tulugera

ang pinakagusto ng nanay ko at ang pinakaayaw ko naman ay ang tinatarantado ang paraan ng paggising ko.

bulkrap.

medyo sabog sabog yung oras ng pagtulog ko nitong mga nakaraang araw. akshuli, hindi pa ako nagkakaroon ng matinong tulog. nakakatulog ako ng alas otso ng gabi at magigising ako ng alas dos ng madaling araw. sabihin niyo nga sa akin kung anong pwedeng matinong gawin sa alas dos ng madaling araw bukod sa magpaikot ikot sa kama at magtutumili dahil sa mga lumilipad na sangkaipisan? wala diba? dapat yata hingin ko yung number ni manong guard sa mga kumbinyens istor para naman may maka sex on text ako. pero di pwede yun, bukod sa wholesome ako ay wala rin akong load kaya nakokontento na lang ako na maginternet sa pagbabakasakali na may online ng madaling araw. awa naman ng diyos may mga adik sa pagkabangag na gising pa. malas nga lang kasi di mo sila makakausap ng matino dahil ang paguusapan niyo lang ay ang ibat ibang malikhaing paraan ng mga pilipino kung paano maglaslas ng pulso tipong ikokomebert ka nila para makasama ka sa kulto ng mga tropang gising.

ang sakit na nga ng likod ko kakalog roll sa amputangenang kama ko tapos malalaman ko na may sakit pa pala ako. mabigat ang pakiramdam ko sa tuwing babangon ako dahil nga pakiramdam ko aatakihin ako ng trangkaso.

bukod sa lumandi at kumerengkeng ito na nga lang ang matinong ginagawa ko sa buhay at sa bahay, ang matulog. tama bang balahurain pa? yung mga tao kasi dito may dalawat kalahati ng pagkabastos sa katawan tipong tamang saktong sukat sa guhit para sa mga maralitang tagapagbasa.

taragis talaga.

hindi ko maintindihan kung bakit kailangan:
magala construction worker sila at martilyuhin yung dingding sa ulunan ko mula sa labas ng kwarto. tangina naman.

minsan iniispreyan pa ng baygon ang kwarto ko habang natutulog ako. tae talaga.

tapos mas madalas magpagpag ng mga cover sheet sa harapan ko habang natutulog. pakershits.

palagi binubuksan ang tv at radyo ng pagkalakas lakas. potah yan.

sa kamalasmalasan pa nagkataon na may sakit ako ngayon. kailangan ko ng pahinga. hindi ba nila maintindihan yung konsepto ng pahinga? hindi naman mahirap yung hinihiling ko. parang awa niyo na. kung ayaw niyo matulog, magpatulog naman kayo.

pwede ba makitulog sa inyo? seryos. pakiramdam ko kapag tumagal pa ako dito, mawawalan na ako ng gising.




20 Responses
  1. pwde soulmate sa amin..pero natatakot ako sa pweng mangyari sa atin..

    mag isa lang tayu sa kwarto..malamig…..iisa ang kama..

    soulmate…hu hu hu…

    natatakot ako…na saktan mo.

    balita ko daw kasi nangtatangal ka ng adams apple pag indi ka makatulog..

    mabubuntis ako ng indi oras…kaka means ko lang.

    [Reply]



  2. hay mare.pagaling ka.. gusto mo dito samin?? kaso malayo eh.wehehe.

    ako rin nga may sakit ngaun,balak pa sana ako pagdutyhin ng nanay ko sa hospital.kung hindi lang may lumabas ng dugo sa ilong ko.ahaha.

    matulog ng marami ha??

    [Reply]



  3. hakhak

    aliw

    natuwa naman aku dun

    hakhak

    elyens

    XXXxx

    [Reply]

    FerBert

    wala na bang ibang alam icomment tong nilalang na to? hahaha

    balik tayo sa topic..
    magaling ka na eh.. pero sana makatulog ka nga ng mahimbing.. nasira na naman ang oras ng pagtulog ko dahil sa confe kagabi.. namiss ko kayo.. xoxo

    [Reply]

    mnel

    naalala ko yung sinabi ni mariano tungkol dito. hehehe.

    maglock ka ng kwarto para hindi ka nila maistorbo. tapos para mas masaya, itabi mo sa iyo ang susi ng kwarto mo. :P

    [Reply]



  4. Dito sa amin, tahimik. Madalas walang tao. Dito ka na lang matulog. At gigisingin na lang kita pag matutulog na ulit.

    [Reply]



  5. –>magala construction worker sila at martilyuhin yung dingding sa ulunan ko mula sa labas ng kwarto.

