mabuti na lang tanga

wag mo nga dalhin sa kalsada yung katangahan mo.
-vEx

nagbibiro lang si vEx–yata. siguro. ewan ko. ako yung tipo ng tao na marunong tumanggap ng pangaalipusta at pangyuyurak ng pagkatao mula sa iba pero nung sinabi niya na tanga ako, tumagos yung masamang biro–through and through. one big ouch.

yung huling tingin ko sa talasalitaan as of 6:41 pm, hindi ang pagiging lampa ang direktang kahulugan ng salitang tanga. kilala ko si ako kaya alam ko na natatapilok talaga ako sa sarili kong mga paa, nakayapak man o may suot na takong. nakakalungkot na nasabihan ako ng ganun at ang masaklap pa–di ako pumalag. natapilok lang ako, tanga na? parang kasalanang orihinal na itinaas sa ikalawang baitang ang nagawa kong pagkakatapilok nung kasama ko ang kapatid ko. kahit maligo pa ako sa banal na tubig, hindi na ako maaaring mapatawad at kulang pa ang buhay ko bilang kabayaran sa pagkakasalang iyon.

may tumawag sa akin noon, kailangan ko daw magremedial exams. pamilyar ako sa katagang remedial pero hindi ko alam kung ano ang konsepto ng salitang iyon. pagkababa ko ng telepono, agad kong sinangguni si ginoong dictionary.com para sa kahulugan ng nasabing grupo ng mga letra.

intended to correct or improve deficient skills in a specific subject

ayun na nga, nanlumo na ako pagkatapos ko malaman ang kahulugan ng remedial. kung kailan ako tumanda, saka pa ako nagremedial exams. akala ko mga uhuging gradeschool students lang ang gumagawa nun. sila yung mga bata na bumabagsak sa simple aritmetik dahil di marunong mag subtract ng fractions. wala silang social life dahil tuwing uwian, kailangan nila pumasok sa mga remedial classes imbes na makipaglaro sa kapwa nila kabataan. akalain mo, isa pala akong uhuging gradeschool student na bilanggo sa loob ng isang bente uno anyos na katawan, na walang social life pero marunong magsubtract ng fractions.

magpapaliwanag ako.

kasabay ng kasagsagan sa kangaragan ng pagbubukas ng datkom na ito ang pagsusulit para sa subject na ibinagsak ko. masakit. aray ko, tinutusok ang puso ko sa tuwing naaalala ko na may nailagapak akong subject. inaamin ko naman na nagkamali ako sa aspeto ng buhay ko na ito dahil sa pagbibigay ko ng prayoridad sa datkom imbes na magaral at matulog ng maaga para sa paghahanda sa pagsusulit na nangangailan ng matabang utak.

nung una, hindi ko matanggap sa sarili ko na kailangan ko kunin ulit yung paksang ibinagsak ko. pers taym kong pumalpak sa eskwela. im so not like that you know? pakiramdam ko mangmang talaga ako, na tanga ako, pinakamatalino sa lahat ng bobo. ayun, hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap. unti unti siguro, huwag natin biglain. ayun ok na pala, tanggap ko na.

hindi ko alam kung bakit kailangan isulat sa libro ng buhay natin ang yugto kung saan kailangan ipakita ang mga eksena na mahina ang ating utak. kung pinagbabayad man ako ng tadhana para sa mga kasalanang nagawa ko nung nakaraang buhay ko, malamang amanos na kami ngayon. ayan na nga sinasabi ko, natutuyuan ako ng kokote dahil dapat talaga 8 baso ng tubig ang iniinom ko araw araw. pakiramdam ko may nakakabit sa likod ko na papel na nagsasabing ‘xienah tanga’ o kaya ‘xienah lampa’. ayos lang kasi meron naman sa noo kong nakasulat na ‘xienah ganda’–at yun ang mahalaga, hindi natin dapat kinakaawan ang ating sarili dahil ang totoo, parte ng pagkatao natin ang mga kahinaan. nakakainis lang dahil kapag nagiging tanga ako, ang daming nakakasaksi sa pangyayaring iyon.

