mabuti na lang tanga

wag mo nga dalhin sa kalsada yung katangahan mo.
-vEx

nagbibiro lang si vEx–yata. siguro. ewan ko. ako yung tipo ng tao na marunong tumanggap ng pangaalipusta at pangyuyurak ng pagkatao mula sa iba pero nung sinabi niya na tanga ako, tumagos yung masamang biro–through and through. one big ouch.

yung huling tingin ko sa talasalitaan as of 6:41 pm, hindi ang pagiging lampa ang direktang kahulugan ng salitang tanga. kilala ko si ako kaya alam ko na natatapilok talaga ako sa sarili kong mga paa, nakayapak man o may suot na takong. nakakalungkot na nasabihan ako ng ganun at ang masaklap pa–di ako pumalag. natapilok lang ako, tanga na? parang kasalanang orihinal na itinaas sa ikalawang baitang ang nagawa kong pagkakatapilok nung kasama ko ang kapatid ko. kahit maligo pa ako sa banal na tubig, hindi na ako maaaring mapatawad at kulang pa ang buhay ko bilang kabayaran sa pagkakasalang iyon.

may tumawag sa akin noon, kailangan ko daw magremedial exams. pamilyar ako sa katagang remedial pero hindi ko alam kung ano ang konsepto ng salitang iyon. pagkababa ko ng telepono, agad kong sinangguni si ginoong dictionary.com para sa kahulugan ng nasabing grupo ng mga letra.

intended to correct or improve deficient skills in a specific subject

ayun na nga, nanlumo na ako pagkatapos ko malaman ang kahulugan ng remedial. kung kailan ako tumanda, saka pa ako nagremedial exams. akala ko mga uhuging gradeschool students lang ang gumagawa nun. sila yung mga bata na bumabagsak sa simple aritmetik dahil di marunong mag subtract ng fractions. wala silang social life dahil tuwing uwian, kailangan nila pumasok sa mga remedial classes imbes na makipaglaro sa kapwa nila kabataan. akalain mo, isa pala akong uhuging gradeschool student na bilanggo sa loob ng isang bente uno anyos na katawan, na walang social life pero marunong magsubtract ng fractions.

magpapaliwanag ako.

kasabay ng kasagsagan sa kangaragan ng pagbubukas ng datkom na ito ang pagsusulit para sa subject na ibinagsak ko. masakit. aray ko, tinutusok ang puso ko sa tuwing naaalala ko na may nailagapak akong subject. inaamin ko naman na nagkamali ako sa aspeto ng buhay ko na ito dahil sa pagbibigay ko ng prayoridad sa datkom imbes na magaral at matulog ng maaga para sa paghahanda sa pagsusulit na nangangailan ng matabang utak.

nung una, hindi ko matanggap sa sarili ko na kailangan ko kunin ulit yung paksang ibinagsak ko. pers taym kong pumalpak sa eskwela. im so not like that you know? pakiramdam ko mangmang talaga ako, na tanga ako, pinakamatalino sa lahat ng bobo. ayun, hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap. unti unti siguro, huwag natin biglain. ayun ok na pala, tanggap ko na.

hindi ko alam kung bakit kailangan isulat sa libro ng buhay natin ang yugto kung saan kailangan ipakita ang mga eksena na mahina ang ating utak. kung pinagbabayad man ako ng tadhana para sa mga kasalanang nagawa ko nung nakaraang buhay ko, malamang amanos na kami ngayon. ayan na nga sinasabi ko, natutuyuan ako ng kokote dahil dapat talaga 8 baso ng tubig ang iniinom ko araw araw. pakiramdam ko may nakakabit sa likod ko na papel na nagsasabing ‘xienah tanga’ o kaya ‘xienah lampa’. ayos lang kasi meron naman sa noo kong nakasulat na ‘xienah ganda’–at yun ang mahalaga, hindi natin dapat kinakaawan ang ating sarili dahil ang totoo, parte ng pagkatao natin ang mga kahinaan. nakakainis lang dahil kapag nagiging tanga ako, ang daming nakakasaksi sa pangyayaring iyon.

