captcha, captcha at mas marami pang captcha
salubungin natin ng masigabong palakpakan ang kamanghamangha at kagilagilalas na captcha sa pagiging bonggang bonggang balakid nito sa buhay nating mga blogista.
(s_dance)
ang Completely Automated Turing Test To Tell Computers and Humans Apart o mas kilala sa pangalang CAPTCHA ay ang kadalasang naeengkwentro nating mga hayok sa intranets sa tuwing magregister sa porn site at magdownload ng scandal. ang isa sa mga silbi ng captcha ay para maiwasan ang mga malings at spams na makapanira ng files at para maprotektahan ang ating mga websites. sa madaling sabi–bago ka gumawa ng kahit anong kabalbalan, kailangan mong mapatunayan na may kakayahan kang magiisip sa pamamagitan ng pagintindi at pagtipa ng grupo ng mga letra.
kitams. isang magandang halimbawa ng kababanggit ko pa lang ay ang naganap ilang segundo ang nakakaraan. hindi ka man lang nagtaka kung paanong walang naging kahulugan ang letrang P sa salitang captcha. para sa kaalaman mo: binibigyang kahulugan ng letrang P ang salitang PUBLIC. kung gayon dapat pala ang Completely Automated Public Turing Test To Tell Computers and Humans Apart ay magiging CAPTTTTCHA? boloks.
nakakaabala para sa akin ang captcha lalo na kung nagmamadali ako at kailangan kong pang isulat ang word verification bago makapagbigay ng napakahabang komentong kapupulutan ng ginintuang aral sa mga paborito kong bloggers. aminin na natin–isa tayong malaking tipak ng katamaran kaya dalawa lang ang maaring maging kalabasan nito: ang pindutin ang walang kamuwang muwang na close button o ang magiwan na lamang ng komento sa tagboard.
hello! nice blog. want to exlinks?
mapagpanggap na ang panahon natin ngayon–hindi lahat ng tao marunong magpagana ng utak at hindi lahat ng utak pwede sa tao. insulto para sa mga naimbentong spams at luncheon meat sa cyberspace ang ikumpara tayo sa kanila. potah, biro lang. hindi nararapat na tayong mga nilalang ang siyang makikibagay sa mga computer programs. kahit na may kakayahan ang computers na bigyan tayo ng mga ganitong klaseng pamatay oras na captcha upang sukatin ang ating kagalingan at abilidad bilang tao, kahit kailan hindi maaaring matagumpay na malagpasan ng mga computers ang sarili nila. gayunpaman, malaki rin naman ang naitulong ng captcha dahil muli tayong bumabalik sa pinakasimpleng paraan kung paano natin malalaman na tao tayo na nagiisip ng higit pa sa dalawang beses. malaki ang lamang ng tao sa computers dahil sa pagkakaroon natin ng 5 klase ng sintido, dahilan kung bakit kaya natin malagpasan ang mga computers na sinanay lamang sa simpleng aritmetik.
kung dati ihinihiwalay natin ang tao mula sa mga hayop, ngayon sa mga makinarya na. bukas o sa makalawa, baka ihiwalay na rin tayo mula sa mga kalahok ng pinoy idol–magiging ubod ng inam kung gayon.
(g_doh)




Aug 6, 2008
Ah, un pala ung purpose ng mga ganun. Minsan 1+ 3 ung tanong at hindi lang letters. Anyway, tao naman ang gumawa sa technology kaya malayo parin sa mga hayop kahit minsan magkamuka lang ang dalawa. :)
Aug 6, 2008
mukhang sa blogspot ang karamihan nyan..yan din ang kinaiinisan ko..ang mag comment na dapat pa maglaggay ng chuva pass..
pero soulmate..hinigitan mo pa ang nag invent ng computers..
indi dahil magaling ka sa captcha…
dahil kinontrol mo ang buhay ko..
pootah..kamusta naman yun soulmate?
kailan man, indi ka maaring ihiwalay sa pinoy-idol……
dahil soulmate…sa hanay ka ng mga sexy babes sa fhm o maxim…
zzzziiisling xiena….hotah hotah!ahahha
Aug 6, 2008
rawr. hahah!
nakakainis nga yang mga ganyan, dati naglagay din ako ng ganyan sa comments ng blog ko. hanggang sa pati ako eh naiinis na din. tas tinanggal ko na.
pero mas maganda naman na may ganun kesa malunod sa spam ang comments box. di ko alam, i’m torn. hahaha! apir na lang.
