sarplays

hello, worthless third world beings. did you miss me?

may nagbabasa pa ba nitong blog ko? yung totoo lang. kasi kung meron pa, hindi ako magdadalawang isip na magsara ulit. seryoso. ilang ulit ko na rin kasi sinasampal ang kalangitan ng mga katagang: ayaw ko na may nagbabasa ng blog ko. ok payns. gusto kong may nagbabasa, pero konti lang. wala akong nagawa. wala kaming nagawa. hindi ko naiwasan. hindi namin naiwasan na ibulgar muli ang chiksilog. gusto ko patunayan na mali ang hula ng ilang bloggers–na magiging sikat ang datkom. hindi ko pinangarap yan para sa sarili ko, kayo ang nangarap para sa akin. selfish. masaya na ba kayo? ako kasi hindi. nabigo ako sa pagtangka na gawing kanlungan ng mga lihim na lathala ang datkom sa simpleng dahilan na makukulit kayo at pindot ng pindot ng kung anik anik.

hayaan ninyong magsalita akong muli ukol sa mga tae, pero sa pagkakataong ito–tae ng intarwebs. kabilaan ang tae sa intarwebs. ewan ko, wala naman silang matres para dumami sila ng ganun. madali lang naman solusyunan ang dagliang paglipana ng mga haliparot na tae na yan at yun ay sa pamamagitan ng saktong pagiwas sa kanila. patay malisya. ang aangas umasta ng mga tae na yan akala mo kung sinong siga na may dalang sumpak–sago lang naman pala ang bala. hindi ako natatakot. hindi naman nakakagalaw yang mga tae na yan. duwag. hindi nila ako masasaktan. hanggang alingasaw lang ng baho ang talento na kaya nilang ipagmalaki. busy akong tao. hectic ang schedule ko. wala akong balak manuod ng talent show ng mga tae. ayaw ko aksayahin ang panahon ko para tapakan sila dahil ako lang din ang madudumihan. nakakatamad maglinis ng dumi ng iba. hayaan na lang natin na umasa at mangarap ang mga tae na yan na maapakan ko sila.

sapat na siguro ang isang linggo para maramdaman ng mga tumutuligsa sa akin na nagmamayari sila ng malaking bayag. tama na ang 168hours para akalain nila na kapag nilunok nila ang babolgam ay hindi sila mabubulunan. sakto na ang pitong araw para isipin nila na naisahan nila ako. tangina, gawin daw ba akong sentro ng buhay nila? nagaabala sila na kalkulahin ang bawat galaw ko. sayang, gusto ko sana makipagpataasan ng ihi pero sa hindi inaasahang pagkakataon, nakaupo ako kung umihi.

isang linggo akong nagaral maghardin: advanced gardening zkillzzz. oo, pinagaralan ko ang siyensiya sa likod ng tamang pagtatanim–ng buhay na tao. malas. malas nga lang talaga dahil yung itatanim ko hindi tutubo at maaagnas nalang siya habang humihinga. nagaral ako ng pagtatanim para sa mga tao na may balak na sirain ako. hindi nila kayang gawin iyon. hindi nila ako mapapagbagsak dahil kahit kailan hindi umangat ang paanan ko sa parehong lupa na inaapakan ko kung saan ako nagsimula.

talo kayo sa pustahan kung tumaya kayo sa dahilan na kaya ako nawala ng isang linggo ay dahil sa hindi ko nakayanan ang kabayaran ng pagiging isang blog personality: kesyo nadale ako ng mga mapanirang birada at isyu na kinakaharap ko damay ang ilan sa mga bloggers. isang malaking kabalintunaan. kailangan ba lahat na lang ng galaw at kilos ko tungkol sa mga papampams na iyan? asa much.

