Monday

akala yata ng mga magulang ko, kuting ako nung bata. alam ko naman na hindi sila masaya na magkaroon ng anak na tulad ko pero kailangan ba talagang patunayan nila yun sa pamamagitan ng pagligaw nila sa akin sa kung saan saang lugar? gusto na nila akong dispatsahin, impronto. sana inilagay na lang nila ako sa sako saka iniwan malapit sa imburnal–sa kabilang kanto. siyempre naman para makabalik pa ako sa bahay pero kung malayo pa doon, baka hindi na rin ako makauwi. kaya huwag kayong magiging malupit sa mga taong grasa, malay niyo ako pala yun. hindi na ako nakabalik sa bahay. paramis niyo, magpapaberger kayo ah?

isa sa mga paborito kong libangan ang maligaw sa mga hindi ko pa kabisadong lugar. kapag may pupuntahan akong lugar na hindi ako pamilyar, sinisiguro ko na aalis ako ng bahay na may isa hanggang dalawang oras na palugit para naman may panahon pa ako maligaw. oo, nageenjoy ako–fun yun.

minsan hindi talaga ako ang may kasalanan kaya ako naliligaw. hindi naman talaga ako naliligaw dahil sadyang inililigaw ako ng mga mapagsamantalang tao. ang isang magandang halimbawa ng mga mapagsamantalang tao ay ang mga kamaganakan ko. hobby rin nila yun, ang mawala at magmukha akong tanga–double fun.

ilang beses na ako nawala sa mga malls at ilang ulit na akong sinundo sa information center. marami na ring naawa sa aking mga saleslady dahil sa umiiyak ako habang hinahanap ang mga kasama ko sa department store. hindi niyo ako masisisi kung pupunta kaagad ako sa toy section. alam niyo na, bata kasi. ang gara nga lang dahil minsan, natatawa pa ang nanay ko kapag sinusundo ako sa information center–planado pala niya talaga yun. sinadya niya na taguan ako. nice one, mama! im so proud of you. youre the best mom in the world.

pero sa kwentong ito, ang mga drayber ng pampasaherong jeep ang bida.

nakakahiya sabihin na big girl na ako pero hindi pa rin ako pamilyar sa business district ng ortigas at shaw. sabi ko sa self ko, “oh yess, its time to get lost–again”. pupunta kasi ako sa isang health insurance company para magpatatak ng dokumento. isang senyales ng pagiging opisyal na kasapi ng lupon ng mga manggagawang alipin. maaga ako gumayak at umalis ng bahay, siyempre excitedness. ito na nga, nakarating na ako ng shaw boulevard hawak ang isang sketch papunta sa nasabing health insurance company. malapit lang siya sa kinatatayuan ko kaya naglakad na lang ako. 30 minuto na ang nakakalipas, hindi ko pa rin nakikita. 1 oras na ang nakakaraan, wala pa ring anino ng health insurance company. wala namang masama sa pagtatanong kaya napagpasyahan kong lapitan si manong takatak boy. malinaw ang direksiyon na ibinigay ni manong takatak boy sa akin: bumaba ako pagkalagpas ng isang kanto mula sa kapitolyo. nagpapasalamat ako dahil bukod sa itinuro niya sa akin ang tamang lugar ay isinakay rin niya ako sa tamang jeep. ang sweet pa nga ni manong takatak boy dahil ibinilin pa niya ako kay kuya drayber na ibaba sa health insurance company na tutunguhin ko.

sumakay ako ng jeep at tinanong ko kay kuya drayber kung magkano ang babayaran ko papunta sa health insurance company–minimum lang ang siningil, patunay na malapit lang talaga ang nasabing health insurance company. ibinilin ko kay manong ng tatlong beses: PAKIBABA AKO SA HEALTH INSURANCE COMPANY.

umandar na yung jeep. nadaanan ang stoplight. umikot sa kapitolyo. nalagpasan ang isang kanto. dalawa. may bumaba. tatlo. kumanan. may sumakay. napapansin ko na napapalayo na ako. mars. jupiter. tingin sa bintana. lingon sa kabilang kalsada. moon. milky way. ito na yung sinasabi nilang floodway. pasig palengke. munisipyo. venus. pluto.


ukinamness. ukinamness. isa pang ukinamness.