naipasa ko na ang remedial exams, alam ko naman na matalinong bata ako at inaamin ko na nagkamali ako sa pagpili ng bagay na dapat bigyan ng pagpapahalaga. kailangan lang talaga mangyari ng mga ganitong klase ng karanasan na magtuturo sa atin na hindi masamang magkaroon ng kahinaan. isa pa nga pala, kahit kailan hindi naaapektuhan ng kagandahan ang katalinuhan at hindi pareho ang kahulugan ng tanga bobo at lampa. huwag ganun, judgemental kayo. higit sa lahat, ipasagasa natin sa karosa ng nazareno ang mga taong mapangutya–tulad ni vEx. kung hindi pa kayo masaya, pwede naman natin siyang paliguan at isaksak sa loob ng washing machine. ang bait pa nga natin kasi ilalagay pa nga natin siya sa dryer diba?

wala talagang tanga, kundi mga taong nagmamarunong lang.




dear xienahgirl

ano na namang kabaklaan yan?

magaling ka magpayo lalo na pagdating sa buhay pagibig at dahil dun hinahangaan kita. teka siya nga pala, alam mo yung palagi mong ibinibigay na aral sa mga taong nagkakaroon ng problema sa puso? naalala mo ba yun? huwag umasa para hindi masaktan. uulitin ko baka kako nagbibingi bingihan ka lang. HUWAG UMASA PARA HINDI MASAKTAN. ano nangyari? makapal ba ang luga mo sa tenga para di mo marinig ang sarili mo? sabi ko naman sa iyo dalawang beses sa isang linggo ka maghinuli.

nakakarma ka na siguro. ito na nga yata ang pinakamasakit na sampal ng tadhana sa iyo dahil sa mga kamalditahan na ginagawa mo sa kapwa mo. gaga ka kasi. di ka naman ganyan dati diba? matigas ka. maangas. bato ang puso mo. kinatatakutan ka ng lahat. sino magaakala na maiisahan ka ng huling taong iniisip mo na mananakit sa iyo?

tunay nga talagang ang taong pinakamalapit sa atin ang siyang higit na makakapanakit ng ating damdamin. nahulaan mo na ito sa simula pa lang–na hindi kayo bagay, na wala kayong kahit isang simpleng tsansa na magkakatuluyan. adik ka lang talaga para bigyan mo ng pagkakataon ang katangahan na iyon at isipin na posible nga talaga kayo. ayan kasi, epekto iyan ng kakapanood mo ng telebisyon. wow kala mo kung sino kang bida ng koreanobela. nagpabuyo ka kasi sa sabi sabi, sa mga maling bulong bulungan na ang tanging basehan ay kasinungalingan.

wala naman siyang sinabi na gusto ka niya at wala rin siyang inamin na totoo ang nararamdaman niya para sa iyo sa ilang milyong beses na binanggit niya ang mga salitang ‘mahal kita’. nasayang lang ang pagmamahal na inilaan mo para sa kanya. hindi niya nasuklian ng higit pa ang kaya mong ialay. ano ang dahilan at ipinagpatuloy mo pa yung kabobohan mo? ayun. ngayon alam ko na–tinamaan ka ng lintek.

kala mo kung sinong matapang, tapang tapangan ka lang pala. idol mo yata si sean kingston talaga–suicide ang ginawa mo. shet ka! tama ba yung magpanggap ka na ok lang yun sa iyo? ang kapal ng apog ng mukha mo at nakayanan mo yun. sabi ko sa iyo, hindi kakayanin ng ordinaryong tao yan. iba ka talaga. sa katunayan, nangyari na ito. pamilyar nga yung sitwasyon diba? di ka lang talaga nadala. naaalala mo noon? ganitong ganito rin. ipinapakita lang nitong karanasan na ito na talagang di natututo ang puso. hindi namimili ng kasalanan na gagawin.

simple lang: walang may gusto sa iyo. ganun nga talaga ang batas ng mundo ‘ang taong gusto mo walang gusto sa iyo’. alam ko ganun ang iniisip mo diba? nakakaawa ka.

ano nga pala yung pakiramdam na nagiisa? joke lang. hindi ka na ba pwedeng biruin, ha?