naipasa ko na ang remedial exams, alam ko naman na matalinong bata ako at inaamin ko na nagkamali ako sa pagpili ng bagay na dapat bigyan ng pagpapahalaga. kailangan lang talaga mangyari ng mga ganitong klase ng karanasan na magtuturo sa atin na hindi masamang magkaroon ng kahinaan. isa pa nga pala, kahit kailan hindi naaapektuhan ng kagandahan ang katalinuhan at hindi pareho ang kahulugan ng tanga bobo at lampa. huwag ganun, judgemental kayo. higit sa lahat, ipasagasa natin sa karosa ng nazareno ang mga taong mapangutya–tulad ni vEx. kung hindi pa kayo masaya, pwede naman natin siyang paliguan at isaksak sa loob ng washing machine. ang bait pa nga natin kasi ilalagay pa nga natin siya sa dryer diba?

wala talagang tanga, kundi mga taong nagmamarunong lang.




29 Responses
  1. walang tanga..yes!
    pero may panget at yun ay yung bangungot nating si _h_b_! bwahahaha

    sana may remedial class din ang love para maisalba pa ang relasyon..wala lang pakiramdam ko kase bumabagsak na ako sa pagiging boypren sa gelpren ko.. huhuhuhu

    ay teka bat ba ako nag eemo dito sa comment box mo? bwahahaha

    :D

    walang tanga. oo may nagkakamali pero di sila tanga dahil bobo sila. hahaha. oo kaya nga medyo masaya ako kasi maganda ako kahit papaano. hahaha. ok ka naman sa pagiging boyps ah? weh san ka pa ba nga ba pwede magemo kundi dito lang. hahaha

    [Reply]



  2. oo wala ngang tanga. maepal lang talaga ang iba..

    vote na ung mga hindi pa nagvovote.wehehe.

    dahil diyan gusto ko sabihin na nagmamarunong si vEx hahaha

    [Reply]



  3. hmmm, may iba lang din po sigurong depenisyon sa bawat salita depende sa sitwasyon, hindi lan nagtugma ang sa inyo ni vEx.

    at natulig ang tenga nyo nun oras na sinabi nya iyon.

    hehe, obviously, gusto mo lan talagang palabasin na nagmamarunong sya. hehehe.=p

    sabagay, kahit ako, hindi ako kumportableng masabihan ng tanga ng ibang tao, may taong PWEDE, pero karamihan, nakakairita pag sinabihan ako nun. lalo na kung NASA sitwasyon, yun minsan, lugmok ka na nga, gumawa pa ng rason para lalo kang malugmok…how mean. hehe

    flyfly!

    bastardo talaga yang kapatid ko na yan. pambihira. MAS SIKAT PA SI vEx KESA SA AKIN hahaha. kasi kung di natin talaga alam ang kahulugan ng salita bakit mo pa sasabihin? diba? hahaha. akshuli nagmamarunong talaga yun. im the better person sa aming dalawa. im perfect. hahaha. yun nga. parang pinagdudukdukan pa na tanga ka ano? hahaha. tsk. uh zuhr those people.

    [Reply]



  4. sus mag focus ka kasi he he

    dami ko na ring naibagsak na subject, binalikan,incomplete noon… pero di ako tanga –busy lang. ha ha

    oo. nung nagawa na yung datkom naging maayos na ang lahat. nakapagpokus na ako ng mainam sa subject na yun at naipasa ko na siya. hindi kasi ako average student e kaya bago talaga sa akin ang mababang grades. oo tama busy ka lang talaga at hindi maayos ang priorities.

    [Reply]



  5. “ok lang. dakila naman….

    dakilang tanga.”
    ahehehehe

    ayan linya namin dati pag nasasabihan ng tanga ahahahaha

    ay. hahaha. ipinagmalaki na tanga? hahahaha. kung tropa tropa ayos lang parang panglambing lang yun e.