karass ako ni kuya drayber, ayaw niya ako ibaba sa health insurance company. ayaw niya mawala ako sa paningin niya. ayaw niya ako patawirin ng kalsada. natatakot siya na hindi ako marunong tumawid at mahagip ako ng mga rumaragasang sasakyan sa kabilang daanan. kinailangan pa niya ako isama sa roundtrip ng linya para makarating sa kabilang kalye. kung pwede lang niya siguro ako iuwi, gagawin niya. kung wala silang internet, huwag na siyang umasa na sasama ako sa bahay nila.

ayaw ko na lang magsalita ng masama at gumawa ng eksena dahil baka mamaya ibaba niya ako sa kung saan saan, lalo lang ako maligaw ng landas. more fun equals more fare. kaya nung bumalik na kami, sinigurado kong tumingin sa bawat building na madadaanan ko–nagbabakasakali ako na matiyempuhan ang health insurance company. i trusted kuya drayber but he betrayed me. hind na ako kumukurap. sakto naman na pagsilip ko sa binatana ay nakita ko na ang hinahanap kong building kaya bumaba na ako kaagad. nakakainis lang dahil nung pumara na ako, saka lang niya sinabi na bumaba na ako. kung hindi ko pa nakita yung signboard, hindi niya pa sasabihin. nakakapanghinayang nga lang dahil hindi ko naisulat ang plate number ng nasabing jeep na iyon dahil sa may mga nakasabit na mga estudyante. kairita lang dahil mas matagal pa yung ibinyahe ko kesa sa itinagal ko sa health insurance company. leche.

naiintindihan ko na, magulang ko nga naililigaw ako, ibang tao pa kaya? wala nga akong sense of direction, pero may common sense ako. gagu.



19 Comments»

    Maldito
    Monday at 3:49 am

    ha ha ha..soulmate anobeh! masaya nga yan eh..buti nga indi ka dinala sa bahay nila..nakow!!!puputulan ko ng bilat ang mamang yun..lols..

    pareho lang naman tayu nung una akong mkarating sa cebu..kung saan saan ako napupunta dahil indi ko alam ang direcksyon..

    buti kapa nga at may map. Ako nakasakay sa isang jeep..papuntang tuktok ng bundok ng cebu..ampotah..

    naalala ko lang, wala palang building sa bundok.lols

    haha. soulmate naman. kung ano ano ang pinuputol mo e. sus. oo yung sketch ko bobo. tangina yun. di ko mabasa. wala man lang nagsabi sa akin na ‘you are here’ putangina. hahaha. merong building sa bundok. meron na. hahaha

    [reply to this comment]



    jojitah
    Monday at 9:58 am

    hindi naman ako madalas naliligaw, mas wala akong sense of balance. oweano nga namang koneksiyon nun sa topic? Lol!

    pag nakakalagpas ako o pakiramdam ko nalalapit na akong maligaw bumababa na ako at naglalakad na lang, mapagod man ako hindi naman ako makakarating sa batanes. haha!

    meron akong sense of balance. dancer ako e. hahahah. oo tama. ganun din ginagawa ko ang maglakad kaya pagdating ko sa pinuntahan ko mukha akong labandera. hahaha

    [reply to this comment]



    Pedro
    Monday at 10:18 am

    naligaw ka. sos, anong bago? hahaha.

    naalala ko lang nung bata ako, bilin sakin lagi ni mama pag nasa mall o mataong lugar kami, “anak kong gwapo, pag nagkahiwalay tayo dito at nawala ako sa paningin mo, wag na wag kang aalis sa kinatatayuan mo” ayun, epektib naman, ilang beses akong nawala pero nababalikan nya naman ako kasi nga sinunod ko yung utos nya. :D

    oo naaaaaa. hobby ko na nga ang maligaw. di naman ako pwede di umalis sa kinatatayuan ko edi wala akong narating? abnormal. tinubuan na ako ng ugat dun.

    [reply to this comment]



    mia
    Monday at 11:20 am

    naligaw ka?

    naku ako dati lagi ako naliligaw especially sa mrt. bwahahhahahaha.

    lokaret. naliligaw ka sa mrt? hahaha. AKO RIN! shet. hahahha

    [reply to this comment]



    popoy
    Monday at 12:42 pm

    xG. adventure talaga ang maglakad ng mga papeles at kumuha ng kung ano anong pinakukuha ng papasukan mong tarabaho. parang AMAZING RACE talaga ang buhay empleyado.

