faceplugs

Posted on July 23, 2008 and Filed Under General, Teh Life, xGMonologues

may mga taong binabayagan binabagayan yan, oo tama–yung tao ang dapat babagay sa earphones.

kaya nga nagsusuot ng earphones, para hindi makaabala ang pinakikinggan mong nakakahiyang kanta sa ibang tao. ito atin atin lang–naabala talaga ako sa pagmumukha ng mga taong nakasuot ng earphones. ang nangyayari kasi ngayon ginagawang fashion statement ang headphones. kala mo cool ka? ulol you. bakit? may problema ka sa pamilya mo? sabihin mo, gagawan natin ng paraan.

napansin ko busy siya: nakapasak sa tenga ang earphones pero hindi naman nakakita ng oras para isaksak ang dulo ng cord nito sa audio player. ang nakakamangha pa, sa sobrang hectic ng schedule–hindi nakabili ng audio player para sa earphone. may earphone walang audio player, astegs. ano yun, imaginary music? astegs times two. huwag tayong papaloko sa mga yan dahil hindi lahat ng nakaearphones may audio player.

may isa pang katarantaduhan silang ginagawa–yung isa lang ang nakasuot na earphone sa tenga. style ba yun? kalokohan ng mga tao talaga.

tuparin natin ang pangarap ng mga maralitang dukha, ano nga ba naman yung makapagearphones lang diba? pagbigyan na natin dahil anak rin naman sila ng mga nanay nila. pwede magrekwes? konti lang. sana sa susunod huwag na sila magabala na bumili ng headset, yung may microphone para lang makinig ng kanta. sasabihin niyo: walang basagan ng trip. kung bungo niyo kaya ang basagin ko? fun yun. ipaliwanag ninyo sa akin dahil hindi ko maintindihan kung anong ligaya ang naidudulot ng pagsusuot ng headset na may microphone habang nakikinig at naglalakad sa kung saan mang kalye. pausong bulok. huwag na kayong mahiya. aminin na kasi na hindi kayo nakapaglinis ng tenga at ayaw ninyo na may makakita na may lugang tumutulo kaya kayo nagsuot ng earphones. pakatotoo lang tayong lahat.

mas mahal ko ng sobra ang tenga ko kaysa kahit ano pang magandang musika na nalikha. bakit kadalasan nakatodomaks ang volume ng audio player? kailangan ba talaga malaman ng buong sangkapuluan na si sarah geronimo ang pinakikinggan mo? hindi problema si sarah geronimo kundi ang nasa pagitan ng magkabilang earphones mo. oo, paking teyp–yung kokote mo tinutukoy ko, kung meron ka nga nun. ang lakas ng pagpapatugtog mo, naririnig naming lahat. fix your life nga.

isa pang kinaiinisan ko ay yung mga taong nakasuot ng headphones at nakikinig ng kanta samantalang nasa isang lugar na nga sila na may pinapatugtog na. teka. parang di ko nagets yung sinabi ko. repeating redundant. basta, ang aksaya sa kuryente. mga leche kayo. maitanong nga kung ano ang paborito niyang puno at irerekomenda ko na iyon ang gawin na kabaong para sa nalalapit niyang pagkamatay.

naiirita talaga ako sa mga tao na nakaearphones, ang sarap nila pagisahin ng loam soil–ay, parang mas magiging masaya kung pagiisahin ko ang taong nakaearphones at ang cement.

ito na nga yata ang pinakamababaw na dahilan kung bakit ako iritable sa mga taong naka suot ng earphones. meron nito sa lahat ng klasrum: mayabang na kaklase. palagi siyang naka suot ng earphones. nagkataon na pinaguusapan namin siya ng mga tropa ko–alam niyo na, yung mga yurakan sessions kung saan karaniwan na ang panglalait sa kapwa nilalang. inaamin ko na matindi talaga sila manglibak ng pagkatao at ang biktima noon ay si mayabang na kaklase. hindi namin napansin na nasa likuran namin siya at nakaearphones. hula ko wala talaga siyang pinakikinggang kanta kundi ang mga tsismisan lang namin na tungkol sa kanya.