    [Reply]



  6. nagmamarunong nga siya. hindi naman makatarungang (wow) sabihan ka niya ng ganun dahil natapilok ka lang. tsktsk.

    wala talagang taong tanga. wala naman kasing perpek na tao eh. *ano daw?*

    oo. nagmamarunong lang yang bwiset na kapatid ko kapalero. hahaha. durugin ko pagkatao niya sa internet e makita niya. hahaha. wala kasing lubak sa kung saan ako nagmula noime. hahaha

    [Reply]



  7. hmm.. mahal ka nun ni vex.naglalambing lang un.wehehe.

    ung hindi pa nagvote, pwedeng pwede pa magvote.

    thanks!

    oo naman naglalambing lang yung si vEx. sarap nga itanim sa hardin. hahaha

    [Reply]



  8. marami talagang mga nagmamarunong sa mundo. :)
    ang malungkot pa, dumadami sila.

    oo nga. tsk. matresan ko kaya yung mga yun ng mabaog? hahaha

    [Reply]



  9. anak ng tinapa shengsheng, di ka man lang dumaan sa 5 stages of grief. hehe. acceptance agad in 0.000000006 seconds. :P

    ahahaha. guilty akooooooooo.

    mapangalipusta ako eh. mwahahaha.

    mineli dumaan na ako. meron akong 3day rule e. kailangan kasi may deadline. anything beyond that time is plain stupidity. obyus naman sa plurk doc andon lahat. hahaha. oo, isa rin akong mapangalipustang nilalang. sa totoo nga balewala lang sa akin yang nasabi ni vEx dahil kulang pa yan nasabi niya sa lahat ng panglalait ko sa kanya. bwahahahaha

    [Reply]



  10. tanginang akismet yan. 4 na blogs na ang sinasabing spam ako ampotah! pakyu! wag mo kainin itong comment ko! hahahhahaa

    anyways,
    ang lalim yata nitong post mo na ito. o sadyang tanga lang ako? sabi ni doc na kaka comment pa lang eh, may kinalaman daw ito sa acceptance. parang meron nga yata. sus. sineryoso mo kasi. hay naku. hindi ako maka getover doon. para kasing wala lang. o siya hanap tayo ng lalasing sa iyo.

    manding nakain pa rin ang komento mo ng akismet. ikaw na ang problema. hahaha. malalim ba? hindi naman e. nagkukuwento lang ako. ano ba? seryosong tao naman kasi talaga ako. hahaha. ikaw pala yung di makagetover? haha. tae ka. hanap ng lalasing sa akin? bakit ba kasi yan na naman? image ko na sa blogosphere na lasenggera ako. potah. hahaha

    [Reply]



  11. shet mukhang kinain na naman nga ng akismet. packers….

    ********************************
    see my sexy pics!!!!!!!! visit http://redtube.com and have a fucking fun time!

    see you there badboy!
    ********************************

    potah. nagkalat ka na nga sa comemnts ni badudels pati ba naman dito? the shit. una sa cbox tapos sa comments ko na? hahahahaha. tae ka. pasalamat ka labs kita manding. naku.

    [Reply]



  12. omaygad.. ngayun lang ulit ako nakabisita dito, namiss ko tuloy ang empermera! yuhooo! :-) hahaha =)

    nako sori gad, alipustera din ako minsan. haha :-)

    oo nga. nagsosori nga din ako kay father god e. tsk. mabuti naman at nakabalik ka na dito joice. balik ka na sa blogging.

    [Reply]



  13. hala. Ako bobo na, di pa marunong mag-subtract ng fractions. Kahiya-hiya naman hahahahaha XD

    gusto mo magremedial classes online? pwede naman. kukunin mo lang yung least common denominator tapos blah blah blah. hahaha. siguro naman may social life ka? ok na yun. hahaha

    [Reply]



  14. bkit pa kailangan matuto mag subtract ng fractions eh may calculator naman? anong silbi ng calculator kung iso-solve ko ang equations manually? mawawalan ng trabaho ang mga tao sa factory ng calculators. rawr. hahah!

    makikigaya na rin ako at uulitin ang sinabi mong, walang tanga. marami lang nawawala sa sarili nilang isipan habang gumagawa ng ibang bagay kaya nagmu-mukhang tanga. i think i make sense.

