bitukang halang

Posted on July 25, 2008 and Filed Under Teh Life, xGMonologues

xG: weh, nagpaload ka.
vEx: tanga, bumili lang ako ng pagkain.
ano yan? pahingi naman.
ayoko nga, nagugutom ako.
eto naman. isang piraso lang.
ano ba! nagugutom nga ako.
bumili ka rin ng iced tea? magtitimpla na lang ako.
ano ba? kalahating kutsara lang yan ah.
sige na, pahingi ng toasted bread.
ayoko nga.
bakit ba ang damot mo?
isa! ano ba?
isang piraso lang.
ayoko nga

*sabay sampal ngudngod at lamutak ni xG ng isang plastik ng toasted bread sa mukha ni vEx*

linisin mo yan
bakit ako maglilinis niyan? ikaw nagkalat niyan.
kanino bang toasted bread yan?
sino nga nagkalat niyan?
ayaw mo linisin?
ayoko nga.
ganun ah?

*kinuha ni xG ang mga pirapiraso ng nagkalat na toasted bread. isinaboy kay vEx at sa kama niya*

alam mo, matagal na ako nagtitimpi sa iyo.
kala mo di ako lalaban?

*insert away kalye here: sakalan, kagatan, suntukan, kalmutan, sabunutan*

sige ah
subukan mo ako, wawasakin ko talaga itong phone mo.
mama: ano nangyayari dito?
bakit di mo itanong diyan kay vEx?

ano sumagot ka?
….
sabihin mo kay mama kung ano nangyari?

*pumasok sa kwarto si vEx, tinanggal yung saksakan ng desktop–gawain ng supot.*

xG = 100points; vEx = -70points

katatapos lang nito mangyari–isinusulat ko ito ilang minuto matapos kami muntik na magpatayan ni vEx para sa isang piraso ng toasted bread.

ayaw ninyong makikita ang pagkakataon na hindi nasusunod ang gusto ko. ito ang sinasabi kong hindi talaga ako dapat ginugutom dahil nagdidilim ang paningin, tinutubuan ng sungay at nagkukulay amag ang balat ko. wala akong sinasantong laki ng katawan–pinapatulan ko yan kahit maliit at payat ako, basta tinawag na ako ng bathala ng kagutuman. malas lang ni vEx–nanununtok ako ng lalake, lalo na kung wala sa hulog.

hindi ko alam kung sino yung may kasalanan, pareho yata kami. si vEx na madamot, ako na hindi nakapagtimpi at ang toasted bread na madaling madurog. nagkasakitan kami–pisikalan: bangasan ng baga, wasakan ng bungo. kawawang toasted bread, napulbos. parang eksena na kuha mula sa isang laos na pelikula na hindi inere sa mga sinehan at hinayaan na lang na mabulok sa bodega. ngayon masakit pa yung leeg ko dahil sa pagkakasakal sa akin ni vEx. nagiba nga yung boses ko, hinahabol ko ang hininga ko habang nagsasalita. inaamin ko naman na maldita talaga ako. hindi ako umaatras kung away kalye ang labanan sa simpleng dahilan na jologs ako at lalo na kung si vEx ang kasapakan ko. nakakairita lang kasi pinagpapaliwanag ko si vEx sa harapan ng nanay ko sa kung sino ba talaga ang kumanti kanino pero hindi siya nagsalita.

mayabang ako. maangas ako. i rule. teka, malaking kalokohan–pareho kaming talo.

ano nga ba ang mas matimbang? hindi natin alam kung ano ang papanigan dahil may manipis na linya sa pagitan ng kalam ng tiyan at tinig ng konsensiya. ang kawalan ng laman ng sikmura ang nagiging pangunahing sanhi kaya natatabunan ng hangin ang prinsipyo na matagal mong pinakatatago, dahilan kung bakit madami ang gumagawa ng hindi katanggap tanggap sa lipunan. nagiging malabo ang paghuhusga ng utak–rason sa pagkalito kaya madami ang gumagawa ng masama sa kapwa.

ang mga ganid, umaapaw mula sa kanilang mga katawan ang sobrang pagpapahalaga sa sarili at nagsisilbing balakid ito para pumipigil na makaramdam sa pangangailangan ng iba. ikinukulong nila ang sarili sa mga bagay na inaakala nilang makapagdudulot ng kaligayahan. ang totoo, malaki ang espasyo na kailangan punan sa kanilang mga pagkatao na unti unting nilalamon ng makamundong luho–espasyo na magkakaroon lang ng laman kung matututong magbigay ng lubos at buong puso sa kapwa.

ayaw ko man sabihin ito pero kailangan: halang ang bituka ko. wala na ako ngayong pinagkaiba sa mga taong salot na kinamumuhian ng bayan. nakakahiya. huwag niyo akong tularan, hindi magandang halimbawa ang naipakita ko sa inyo.