bingo kami. pahiya konti bukas bawi. kaso malas, ang dami ng nagdaan na bukas di pa rin kami nakakabawi. teh fuck. kaya dito na lang siguro sa entry na ito ako hihingi ng katarungan, lucky bastard–nabanggit ka pa dito.

isa itong kaso ng irrational hatred, walang tamang dahilan kung bakit ako nakakaramdam ng inis–basta alam ko sa sarili ko na asar lang ako. marami lang talaga akong isyu pagdating sa mga taong nakasuot ng earphones. alam ko madami sa inyo matatamaan dito pero huwag kayong magalala dahil hanggat hindi ko kayo nakikitang nakaearphones–bati pa rin tayo.

32 Comments


  1. rawr. wala pa naman akong nakikitang naglalakad na may earphones pero walang audio player. weird naman nun.

    natutuwa ako sa mga taong gumagamit ng white na earphones para lang maisip mo na may iPod sila, pero yun pala naka-walkman lang. hahaha! pangasar ba.

    naiinis ako sa mga taong malakas magpatugtog ng radio sa car. kaya ako nabwiset sa kantang Low, kc madaming hip-hop d2. tas isang beses nasa car kami nagpapatugtog ng rock, tas yung magkabilang car na katabi namin pinapatugtog yung Low na super lakas. kainis.

    lalang, share ko lang. hahaha!

    have a sexy day. =)

    meron yun miss tisay. nakaearphones pero walang audioplayer. its not the weirdest craze here in the philippines just yet. haha. nakawalkman? uso pa ba yan diyan miss tisay? tsk. yang low na yan nakakairita na rin minsan e. subukan kaya nila yung high naman? acheche.

    [Reply]


  2. inikuha ko din ung badge mo at nilgay sa blog ko.

    todo support! hahah! super-fan. =P

    miss tisay maraming salamat sa pagkuha ng vote badge. super fan tayo ng isat isa. goodluck sa ating lahat.

    [Reply]


  3. mabuti naman. kala ko di na tayo bati e.
    mahilig din kasi akong magsalpak ng earphones sa tenga ko. at oo, tama ka. i found a very special love ni sarah geronimo ang lagi kong pinapakinggan ngayon. pramis. haha

    wow. siguro manonood ka ng very special love ano? ano? ako din e. baka nga sa premier night pa potah yang si ef bee kung magaya e kala mo mahal siya ni john lloyd. hahaha. balita ko inlabs ka daw ah? ikeeee.

    [Reply]


  4. ayos yan ah. xD
    ako naman kapag nakakakita ako ng nakaearphone at walang player, natatawa na lang ako. tamang trip! haha

    uu. tawanan na lang natin pero mas maganda kung ibahagi natin sa katabi natin ang kaligayahan. oo, ituro mo siya sa lupon ng mga kaibigan mo sabay tawa ng mas malakas. masaya yun. hahaha

    [Reply]


  5. hayaan mo, hindi ako magpapakita sa’yo ng naka-earphone. nekstaym mag-a-aypad ako tapos malaking speaker ang isasabit ko sa balikat ko. oha, di na earphone yun ha.—nye nye, korni ko. pft.

    nakakatawa, kasi totoo mga sinasabi mo. mga poser. ang lame. low bat na nga yung mga kung ano mang audio player nila tapos nakasuot pa din ng earphone. hahaha. mga tae. pero wag na nating apakan. mabaho. hahaha.

    oo. wag ka magpapakita sa akin ng nakasuot ka ng earphones pero kung magsasabit ka sa balikat mo ng malaking speaker, parang mukha ka namang kalunos lunos nun pretty pedro. haha. poser? wow. lame? isa pang wow. lowbatt tapos nakasuot pa rin earphones? kaiba talaga sa pinas ampotah. dun ako sa huling sinabi mo natawa e. wag tapakan kasi mabaho. shet. hahaha