    dati naglalakad kami ng Tita ko, yung Tita ko nung panahon na yun matagal ng hindi nakakauwi ng pilipinas 70′s pa, tas biglang may ginawa yata ako na mali tas sinabihan ako ng, TANGE! HINDI GANYAN!, dahil di ako sanay makarinig ng salitang Tange, nagkaron tuloy ako ng mixed emotions… matatawa ba ko o matatakot? tumawa na lang ako. lalang, share ko lang.

    have a sexy day. =)

    miss tisay naaliw naman ako sa iyo. mahal mo talaga ako ano? hahaha. kasi ganito yan bawal ang calculator sa mga gradeschool students kapag mathematics ang subject. ang mga calculators ang alam ko pang negosyo na lang talaga ng mga intsik yun. hahaha. wow. nawawala sila sa isipan nila. hahaha. wow. naglalambing pa nga yun kasi tange ang tawag sa iyo. ako kasi minsan BOHBOH KAH talaga ang sinasabi ko hahahaha. nakakasakit na pala tayo ng damdamin. huhuhuhu

    [Reply]



  15. eh bakit kung sa pag ibig sabi nila maraming tanga? At nasabi mo na din yan minsan na tanga ka dahil sa pag ibig?ahe he he..

    ako kung ako ang pinagsabihan yan. tyak guguhu ang pinagtatayuan ng sumabi ng ganyan saken at lalamunin siya ng empyerno…ganyan ako ka lakas sa mga lamang lupa..aha ha ha…

    soulmate…….mabuti na yung utak na tatanga-tanga…madaling turuan..

    pero pano na yung tangang puso?

    potah, ang emo ko….magpapahangin nalang muna ako sa terrace..

    gamit ang lubid na tinali sa leeg ko..

    be back on 15 minutes.lols

    tanga ako sa pagibig? mas maganda sabihin na nagmarunong ako. pinangunahan ko yung hindi dapat. hindi tanga yang mga yan sa pagibig. yung tangang puso? hayaan mo lang siya magpakatanga kasi hindi yan matututo kung yung mayari di pagaganahin ang kokote. aba. back in 15minutes ka pa? hahaha. sana makabalik ka mamayang umaga kasi takot ako sa multo sa gabi. hahahaha

    [Reply]



  16. depende un sa kung paano sinabi ang salitang tanga..meron kasi biro lang talaga,pero kung masyado sensitive ang pinagsasabihan (gaya ko minsan) eh ouch talaga un.

    lambingang magkapatid lang yan.hehe.

    oo. lambingan lang talaga namin yan. hahahaha. pero yung moment na yun tumagos e. may moment talaga na sensitive ka at nagkataon na yun yun.

    [Reply]



  17. maganda ka. hindi ka tanga. sos, panay nga ang bida ko sa’yo eh. bilib nga ako sa utak mo. iba ka mag-isip.

    :D

    binibida mo na naman ako sa nanay at boss mo? wag naman masyado. hahaha

    [Reply]



  18. una sa lahat, cno si vex? yan b ung nilalagay sa dibdib pra guminhawa ang pakiramdam? ngeee, ang TV na! pfft, korni.

    being tanga is in the eye of the beholder. sa isang beholder na nagmamarunong, wahaha. guilty rin ako jan, kc mahilig ako magsabi ng “ang tanga mo nman” pro i don’t mean that, pwamis.

    nabanggit ko sa entry na kapatid ko si vEx. being tanga is in the eye of the tiger. yess. hahaha. oo. naglalambing lang kayo diba? oh yess. hahaha

    [Reply]



  19. bakit kailangang may capital E talaga ang vEx?

    ginawan ko talaga ng trademark si vEx na capital ang letter E niya. ang cool tignan noh? wala lang pakool epeks lang. hahahaha

    [Reply]



  20. ok lng nman masabihan ng tanga ah..kc expression lng nman ‘yun eh..aq kc expression q lng ‘yung pagsabi ng tanga heheh…

    p.s..natural lng n maging tanga paminsan minsan sa life..kc kung walng katangahan ang tao..Boring ang life dba?’yun

    ayos lang kung tropa mo tapos lalo na kung pakyut sabay kurot sa spleen. oo, yung mga tanga minsan ang buntungan ng katatawanan e. hahahaha. minsan kailangan din natin mamili ng tamang expletive na gagamitin. hindi kasi iisa ang kultura natin.

