fan

hindi ako maganda pero aaminin ko na karassabol akong tao. hindi naman sa pagmamayabang pero madami talaga ang nagkakagusto sa akin. naiinis na nga ako dahil dumadagdag sila sa bawat paglabas ko ng bahay–dapat talaga ikinukulong ako sa ilalim ng lababo. minsan nga hindi na lang ako nagaayos para wala na lang makapansin sa akin pero minsan hindi pa rin talaga ako nakakaligtas sa mga mata na matinik sumipat ng maganda. hindi ko naman pwedeng iwasan silang lahat pero minsan talaga nakakapagod na maging maganda. nakakairita. nakakaabala. gagawin nila ang lahat ng pabor na maisip ko basta masuklian ko lang sila ng kakarampot kong atensiyon.

ang mga pinoy, mukha lang marunong kumilatis pero kadalasan pa ring napaglalalangan. marahil nakondisyon na ang ating mentalidad dahil sa unti unting pagagnas nito mula sa ideya na ang pagiging kaayaaya sa paningin ay kaagad agad nakakagaangan ng kalooban at nakakasundo ng ugali.

naaalala ko nung nagpunta ako sa baranggay hall namin para kumuha ng mga papeles. kung tutuusin madali lang maglakad at magayos ng dokumento, iyon ay kung alam mo ang gagawin mo. pero hindi–hindi ko alam kung paano ang unang hakbang na dapat kong gawin kaya wala akong ibang pinagpipilian kundi ang magtanong. may dagli at nanginginig pang bumungad sa akin kahit hindi pa ako nakakapasok sa baranggay hall. ayaw ko magisip ng masama at maglagay ng malisya, sa katunayan natuwa ako dahil handa silang tumulong sa kapwa nila ng walang hinihinging kapalit–serbisyo publiko. oo tama, serbisyo publiko yun: ang asikasuhin ang papeles ko. kulang na lang sila na ang magsulat ng mga mahahalagang impormasyon ko sa application form. aba, ano sila seiko wallet? malalaman nila ang eksaktong address ng tirahan ko kung ganun? lucky assholes.

ako naman tahimik lang ako kapag magisa. sino ba namang hindi, diba? nakaupo lang ako at matiwasay na naghihintay para matawag ang pangalan ko. mayamaya, sa gilid ng mata ko ay may napansin ako na isang lalakeng empleyado na kumukuha ng bidyo. lumipat ako ng upuan, baka naman kasi isa akong malaking balakid sa tunay na pakay niyang kuhanan ng bidyo–ang electric fan.

sayang pare ang layo eh, lumipat ng upuan.
sa pagkakatanda ko, gumagalaw ang electricfan pero hindi ito lumilipat ng upuan kapag naiilang siya dahil alam niya na kinukunan siya ng bidyo.

gayunpaman nagpapasalamat ako sa lahat ng mga tao na napagsilbihan ako ng may ngiti sa kanilang mga labi. sana mali ang nasa isip ko na namimili sila ng taong pagaalayan ng serbisyo–na talagang tawag iyon ng kanilang tungkulin at hindi dahil sa naaakit kayo ng aking alindog, hubog ng katawan at mapupungay na mga mata.




26 Responses
  1. isang bonggang-bonggang post. :>

    [Reply]



  2. I haven’t seen you in person, but we’ll see… someday…

    But I heard you look like that PBB talent… Hmmm…

    [Reply]



  3. baka matisod ka nyan! magpagupit ka na ang haba na ng buhok mo… :)

    [Reply]



  4. para saan pa ang mga minions mo. LOL.

    ansarap ng ganon no? kawang gawa. tapos walang hinihinging kapalit :) madalas kasi ngayon utangan — ng loob.

    [Reply]



  5. alam ko simula umpisa palang na napakalakas na ng alindog mo. kung ako lang talaga ay isang napakagandang lalaki liligawan kita, gusto mo may harana pa. hahaha. kaso babae ako e. pero gusto mo magpakalalaki ako para sayo. haha. joke.

    nafeel ko na yan. actually lagi. waahaha. amput. ang yabang ko. pero sarap ng feeling para kang prinsesa. hehehhe

    [Reply]

    popoy

    i love girl to girl action lols. biro lang miatots :)

    [Reply]



  6. lahat naman may kras sayo.. kung di ka kras, naging kras ka nya dati..

    isa na ako dun

    sabi ko nga sayo
    ikaw ang babaeng malakas ang appeal kahit di ka magpakita ng mukha..

    pero sa totoo lang po mga giliw na mababasa ng chiksilog.com
    MAGANDA SI XIENAH SA PERSONAL AT KARASABLE TALAGA SYA!