    [Reply]


  6. sus,dami din niyan dito samin.
    lahat na lang nga ng masalubong kong bagets may earphone.

    kung anek anek na nga nakasabit sa leeg, meron sa cp, merong sa iPod kuno.
    buhol buhol na nga minsan,

    haha!minsan may katabi ako sa jeep,
    nka headset nga full volume naman,
    pero aus lang fave ko naman kanta na pinapatugtog niya..”alapaap” ng e-heads.

    bagets lang nakaearphones? buhol buhol sarap isabit sa dingding sabay alay ng mga biskwit. ahaha. iritable talaga ako sa mga nakaearphones pero ang lakas magpatugtog.

    [Reply]


  7. Nabasa ko ang isang article na tungkol sa earphones dati pa. Na kung gusto mong hindi maistorbo, magsuot ka lang ng earphones.

    Wala naman akong hinagpis o hinanakit sa mga nagsusuot ng earphones. Kabilang ako sa mga nagsusuot nito. Pero kapag may nakikipag-usap sakin, hinuhubad ko naman o pinapause yung kanta.

    At masayang mag-earphones kahit na wala kang pinakikinggan. Ewan ko ba.

    yun naman talaga ang silbi ng earphones–para sa pansariling kapakinabangan. anak, teka nga. bakit ang tatas mo sa salitang tagalog? ha? mana ka talaga sa akin. tama yan. mabuting asal yan anak. im proud of you. sa akin ka natuto niyan. hahaha. HINDI NGA? ISA KA SA MGA NAGSUSUOT NG EARPHONES KAHIT WALANG PINAKIKINGGAN? itinatakwil na kita. hahaha

    [Reply]


  8. AY NAKO AYOKO NG MGA TAONG NAKA-HEADPHONES.

    Pahabol lang.

    Nakakita ako dati sa MRT na lalakeng nasa elevator, naka-earphones na may MICROPHONE. astig diba? baka ninenok nga lang nya yun sa isang computer shop eh. HAHA.

    bakit dalawa komento mo? schizo ka na ngayon? ninenok sa computershop? hindi ah. baka kamo ninenok sa kapitbahay nila. ganun yun.

    [Reply]


  9. Miss XG, baka naman kasi yung iba e hearing aid talaga yung nakalagay sa tenga,,,,,,shempre merong wireless version meron din cable connected…..charuss…..uulitin ko lang miss xg yung pa thank you ko, na kahapon e dun sa BlogSikret ko nailagay…kaw ba talaga yun nag comment sa hamak kong blog or tinamaan lang ako ng acetone na nasinghot ko?? hehehe salamat ng much!!!!

    ngayon lang ako nakakita ng hearing aid na may kantang pinapatugtog. hahaha. ako talaga ang nagkomento sa blog mo. bakit mo sinisinghot ang acetone? sabi ng pinakuluang pandan na tayo dapat. healthy lifestyle. balik balik ka lang dito. hahaha

    [Reply]


  10. gumagamit me ng earphones pg bumibyahe para malibang kc nahihilo me sa sasakyan…mejo ntatawa me sa mga nkaheadset.. pero mas mtatawa me cguro kung
    nkarollerblades pa sila hakhakhak!!!

    nakarollerblades? nakakatawa talaga kung nakasuot sa ulo nila yung rollerblades. medyo weird nga yun.

    [Reply]


  11. meron akong earphones para sa psp ko pero sobrang dalang ko gamitin. pag nanood lang ako ng bold.

    asiwa rin ako sa mga ginagawang japorms ang pagsusuot ng earphones.

    oo. maganda talaga kapag nanonood ng porn na nakaearphones diba? namnam na namnam ang bawat titik ng salita. wow. kala mo naman may naiba pa sa letrang o a at h. hahaha. asar talaga yung mg anagsusuot ng earphones para pakool e noh?

