akala yata ng mga magulang ko, kuting ako nung bata. alam ko naman na hindi sila masaya na magkaroon ng anak na tulad ko pero kailangan ba talagang patunayan nila yun sa pamamagitan ng pagligaw nila sa akin sa kung saan saang lugar? gusto na nila akong dispatsahin, impronto. sana inilagay na lang nila ako sa sako saka iniwan malapit sa imburnal–sa kabilang kanto. siyempre naman para makabalik pa ako sa bahay pero kung malayo pa doon, baka hindi na rin ako makauwi. kaya huwag kayong magiging malupit sa mga taong grasa, malay niyo ako pala yun. hindi na ako nakabalik sa bahay. paramis niyo, magpapaberger kayo ah?
isa sa mga paborito kong libangan ang maligaw sa mga hindi ko pa kabisadong lugar. kapag may pupuntahan akong lugar na hindi ako pamilyar, sinisiguro ko na aalis ako ng bahay na may isa hanggang dalawang oras na palugit para naman may panahon pa ako maligaw. oo, nageenjoy ako–fun yun.
minsan hindi talaga ako ang may kasalanan kaya ako naliligaw. hindi naman talaga ako naliligaw dahil sadyang inililigaw ako ng mga mapagsamantalang tao. ang isang magandang halimbawa ng mga mapagsamantalang tao ay ang mga kamaganakan ko. hobby rin nila yun, ang mawala at magmukha akong tanga–double fun.
ilang beses na ako nawala sa mga malls at ilang ulit na akong sinundo sa information center. marami na ring naawa sa aking mga saleslady dahil sa umiiyak ako habang hinahanap ang mga kasama ko sa department store. hindi niyo ako masisisi kung pupunta kaagad ako sa toy section. alam niyo na, bata kasi. ang gara nga lang dahil minsan, natatawa pa ang nanay ko kapag sinusundo ako sa information center–planado pala niya talaga yun. sinadya niya na taguan ako. nice one, mama! im so proud of you. youre the best mom in the world.
pero sa kwentong ito, ang mga drayber ng pampasaherong jeep ang bida.
nakakahiya sabihin na big girl na ako pero hindi pa rin ako pamilyar sa business district ng ortigas at shaw. sabi ko sa self ko, “oh yess, its time to get lost–again”. pupunta kasi ako sa isang health insurance company para magpatatak ng dokumento. isang senyales ng pagiging opisyal na kasapi ng lupon ng mga manggagawang alipin. maaga ako gumayak at umalis ng bahay, siyempre excitedness. ito na nga, nakarating na ako ng shaw boulevard hawak ang isang sketch papunta sa nasabing health insurance company. malapit lang siya sa kinatatayuan ko kaya naglakad na lang ako. 30 minuto na ang nakakalipas, hindi ko pa rin nakikita. 1 oras na ang nakakaraan, wala pa ring anino ng health insurance company. wala namang masama sa pagtatanong kaya napagpasyahan kong lapitan si manong takatak boy. malinaw ang direksiyon na ibinigay ni manong takatak boy sa akin: bumaba ako pagkalagpas ng isang kanto mula sa kapitolyo. nagpapasalamat ako dahil bukod sa itinuro niya sa akin ang tamang lugar ay isinakay rin niya ako sa tamang jeep. ang sweet pa nga ni manong takatak boy dahil ibinilin pa niya ako kay kuya drayber na ibaba sa health insurance company na tutunguhin ko.
sumakay ako ng jeep at tinanong ko kay kuya drayber kung magkano ang babayaran ko papunta sa health insurance company–minimum lang ang siningil, patunay na malapit lang talaga ang nasabing health insurance company. ibinilin ko kay manong ng tatlong beses: PAKIBABA AKO SA HEALTH INSURANCE COMPANY.
umandar na yung jeep. nadaanan ang stoplight. umikot sa kapitolyo. nalagpasan ang isang kanto. dalawa. may bumaba. tatlo. kumanan. may sumakay. napapansin ko na napapalayo na ako. mars. jupiter. tingin sa bintana. lingon sa kabilang kalsada. moon. milky way. ito na yung sinasabi nilang floodway. pasig palengke. munisipyo. venus. pluto.

ukinamness. ukinamness. isa pang ukinamness.
karass ako ni kuya drayber, ayaw niya ako ibaba sa health insurance company. ayaw niya mawala ako sa paningin niya. ayaw niya ako patawirin ng kalsada. natatakot siya na hindi ako marunong tumawid at mahagip ako ng mga rumaragasang sasakyan sa kabilang daanan. kinailangan pa niya ako isama sa roundtrip ng linya para makarating sa kabilang kalye. kung pwede lang niya siguro ako iuwi, gagawin niya. kung wala silang internet, huwag na siyang umasa na sasama ako sa bahay nila.
ayaw ko na lang magsalita ng masama at gumawa ng eksena dahil baka mamaya ibaba niya ako sa kung saan saan, lalo lang ako maligaw ng landas. more fun equals more fare. kaya nung bumalik na kami, sinigurado kong tumingin sa bawat building na madadaanan ko–nagbabakasakali ako na matiyempuhan ang health insurance company. i trusted kuya drayber but he betrayed me. hind na ako kumukurap. sakto naman na pagsilip ko sa binatana ay nakita ko na ang hinahanap kong building kaya bumaba na ako kaagad. nakakainis lang dahil nung pumara na ako, saka lang niya sinabi na bumaba na ako. kung hindi ko pa nakita yung signboard, hindi niya pa sasabihin. nakakapanghinayang nga lang dahil hindi ko naisulat ang plate number ng nasabing jeep na iyon dahil sa may mga nakasabit na mga estudyante. kairita lang dahil mas matagal pa yung ibinyahe ko kesa sa itinagal ko sa health insurance company. leche.
naiintindihan ko na, magulang ko nga naililigaw ako, ibang tao pa kaya? wala nga akong sense of direction, pero may common sense ako. gagu.
alam ko na sikreto mo
19 comments