balita ko mugto na ang iyong mga mata dahil sa palaging basa ng luha ang iyong mga unan. hindi ka makatulog sa gabi sa kakaisip kung ano ba talaga ang totoong dahilan at walang may gusto sa iyo. natutulala ka sa kawalan at tuwing may bakante kang oras iniisip mo pa rin kung ano ang pwede at hindi pwedeng mangyari sa inyong dalawa. mahirap ang bawat paghinga dahil parang kinukurot ng makailang ulit ang puso mo. hindi mo alam ang klase ng ngiti na gagamitin mo para mairaos ang buong araw. pakiramdam mo walang nagmamahal sa iyo–na nagiisa ka lang. nakakaawa ka lang tignan dahil hinahawakan mo ang sarili mong kamay para lang malaman mo kung gaano ka kalungkot.

umayos ka nga. wala na siya, wala na ang kaisaisahang tao na dahilan na nakakaramdam ka. magsasawa rin ang puso mo sa sakit na nararamdaman nito at kapag nangyari yun muling gagana ang kokote mo. asteg diba? hindi totoo na may darating para palitan siya, sus. ulol ang nagsabi nun. walang makakapalit sa kanya. walang makasasapat–iyon ang mga tamang salita na maaaring makapagpaliwanag dito. oo naman, minahal, mahal at alam ko na mamahalin mo pa rin siya habang tumatagal. kahit kailan hindi rin nababawasan ang pagmamahal. alam mo ba yung paniniwala nating dalawa na hindi naman talaga nawawala ang pagibig para sa isang tao? di naman talaga unfair ang mundo dahil ganun din para sa iyo. ang mangyayari, makakakita ka lang ng higit pa sa kanya.

hindi naman sa kumakampi ako pero, mas bagay talaga sila. olats ka dun. mas makakabuti na huwag ka na lang magsalita dahil magmumukha ka lang ewan. alam mo kung ano yung dapat sa iyo? akshuli di ko rin alam. buset. hayaan mo na lang siguro. huwag mo ng ikumpara ang sarili mo doon sa taong gusto niya dahil obyusli, wala kang binatbat dun.

ang tanging paraan para maghilom ang iyong puso ay ang patayin ang taong naging sanhi nito. nakakatawa diba? pilitin mong matawa, tae ka. ayan ang sinasabi mo kapag gusto mo pagaangin ang pasanin ng taong pinapayuhan mo, pero bakit parang ikaw yung unti unting namamatay?

arte mo, huwag ka ngang emo. ayaw kong sabihin na naiintindihan kita at alam ko ang pinagdadaanan mo dahil magmumukha lang akong ungas at pinatulan ko ang kabaliwan mo. hanggang kelan ka ba magkakaganyan? alam ko naman na hindi ka nagtatanim ng galit sa puso, tama yun. sabi mo nga kapag nagkimkim ka ng hinanakit, mawawala ang posibilidad na mapupunan natin iyon ng panibagong pagibig. hindi ito ang katapusan ninyong dalawa, parte lang ito ng kwentong buhay niyo. parte ang panandaliang paghihiwalay ng napakagandang kwento ng buhay niyo. hindi kita pinipilit na magmadali at magpanggap na maging maayos ang lahat–katarantaduhan iyon. mahirap lokohin ang sarili. diyosa ka lang, hindi ka si wolverine na may kakayahang maghilom ng mga sugat ng pakikipaglaban. kikay ka eh, ikaw si storm. aantayin kitang maghilom sa takdang panahon gamit ang tamang paraan na alam mo.

walang ibang taong makakatulong sa iyo kung hindi ang sarili mo lang din. sana mapakinggan mong muli ikaw at kapag nangyari iyon, makakakita ka ng isang tao na magsisilbing hulmahan ng bagong puso mo. makakahanap ka rin ng taong magmamahal sa iyo ng higit pa sa pagmamahal mo para sa kanya. paramis, darating ang araw na pagtatawanan natin ang kabobohan mong ito. hindi na nga ako makapaghintay na mangyari iyon. mabilis lang yan. iyon ang isang matibay na pruweba na muli ka ng makapagmamahal.

yun lang muna sa ngayon. shet ka, ang sakit ng puson ko. gege. paalamness.