    [Reply]


  12. ayos!
    ayoko ng earphone eh
    di ako gumagamit nun
    sumasakit tenga ko pag gumagamit ako nun kaya imposibleng makita mo akong nakasuot ng ganun pwera na lang kung may ipapakinig ka sakin mula sa mp5 mo..

    astig! tayong tropang chiksilog talaga malakas mang asar! champion tayo kung nagkaroon ng pakontest tungkol sa pagalingang mang asar..

    mabuhay sina exotica at _h_b_n_k_ dahil sa kanila napapractice naten ang ating skills sa pangyuyurak!

    pareho talaga tayo. magtropa talaga tayo e. wala ng tatalo sa atin mangasar at manira ng puri ng tao. durog. pulbos. ganun yung lalabas. haha

    [Reply]


  13. badtrip ako sa mga naka headphones sa public. sobra. may nakita ako minsan tas tinuro ko sa kaibigan ko sabi ko, tangina ang yabang nun ah, tas kilala pala niya sabi niya hindi daw, mabait daw yun bakit ko daw nasabing mayabang, sabi ko kasi naka headphones siya

    comma lang ang alam kong gamiting punctuation,sorry

    yun nga. di ko rin alam kung bakit ba may angas factor ang earphones kaya ganun na lang abusuhin ng mga jologs in the making. tsk.

    [Reply]


  14. yung mga nakaheadset na naglalakad sa kalye, mga call center agents yun na graveyard shift na lumulutang ang kaluluwa sa puyat. hindi nila napansin suot pa nila headset nila.

    ninenok na pala yung headset ano? ano yun? take home job. yessss.

    [Reply]


  15. hmmmm, paano ba, ang dami-dami-dami na ngang nakaearphones nayun.

    may hindi nakakainis, at simpri, may nakakainis

    asar nga naman yun may earphones pero wala namang pinakikinggan, uso na yan para lan magpasikat-sikatan(ayan tuloy, ayaw mo na silang pasikatan ng araw).

    nakakairita din yung nakaearphones tapos pag kinakausap mo, kelakas-lakas ng boses, PAKITANGGAL NGA KASI YUN EARPHONES, aneh-beh?! paano mo ako maririnig ng matino? mga ganyung setting.

    asar din yun sa isang masayang crowd, may taong secluded at naglulungkot-lungkutan kapiling ang kanyang gadget. like, haller?! KJ?!

    pero yun mga nasa byaheng nakaearphone at nagheheadbang pa, wala akong masasabi sa kanila. suporta nalan.

    hehe, relax nalan tayo, though nakakahighblood din talaga.

    flyfly!

    mam teacher alitaptap nagkalat na nga sila e. hindi ko alam kung paanong paraan nangyari yun pero kailangan mapigilan. hahaha. ikaw din pala madami kang isyu sa mga nakaearphones. kitams? di talaga ako nagiisa. hahaha

    [Reply]


  16. mabuti na yung naka headphone kesa speaker ang bitbit he he

    ok nga yung speaker atleast di siya selfish. hahaha. tignan ko lang kung mailagay niya sa tenga yun. haha

    [Reply]


  17. bati tayo hanggang di naaayos si ricardo o hanggang di ako nabibilhan ng ipod. :P

    natawa nga ako nung nagplurk ka e sakto sa entry ko. haha

    [Reply]


  18. buti na lang at hindi din ako gumagamit ng mga ka-anekang yan..
    hahaha..
    benge ako eh!
    haha..kaya wala ring silbi saken yang mga imbensyong yan!
    hahaha..

    ewan a.pero mukang tanga yong mga nkikita kong nakaheadphones sa kalye..

    wahh! peace! :D

    bingi ka? nadidinig mo ba ako? hahaha. ayos lang. kapag may pumalag diyan sa sinabi mo ako bahala sa iyo. basta takbo ka lang. hahaha

