Monday
gustong gusto kong nakakakita ng mga pilipinong nadadagdagan ang materyal na kayamanan sa pamamagitan ko. papaano? sa simpleng paraan ng pagboto ng inyong limang pinakanakakatawa at pinakanakakatuwang blogs sa PROJECT LAFFTRIP LAFFAPALOOZA. maraming blogs pero para mas malaki ang pagkakataon ninyo na manalo ng tumataginting na 15libong piso, Nokia N70 Music Edition o Sony Cybershot Digital Camera, kung hahayaan ninyo akong irekomenda ang mga sumusunod na humorista:
chiksilog, deardiarya, kokeymonster, at the loser’s realm
siyempre naman sinama ko yung sarili ko sa listahan. ngayon pa lamang ay ipinapaabot ko na ang aking taos pusong pasasalamat sa mga tao na nakaboto na at nagbabalak pa lamang na bumoto. hindi pa naman huli ang lahat dahil maari pa kayong humabol. kung iisipin, maliit lang ang pwede ninyong gawin pero malaki ang magiging epekto nito sa mundo ng blagospir. kaya para sa kabuuang detalye ng pagsali, maaari lamang na pumunta kayo [dito]. huwag niyo itong gawin para sa akin, gawin niyo ito para sa sarili niyo.
suportahan niyo sana kami ng mga kaibigan ko.