    –>palagi binubuksan ang tv at radyo ng pagkalakas lakas.

    hahaha! ginagawa to sakin ng tatay ko pag umuuwi ako samin.nakaka inis ng bonggang bongga!Minsan minsan na nga lang ako mag pa late ng gising gaganunin pa,tsk! Pero dedma ever lang sakin un,wa epek, takip lng ng unan sa tenga,at tulog ulet,hahaha!

    uy,pagaling ka.

    [Reply]



  6. ayaw mo non? poreber ka ng tulog. haha

    [Reply]



  7. tara xG iuuwi kita dito sa amin para matulog. payapa ang bahay. nakatapat pa sau ang elektikpan. kakantahan pa kita ng lalabays :)

    wag masyadong maraming iniisip bago matulog. nakakadagdag to sa stress kapag nahihimbing na. (walang sense yung sinabi ko.lols)

    [Reply]



  8. pagaling ka muna ate. tsaka mo na sila resbakan pagmagaling ka na. hahaha. >:P

    [Reply]



  9. gusto mong yakapin kita?

    patawarin sana ako ng mga tao kung ito lang ang nireplayan ko sa ngayon dahil ang totoo ito talaga ang kailangan ko ngayon. salamat coldman.

    [Reply]



  10. ganyan din ako minsan. puchang mga nanay talaga. haha (joke) ako ginigising ako nun sa ganitong paraan: ihahagis sa akin ung natuyong sinampay na paplantsahin nia…o kaya naman sisigaw.”oi tanghali na” eh 9am palang. hmpppft. o kaya sasabhin “magwalis ka na”…pero panalo ung “ui kakain na”..parang ang takaw ko naman nun. hahahaha

    nars ka naman. kaya mo yan. patulugin mo sarili mo. lumaklak ka ng prozac. ahahaha

    [Reply]



  11. syet. baygon spray habang natutulog.

    [Reply]



  12. kainis naman nyan! binabasa ko lang eh uminit na ang ulo ko.

    alam mo ba yung kasabihang don’t do unto others, at yung having a taste of one’s own medicine? by the power vested upon me by my multiple personalities, ini-impluwensyahan kita, xg, na humayo at gawin ang nararapat gawin.

    *evil grin*

    [Reply]



  13. di bale ng walang tulog, wag lang walang gising!!!

    kung dito ka tutulog tao rin ang alarm clock mo!! kaya lang nag-aalarm din siya sa oras na ayaw mo pang gumising… kaya pagbangon mo, hanggang tuhod na ang pangil mo sa galit.. cheers!!-glesy the great

    http://anakngpiso.wordpress.com/

    [Reply]



  14. uy nilink din pala kita.. bisita na lang ako lagi dito sa blog mo.. cheers!!!

    http://anakngpiso.wordpress.com/

    [Reply]



  15. Gelps, pwedeng pwede ka matulog sa amin anytime. kaya lang baka hindi ka din makatulog ng maaga kasi sisisguraduhin kong pupugpugin kita ng kuwento. tama, ng kwento.

    [Reply]



  16. mga balahura din mga kapatid ko dito sa bahay. bubuksan ng malakas ang tv, maghaharumbahan at magsisigawan. ang matindi pa kapag nagpapractice ng trumpet at clarinet. ang sarap isungalngal sa mga bunganga nila, di ba.

    sana gumaling ka na, ate.
    ngayon pa lang ako nag-iwan ng bakas sa blog mo, pero bibisita ako ulit. i’ll link you na rin kung ayos lang. *eks-di*

    [Reply]



  17. Yun pala si elyens forever na sinasabi nila, ahehe.

    Sulitin mo ang mga public places para sa tulog.

    At lalo pa ngayon, madalas ka na magbiyahe, so sa LRT at bus, pwede nang makanakaw ng tulog.

    [Reply]



  18. prob ko rin yan dati… pero may help na ako… Lorazepam.

    yun nga lng. minsan kahit sarili ko di ko maintindihan… minsan feeling ko wala akong mga paa.

    [Reply]



Leave a Reply