panhakad
isang hingahan:
sasobrangdamikonggustongsabihinhindikoalamkungsaangparteakomagsisimula.
madaldal ako at alam nating lahat yan. kukurap pa lang kayo, matutuyo na ang lalamunan ko. yung mga daliri ng kamay ko nabubulol na at atat na atat pumilantik sa keyboard, daig pa ang pwet ng kung ano mang lahi ng manok na nagtatae. kung gaano kabilis ang pasok ng ideya sa utak ko, ganun din kabilis mawala–nalilimutan ko agad. shet talaga.
sobrang saya–hindi ko maipaliwanag yung pakiramdam. gusto ko nga magamok gamit ang elepante at durugin ang lahat ng nilalang na susubok na maging killjoy. ang mga taong malalaman kong kokontra, papasabugin ko yung baga. walang tamang salita ang maaaring gamitin para maipahayag kung ano ang nararanasan ko ngayon. kung may salita man na angkop para sa kalagayan ko, malamang hindi ko rin magagamit dahil gusto kong ikulong sa puso ko ang masayang pakiramdam na maaring tumakas oras na banggitin ang nasabing grupo ng mga letra.
im so gay, noh?
hindi na kasi ako katulad ng dati na humihithit ng sinunog gulong. suplada na ako ngayon. lumelebel ap na ako. hindi na rin ako nagtutubog ng naptalina sa tubig para iturok sa ugat ko. hindi ko na rin sinisinghot ang betsin, hindi kasi ako hiyang sa umami seasoning. pakiramdam ko lasang ulam yung kulangot ko. wala na, oldskool na yun. luma. lipas. laos. gusto ko healthy ako, tayong lahat kaya napagpasyahan ko na pakuluan ang pandan at singhutin ang ang usok nito.
biro lang.
ang totoo nalaman kong may itinagong pandan extract sa refrigerator. ayun, tinungga ko. ang pangit naman kung kukutsarahin ko pa, lalo naman kung iistrohin ko. nakakatamad magpakulo ng tubig, aksaya sa gasul. bakit ko pa pahihirapan ang sarili ko? kaya nga ako nilalang na mas matalino sa unggoy dahil sa simpleng dahilan na maganda ako.
walang saysay. alam ko sasabihin niyo walang kwenta ang lathala na ito. kelan nga ba nagkakaroon ng katuturan ang blog? mahalaga ito para sa akin–ang eksaktong oras na binabasa niyo ito. dito niyo malalaman na mas importante ang emosyon na ipinararting ko kaysa sa mga salita na sinasabi ko. masaya kayo dahil masaya ako na masaya ako. sa sobrang ligayang nararamdaman ko, kaya ko gumawa ng 5 entry sa isang araw. weh, mali pala, 5 kabuhayan entry sa isang araw pala yun. mukhang pera ako, bakit ba? walang pakialamanan. kaya lang naisip ko na madami pa ang mas mahalagang gawin kesa maglathala tulad na lang ng manira ng tao, mangyurak ng dangal at manglait ng kapwa.
rak on.
sabi ko nga magblog na lang talaga ako. pinangaralan ako ng alamat ng blogosperyo dahil isang beses sa loob ng dalawang linggo lang daw ako maglabas ng entry. natawa naman ako, sabi ko: hahaha! potah. dumarating talaga yung kailangan ka maginarte–baka nakakalimutan niyo, karapatan ko yun bilang diyosa. requirement ang kalandian sa pagiging bathaluman ng blogosperyo.
backtoregularblogging.
[un] edit. finish. publish.
kung pwede humiling, sana hindi na lang ako natuto magblog.
kung babalik ako sa nakaraan, pipiliin ko ang 2years ago. nakakatawa lang isipin dahil umiiyak ako habang sinusulat ko ang lathalang ito.
sabi nila kapag binigay mo ang puso mo sa isang bagay, mamahalin ka rin nito pabalik. malas nga lang kasi hindi lang puso ko ang binigay ko–pati lungs, kidney liver kahit nga spleen tinodo ko na. karir kung karir. chiksilog ang naging buhay ko sa loob ng isang taon. umaabot na nga ako sa punto kung saan nagkakasakit na ako. hindi na ako makatulog. hindi ako makakain ng tama sa oras. napapabayaan ko na ang sarili ko. inilagay ko ang buong pagkatao ko dito sa blog na ito. banal ang lahat ng detalye na makikita ninyo sa bawat pahina. sagrado ang mga emosyon na ipinararating ko sa mga nagbabasa. hindi naman ako nabigo, hindi niyo ako binigo.
di ako makapagtype ng maayos. malabo yung mata ko. yung mga putanginang luha kasi nakaharang sa mata ko.
in hell. ex hell.
ayaw ko sabihin na hiatus ako pero mukhang ganun na nga ang lumalabas. alam ko wala akong dahilan para tumigil sa blogging pero ang mas nakakalungkot: wala na rin akong dahilan para magpatuloy sa paglalathala.
sabi ko kasi kapag may nakakita na sa akin sa personal at kapag may nakakita na sa picture ko, hihinto na ako sa pagblog. siyempre emo lang ako noon kaya ko nasabi yun. umaarte lang, ganun. ang totoo, mas emo ako ngayon. marami na rin akong nagawa sa loob ng 2taon. nanalo na ako sa mga pakontes, napabilang na ako sa PLLP. nakita ko na yung mga ibang bloggers sa personal, kumita na rin ako sa pamamagitan ng kabuhayan blog, nabili ko na yung mga gusto kong gamit. may nakaaway na rin ako at mukhang magiging ganap ang kanyang galak dahil sa wakas, lulubayan ko na siya.
wala na akong mahihiling pa.
higit sa lahat: may mga naging kaibigan ako. wala naman talaga sa plano ko ang makipagprenster sa mga bloggers. ang gusto ko lang, blogging. tuldok. kaso hindi pala talaga maiiwasan. ito ang parte ng blogging na mahirap talikuran. hindi ko sila itinuring as online buddies kundi bilang mga totoong kaibigan.
saglit kailangan ko muna ulit umiyak. sandali.
ok. game na ulit.
huwag kayong magalala, hindi ako kawalan sa blogosperyo. hindi niyo mapapansin na wala na ako. bitter sweet. sabi nila, bitter daw pero ang totoo mas madami pa ang matatamis na alala. daig ko pa ang nanalo ng best perfomance in a non performing role, ganun yung pakiramdam.
tanginang moonstar88 ito, bakit ko pa kasi pinatugtog. naiiyak na naman tuloy ako.
kailangan ko lang ulit masabik maglathala. kung darating man ang pagkakataon na yun, sana nandiyan pa rin kayo–patuloy na nakaantabay. hindi kasi talaga ako tinuruan kung paano ang tamang pagwawakas. seryoso, mas nagaalala pa ako na baka sa pagbabalik ko hindi niyo ako pansinin. hindi ko talaga kakayanin kapag nangyari yun.
kung ano man ang magiging kapalaran ng chiksilog sa mga susunod na araw, sa mga susunod na linggo, sa mga susunod na buwan–matutunan sana natin na tanggapin iyon ng maluwag sa kalooban natin.
**mabuti na lang hindi ito totoo. bwahahaha.