hindi totoo na ako ang ginawang host para sa nalalapit na prestihiyosong blogawards. hindi totoo na sumali ako sa survivor philippines. hindi totoo na nabuntis at nakabuntis ako. hindi totoong laos na si carlos agassi. hindi totoo na lalabas ako sa isang music video. hindi totoo na nakipagtanan ako sa isang blogger na nakabase sa cebu. hindi totoo na may gusto sa akin yung pinakamatanda sa lahat ng bata na blogger. hindi totoo na nakulong ako. hindi totoo na ako ang ginawang dahilan kung bakit umalis yung isang blogger. hindi totoong lalabas ako sa isang indie film. hindi totoo na nagpadala ako sa isang email. hindi totoo na galit ako sa isang blogger.

akshuli, kung natatandaan pa ninyo: 3bloggers ang kinaiinisan ko. lilinawin ko lang na hindi sila nadagdagan. sila sila pa rin. solido. kung mayroon pang gusto sumali, paki sabi lang sa akin ng maaga para maihanda ko na ang inyong huling piging.

ang totoo: lahat ng nasabi at sinabi ko. mamamatay ako na paninindigan ang lahat ng iyon. kahit kailan hindi ko babawiin ang lahat ng nabanggit ko: sa blog, sa chat, sa twitter, sa plurk, sa email dahil dadalhin ko yun hanggang sa kabilang buhay.

paano ko nga ba ipapaliwanag ito?

ang ginawa kong boykot ay bilang pagtugon sa hindi tamang pagtrato ng mga bloggers sa isat isa. inaamin ko: nabiktima at nambiktima rin ako. kung napansin ninyo, marami sa mga blogista ang nagdeklara na huminto na sa paglathala dahil sa walang pakundangan na pagpukol sa kanila ng mga bobong patutsada na hindi manlang pinagkaabalahan na pagisipan. hindi naman ako nagkulang sa pangungumbinsi sa kanila na huwag na lang pansinin ang mga bobo bloggers kaya lang–balewala ang paliwanag sa mga taong buo ang kalooban. wala akong nagawa kundi ang respetuhin ang desisyon nila. mahal ko sila. masyado akong ambisyosa para tuluyang iwan ang blogosphere. hindi ko pwedeng gawin sa inyo yun. iiwanan niyo na ako pero ako? hindi ko kayo iiwan. wala akong ibang maisip na paraan kundi ang panandaliang isakripisyo ang kabuhayan at kaligayahan ko sa blogging para damayan sila sa pamamagitan ng isang makabagbagdamdaming boykot.

potah. ang haba ng pasakalye. naging abala lang ako sa life. basta. nainggit ako sa kanila. tapos. idagdag mo na rin yung tinamad ako. period. saka gumawa ako ng bagong layout. no erase. saka nagtangka ako gumawa ng bidyo blog. talo ng gunting ang papel. talo ni god ang gunting. ngenge. ulan. ulan. ulan. shaggy dee. shaggy dee. sha popo.

isa rin ito sa mga dahilan kung bakit huminto muna ako saglit sa pagblog–kinakausap ko na kasi ang sarili ko. oo, tama. hi self, how am i? yes, she is ok. mabuti para sa katawan ang tumapat sa salamin para kausapin ang sarili pero ang totoo, hindi naman ako magsasalita kung walang kumakausap sa akin. mga lecheng ito. wala akong imaginary friends. hindi ako tumatanda ng paurong. sa palagay ko para akong wala sa sarili, tipong may sapi. kulang yata ang napanood kong superbook at flying house episodes, makapagdownload nga.

ang pinupunto ko: walang kikislot, kung walang nanunusok. huwag kayong magalala, napagaralan ko na kontrolin ang ugali ko na iyon. hulaan niyo na lang kung alin sa pagkislot o sa pagtusok.

huwag niyong tanggalin ang karapatan ko na mang stir. kung sino man si mang stir, hindi ko na alam. siya yata yung asawa ni manang bola. gusto ko lang malaman kung magugunaw ba ang mundo ng mga blogs sa pagkawala ko–obyusli, walang nangyari at tuloy pa rin ang buhay para sa nakararami. ito ang sinasabi ko na hindi ako kawalan sa intarnettzzz. sus. huwag niyo na bilugin ang kulangot ko para pitikin lang din sa mukha ko.