Aug 6, 2008
heh captcha pala tawag dun, at least may natutunan ako. nway uu minsan nkakainis esp kpag arithmetic. klangan mo pa mag-isip kc nakahiya nman kung simpleng 7+26 ay d mo masagot. pero ok lng un, ang mahirap kung gamitan na ng fractions at algebra equations, patay ako nyan! putcha captcha!
Aug 6, 2008
Wag mong sabihing may katsa ka na din dito?
KATSA: Kapirasong Abubot na Telang Sako ng ‘Arina
Yan ang Pinoy Version ng captchamalicious.
Bagong kaalaman nanaman mula sayo. Naks, Kuya Kim ka na pala ngayon ah, trivias and everything.
Di na ko naglalagay ng ganito sa blogger. Masipag naman akong magbura eh.
Aug 6, 2008
ako din dati may ganito sa blog ko. tapos may nagsabi na hassle nga daw kasi nakakatamad magcomment. kaya tinanggal ko na.
ok naman, nakakainis nga naman kasi. pati ako minsan nahahaselan sa mga may ganung site pero comment pa rin. keri lang.
ako naman tamad magbura di gaya ni M. kaya pag may spam, hinahayaan ko na lang, hahaha.
Aug 6, 2008
lecheng spam yan. ginugutom ako. :P
kasi naman, may nakakalusot pa minsan sa akismet kaya kailangan gumawa ng paraan para hadlangan ang pagdami ng spam.
Aug 6, 2008
yun pala tawag jan?
ang galing naman.
ngaun ko lang yan nalaman ah!
kasi naman ako download lng ng download e. hahahah
ang galing! salamat sa kaalaman!
wala pa ba ung script natin sa short film?
hehe… sana may kissing scene oh!
Aug 7, 2008
lol captcha. salamat ha. di ko alam kung ano ibig sabihin nun eh. Basta pag ganung may mga images tapos may letters na jambol jambol, alam kong tagaprove ito kung tao ka o bot. :)
Aug 7, 2008
honga weh katamad may mga ganun pa…kaya madalas talaga madaming tamad na magcomment, nagtatag na lang sa tagboard…
Aug 7, 2008
yun pala tawag dun.ngayon ko na lang nalaman. salamat ate xG. hihihihi
Aug 7, 2008
nakakainis nga yung gnun minsan madalas.
Nakakatamad. Lalo na kung mahaba.
Aug 7, 2008
me bago akong natutunan ngayong araw ang CAPTCHA…
yun pala yung mga codes ekek na nireretype pag nagreregister. hindi sa pornsite a. hahaha.. depensib e.
salamat ke xG. wahh! ipapalabas na ang dyosa! hindi na talaga mapipigilan si ankurtis na yan! hahaha…
kaw lang naman ang dyosa. IKAWWWW!
Aug 7, 2008
naiirita din ako sa mga captcha na yan. pampaubos ng oras.
natawa dun ako sa link na binigay mo. hehehe. kakaloka. :P
Aug 8, 2008
malaking tulong ang captcha sa paglutas ng mga makabuluhang tanong ng isang taong may mabigat na suliranin at alinlangan sa buhay.
dahil sa captcha, madali ng masasagot ang mga katanungang gaya nito:
ANAK: tao ba ako inay?
INAY: pu!*(@&!*in_na). ayan ang internet. itype mo lang yang sabi ng captcha para malaman mo kung tao ka.
Aug 8, 2008
necessary evil yata yan eh. takot ako sa ispam at luncheon meat ng cyberworld.
Aug 8, 2008
a, yun pala yun. hmmm. . .
ummmmm, ahaha…naaliw ako.. hu-man (sounds like suman) kasi an pagkakabasa ko, akala ko tagalog term. hyu-man pala…ambubume…
hmf! hmf! medyo nakakapagod ngang magcomment pag ganun pero since nakapagtype na din, gora na sa pagtype ng codes.hehe.
flyfly! =p
Aug 9, 2008
ayaw ko ng ganyan din. ay nku. haha.
Aug 9, 2008
spam ako. spam ako. spam ako!
Aug 10, 2008
XG, di ako tao!
ang kulet nung mga captcha! astig!
Aug 18, 2008
Kaya nga naimbento ang Akismet Spam stopper eh. HAHA. :P Para no more Captcha whatsoevers.
Astig si Akismet. :P