interview with Ms. HR
binuksan ni Ms. HR ang huddle room 3 at pumasok ang 5 aplikante. malamig ang kwarto, pero ilang sandali pag katapos nilang maupo ay naginit na ang paligid dahil sa mga tanong ni Ms. HR.
Ms. HR: is that all miss XienahGirl?
XienahGirl: yes, ma’ am.
Ms. HR: mr interviewee number 5?
interviewee number 5: yes, ma’ am?
Ms. HR: in a brief manner, tell me something about yourself.
interviewee number 5: i am interviewee number 5. i was a former band member but i decided not to pursue with it. since then, i managed our family business but i am not that happy. i was about to marry my fiance but my father wont let me, so i broke up with her. i hate my life. now, i am looking for someone to support me. maybe someone out there.
Ms. HR: if i understand it correctly, your father disapproved of your relationship with your fiance?
interviewee number 5: yes.
XienahGirl at Ms. HR: BWAHAHAHAAHAHAHAHA
i hate his life too, sabi ng utak ko.
hindi ko alam ang kultura ng mga job interview. hilaw pa ako pagdating sa mga ganitong klase ng pangyayari sa buhay ng tao. inaamin ko, hindi pa ganap ang karanasan ko pagdating sa paghahanap ng trabaho. wala nga akong balak magtrabaho, ang gusto ko lang magkaanak ng walang asawa o di kaya naman ay ang magkaroon ng isang album na naglalaman ng mga tinagalog na version ng kanta ni alyssa alano. hindi ko alam kung ako ba ang may problema o sadyang kahit saang anggulo ko tignan ang eksena ni interviewee number 5, meron talaga akong nakikitang mali? alam ko masama akong tao pero hindi naman sa panghahamak, dapat hindi na sinabi ni interviewee number 5 na kinasusuklaman niya ang buhay niya. siguro akala ni interviewee number 5 nasa isang segment kami ng noontime show na kapag naawa ang mga manonood, magbibigay simpatya sila sa pamamagitan ng pagaabot ng dolyares. sa kaso ni interviewee number 5, makukuha niya ang trabaho kung saan ako ang kakumpetensiya niya imbes na limpak limpak na salapi kalakip ng ibat ibang klase ng herbal drugs na walang therapeutic effect. mabuti na lang at hindi talent show o beauty contest ang interview para sa nasabing trabaho. malamang sa malamang, ako na ang magiging bagong takdang presidente ng kumpanya nila ng di oras. kung ganito lang sana kadali kumita ng pera, ikinuwento ko na sana pati yung riot sa kalsada namin tuwing gabi at sa kung paano ako hindi makatulog dahil doon.
napansin ako ni Ms. HR na patagong ngumingisi. ako naman, sinagot siya ng tingin dahil nakita ko siyang humahagikgik. sa palagay ko pareho kami ng nasa isip ni Ms. HR–iwasan ang magkwento ng walang kalatuylatuy na bagay na hindi mapapakinabangan ng sanlibutan. kung meron man akong bagay na ipinagmamalaking natutunan, iyon ay ang sagutin kung ano lang ang itinatanong sa iyo at hindi yung nilalagyan mo pa ng mga paligoy ligoy, mabulaklak na salita at palabok. tama ba ako?
interviewee number 5, meron nga pala akong magandang balita para sa iyo: kasama na ako sa lupon ng mga manggagawa. pasensiya ka na lang kung mas maganda ang kwentong buhay ko kesa sa iyo. subukan mo kaya isulat yan sa blog? hula ko patok sa comments yan. baka mapasama ka pa sa top10 emo blogs. heto ang blade, maggilit ka na ng leeg. bago mo gawin yan, gusto ko magpasalamat na rin siguro dahil kung hindi sa iyo–siguro hanggang ngayon, nagbibilang pa rin ako ng poste.
33 Comments
Leave a Comment
If you would like to make a comment, please fill out the form below.
on August 21st, 2008 at 9:52 am
am i the first to comment here xG? hihihi.
congrats. panalo at magkakaroon ka na ng trabaho. pers job mo to di ba? tama. hilaw ka pa nga sa interview pero sa baguhan na tulad mo tama ang sagutin lamang ang mga tinatanong sau. hindi na pati yung tsismis sa lugar nyo, kung gaano kaitim ang kilikili ng kinaiinisan mong kapitbahay, o kung gaano kaingay ang kapitbahay nyong magasawa tuwing dis oras ng gabi.