kinilig ako–ang dami nagemail sa akin. nanalo daw ako sa online lottery, like crazy. ako yung nananalo ng hindi tumataya. bukod sa mga email na nagdidiin na bayaran ko ang utang ng pilipinas sa pamamagitan ng napanalunan ko, gusto ko magpasalamat sa mga tao na nagpadala ng kanilang mensahe para sa akin patungkol sa panandalian kong pagkawala sa blogosphere. kilala niyo kung sino kayo. pagpalain kayo nawa ng mga bathalumang inyong sinasamba.

dahil nagpapasalamat na rin ako, hayaan ninyong idamay ko na si lunes para sa binigay niyang litrato na nakikita ninyo ngayon sa aking blog header.

this is the last time i am going to clear things out. that is all i can say for now and i…

found a very special love in you and it almost breaks me in two–squeezing me tighter, but i’m never gonna let go.




32 Responses
  1. isa ito sa mga blog na una kong nilagay sa aking blogroll mula ng nag umpisa akong mgblog. bago lang ako sa mundo ng blogging, d ko man alam at naumpisahan at nasundan ang tinutukoy mo sa bagong post na ito, ay masaya pa din ako na may mabasa ulit na bago dito. ;)
    good evening!

    wow. wow. isa pang wow. maraming salamat miss lovely sa paglalagay mo sa akin bilang unang link sa iyong blogroll.karangalan ko ang mailagay sa blogroll ng kapwa bloggers. oo medyo malabo nga talaga ang tinutukoy ko pero basta ang pinupunto ko lang ay hindi ako umalis dahil sa bloggers–yun ay dahil sa maarte lang ako. hahaha. sinubukan ko lang ang maintenance mode plugin. hahaha

    [Reply]



  2. amen!

    sa wakas nakapag comment na rin ako dito!

    uu nga. salamat.

    [Reply]



  3. weee.. namiss kita xg. naalala ko ngayon nga pala magbubukas ulit ang dat.com.

    common. ang ganda ng themes mo, nakakaingget. igawa mo ako ng ganyan. hahaha.

    welkam bak. namiss kita. mwah mwah

    naalala? weh. nabasa mo kaya sa plurk at twitter. bwahhaha. uu igagawa kita miang basta bumili ka muna ng domain ok?

    [Reply]

    mia

    talaga talaga? yehey. excited na me! :P

    oo miang madali lang naman magsetup ng site

    [Reply]



  4. Namiss rin kita ate x. well actually ang chiksilog kasi lagi naman tayong nasa plurk! pero namiss din kita! haha. :D

    inlab ako sa new layout.

    ang ginawa kong boykot (hindi pag-update ng one week. haha) ay dahil, nakiuso lang ako. :)) HAHA! :D

    teka, ano ba kasi nangyayari? haha. walang wala na ako sa mga balita tungkol sa inyo.

    oo nga lagi naman tayong nasa plurk. araw araw. haha. inlab ka? salamat naman. ang sarap marinig yan sa katulad mong gumagawa rin ng layout. oo salamat din at sinamahan mo ako. yung nangyari? wala. tinamad lang ako kaya ako nagboycot. hahaha

    [Reply]



  5. medyo hindi naman ako nag-alala sa iyong “maintenance mode”. dahil sa hula ko ay malamang na nagmo-moment ka lang habang nag-eedit ng iyong bagong layout.

    at kahit sinong mga hinayupakeningsyets pang sumulpot sa blogosperyo na mangarap na ibagsak ka o basagin ang itlog mo ay hanggang pangarap na lang yun.

    belats them.

    i know that you’re a STRONG girl.
    coz you’re XienahGirL!

    …sumali ka kaya sa olympics, para naman magka-medal na ang pilipinas.

    eric. ayheychoo. san ka ba nagsususulpot ah? oo tama. nagmoment lang talaga ako. karapatan ko maginarte. kaya mahal kita eric eh kasi kilala mo ako. hahaha. tama ka. dream on bitches! haha. di nila ako mapapasaringan. like yah kno? mauuna muna sila durugin ng tropa natin bago nila ako marating. olympics? shet. muse lang ang pwede ako dun.