Pahabol Sulat:
magingat kayo dahil nagugutom pa rin ako hanggang ngayon.

37 Comments


  1. iba ang nagagawa ng gutom.. nakakapagnakaw pa nga yun iba para lang makakain. Yung iba naman nagbebenta ng laman para may maipambili ng foods. mahirap magutom.

    yaan mo XG. hindi ka namin gugutumin.

    Inhale Exhale.. Relaks ka lang.. ayos ka na ba?

    nagdadalawang isip talaga ako kung bubuksan ko yung comments page para sa tao e. hahaha. ambilis mo ah? ineedit ko pa. wow. di ko alam kalebel ko na pala yung mga snatcher at pokers. tsk. hahaha. oo. kapag sinabi ko na nagugutom ako matakot kayo. hahaha. ang tanong, ayos lang ba si vEx?

    [Reply]


  2. meron pa akong dalawang cheese bread dito. sa iyo na lang. kesa naman makipagpatayan ka pa kay vex.

    pero tama. iba ang nagagawa ng matinding gutom.

    kaya nga kasama siya sa nasa pinakaibaba ng heirarchy of needs ni Maslow. physiological muna. tsaka na ang safety. tingnan mo kayo ni vex. magpapatayan dahil sa pagkain. tsk. kumain ka na nga.

    lalo akong nagutom. hahaha. di pa rin ako nakakakain. email mo nga sa akin yang cheese bread mo na yan at ibabalik ko naman sa iyo ang (s_hungry) na emoticon. haha. oh yesss. mineli naman, wag mo na ako pangaralan sa anyo ni maslow. haha. alam ko, alam ko.

    [Reply]


  3. Itay, ihanda ang lechon! Dadating si XG sa nayon natin! Kung ayaw ninyong malipol ang buong bayan, wag natin siyang gutumin.

    Sa kabila ng naganap na kababawan over a piece of bread, nagkaroon pa din ng aral. Mainam yan. Tignan mo ang naiidulot ng gutom, isang mapangaral na blog entry.

    mga hayuf. hahaha. di ko tatanggihan yang lechon na yan basta akin ang balat. hahaha. ano baaaa? kababawan ba yun? hindi kaya. ang tawag dun–sobrang kababawan. haha.

    [Reply]


  4. ako man. emotional eater. at kabaligtaran. depende sa nangyari pero madalas naman ay palipas gutom ang natitripan.

    kaya yata ako abnormal buong araw, gawa ng napakadaming asukal ng crepe na inalmusal ko. ayoko na tuloy kumain. natatakot na akong madepress at magkaron ng anxiety attack.

    baliktad nga tayo. kumain ka. kumain ka kasi lalo ka magkakaroon ng depression at anxiety attack kapag gutom. ang sarap kayang kumain? hahaha

    [Reply]


  5. ‘te xG, ok ka lang ba?! ako din medyo napaos pero ‘di dahil s sakal kundi sa intrams namin… cheer the froshies kahit na talo kami!

    oo, shet yan sinakal ako ni vEx potah. tsk tsk. ayun masakit pa rin leeg ko pero keri na ito. hahaha. parte ng paglalambingan namin yan. kulang na lang kutsilyo e. hahaha

    [Reply]


  6. uyy. anong nangyari sa toasted bread. xD
    grabe naman.. haha. walang kasalanan yung bagay. haha

    kawawa naman nga yung toasted bread. haha. naduroooog. di man lang ako nakatikim. shet yan.