base sa aking professional life, puta may ganun pa akong nalalaman, hahaha, mas interesado pa ang mga HR na yan na makuha ka base sa kung gaano kasmarte ka sumagot sa kanila, hindi kung ano ang isasagot mo, kung gaano ka bilang tao. kasi sabi nga nila, makikilala mo ang isang tao kung pano sya magsalita o sumagot sa mga katanungan (sa larangan ng corporate world).
isang tip din kung ikaw ay iinterbyuhin, the basics, wag maging late, magsuot ng tamang damit base sa inaaplayang trabaho. smart casual ay bagay sa mga tulad ng call center companies, pero the best pa din ang corporate attire (bad trip lang kung naiskedyul ka na tagbagyo o taginit, por sure kumulo na ang kilikili mo sa init o kaya naman sinipsip na nang medyas mo ang tubig baha kapag maulan).
dapat hindi rin malungkot kung sabihan ka man na hindi ka nakapasa sa interview, kasi magandang experience yun para mapabuti ang mga susunod pang interviews.
iwasan din ang mga tulad ng ginawa ni interviewee 5. paawa effect is not valid. pinapakita lang nuon na mahina kang nilalang, mas lalo kang hindi matatanggap sa trabaho.
isa pa, mabuting kilalanin ang mga kapwa aplikante, mainam ito para malaman mo pa ang ilan sa mga job openings :)
[Reply]
August 21st, 2008 at 10:36 am
muntik ng maging mas mahaba tong comment na to kesa sa entry. hahaha. ayos!
[Reply]
August 21st, 2008 at 12:58 pm
sos. mahaba din kaya magcomment sakin si popoy. ayoko ng sabihin na mahal ako ni popoy hahaha, mahirap na baka mapagkamalan pa ko.
[Reply]
on August 21st, 2008 at 10:16 am
congratz xG sa iyong job! :)
malamang kinuwento mo pa ang buhay mong pang-maalaala mo kaya kay Ms. Hr.. hehe
[Reply]
August 22nd, 2008 at 12:37 am
oo nga, nakikipagbato-batopik ka nga sa mga words eh. haha. corny na ba? *shhhut up winkii!*
[Reply]
on August 21st, 2008 at 10:34 am
so may trabaho ka na ganun? ha? ha? ha?
o xa xa! painom ka na! weeeeee. paukahin mo din ako, bwahahahaha. :D
good luck eksji. more power!
pft!
[Reply]
August 21st, 2008 at 1:00 pm
kakain ng puke? shit kadiri.
p.s.
puke as in vomit as in suka. hahaha.
[Reply]
August 25th, 2008 at 10:16 am
WAHAHAHAHAHAHAHAHA!
[Reply]
on August 21st, 2008 at 10:42 am
wow may work na pala!
ayan may pangdate na. hihihi
[Reply]
on August 21st, 2008 at 11:09 am
hay, goodluck sa work. sana ma meet ko na rin mga taong HR he he. antamad ko
[Reply]
on August 21st, 2008 at 11:35 am
bwahahah! omg. parang nag-interview ng artista. pati ba naman personal life ikwento pa. nakakatuwa. hihihi!
congrats sa trabaho. apir!
[Reply]
on August 21st, 2008 at 11:54 am
huwaw, may work na si xienah girl. magiging kasing busy ka kaya katulad ko? hahahaha.
congrats apir!
[Reply]
August 25th, 2008 at 2:53 am
hahahaa. naku, milyonarya na si xg :) libre libre. hehehe
[Reply]
on August 21st, 2008 at 12:05 pm
sobra ka naman… (slashes wrist) HOMAYGAD! dugo!
[Reply]
on August 21st, 2008 at 12:50 pm
isa pang tip, dapat kapag kinakausap ka ng interviewer look ka sa eyes nya, wag ka mangungulangot hehe..be smart pero wag overr, straight answers lang walang ligoy, wear comportable attire (wag duster ha?) be truthful kasi kapag natanggap ka nila makikita naman kung sinungaling ka..congrats sa new job mo..
[Reply]
on August 21st, 2008 at 1:50 pm
congrats po maam! mas lalo ka ng yayaman nyan! tsk..
[Reply]
on August 21st, 2008 at 5:13 pm
Ang sama talaga oh at tinawanan pa talaga haha lolololz! Teka anong trabaho yan? Wag mong sabihing call center agent ka? Amf ano yan!
Sa Wowowee yung ganyan diba yung mga paawa effect lololz korni! haha!
[Reply]
August 23rd, 2008 at 10:34 am
Errrk wowowee is like :-&
Sus di sasabihin amf haha!
