
October 3rd, 2008 at 4:52 pm
ahahaha. ibig kong sabihin na tagos sa buto, tagos sa buto ko yung pagkakasabi mo.hehehe. matagal pa yun neks yir pa lols.
[Reply]
October 3rd, 2008 at 8:22 pm
Ola, just dropping by to congratulate you for a job well done! :-)
[Reply]
October 4th, 2008 at 3:07 am
unang dalaw ko pa lang sa empermera alam kong bigatin ka na. Isa pa lamang akong hamak na bloghopper noon at lahat ng mga nadadalaw kong blog halos nandun ang pangalang XIENAH sa blogroll nila.
Wala akong kaalam alam sa blogosphere para akong naligaw na bata sa mall hanggang sa makita ko ang Empermera na halos naging ikalawang blog ko dahil tambay ako sa cbox mo mula noon.
Naramdaman kong BELONG ako sa blog mo dahil base sa mga katha mo alam kong katulad din kita, hindi isang bot kundi isang tao. May buhay kase ang blog mo di tulad nung mga naunang napuntahan ko na parang gumagawa lang ng entry para masabing nagbablog sila.
Natatandaan ko pa tungkol sa Batibot yung unang entry na nabasa ko sayo at mula noon naging tagahanga mo ako hanggang sa maging kaibigan sa YM at di naglaon naging kainuman. Malaki ang nagagawa mo samin bilang mangbabasa mo, kung gagawa ka ng entry at uutusan kameng Uminom ng Muriatic Acid malamang gagawin namin yun, ganon ka kaepektibo. Marunong kang magpangiti at mangiliti.
Ang totoo nyan patuloy mo pa rin akong pinapahanga sa mga ganitong entry kahit na nawalan na ng misteryo kung ano ang itsura ng babaeng may itlog sa likod ng Chiksilog. Hindi mo lang ako kaibigan, Panatiko mo ko! Literal na ako ang Biggest Fan mo!
[Reply]
October 4th, 2008 at 3:12 am
at oo blog ang ginawa ko hindi komento.. hahaha
crazeh.. haha
[Reply]
October 4th, 2008 at 2:58 pm
eto kahi LOA ako sa blog e must pa rin sakin na dumalaw dito. malakas ka sa’kin e. kahit maghubad pa gagawin ko. hehe. =p
maangas na may sense hindi katulad ng iba maangas nga puro yabang lang. yun nagustuhan ko sau.
ingats palagi xienah at congrats ulet=p
[Reply]
October 5th, 2008 at 9:33 am
eto na nga ang patunay ng angas at apog mo. astig!
karapat-dapat ka ngang tingalain ng mga tagahanga mo. congrats po ulit.
[Reply]
October 7th, 2008 at 6:01 pm
kainin ang nakahain, nguyain ito ng buong puso at lunukin ito ng may respeto –> panalo! eto naman talaga ang dapat mangyari eh. dapat isualt natin kung ano gusto nating sabihin at nasa readers na yun kung magugustuhan nila o hindi. hehe. at dahil nga andito pa ko, gusto ko mga posts mo. i lurve it. lols
[Reply]
October 12th, 2008 at 2:07 pm
thnx k buffalo soldier(asan n kea ‘yun) kc blog nya unang una qng nbasa at ndiskubre kong mrami pala kayong mgagaling n bloggers..me sarili u rin kasing style eh kea tinatangkilik blog u(‘yung iba kc copy cat)..magaling..magaling..magaling!!congrats ulet!
[Reply]