    [Reply]


  19. wala akong ipod kaya wala rin akong earphones.pwede pa ako magpakita sayo.wehehe.

    ginagamit ko ang headphones ko pag nanonood lang ng movie na ayaw ng mga kasama ko.

    meron akong kilala na dumugo ang tenga dahil sa earphones.ahaha.

    pwedeng pwede kita imeet mare. pero malas mo kasi ako may earphones ako e. hahaha. dumugo ang tenga? wow. hardcore yun. it will define the blogging history talaga kung may bidyong lalabas nun. hahaha

    [Reply]


  20. ayy na’ko. Kung pilipinas lang yang tinutukoy mo, mas maiinis ka sa mga tao d2 sa Canada. Haha.

    At oo, inaamin ko isa ako sa mga tinutukoy mo. and since di mo pa’ko nakikitang nakaheadphones, yehey bati pa tayo. lol Ay hello po muna, di ko pa po inintrojuice sarili ko. Ako po si Pau. Wala lang po akong magawa kaya heto nagboblog hop.

    Anyways, haha. May nakilala naren akong taong may headphones ngunit walang pinakikinggan. Kamuntikan na nga manakawan hindi pa nya mapapansin. Buti nalang kaibigan ko lang na nagloloko ang nangtrip sa kanya.

    Meron ring iba na ginagawang personal jewelry ang headphones. Un bang papasok sa klase at may nakapulupot sa katawang wire na di mo alam kung sanlupalop nagmumula.

    At sa sobrang pagagamit ko ng headphones, nararamdaman ko naren ang side-effect.

    odiba? kala kasi ng mga tao sa pinas lang ito. pati sa jupiter kaya laganap na kabalbalan yan. hahaha. personal jewelry ang headphones? wow. tsk tsk. hinay lang sa paggamit ng headphones.

    [Reply]


  21. may mga tao kasi na sobrang kelangan mag-effort para maging “cool” kuno yung mga pagmumukha nila.

    mapalad tayong hindi nangangailangang magtago sa image ng mga earphones.

    oo. im proud to be jologs minus the earphones. rakenrol.

    [Reply]


  22. ako nakikinig ako. :P gumagamit ako ng earphones pero nakikinig talaga ako. haha. gumagamit lang ako ng iPod kapag asa LRT o kaya kapag asa koche tas mahaba ang byahe. :]

    ayoko naman nung mga taong nagamit ng pagkalaki-laking earphones na pwede nang mtabunan yung mukha. parang tanga lang. hehe

    ows? nakikinig ka ba talaga? hahahaha. aminin. hahaha.

    [Reply]


  23. ako soulmate mahilig sa music…kaya nga parati din naka salpak ang earphone ko sa tenga ko tuwing umaalis ako ng bahay…

    pero wag mo akong kainisan soulmate…

    at lalong wag mong ismolin ang kakayahan ng earphone ko..

    dahil nagmumukha na akong afro…

    sa laki ng earphone ko…

    tula ba to?

    ako rin naman mahilig sa music pero hindi ako panatiko ng earphones. haha. sa bahay oo, nakikinig ako pero sa labas hindi e. ewan. hindi ako maiinis sa iyo kahit kailan soulmate. ikaw pala yung isa sa mga tao na nakikita ko na nakasuot ng malaking earphones? aww. hahaha

    [Reply]


  24. ang ayoko lang sa mga ganito eh nakaearphones na nga pero banglakas pa rin ng sounds na galing sa MP3 nila.

    ang lakas ng volume diba? tsk. bingengots.

    [Reply]


  25. minsan pa nga tamag headset/headphones pa talaga ung nilalagay …..

    tsk.tsk…

    ang akin lang sana kung magsasalita sila, tanggalin muna ung earphones, kasi napapasigaw pag nagsalita eh di nila dinig ung sariling boses ehehe

    hahaha. oo kasi ganun yun talaga ayon sa anatomy and physiology natin yeye. hellfff.