    [Reply]



  6. wahayhay! nakakamiss talaga itong chiksilog… te xG, kahit na gusto mong konti lang ang nagbabasa ng blog mo, sana kasama ako dun ha?!

    oo sige. magbasa na kayo hanggang mapagod kayo. hahaha. di ko kayo pipigilan makiboso dito

    [Reply]



  7. ang haba. mamaya ko na babasahin pagnakakain ako ng almusal. baka mahimatay lang ako sa gutom.

    magwalis walis ka muna ng tuyong dahon sa bakuran niyo habang umiinom ng matabang na kape.

    [Reply]



  8. e kumusta ka naman bukod sa you’re fine thank you?

    clueless ako. pero kung ano man yan, yun na yun.

    miss jojitah. wow. napadpad ka ulit dito. heto gumaganda pa rin sa bawat mulat ng mata. oo, ako rin clueless sa mga sinabi ko. basta yan na rin yun. maganda tayo. tapos. hahaha

    [Reply]



  9. yeah dis is it.. oi kinilig naman ako at na-extra ako sa entry na eto. naalala ko yang egg na yan, hindi ko nga akalain na magagamit mo yan mare. kasi diba, iba yung hinahanap natin nun? ANG GANDA NG LAYOUT!!!

    naku about sa boycott, proud ako na sumali sa boycott.. hindi ako sikat para pagkaguluhan ang pagkawala.. masaya lang ako na nakikisali.wehehe..

    eto gumagalaw at humihinga na uli tayo sa blogosphere.. marami pa tayong pwedeng mapagdaanan na mga matang mapanuri. alam ko piece of tae lang yun saiyo.. dahil pinatatag ka ng masukal na nakaraan.

    sori pala mare.. siguro may birthmark ako sa pwet. kaya medyo may kamalasan sa mga bagay bagay..wehehe.

    naku ang haba na nito..

    lab kita.lab ko kayo.babalik na rin ako. period.

    oo nga. iba kasi yung hinahanap natin na para sa header e. kaya di ko rin inakala na magagamit ko yan. biglaan. nagulat din ako na naging header ko yan. mare salamat naman at nagandahan ka sa layout. teka. ano ka ba? ikaw nga ang isa sa mga dahilan kaya ako nagboycott, kayo ng tropa. lahat kayo nagsialisan. einubeh. masukal? bwahaha. mare. wow. ang lalim nun ah? teka. yun ang ayaw ko e. yung nandadamay pa sila ng pangalan ng iba. wala silang karapatan na idamay kayo at gumawa ng kwento. desperado lang ang mga gumagawa nun.

    [Reply]

    lunes

    mare..nandito ako ngaun..wehehe.. pinipigilan ko sarili ko matulog.

    eh? bakit nga ba? mare. tulugera ka na.

    [Reply]



  10. welkam back! buti naman at nagbalik ka na. ang daming nakamiss sa chiksilog. salamat sa pagdamay sa boycott.

    parang gusto ko na ding bumalik buhay blog na parang ayaw ko din. basta magulo. nagpapahinga pa din ako. tsaka na uli siguro pag maaliwalas na ang utak ko.

    welkam back uli!

    madami nakamiss sa datkom? parang wala nga kasi andon lang tayo sa plurk. wala rin silbi. hahaha. wag ka na muna bumalik. mamaya ka na bumalik.

    [Reply]



  11. yahuuuu inuman na itoooo!!!

    ipasa na yang cyber shot glass, round mo na.

    [Reply]



  12. welkambak xg! bagong paligo na naman ang blog mo, at balik ka ulit sa color black. :D

    hindi talagaa ko naturuan sa colorwheel sa arts class namin kaya balik black na lang ulit ako.