[Reply]
on August 21st, 2008 at 7:15 pm
todoinkss..
bat me nagdrama sa interview ng trabaho? paninging nya ke MS.HR si charo santos?
huwao! congrats xG! paburger ka naman :)hehe, joke lang..
[Reply]
on August 21st, 2008 at 7:46 pm
natanggap ako [palagay ko] noon hindi dahil sa smart achuchu ako sa interview, kundi dahil sa 2×2 picture ng resume ko.
mukha kasi akong hardworking sa picture ko na yun. read: mukhang katatapos lang maglaba pagkatapos mamalantsa. nyahahaha!
welkam sa mundo ng pagpapaalila!
[Reply]
on August 21st, 2008 at 8:30 pm
naku ka-tams mukhang magttrabaho ka na ah ehehehe
magiging RN ka na
Rich Na hahahaha ang corny
[Reply]
on August 21st, 2008 at 8:36 pm
close na b kau ni ms. hr..??? hehehe.. kakawindang naman si interviwee no. 5 mega entrada sya ng personal life nya kaagad.. tama ka dapat iblog na lng nya yan..
[Reply]
on August 21st, 2008 at 10:16 pm
meron din nagkwento sa akin nito dati sa yellow cab.
[Reply]
on August 21st, 2008 at 11:42 pm
wow, new work!
pa cheeseburger ka naman!
berger! berger! berger!
[Reply]
on August 21st, 2008 at 11:53 pm
ang adik ng buhay!!!
sana sinamahan niya na rin ng konting drama tungkol sa gulo ng mga kamag-anak niya kung meron man.. o ng mga kapit bahay niya.. tapos iiyak siya.. hihingi ng tubig at tissue..
*cut!!!*
tangina baka akala niya audition sa isang drama serires yun?? hehehe..
masama akong tao..
sori..
pero ang boba ni interviewee # 5..
congratz sayo mare!!!
[Reply]
on August 22nd, 2008 at 2:07 pm
congrats sa work mo.
sana kahit may work ka na.
di mabawasan time mo mag blog. =)
btw,kala ko karugtong pa rin ng entry mo ung comment ni popoy,hahaha! ang haba.
[Reply]
on August 22nd, 2008 at 5:14 pm
at talagang pinantayan ni popoy ang haba ng post. ahehe. impernes, binasa ko talaga koment ni pareng jefferson. LOL.
dapat lang talaga na ikaw ang na-hire xG. malaki mako-contribute mo sa kumpanya. hehe. ganyan talaga pag pers taym sa job interview. nangatog pa tuhod ko nun. pero kung ano lang yung tinanong eh yun lang din ang sinagot ko. no more, no less. interviewee # 5 is a loser. magpa-awa ba naman eh nasa introduction pa lang sya.
anyways, gud lak sa work mo! way to go xG!
[Reply]
on August 22nd, 2008 at 8:18 pm
welcome to teh world of corporate slavery.
blogosperyo nga naconquer mo. yan pa.
utal ako nung first interview na naranasan ko. awa ng God andito padin naman ako sa trabaho na ito. pumepetiks sa bahay. hahahah.
show them what you’re made of!
[Reply]
on August 23rd, 2008 at 10:30 pm
Congrats ate x! May trabaho ka na. :>
Pa-goto at mami ka naman. HAHA! :)
Ang saklap naman ng buhay ni Interviewee number 5. Kaso di naman kailangan ipamukha niya sa mundong sawi siya sa pag-ibig. Pakerr. Di naman kailangan malaman ng mundo yun, unless siya si john lloyd cruz. haha!
[Reply]
on August 24th, 2008 at 12:48 pm
–
sna ngbigti n lng si interviewee no. 5
hakhak
elyens
XXXxx
[Reply]
on August 24th, 2008 at 12:56 pm
wow job interview. nung first job interview ko parang… joke.
[Reply]
on August 24th, 2008 at 6:51 pm
kawawang interviewee no. 5.
btw, titira nako sa tumblr site ko. pachange nalang ng link. mga ilang yreas din ako dun kasi di ko na kayang imaintain yung stereo-love. salamat.
p.s. bibisitahin parin kita. asa dailies ka parin.
[Reply]
on August 29th, 2008 at 1:36 pm
sana sinabi nya na rin na namatayan sya ng aso, may sipon ang kapit bahay nya at nagkadandruff sya . malamang naiyak pa yung nag.interview. sya naman kasi, magkwe-kwento nalang wala pang emotion, dapat umiyak na rin sya at nagmakaawa tapos hamunin ung HR na magpapakamatay sya pag di sya tinaggap. tsk.tsk. kulang sa diskarte.
[Reply]