    [Reply]


  7. hahaha.
    gawain namin yan ng bunso kong kapatid.
    pero ako madalas lagi talo.
    basta na lang kasi nang aagaw.
    kesa patulan ko pa,sige kanya na lng.

    at isa pang epekto daw ng gutom,
    hinahangin ang utak at nababaliw.

    ok naman na ba kapatid mo?

    hmm. si vEx? ewan ko. ang daya. sa kama ko nga siya natulog. potah at ako ang natulog sa kama niya. double potahness. hahaha. masakit pa rin yung leeg ko kung tatanungin mo kung kamusta na ako. hahaha.

    [Reply]


  8. hoh-m-g.

    katakot ka naman magutom. nagiging Incredible Hulk. dapat pag nakita kita may baon akong chips. hindi ako sanay masabunutan. rawr. nyahahaha.

    sana busog ka na. hindi maganda ang feeling ng magutom, nakakasira ng ulo. bkit naman kasi isang piraso lang ayaw pa mamigay.

    bili ka ng sarili mong toasted bread at kainin mo sa harap nya at wag ka din mamigay, para siguradong-sigurado na winner ka. hahah!

    oo. nakakatakot ako magutom ano? pero bihira lang ako magutom. di kasi ako kumain ng lunch nun kaya ako nagkaganun. hindi ko nga rin alam kung bakit ayaw ako bigyan ni vEx ng isang piraso ng toasted bread. ang liit na nga lang nun e. yun na yung kaligayahan ko tapos biglang binawi pa? huhuhu. ekaso ayaw ko naman na ng toasted bread. magsama sila hahaha

    [Reply]


  9. sumisikat na talaga ng tuluyan si vex, pag sinearch siya sa google lumalabas na tong site mo. hehe. kawawa naman si vex, minanny paqcuiao mo nanaman.

    naguilty tuloy ako, hindi kita napakain sa jabi nung nanuod tayo ng cinemalaya, wala naman kasing froast nun, mabuti na lang at hindi ka masyadong gutom nun. hahaha.

    hayaan mo, nekstaym na lalabas tayo, eat all you can, sagot ko. ikaw lang ha, sila kkb na. hahahaha.

    Pahabol Sulat:
    sa mga ganitong post mo ako tuwang tuwa at humahanga. hindi dahil sa nagkapisikilan, kundi dahil sa takbo ng istorya. yung talagang naiimagine ko yung ngyayari na tila anduon ako sa mismong oras at lugar ng pinangyarihan ng krimen. dagdag mo pa yung mga salitang tanging ikaw lang ang may kakayahang magbigay kulay sa pagsabi. at dagdag pang muli ang mga aral at words of wisdom. iba ka talaga eksji, iba ka. :D

    parapnasia pa lang kilala na si vEx. ano ka ba? gutom na ako nun. kaya nga napabili ako ng one tea drink diba? hahaha. eat all you can? naku. sulit ka dun. hahaha. pinangyarihan ng krimen? shet. ano ako? mamamatay tao. hahaha. iba ako. iba ako. im differ. hahaha

    [Reply]


  10. nakakatakot ka pala magutom halos makipagpatayan ka na para sa toast bread…at sa lalaki pa. tsk tsk buti hindi nya sinira mukha mo.

    parang hindi ko nakita ang sarili ko manakit ng babae..lalo na kung maganda at sexy.

    yan lang naman ang pinoproblema ko sa buhay–pagkain. hahaha. wala akong sinasanto. ke babae ke lalake basta kinanti ako pinapatulan ko. jologs ako e. hahaha. di nga niya sinira mukha ko pero palagay ko sira naman ang trachea ko. masakit pa rin kasi ang leeg ko. tsk. e si vEx kasi lagi ako nakikita. araw araw ba kaya di niya alam na maganda pala ako. haha

    [Reply]


  11. “masakit pa rin yung leeg ko kung tatanungin mo kung kamusta na ako. hahaha. ”

    ayun,nalimutan ko palang kumustahin kung okay ka na,hehe..

    hahaha. nagbibiro lang ako ito naman. hahaha

    [Reply]


  12. waa!
    salpukan!
    grabee naman, si vEx!
    “TANGA” kagad ang tawag.
    parang nagtatanong lang..

    buti nga sa kanya :|

    masarap pa naman ang toasted bread na may butter :D

    hehe..sayang nadurog lang…kung sana binigyan ka na lang niya kahit sang piraso..mga lalake talaga, kahit kelan!!!