    [Reply]


  26. paano pag sobrang cute yung naka earphone?

    maiinis ka pa rin?

    oo. hahaha. pero kung ikaw–hindi ako magagalit. hindi ka naman cute e kasi gwapo ka. ikeeee.

    [Reply]


  27. may kapitbahay akong tomboy na ganyan.
    feel na feel pa nya, with matching sayaw at pagtango ng ulo.
    hinila ko yung earphone,
    buking!!
    alang audio..haha
    earphone lang pala.
    toinks!
    pahiya sya eh..

    nakakahiya naman yan. hahaha. bakeeeet? masaya kaya siya sa ginawa niya? hahaha

    [Reply]


  28. haha nakatawa nman tong entry. pero bati tau xienah kc kpg gumagamit ako ng earphones ay sumusunod ako sa An Idiot’s Guide to using your Earphones (by XienahGirl) hehe.

    ngaun andami na kulay ng earphones/ headset/headphones. bka nga sumday may blingbling na ring pwd isabit d2, yay. o kya ka may mglalabas ng earrings cum earphones (or vice versa). Fashionista-na-musikero-pa epek.

    hindi na ako magtataka kung yung mga earphones e maging fashion item. magkabati pa rin tayo kasi kapag gumagamit ka ng earphone di ko nakikita. at maglalabas nga ako ng moronic guide to unknowingly use your earphones.

    [Reply]


  29. ay lab earphones. kasi aylab music. pero lately medyo sinisingil na ko ng sobrang lakas na pkikinig ko kaya sinusumpa ko na ang EARPHONE!!!

    Sumpain ka!!! EARPHONE!!!

    Butas na yata eardrum ko dahil sa kanya.

    Sa MRT maraming nakaheadphone para silang mga DJ na hilaw. ewan ko ang pangit tignan nun ubod ng laki.

    pakasalan mo na yang earphones mo hahaha. ang lakas mo magpatugtog ano? buti nga sa iyo. hahaha. yan ang nararapat sa iyo. hahha. ang cool nga nung malaki e. ewan ko. haha

    [Reply]


  30. naku malupit ang post na ito, lolah! ako nama’y di pa nakakahuli ng taong naka-earphones pero wla namang audio player. kumusta naman kaya yun? nakakatawang nakakaloko siguro. haha

    at yung may mikropono? ano yun? baka ninenok sa drive through ng mcdo? haha

    pero ha, oo nga ano’t napaka-effective pala nito na device para sa pagsagap ng chismis. yugyog lang konti ng ulo para ang akalain ng mga nasa paligid eh talagang may musikang pinakikinggan. yun pala’y naka-christie fermin mode na.

    meron nun. magtiwala ka–MERON NUN. haha. yun ang ginagawa ng mga tsismoso ngayon kaya magingat din tayo sa pagsasalita. haha

    [Reply]


  31. Ako naman, nakaearphones kapag nasa jeep kasi ayoko ng tunog ng tao sa paligid ko.

    At may sounds na lumalabas sa earphones ah. Di pakana lang. Actually, puro Jonas Brothers nga ang pinapakinggan ko lately, pati The Ting Tings.

    Ayoko sa mga nakaheadphone. Susme.

    Parang nakukuha ko ang sinasabi mo ate. Kasi may mga tao ngayon na kahit tambay sa kanto o nagtutulak ng kariton, nakaearphones! tae!

    ayaw mo ng tunog na lumalabas sa tao? hahaha. shet. nagtutulak ng kariton may earphones? buti pa sila.

    [Reply]


  32. sana nga speakers na lang binili nila at yun ang isalpak sa tenga nila.

    oo. imasking teyp nila sa mga ulo nila para swabe ang tunog

    [Reply]

Leave a Comment

If you would like to make a comment, please fill out the form below.

Name (required)

Email (required)

Website

Comments


WORDPRESS | PROJECT365DAYS |

blogger web statistics