hello, worthless third world beings. did you miss me?
may nagbabasa pa ba nitong blog ko? yung totoo lang. kasi kung meron pa, hindi ako magdadalawang isip na magsara ulit. seryoso. ilang ulit ko na rin kasi sinasampal ang kalangitan ng mga katagang: ayaw ko na may nagbabasa ng blog ko. ok payns. gusto kong may nagbabasa, pero konti lang. wala akong nagawa. wala kaming nagawa. hindi ko naiwasan. hindi namin naiwasan na ibulgar muli ang chiksilog. gusto ko patunayan na mali ang hula ng ilang bloggers–na magiging sikat ang datkom. hindi ko pinangarap yan para sa sarili ko, kayo ang nangarap para sa akin. selfish. masaya na ba kayo? ako kasi hindi. nabigo ako sa pagtangka na gawing kanlungan ng mga lihim na lathala ang datkom sa simpleng dahilan na makukulit kayo at pindot ng pindot ng kung anik anik.
hayaan ninyong magsalita akong muli ukol sa mga tae, pero sa pagkakataong ito–tae ng intarwebs. kabilaan ang tae sa intarwebs. ewan ko, wala naman silang matres para dumami sila ng ganun. madali lang naman solusyunan ang dagliang paglipana ng mga haliparot na tae na yan at yun ay sa pamamagitan ng saktong pagiwas sa kanila. patay malisya. ang aangas umasta ng mga tae na yan akala mo kung sinong siga na may dalang sumpak–sago lang naman pala ang bala. hindi ako natatakot. hindi naman nakakagalaw yang mga tae na yan. duwag. hindi nila ako masasaktan. hanggang alingasaw lang ng baho ang talento na kaya nilang ipagmalaki. busy akong tao. hectic ang schedule ko. wala akong balak manuod ng talent show ng mga tae. ayaw ko aksayahin ang panahon ko para tapakan sila dahil ako lang din ang madudumihan. nakakatamad maglinis ng dumi ng iba. hayaan na lang natin na umasa at mangarap ang mga tae na yan na maapakan ko sila.
sapat na siguro ang isang linggo para maramdaman ng mga tumutuligsa sa akin na nagmamayari sila ng malaking bayag. tama na ang 168hours para akalain nila na kapag nilunok nila ang babolgam ay hindi sila mabubulunan. sakto na ang pitong araw para isipin nila na naisahan nila ako. tangina, gawin daw ba akong sentro ng buhay nila? nagaabala sila na kalkulahin ang bawat galaw ko. sayang, gusto ko sana makipagpataasan ng ihi pero sa hindi inaasahang pagkakataon, nakaupo ako kung umihi.
isang linggo akong nagaral maghardin: advanced gardening zkillzzz. oo, pinagaralan ko ang siyensiya sa likod ng tamang pagtatanim–ng buhay na tao. malas. malas nga lang talaga dahil yung itatanim ko hindi tutubo at maaagnas nalang siya habang humihinga. nagaral ako ng pagtatanim para sa mga tao na may balak na sirain ako. hindi nila kayang gawin iyon. hindi nila ako mapapagbagsak dahil kahit kailan hindi umangat ang paanan ko sa parehong lupa na inaapakan ko kung saan ako nagsimula.
talo kayo sa pustahan kung tumaya kayo sa dahilan na kaya ako nawala ng isang linggo ay dahil sa hindi ko nakayanan ang kabayaran ng pagiging isang blog personality: kesyo nadale ako ng mga mapanirang birada at isyu na kinakaharap ko damay ang ilan sa mga bloggers. isang malaking kabalintunaan. kailangan ba lahat na lang ng galaw at kilos ko tungkol sa mga papampams na iyan? asa much.
hindi totoo na ako ang ginawang host para sa nalalapit na prestihiyosong blogawards. hindi totoo na sumali ako sa survivor philippines. hindi totoo na nabuntis at nakabuntis ako. hindi totoong laos na si carlos agassi. hindi totoo na lalabas ako sa isang music video. hindi totoo na nakipagtanan ako sa isang blogger na nakabase sa cebu. hindi totoo na may gusto sa akin yung pinakamatanda sa lahat ng bata na blogger. hindi totoo na nakulong ako. hindi totoo na ako ang ginawang dahilan kung bakit umalis yung isang blogger. hindi totoong lalabas ako sa isang indie film. hindi totoo na nagpadala ako sa isang email. hindi totoo na galit ako sa isang blogger.