    una. tama ang ginagawa mong pag bibigay ng alawans sa oras na itinakda. ganyan din ako. ang pasok ko ay 8 am ng umaga. at dahil huwaran akong empleyado at tinatarget ko talagang huwag malate kada buwan, ay naglalagay din ako ng alawans. 530am ako gigising. 15 mins ang aking pagkain ng almusal, 30 mins sa pagligo at 15 sa pagtae. aalis ako ng bahay na may 1.5 oras na bayahe kahit alam kong walang trapik ang MRT. siksikan kasi at mahirap pumasok sa platform. kaya tama ang ginawa mong paglalagay alawans sa mga lugar na hahanapin mo.

    ikalawa. magtanong tanong sa mga taong gala. itanong sa mga kapitbahay, sa mga kaibigan sa mga katropa kung nakarating na sila sa lugar na iyong pupuntahan. alamin ang mga prominent landmark sa lugar, tulad ng katabing building, kilalang fastfood kung meron mang katabi, mga street names at numero at ang pangalan na rin ng building o lugar. mahalaga ito para hindi maligaw (lalo) :)

    at huli sa lahat. magdala ng ekstra pera at kasama. kung merong pera at hindi naman MASYADONG ISSUE ang pamasahe ng araw na yun, maaari ding magsama ng kaibigan. wala lang. mas masayang maligaw ng may kasama. may eksayting.hahaha. team eport. para ngang amazing race, dalawa kayong pedeng maghanap ng pupuntahan. masaya yun.

    kung sasakay ng dyip at ndi alam ang bababaan, umupo malapit sa manong drayber, ipaalala sa knya minuminuto na ibaba ka sa pupuntahan mo. iwasan din ang mga matatandang drayber dahil susungitan ka nila. mababadtrip ka lang.

    iwasan din ang magtanong sa mga sidewalk vendor. mas mainam na magtanong sa mga MMDA at traffic enforcer sa lugar mas alam nila ang pasikot sikot ng lugar. iwas din ito sa delikadong pedeng mangyari sa inyo. lalo na kung ikaw ay babae.

    alalahanin lagi ang presence of maynd at tama ka xG commonsense :)

    enjoy lang kahit anong pagsubok. tama lang minsan ang maligaw. para sa susunod na paglalakbay alam na natin ang tatahaking tamang landas :)

    amazing race na walang premyo? inyo na. hahaha. alam mo sinubukan ko magtanong sa mga pulis at mmda pero sadyang inililigaw lang din nila ako. madami akong pinagtanungan kung saan ang bwakinanginang health insurance company na yun pero hindi nila alam. palibhasa wala yata silang insurance. hahaha. mayaman ako popoy. kasama? paano ako maghahanap ng pwede isama e lahat ng kaibigan ko nasa opis na? sus. hahaha. oo. alam ko na ngayon ang tamang landa. wag ka magalala di na ako magdrodroga.

    [reply to this comment]



    mnel
    Monday at 1:48 pm

    at least di ka nawala ng tatlong beses sa isang araw sa isang lakaran. haha. nung bata ako at nawawalay ako kina mama, sa information din ang tungo ko. pero di ako umiiyak. loser ang umiiyak. behlat. :P

    pero naranasan ko na ang masiraan ng sinasakyang jeep 3 beses sa isang linggo. hahaha. oy sorry! umiiyak ako e. di ko naman alam na pwede palang di ka iiyak para makita ka ng saleslady. haha

    [reply to this comment]



    rojie
    Monday at 4:23 pm

    kewl..
    ano nga
    pala
    yung TWSD?

    cool tapos di mo alam yung TWSD? hahaha. taong walang sense of direction

    [reply to this comment]

    rojie

    cool kasi yung adventure..hehehe..
    yun pala yung TSWD..

    adventure? it looks more of like a death parade. hahaha

    [reply to this comment]



    apollo
    Monday at 10:00 pm

    tsk… ok lang yan miss sienah. charge to experience na lang.

    wala talaga akong no choice kundi gawin na lang siyang parte ng eksperyens. hahaha

    [reply to this comment]



    gasti
    Wednesday at 9:45 am

    haha! eto pla yung happy trip mo sa ortigas..ligawin ka talaga xg! naks! iba ang ibig ko sabihin dyan…hahaha!

    odiba? ligawin ako sa bawat literal na letrang bumubuo sa salitang iyan na isipin mo.

    [reply to this comment]



    yeye
    Wednesday at 10:53 am

    mala dora the explorer pala ag drama mo. ay mali. planado pala mga lakad ni dora ahehehehe at hindi siya nawawala

    where are we going? ahehehehe

    nga pala ka-tams. bago na goal namin

    “surpass sir emerson”
    oha. higitan daw namin siya. effect!!

    oo tama. si dora ambisyosa yun. kunwari lang nawawala pero di naman talaga. malas ko wala naman akong boots na kapartner. ayos. goodluck naman kung mahigitan niyo si emerson. baka mamamatay na ang buong sangkapilipinasan e wala pa nakakahigit dun.