    [Reply]

    FB

    nakita nyo na ba si cassandra ponti? kamukha ni cassandra si xienah!

    tulad ni cass na nag uumapaw ang sex appeal ganun din si xg.. abangan na lang naten si xg pag natuto na syang mag pole dancing. baka i-vlog nya yun.. rawr

    [Reply]

    Kevin

    AGREE. Kulang na nga lang magkasex video si Xienah para maging IISA na lang silang dalawa ni Cass eh. LOL.

    [Reply]



  7. masarap tlga ung feeling na karasabol ka, nakakataas ng self-esteem. pero sa pagkakatanda ko, wala pang nagtangka na kuhanan ako ng video, baka nga naman kasi mabasag ung lente ng camera. pero etong si ate xG, to the highest level!! talagang kinuhanan ka pa ng video, souvenir? super idol na talaga kita. haha.

    [Reply]



  8. grabe naman yan..nagvideo pa! haha! uy xg maraming benefits yang alindog mo. parang isa ka ng walking privelege card nyan. congrats!

    kahit hindi pa kita nakikita sa personal, alam ko naman talaga na may ibubuga ka.

    [Reply]



  9. baka naman napagkamalan kang si cassandra ponti! woot!

    [Reply]



  10. akala ko ito ay isang entring base sa palabas na BETTY LA FEA.lols.

    masarap nga ang feeling ng natutulungan ka ng walang hinihintay na kapalit. yung tipong hindi ka na magpapapkahirap, pero mukhang malabo naman sa lahat ng institusyon ng pamahalaan yan xG. at tama ka, mas pabor sila sa mga taong may kaaya ayang mukha. maswerte ka nga at ikaw ay isa sa mga yun. isa itong adbanteyjs.

    sana ay karasabol din ako ng mdali akong makakuha ng tulong at ng makapasok ako sa pagaartista.lols :)

    adik yung nagpipicture at kumukuha ng bidyo sau. mga manyak ang mga yun, dapat pinabaranggay mo lols. nasa barangay ka na nga pala .hihihi

    [Reply]



  11. sa lagay na yan hindi ka pa maganda? aba eh kulang na nga lang latagan ka ng red carpet, ah.

    ay may bidyo pa ha. artistahin ang arrive!

    ako rin pupunta sa brgy hall at babayaran ko sila para kunan ako ng bidyo. ahahay!!!

    mas masaya naman kapag pinag-alayan ka ng serbisyo hindi dahil sa pwede kang mag-under the table ng pera, kundi dahil isa kang dyowsa! :D

    [Reply]



  12. powerful tlaga mare ang prominent cheek bones mo..

    bongga at ang kagandahan mo both in and out.

    get well soon.

    [Reply]



  13. ha ha. swerte naman ng magiging syota mo. pero malas din dahil sasakit ulo nya sa dami ng hahabol sa yo ha ha

    [Reply]



  14. iba talaga ang ganda mo ate. kahit di pa kita nakikita, feel na feel ko talaga sa mas dyosa pa itsura mo kesa kay ann curtis.

    [Reply]



  15. ahahaha. para kang kapatid ko. naikwento niya sa akin nung minsang asa tindahan sila ni papa sa saudi. pinicturan ba naman ang kapatid ko ng palihim. eh gago, kita naman. :))

    howel, isang patunay lang yan na hot ka talaga. ayikie!

    [Reply]



  16. me naaalala akong kanta para sa ating mga kapwa diyosa…. search mo, “Everybody here wants you” ni Jeff Buckley…. :) kakarelate ka talaga… anyway, consider it a boon… :)swerte mo nga eh… ako nga, kelangan ko pang magbikini para lang mapabilis bilis ang pag proseso ng aking lisensya…. :)

    [Reply]



  17. one word: wow. :?

    [Reply]



  18. first!

    agree ako. kung ano man sinabi mo. Oo na lang ako hahaha

    [Reply]

    V

    whatever manding.

    oops! sekand!
    lol

    [Reply]



  19. wow abot hanggang smin ang hair mo pumupulupot pa sa poste ng meralco ang trush ng alindog mo ha..

    [Reply]



  20. e kung lanubuin kaya kita dyan at ng matauhan ka? haha joke lang, tsaka nga pala, maski di ako marunong bumoto dito sayo naman ang moral support ko para manalo ka dun sa pakontes ni bado, manalo ka man o hindi, palagi ko parin babasahin mga sinusulat mo dito..goodluck..

    [Reply]



  21. ops sori. sama ng comment ko e maysakit ka pala,, o sige pagaling ka tsaka mo na basahin hehe..

    [Reply]



  22. shets..naapakan ko dito yung hair mo ate ah..
    subrang haba.. hehehe..

    [Reply]



Leave a Reply