    [Reply]



  21. nakuu…
    hangsakit nga nun..
    pag nasabihan kang tanga..
    pero if ever may magsabi sa akin ng tatanga tanga ako.. may maidadahilan na ako…

    “wala talagang tanga, kundi mga taong nagmamarunong lang.”

    sabi ni xienah :)

    oo tama ka. sabihin mo ako nagsabi niyan, kapag pumalag kamo mag email siya sa akin. magbigay siya ng 1000words essay kung bakit siya sumasalungat sa paniniwala ko. hahaha

    [Reply]



  22. naku, baka medyo gutom ka po nun. kaya ka po natapilok. visual at motor coordination lang yan ng katawan.

    kumain po kayo nang mabuti.:D

    akshuli masama talaga akong nagugutom pero hindi naman ako gutom nun. lampa talaga ako. madali ako matapilok. flat footed. ganun. hahaha. puro malamig na tubig na lang kasi nasa refrigerator namin. tsk

    [Reply]



  23. Galing mo tlga XG,.. binibigyan mo ng katarungan ang mga tangang tulad ko.. Ehem, wala nga plang tanga, mga nagmamarunong lang. :)

    binibigyang katarungan? para silang mga unsung heroes ano? hahahaha.

    [Reply]



  24. buti na lang di ako namamarunong. :D

    mahirap din kasi yung nagmamarunong. tsk. masakit kasi yung pakiramdam kapag ikaw na yung naging tanga. hahaha

    [Reply]



  25. xG xG xG :D
    hahaha..
    hambilis mong nagcomment ha…
    hahaha..

    oysst! sinong hindi pa nakakaboto sa lafftrip ni ser badoodles dyan??!

    bomoto na!

    mabilis ba? saktong timing lang. salamat ulit sa pagboto. maaming salamat.

    [Reply]



  26. naku hindi ka tanga. sa ganda mong yan. tsk tsk. beauty and brains ika nga

    siyempre ganun sa tropa natin e. obyus naman. hahaha

    [Reply]



  27. ano ba mas mahirap?

    bobong naging tanga? o tangang naging bobo?

    kawawang tao naman yan. hahaha. tanga na bobo pa? hmm. sa palagay ko mas magiging mahirap kung bobo ka na tapos tanga ka pa. wow. hahaa

    [Reply]



  28. Wala ngang tanga! Paminsan meron lang talagang pagkakataon na nagiiba ang takbo ng isip natin kaya’t nakakagawa tayo ng tangang bagay. Katulad nyan, gusto ko lang naman mag hi sayo eh kung ano ano pang katangahan sinasabi ko. SO yun. Hi :) Just to let you know I voted for you sa laffapalooza :D and I will be stalking you til I dont know, probably pagtumigil ka na magsulat. sana manalo ka! cheers! :)

    wow. sabi ko nga meron lang talagang taong nagmamarunong. nagmamagaling. mamatay na silang lahat. sabay nadeads pala tayong lahat ano? hahaha. salamat ulit sa pagboto para sa datkom. maraming salamat miss roxy.

    [Reply]



  29. siguro nga hindi maganda yung pagkakasabi. or wala ka sa mood makipagbiruan nung mga oras na yun kaya dinamdam mo maigi ang pagkapahiya..hehe! kapatid mo yang si vex? akala ko tuloy si vera…

    naalala ko rin yung katangahan ko nung college sa basic financial acctg. taena! perfect attendance binagsak pa! tapos nung nag summer class ako ang laging highest sa mga exams…how kupal profs can be kapag di ka nila type…tsk tsk.

    si vEx ang kapatid ko at si vera naman ay ang aking amiga. oo naman. namemersonal ang mga profs talaga. tsk.

    [Reply]



Leave a Reply