    hayy!

    oo. ganun na talaga ang bungad niya. ewan ko. bastos na bata e. haha. oo. isang piraso lang naman ang hinihingi ko e. tsk. kainis talaga

    [Reply]


  13. pakainin mo kaya ng bubog. hmm. haha.

    wow. pakainin ko ng bubog? bakit pa edi nabusog siya. hahaha

    [Reply]


  14. HK: ano buh!

    hey what’s this all about?
    an intense fight over a piece of bread?
    duh, it’s so barbaric.

    oh no, i get it.
    it’s not “just” a bread.
    it’s toasted!

    ok, kids.
    grab your weapons.

    something you should know: im a go-getter person who will kill everyone who stands in my way. hahaha.

    [Reply]


  15. masakit pa ba leeg mo?

    oo. nahihirapan ako huminga. nahihirapan ako lumunok. masakit baga ko.

    [Reply]


  16. hmmm. . .

    nakakatuwang blogpost, hmmm, ang utak talaga! magaling!

    wala, stunned ako! hehe….

    nainggit lan ako na nagawa mong makipagbugbugan sa kapatid mo, PANGARAP ko kasing makipagbugbugan, wag lan sa basagulero. . . hehe.

    ang nagagawa nga naman ng gutom.

    flyfly!

    mam teacher koko. huh? kaninong utak ang magaling? hahaha. stunned ka? nainggit ka pa? iyo na si vEx. haha. iyong iyo naaaa.

    [Reply]


  17. ahaha,sige, akin nalan si vex, pero hindi bilang kapatid pero kabugbugan! ahahaha!

    sparring partner. hahaha

    [Reply]


  18. kumusta naman ang toasted bread?

    naku pag ako gutom din nandidilim ang paningin ko. hahaha.

    nasa basurahan na yun. di ko na rin alam kung ano nangyari sa toasted bread e. di kasi kami close. hahaha. pareho tayo miang kaya dapat di talaga dapat tayo ginugutom. hahaha

    [Reply]


  19. babaeng incredible hulk ka pala at nagkukulay amag ang iyong balat kapag nagagalit ka.

    nanay ko po. nice hulky, etong kapirasong meat bread oh. sensya na, bread nalang yan at wala nang meat.

    oo nga. dapat pala pink ang pinili ko para kikay. okaya yellow para naman mapagkamalan na may hepatitis lang diba? meat bread na walang meat? ayos. hahaha.

    [Reply]


  20. sa pag aaral ko kasi….number one na drive ang hunger….kaya ganun nalang ang pagiging mabangis mo sa isang kaawang awang..

    toasted bread…

    pero in fairness may natutunan ako sa apat na taon ko na paglalagi sa paaralan..

    pero nakakatakot nga magutom, indi lang ikaw pati yung ibang tao..

    pano nalang ako?

    ang karne ko?

    kung magugutom lahat….kawawa ako..tanging karne ko….ang maiibigay ko para mabusog lang kayo..

    paksyet naman!

    Malditos last blog post..ViewDew

    oo alam ko. haha. napagaralan ko na yan. kami? bakit may kahati ako sa karne mo soulmate? seryoso. bakit? ako lang dapat selfish ako e. hahaha

    [Reply]


  21. huwaw may action pala jan sa inyo!

    go vEx! aheheh

    mali mali mali

    go Xg. pero come on, toasted bread? ahaha

    nako kung sa nanay ko yan nabuntal na kaming magkakapatid. ahaha.

    yaan mo pag dumalaw ka dito sa dorm o sa bahay, ipapahanda ko na lahat ng laman ng ref. kahit ako pwede na ihanda. hehe

    oo. kahit basuka babolgam pa yan ipaglalaban ko yan ng patayan. haha. talaga doc ced pangako mo yan ah? ipaghahanda mo talaga ako? sige. aantayin ko na lang yung petsa kung kelan mo ako iimbitahin. lets go. hahaa

    [Reply]


  22. grabe un x ah. wag kang magpapagutom, alang alang sa mga kasambahay mo.wehehe.

    naku ung pinsan ko nga natutuwa ako at ang pinag-awayan one time, crispy pata. At last time na nag-away sila sinipa nung lalake ung ate niya sa leeg.wehehe.