akshuli, kung natatandaan pa ninyo: 3bloggers ang kinaiinisan ko. lilinawin ko lang na hindi sila nadagdagan. sila sila pa rin. solido. kung mayroon pang gusto sumali, paki sabi lang sa akin ng maaga para maihanda ko na ang inyong huling piging.
ang totoo: lahat ng nasabi at sinabi ko. mamamatay ako na paninindigan ang lahat ng iyon. kahit kailan hindi ko babawiin ang lahat ng nabanggit ko: sa blog, sa chat, sa twitter, sa plurk, sa email dahil dadalhin ko yun hanggang sa kabilang buhay.
paano ko nga ba ipapaliwanag ito?
ang ginawa kong boykot ay bilang pagtugon sa hindi tamang pagtrato ng mga bloggers sa isat isa. inaamin ko: nabiktima at nambiktima rin ako. kung napansin ninyo, marami sa mga blogista ang nagdeklara na huminto na sa paglathala dahil sa walang pakundangan na pagpukol sa kanila ng mga bobong patutsada na hindi manlang pinagkaabalahan na pagisipan. hindi naman ako nagkulang sa pangungumbinsi sa kanila na huwag na lang pansinin ang mga bobo bloggers kaya lang–balewala ang paliwanag sa mga taong buo ang kalooban. wala akong nagawa kundi ang respetuhin ang desisyon nila. mahal ko sila. masyado akong ambisyosa para tuluyang iwan ang blogosphere. hindi ko pwedeng gawin sa inyo yun. iiwanan niyo na ako pero ako? hindi ko kayo iiwan. wala akong ibang maisip na paraan kundi ang panandaliang isakripisyo ang kabuhayan at kaligayahan ko sa blogging para damayan sila sa pamamagitan ng isang makabagbagdamdaming boykot.
potah. ang haba ng pasakalye. naging abala lang ako sa life. basta. nainggit ako sa kanila. tapos. idagdag mo na rin yung tinamad ako. period. saka gumawa ako ng bagong layout. no erase. saka nagtangka ako gumawa ng bidyo blog. talo ng gunting ang papel. talo ni god ang gunting. ngenge. ulan. ulan. ulan. shaggy dee. shaggy dee. sha popo.
isa rin ito sa mga dahilan kung bakit huminto muna ako saglit sa pagblog–kinakausap ko na kasi ang sarili ko. oo, tama. hi self, how am i? yes, she is ok. mabuti para sa katawan ang tumapat sa salamin para kausapin ang sarili pero ang totoo, hindi naman ako magsasalita kung walang kumakausap sa akin. mga lecheng ito. wala akong imaginary friends. hindi ako tumatanda ng paurong. sa palagay ko para akong wala sa sarili, tipong may sapi. kulang yata ang napanood kong superbook at flying house episodes, makapagdownload nga.
ang pinupunto ko: walang kikislot, kung walang nanunusok. huwag kayong magalala, napagaralan ko na kontrolin ang ugali ko na iyon. hulaan niyo na lang kung alin sa pagkislot o sa pagtusok.
huwag niyong tanggalin ang karapatan ko na mang stir. kung sino man si mang stir, hindi ko na alam. siya yata yung asawa ni manang bola. gusto ko lang malaman kung magugunaw ba ang mundo ng mga blogs sa pagkawala ko–obyusli, walang nangyari at tuloy pa rin ang buhay para sa nakararami. ito ang sinasabi ko na hindi ako kawalan sa intarnettzzz. sus. huwag niyo na bilugin ang kulangot ko para pitikin lang din sa mukha ko.
kinilig ako–ang dami nagemail sa akin. nanalo daw ako sa online lottery, like crazy. ako yung nananalo ng hindi tumataya. bukod sa mga email na nagdidiin na bayaran ko ang utang ng pilipinas sa pamamagitan ng napanalunan ko, gusto ko magpasalamat sa mga tao na nagpadala ng kanilang mensahe para sa akin patungkol sa panandalian kong pagkawala sa blogosphere. kilala niyo kung sino kayo. pagpalain kayo nawa ng mga bathalumang inyong sinasamba.
dahil nagpapasalamat na rin ako, hayaan ninyong idamay ko na si lunes para sa binigay niyang litrato na nakikita ninyo ngayon sa aking blog header.
this is the last time i am going to clear things out. that is all i can say for now and i…
found a very special love in you and it almost breaks me in two–squeezing me tighter, but i’m never gonna let go.