    [Reply]



  13. kanina ko pa to nabasa ndi naman pala ako nakapagcomment.

    ayun, napagusapan na naman natin kanina sa YM, ang kikay ng hart shape na itlog. sana pedeng orderin to sa tapsilugan hihihi.

    welkam bak xG.

    hahaha. salamat popoy. salamat. sorry kanina na cut off yung connection ko ah? gege.

    [Reply]



  14. awts…nagtaka ako..kung sino ang lalaking yung nag tanan sayu sa cebu..ampotah..ahha..mahuli nga!

    welcome back dyosa…its ur time to shyn!!Pinoy blog superstahhhrrr!!!

    pabayaan mo na ang mga tae na yun…babalikan ko din ang mga tae na nagpapabaho sa buhay ko.

    indi para apakan sila…babalikan ko sila dahil babalik ko sila kung saan sila nanggaling!

    tae ka soulmate! may nagemail sa akin kung nagtanan daw ba tayo. hahaha. pero biro lang naman niya yun. hanuber. parang naguluhan ako sa sinabi mo sa huli. pabalik balik. haha

    [Reply]



  15. hello xG, namiss ko ang itlog mo. :))
    hehe. ano ng nangyre? nice naman ng layout! uso nga ang mga boycotts ngayon.. ako rin kya? hehe.. pano nga pla gmwa ng icon?

    my egg is back. wala. tinamad lang ako. ayun ang nangyari. salamat at nagustuhan mo ang layout. icon? paanong icon?

    [Reply]

    winkii

    ayan oh. *turo sa taas*
    yung cute na xienah girl na icon.

    oo nasabi ko na sa iyo kung paano diba? ok na yun.

    [Reply]



  16. sa haba ng paliwanag mo tungkol sa pagkawala mo ng isang linggo, awa ng Diyos e wala akong nawawaan, basta ang alam ko masaya lang ako at andyan ka nanaman.. pwe!! haha joke lang..wateber happens sayo e ok lang basta’t wag ka lang kakain ng langaw hehe..sino ba maysabing ang mundo e fair,, hah.. wala!!!! ok more power..

    para kasi yan sa tae ng intarwebs. sa pagkakaalam ko hindi ka naman tae. tama? hahaha. bakit ako kakain ng langaw aber? may foods kami sa freezer. dami kong cheesedogs dito. hahaha

    [Reply]



  17. oh i see! kaya ka pala nawala sa blogosphere dahil nakipagtanan ka kay maldito…now i know kung sino yung naglagay ng chikinini sa leeg nya..anlupit eh pulang pula! haha!

    na-surprise talaga ako shella…welcome back! mabuhay ang anak ni sinukuan! mabuhay ang dyosa!

    oo nga gulat na gulat ka. hahaha. parang wala ka talagang kamalay malay ano? oh yess. hahaha. eh si maldito? nagtanan daw kami. hahaha. teka. yung chikinini na yun garabe naman! parang ginawang ulam si maldito. haha. talagang pinagtsismisan natin siya dito ano? ayos. teka. hindi ako ang anak ni sunukuan. dinungisan nila ang pangalan ko bilang diyosa. kadiri!

    [Reply]



  18. may nagbabasa ng blog mo. isa na ko dun

    welkam bak ka-tams. aymisssyooooo

    oo salamat katams. yess

    [Reply]



  19. huwaw. mala-sarah geronimo ka na ren pala. :))

    balak ko sanang iemail ka. kaso nahihiya ako. :D baka kasi sabihin mo istoker mo ako. waha. buti na lang at bumalik ka na.

    PS. hanganda ng theme mo.
    PPS. san mo nakuha yung code?
    PPPS. pwede mo ba akong gawan?
    PPPPS. joke lang. :)

    uu para kay john lloyd magpapakasarah geronimo ako. haha. anong nahihiya ka? bakit ka mahihiya ha noime? hanukaba? hahaha. bakit ko naman kita sasabihan na istoker kita e tropa tayo? sauce. hindi naman kasi ako nawala talaga. nasa plurk kami–ikaw twitter ng twitter. salamat at nagandahan ka sa theme ko. yung code? saan nga ba? base code? eh? nakalimutan ko na kasi nagtanggal na ako ng cookies and bookmarks and everything. gagawan kita ng ganito rin? pwede naman. sabi ko nga e. hahaha