    sana kasi dapat di rin ako ginugutom ng mga kasambahay ko diba? hahaha. atleast bongga sila crispy pata e amin toasted bread. teh shit. hahaha

    [Reply]


  23. dito ka na lang samin, maraming fudz sa tindahan namin. hehehehe

    grabe kayo ni vex. ahahaha.

    takteng toasted bread na yan oh hehehe

    [Reply]


  24. Ang babaw nyong dalawa!! :p Magsama kayong magkapatid.

    Sa makatuwid, ako’y natuwa sa post na ito. Talagang nilamutak mo sa mukha ng kapatid mo? Tsk. Harsh.

    oo. kaya nga kami magkapatid e. einubeh? hahaha. natuwa ka sa entry na ito? kailangan pala action packed para matuwa ka ano? yung may sakitan ng tao–pisikalan. haha. oo talagang nilamutak ko sa pagmumukha niya yung toasted bread. e ang tigas nun? napulbos ko sa mukha niya. hahaha. this only proves that im evil. lahat ng magaanags sa akin di uubra. kaya kayo magiingat kayo ng kakalabanin. hahaha.

    [Reply]

    Kevin

    Sadista kasi ako eh! HAHAHA. Gustong-gusto kong makakakita ng rambol ng magkapatid. Nakakatuwa. Mas nakakaaliw pa kay Pacquiao VS Diaz!

    sadista? hindi ka sadista. may tawag dun e. yung nageenjoy sa panonood ng mga bayolenteng tao–ADIK yata yung tawag dun. ahaha. ngayon nga lang ulit kami nagaway e. healthy yun sa magkakapatid. hahaha

    [Reply]


  25. sos ka, XG! kakatakot ka palang magutom. kaawa-awang toasted bread. tsk, tsk! yaan mo, paguwi ko next year, sang sakong toasted bread pasalubong ko syo. hehehee!!

    woy paramis yan ah? naku. aabangan ko ang paguwi mo goddess. hahaha. sana di pa durog yung mga toasted bread ano? ok. ngayon pa lang maraming salamat na. hahaha

    [Reply]


  26. edi magcomment. sus. teka eto ba perstaym ko?haha. dapat magcocomment ako sa mga love posts mo. asan?yung kay ano.hehe. hahanapin ko nga yung post mo para may masabi ako.

    uu ito perstaym mo. hahaha.magkokomento ka sa love entries ko? malas mo mare wala ako nun dito tungkol kay somemaleblogger. mabuti na laaaaaang. hahaha

    [Reply]


  27. di ko alam na ang bituka mo pala’y katulad ng isang barako. lol!

    sino ba kasi nagsabi na babae ako? hahaha

    [Reply]


  28. meron akong cheez whiz dito tsaka gardenia bread. bibigya kita, ayoko lang masabunutan! haha! :P

    Kami rin ng mga kapatid ko, patayan. May time nga na naitulak ko siya sa hagdan namin, buti na lang nakahawak siya dun sa may hawakan, kundi, patay na siya ngayon. Nanggagalaiti kasi ako sa galit dahil sa kanya eh. :|

    kitaaaaams. di ako nagiisa. we go girl! hahaha. its fun when people get hurt ano? hahaha. paborito ko ang chiz whiz. yay. hahaha

    [Reply]


  29. madalas ako dito sa blog mo at nagbabasa ng mga kwento mo, pero itong isang ‘to ang medyo parang wala sa hulog, di lang halang bituka mo, makasarili ka pa, tingnan mo yung utol mong tinatawag mong vex, tinanong mo ba kung gutom din? inaway mo dahil ayaw ka bigyan, be sensitive rin sa feelings ng iba..hehee..1st time ko mag comment parang dipa maaapprove..

