Oct
27th

done

huwag magsalita ng tapos.

Alam mo yung kapag may isinumpa ka ng buong tigas ng mukha at tapang ng dibdib na hindi mo gagawin ay bigla kang mapapasubo sa pangyayari na iyon? Hindi ko alam pero ganun nga yata mangtrip ang tadhana.

Sinabi ko noon na hindi ako magpapakita sa personal, pero ano ang nangyari?
Ako pa mismo ang nagaya sa ilang mga bloggers na makipagkita sa akin.

Sinabi ko noon na hindi ako magmamahal ng blogger, pero ano ang nangyari?
Hanggang ngayon mahal ko pa rin sila.

Sinabi ko noon na hindi ko papasukin ang trabahong meron ako ngayon, pero ano ang nangyari?
Masaya na akong nangangamuhan sa gerbis.

Matuto tayo mula sa akin. Huwag tayong maging siguradong sigurado sa kung ano ang mangyayari dahil wala naman talagang makakapagsabi sa kung ano ang maaring bumulagang maganap. Kaya ako? Hindi na ako magsasalita ng tapos. Hindi naman sa tinatamad ako, ayaw ko magsisi sa huli o ayaw ko na subuking muli ang tadhana pero ang tanging magagawa ko lang ay

Oct
24th

vendo

Namamangha talaga ako sa mga vendo machine.

Napakainosente ng mga vendo machine. obligado sila na maging mga piping saksi dahil wala silang kamuwang muwang sa mga nagaganap sa kanilang paligid.

Sabi ko sa sarili ko kapag yumaman ako, gusto ko may sarili akong vendo machine at photo booth sa bahay. Ano naman kung magmukhang pantry ang bahay ko? kung makapanghusga ang mga ito, huwag kayong makapunta punta sa bahay ko—hindi ko kayo iimbitahin. Masyado kayong maselan at malinis, hindi kayo bagay na maging kaibigan ko.

ang tikas pa kasi kapag nagutom yung mga bisita ko, ituturo ko na lang yung vendo machine. bahala na sila pagsilbihan ang mga dakila nilang mga sarili–napagkakitaan ko pa yung mga useless friends ko. hitting two mother fucking birds in one mother fucking stone.

kung may tv room, ako gusto ko may vendo machine room ako. bakit ba? kahit mawalan na ako ng banyo basta may vendo room ako, hindi maghahalo ang balat sa tinalupan.

siyempre bilang diyosa meron at merong mga dukhang mangagagawa ang handang magalay at magsakripisyo ng paglilingkod nila para sa akin. Nasanay ako na may nagsisilbi sa akin pero dahil napagpasyahan ko na magpaalipin sa gerbis wala ng maaaring maglingkod para sa akin. Walang mas bababa pa sa katayuan ng alipin, pwera na lang kung makumbinsi mo ako na mikrobyo mong maituturing ang sarili mo. pwes ako pa ang magpupumilit sa iyo na mangamuhan ka sa akin.

Dati kasi, sanitary napkin lang binibili ko sa vendo mechine. Ngayon, mataray na ako—chocolate na halagang sampung piso na. topilaks. binibili ko rin yung ube macapuno na blu iskays ata yun? basta yun. Naaliw pa ako kasi may canton sa vendo machine. Sabi ko sa sarili ko: bakit may canton? Paano kakainin yun? May bumibili ba nun? Bakit ko kinakausap sarili ko? yes.

Atin atin lang ito. tayo tayo lang naman ang nandito kaya sasabihin ko na hindi ako marunong kung paano bumili sa vendo machine.

shut up mofos.

Hindi naman sa ayaw ko matutunan kung paano gamitin ang vendo ng hindi kami parehong nagkakapisikalan–may takot lang talaga ako na baka pumalpak ako sa paggamit ng vendo machine at higupin nito ang dalisay kong kaluluwa. Hanggat maaari, iniiwasan ko ang kahit anong uri at klase ng machine na pwede pumasok sa kapiranggot mong kokote.

ang pinakamainam na ginawa ko? Pasimpleng magobserba. kala nga ng mga tao na bumibili sa vendo machine patay gutom ako na nagaabang ng mga tira tirang barya na malalaglag dispenser. tanginang yan. may foods kaya kami sa bahay, duh? Hindi kasi ako teknikal na tao. Kahinaan ko ang magmanipula ng mga makina. kahit yung sa mga ticket dispensing booths sa mrt? mas gugustuhin ko na lang pumila ng pagkahaba haba sa counter kesa makipagsapalaran pa ako. tapos yung sa atm? eto talaga yung pinakamalala dahil hindi na ako mukhang pulubi kundi mukha na akong kasabwat ng isang malaking sindikato na nagaambang na dukutan ang bawat magwiwidro ng pera.

gusto ko patunayan na mayaman ako kaya 100peso bill ang ipinipilit kong kong isaksak sa vendo. di pala pwede yun. baka naman pwede pero tanga lang ako? kung ganun kalimutan niyo na lang na mayroong xienahgirl. ang mga dukhang maralita na may tigbente at singkwenta pesos lang ang maaari nilang pagsilbihan. yuck.

may melamine nga ba yung cream sa coffee vendo machine? kaya lang naman ako natuto uminom ng kape ay dahil sa libreng inirarasyon ito sa gerbis. tanginang yan times, two.

Ayaw ko magmarunong. sino ba naman gusto mapahiya sa simpleng paggamit ng vendo, diba? Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag nangyari na mapahiya na naman ako. Dadalhin ko hanggang kamatayan ang kahihiyang iyon.

matagumpay akong nakakain ng meryenda. sabi ko nga, kakanin na lang ang dapat na binili ko saka kendi na dos tatlong piraso. ayos naman at nabusog ako sa libreng sabaw kasabay ng mga kasamahan kong mga bihag ng gerbis. masarap yung egg soup. alam niyo naman ako–basta maalat, masarap para sa akin. nasabi ko rin ba na masarap rin lahat ng libre? parang ang saya saya kaya nun kung yung egg soup nakalagay sa vendo.

henyo.

tapos ang galing pa parang astig lang na may kasamang wow kasi laging may laman ang vendo diba? parang di nauubusan. may nakita na ba kayong vendo na walang laman? ok. ako lang pala ang may problema at hindi pa nakakakita ng vendo na simot. gusto ko nga minsan bantayan yung vendo–para kasing magic. bigay lang siya ng bigay.

teka. magkano nga ba ang isang vendo machine? ang angas kasi. makabili na nga ng maitapon na ang refrigerator namin.