    [Reply]



  20. welcome back ate xienah!

    well, ang masasabi ko talaga is:

    i really lab your layout. lalo na yung header.

    maraming salamat gyk. kay lunes galing yan. hahaha

    [Reply]



  21. welcome back, xG..
    na miss ko din magbasa dito.
    and oh..ang ganda po ng lay-out.

    simple pero classy,hehehe.

    yess. ikaw din balik ka na. salamat nga pala. hahaha

    [Reply]



  22. Oh, I love the layout! It’s TEN TIMES BETTERER.

    Anyway. Nagdadalawang-isip din ako kung isasara ko ba yung blog ko o hindi, kasi wala nang nagbabasa.

    Nawawala na mga readers ko. Tinatamad. Haha

    talaga anak? i didnt know you liked hearts. hahaha. and eggs. huwag mo isasara. ano ba may nagbabasa niyan di lang nagkokomento masungit ka kasi! sus.

    [Reply]

    V

    nagbabasa ako ng blog ni kevin. lage. di lang ako nagcocomment palage.

    ako din. sinusupladuhan kasi ako e. haha. di daw siya sanay na nageenglish ako. much better wag na lang ako magkomento. hahaha

    [Reply]



  23. huh?? WATCHAPPINING?? Nabobobo na ku dahil sa kawalan ng online life.

    wala naman masyado. hahaha. ge. diyan ka muna sa oplayn layps mo.

    [Reply]



  24. hi xG. sarap nman ng sunny side up, one wik prinito este pinaghandaan. nway welcome back =) kahit blue-green letters lng ung bumubulaga sa amin last week ay naaliw pa rin ako sa mga random thoughts mo dun. Lalo na ung ke bob ong. hindi ka ba nya inemail to react? hehe.

    ako si bob ong. bakit ko email ang sarili ko? hahaha. biro laaaaaaang. joke lang bO. youre the man. haha hindi niya ako ine email. di niya pa ako kilala siguro. hahaha

    [Reply]



  25. homay! ur back na pla dito.
    tapos kinukulit pa kita sa ym. ahehehe

    buti na lang bumalik ka.
    para happy naman ako=]
    ahihihi

    hahaha. oo naman. di ko masyado pinamalita na nagbalik na ako pero ayos lang. hanggat maaari ayaw ko muna malaman. sarplays! yeh. haha. asus. lagi ka namang happy diba? wala ng bago dun. ayoslang nagpapakulit naman ako sa ym.

    [Reply]



  26. i owe you alot. thank you

    enjoy lang sa pagsusulat. mwa mwa

    wala yun. basta tropa lahat gagawin ko. alam niyo yan. mahal ko kayo.

    [Reply]



  27. maganda ang layout. eet ees gewd.

    kaso lang sa sobrang tagal mo naiwan ka sa wordcamp. tsktsktsk.

    o siya siya, hayaan mo na yang mga tao na yan. ganun lang naman talaga dito. marami ding komplikasyon.

    at ikaw, ayusin mo na din ang buhay mo. oo, inuutusan kita.

    paano mo nalaman? nabibyu ba sa opis niyo ito? di naman diba? hahaha. tangenang wordcamp yan. di na ako pupuntaaaa. shet them. joke lang! hahahaha. baka maniwala sila e. oo yang mga komplikasyon na yan e dedmahin na lang natin. papansin e. oo naaaa. aayusin ko na nga buhay ko e. porket may lablayps ka ganun? wag kang judgmental. sus. hahahaha

    [Reply]



  28. waw!! hehe..hi po miss Xienah girl. ayus..
    your back..
    matagal ko ng iniistalk blog mo eh..
    ganda po layout ah..
    more power po!

    aba. istoker ka rin ano? ayos. nice. mabuti ka pa umaamin. hahahaha. salamat at nagustuhan mo ang layout. oh yess. more power to us.

    [Reply]



Leave a Reply