    ay diyan ka nagkakamali, aprubado yang komento mo. hahaha. alam mo kanina pa kitang umaga hinihintay kasi sabi ng horoscope ko meron daw magkokomento ng ganito. hahaha. akshuli vEx talaga yung internet screen name ng kapatid ko. inaamin ko naman na nagkamali talaga ako at hindi ako dapat tularan, na dapat nagpasensiya ako bilang panganay yun ay kung nagbasa ka talaga ng entry na ito. kaya nga siya bumili ng pagkain, kasi obyusli gutom siya–nakuha ko yun. pero ano ba naman yung magbigay siya ng isang piraso? kahit kalahati ng pirasong yun matutuwa na ako e. naiintindihan ko naman kung kalahating piraso ng toasted bread na lang ang natitira sa kanya ekaso meron siyang isang plastik ng toasted bread–12dalawang piraso. halimbawang ilagay kita sa sitwasyon ko–ikaw yung nagugutom at merong isang lata ng fita yung kapatid mo at humihingi ka ng isang piraso pero di ka napagbigyan, ano mararamdaman mo? alam ko isasagot mo na maiintindihan mo pero ang tanong dito: sino ba talaga ang TUNAY na nakakaintindi sa inyong dalawa ng kapatid mo?

    [Reply]

    mike

    pasensya na sa comment ko, diko alam na 12 toasted pala yung hawak nya,dapat jinudo mo si vex, medyo masama pala ugali hehee..sirain mo paboritong tshirt haha..teka kumakalam ulo ko..

    ayos lang. sus. tamang paliwanagan lang naman ang kailangan para maging malinaw ang lahat. sa totoo lang natutuwa ako kapag may kumokontra sa akin–ibig sabihin nagiisip. salamat. balik balik ka dito.

    [Reply]


  30. hala.. delikado ka pala magutom! hahaha.

    masama talaga. tsk tsk. hahaha

    [Reply]


  31. wow. so nakakatakot ka pala talaga pag gutom.

    actually, nung minsan lang nakipagpatayan din ako sa kapatid ko dahil lang sa tshirt na nasira ko daw yung design na ginawa niya which is hindi naman. hahaha. lalong kong sinira yung tshirt nung nagsasabi na siya. nagka-galos naman ako tsaka bugbog dahil sa ginawa ko. hahaha. brutal din kami. hahaha.

    ganun talaga maglambingan ang magkakapatid ano? sweet.

    [Reply]


  32. churi churi.. ngayon lang ulit ako napadalaw..

    sabungan pala bahay niyo.. aba’y pagkakitaan niyo na yan.. magpapusta na kayo!!! hehehe..

    super ganyan din kami ng kapatid ko noon.. pero super bespren ko na siya ngayon…

    aba miss jhaynee di mo kailangan magsorry. ayos lang. lahat naman e may sariling oras kung kelan sila pwede bumalik dito. oo nga e sabungero pala tatay ko. shet. haha. sabi nga nila, your bestfriend is your worst enemy. hahaha

    [Reply]


  33. Bohahaha. ang kulit naman nung post na yun!!! Hahahaha. Ako naman kabaliktaran. Ahaha on diet kasi kaya hindi ko mashado pinagaawayan ang pagkain. lol.

    Pero i get what you were trying to say pagdating sa mga ganyan. Na hindi lahat ng bagay worth it na magsakalan kayo ng kaibigan nyo, ngunit dahil sa mga bagay na nakakapaghalaga sa mga ito, nagagawa nateng gawin. :)

    Mahusay! Ililink ko po kayo sa blog ko.

    ang sarap sarap kumain. tsk tsk. sige link mo lang ako. ikaw bahala. salamat. hahaha

    [Reply]


  34. mamon tostado gusto mo?
    buti na lang nakakapasok pa ako dito sa blog mo kahit blocked na talaga sa opis. mga kagaguhan kasi ng internet policy sa opis. salamat na lang din at may proxy ako na chinese ang medium, tangenang mga IT yan, ewan ko lang kung nakakaintindi sila ng mandarin. bwahaha!

    kumalma ka nga. haha. bat dito ka sa site ko nagrereklamo? blocked na pero nakapasok ka pa rin? ayos. malamang nakakaintindi naman sila ng codes diba? universal ang codes. sus. di ko alam sinasabi ko hahaha

    [Reply]


  35. kaya aq d q gnugutom mga kasama q sa haus..kc pag nagutom sila iinit ulo nila..taz iinit n rin ulo q huh!..tinuruan q din sila wag maging maramot sa pagkain..kaya swerte ng kpitbahay nmen plage me libre ulam

    [Reply]

Leave a Comment

If you would like to make a comment, please fill out the form below.

Name (required)

Email (required)

Website

Comments


WORDPRESS | PROJECT365DAYS |

blogger web statistics