mas bakla sa iyo,
xienahgirl




traydor ang tekila


ito ang dinatawag na dedikasyon sa blogging. hindi ako magbubura ng typo errors, patynay na hindi ako lasing at madami lang ako nainom. lakokohan na sabihin na lasing ako. nabusag lang ako sa kinain kong pulutan. haya. eksaktong alasais kwarenta ng umaga ika anim na araw ng hulyo taong kasaukyang. susubukan kong sumalt ng lathala at alalahain ang mga naganap sa pagtitipon n a idiniaos ni pedro na naguupmasw sa pulitan at beer. iyon para sakeng ang pinawkamagandaeng blog party na napadpaed ako

shet wala ako maalala sagit. auyn.

kumain ako ng kropek ng hindi ko manl ang naisawsaw sa suka
pinainom agad ako ng isang shot ng beer ni [mariano]
umorder ako ng kanin nagpakuha ng kiytsara
inubos ni [mia] nag kalahati ng isang order ng crispy pata
ang tagal dumaing ng pinakuha ko na tubig
naagpunta yung isang staff at sinabi na asikasuhin ang nasa vip table 3
pictre. mraming picure pa
ako ang naglagay ng tekila sa mga shot glass
biuhat ako ni [ferbert] papuntang banyo
sinamahan ako ni [mia] sa banyo para sumuka–patunay na busog na ako lang
hindi ko naubos ang kanin na nagkakahalagang bente pesos
dinudutdot ni [romydiaz] ang mushroom ko na kianin ko mula sa kebab
nagpabukas ako ng isangh bote ng beer pero di ko rin naubos
nawala yung shot glass ko
dalawang beses ako sumuka
sinasabi nila na lasing na ako pero marami lang talaga ako nainom
nakatabig si romydiaz ng bote ng beer
ang iksi ng palda ni [docmnel]
ang daldal ni [pedro]
ferbert at [janelle]
ako ang huling shot ng tekila
lumipata ako sa sofa
umalis na si janelle
nakadilpi ako
ang ganda ng legs ni docmnel
tinuruan ko si [mentholguy] na magmessenger gamit ang phone
nakipagusap sa messenger gamit ang sarili kong phine
picture pictuer
nagpakuha ng pangalawang plato ng lemons
may asin din
inaagaw ko kay mentholguy yung csamera dahil sa mga kakaiba niyang shots
binuksan ni docmnel ang zipper ng blose ko
nakatulogf si mariano
ang tagal dumating ng pinakuha kong tubig
antok na si docmnel
nahihilo na ako
nakita ko si aaron villena
nagbanyo si [trinalabandera] at docmnel
pinauna ako sa banyo dahil sa nasusuka an ako
ilabg beses ako hinila mua; sa sofa para itayo
ang agandha ko daw sabi ni trinalabandera
lumabas na kami ng bar
hanap dae ng starbucks pero naligaw kami
mula sgt esgurra napunta kami sa sgt fuenteblla
umalis na si docmnel
di pa daw ako lasing sabi ni trinalabandera dahil alam ko pa ang direksiyon
binili ako ng taho ni romydiaz
coffe bean and tea leaf
umorder si pedro sa halagang 1.4k
nagpunta akong banyo pero di ako sumuka
mud slide drink
bumangka si pedro sa kwento
nasusuka ako sa kape dahil busog na talaga ako
ex ni pedro
pwede ang tagalo na komenta sa blog ni mentholguy
dapat talaga naglugaw na lang kami
vanilla sa mud sli pedro
binigyan ako ni trinalabandera ng breatj mints
napagod ako sa kakalakad
ayaw nila maniwala an merong starbucks sa the loop\
umuwi na kami ni mentholguy tumawid sa kalsada pumara ng taxi

ang sakit ng kidney ko. nararamdaman ko na masakit na ang kidney ko ngayin. yan ba ang lasing? makakaalala ba ang taong lasing? walang taong lasing ang aamin na lasing siya pero ipinapangak o ko, marami lang alaga aoe naminom. kita naman niyo ang dami ko pa naalala pero di yan sa tamang pagkakaayos. kanya kanyang trip ito.




« Previous Entries   Next Entries »