    [reply to this comment]



    V
    Wednesday at 12:30 pm

    ako man.. ligawin ako.

    LOL.

    madalas maligaw. kaya hindi ako pwede magkomyut magisa. kahit wala na akong pangkain, magtataxi nalang ako. ganyan ang drama ko tuwing papatawag nila ako sa opis. lagi akong naliligaw sa libis. tsk.

    kaya nga ba pabor sakin ang trabaho ko. hindi ko na kailangan makipagsapalaran sa kalye.

    ako din ligawin ako. hahahaha. pero di ako nagtataxi sorry mare. mahirap lang ako e. sa mga dukhang tulad ko e bagay ang magjeep at maglakad lang.

    [reply to this comment]



    lunes
    Wednesday at 2:56 pm

    malamang mare pag ako iniwan sa manila ngaun, pupulutin ako sa abs or gma. nananawagan na nawawala.ahaha.

    nang elementary ako nawala ako sa antipolo tapos nawala na rin ako nun sa baguio at ilo-ilo.di ako hinanap ng magulang ko. the rest is history.

    mare ano ka ba? tetext ka lang sa akin at susunduin kita. oo tama. para pareho tayong maligaw. hahaha. wow. bongga ka pala mawala. miss national ka pala. hahaha

    [reply to this comment]



    Kevin
    Wednesday at 10:22 pm

    Magaling, magaling, magaling ang visual aid! Naaliw ako! :p

    siyempre di ka nagbasa diba? kasi ang haba. hahaha. infairness naman sa akin nageffort ako gumawa ng map. mabuti naman at naaliw ka ng bahagya. hahaha

    [reply to this comment]

    Kevin

    AAMIN NA. :) mahal kasi internet sa LB kaya comment lang ako ng comment.LOL!

    Hoy, punta ka sa sabaaaadooo!!

    hindi ako pupunta. kayo na lang. pero salamat pa rin sa imbitasyon. gege.

    [reply to this comment]



    lei
    Friday at 1:25 pm

    hahaha. hirap talaga pag may matinding pagnanasa ang driver. lakas ng dating mo mare! nice!

    pwede ring, siguro nakalimutan nung driver na ibababa ka nya dun sa insurance comp. kaso naalala nya lang yun nung lumagpas na kau, kaya ginawa nya inantay nya nalang makabalik ulit kayo. ganyan din nangyari sa amin, pero atleast inamin ni manong driver na lumagpas na pala kami at take note, di na nya kami pinagbayad kasi nga nagkamali sya.

    kilabot ako ng mga drayber at gwardiya. hindi niya makakalimutan yun kasi 3times ko pinaalala.

    [reply to this comment]



    PM
    Saturday at 5:38 pm

    bongga! kuting nga! nililigaw! bute di ka napadpad dito kasi mahilig kaming mag ampon ng kuting na iniligaw. lol.

    saan ba yan? pwede ako maligaw ng sadya! hahahaha

    [reply to this comment]



    na*
    Saturday at 6:08 pm

    ahaha…ang kyut. . . o well, ako man, ligawin din. yun ligawin na laging naliligaw, tsk, bakit hindi nalang yun isang depinisyon na palaging nililigawan. hmf!

    o well, naaalala ko, kahit sa DORM namin, palagi akong naliligaw. dorm yun ha, dorm..sa loob ng dorm. ilang beses din akong naguton dahil hindi ko matunton-tunton ang dining area.

    hmmmmm, yun prend kong nadeads, naku, yun ang tinatawagan ko kapag oh-owww, where na ba me ang setting. ayun, kaya maliban sa nawalan ako ng kaibigan, LALO AKONG MAWAWALA NETO.

    hehe, buti naman at nahanap mo din yun lugar.

    flyfly!

    ligawin tayo. wala na tayong magagawa dun. hahahaha

    [reply to this comment]



    FerBert
    Saturday at 9:07 pm

    isang sakay na lang mula doon sa pinuntahan mo makakarating ka na sa bahay..

    madalas din akong malost eh. lalo na sa love. tulad ngayon,

    Im Lost and Alone!

    your comment section makes me emo talaga. hahahahaha

    pwede ba tumira muna ako sa inyo? ahaha. ef bee mahal ka namin. welkam bak

    [reply to this comment]



Leave a comment