Friday
ano na namang kabaklaan yan?
magaling ka magpayo lalo na pagdating sa buhay pagibig at dahil dun hinahangaan kita. teka siya nga pala, alam mo yung palagi mong ibinibigay na aral sa mga taong nagkakaroon ng problema sa puso? naalala mo ba yun? huwag umasa para hindi masaktan. uulitin ko baka kako nagbibingi bingihan ka lang. HUWAG UMASA PARA HINDI MASAKTAN. ano nangyari? makapal ba ang luga mo sa tenga para di mo marinig ang sarili mo? sabi ko naman sa iyo dalawang beses sa isang linggo ka maghinuli.
nakakarma ka na siguro. ito na nga yata ang pinakamasakit na sampal ng tadhana sa iyo dahil sa mga kamalditahan na ginagawa mo sa kapwa mo. gaga ka kasi. di ka naman ganyan dati diba? matigas ka. maangas. bato ang puso mo. kinatatakutan ka ng lahat. sino magaakala na maiisahan ka ng huling taong iniisip mo na mananakit sa iyo?
tunay nga talagang ang taong pinakamalapit sa atin ang siyang higit na makakapanakit ng ating damdamin. nahulaan mo na ito sa simula pa lang–na hindi kayo bagay, na wala kayong kahit isang simpleng tsansa na magkakatuluyan. adik ka lang talaga para bigyan mo ng pagkakataon ang katangahan na iyon at isipin na posible nga talaga kayo. ayan kasi, epekto iyan ng kakapanood mo ng telebisyon. wow kala mo kung sino kang bida ng koreanobela. nagpabuyo ka kasi sa sabi sabi, sa mga maling bulong bulungan na ang tanging basehan ay kasinungalingan.
wala naman siyang sinabi na gusto ka niya at wala rin siyang inamin na totoo ang nararamdaman niya para sa iyo sa ilang milyong beses na binanggit niya ang mga salitang ‘mahal kita’. nasayang lang ang pagmamahal na inilaan mo para sa kanya. hindi niya nasuklian ng higit pa ang kaya mong ialay. ano ang dahilan at ipinagpatuloy mo pa yung kabobohan mo? ayun. ngayon alam ko na–tinamaan ka ng lintek.
kala mo kung sinong matapang, tapang tapangan ka lang pala. idol mo yata si sean kingston talaga–suicide ang ginawa mo. shet ka! tama ba yung magpanggap ka na ok lang yun sa iyo? ang kapal ng apog ng mukha mo at nakayanan mo yun. sabi ko sa iyo, hindi kakayanin ng ordinaryong tao yan. iba ka talaga. sa katunayan, nangyari na ito. pamilyar nga yung sitwasyon diba? di ka lang talaga nadala. naaalala mo noon? ganitong ganito rin. ipinapakita lang nitong karanasan na ito na talagang di natututo ang puso. hindi namimili ng kasalanan na gagawin.
simple lang: walang may gusto sa iyo. ganun nga talaga ang batas ng mundo ‘ang taong gusto mo walang gusto sa iyo’. alam ko ganun ang iniisip mo diba? nakakaawa ka.
ano nga pala yung pakiramdam na nagiisa? joke lang. hindi ka na ba pwedeng biruin, ha?
balita ko mugto na ang iyong mga mata dahil sa palaging basa ng luha ang iyong mga unan. hindi ka makatulog sa gabi sa kakaisip kung ano ba talaga ang totoong dahilan at walang may gusto sa iyo. natutulala ka sa kawalan at tuwing may bakante kang oras iniisip mo pa rin kung ano ang pwede at hindi pwedeng mangyari sa inyong dalawa. mahirap ang bawat paghinga dahil parang kinukurot ng makailang ulit ang puso mo. hindi mo alam ang klase ng ngiti na gagamitin mo para mairaos ang buong araw. pakiramdam mo walang nagmamahal sa iyo–na nagiisa ka lang. nakakaawa ka lang tignan dahil hinahawakan mo ang sarili mong kamay para lang malaman mo kung gaano ka kalungkot.
umayos ka nga. wala na siya, wala na ang kaisaisahang tao na dahilan na nakakaramdam ka. magsasawa rin ang puso mo sa sakit na nararamdaman nito at kapag nangyari yun muling gagana ang kokote mo. asteg diba? hindi totoo na may darating para palitan siya, sus. ulol ang nagsabi nun. walang makakapalit sa kanya. walang makasasapat–iyon ang mga tamang salita na maaaring makapagpaliwanag dito. oo naman, minahal, mahal at alam ko na mamahalin mo pa rin siya habang tumatagal. kahit kailan hindi rin nababawasan ang pagmamahal. alam mo ba yung paniniwala nating dalawa na hindi naman talaga nawawala ang pagibig para sa isang tao? di naman talaga unfair ang mundo dahil ganun din para sa iyo. ang mangyayari, makakakita ka lang ng higit pa sa kanya.
hindi naman sa kumakampi ako pero, mas bagay talaga sila. olats ka dun. mas makakabuti na huwag ka na lang magsalita dahil magmumukha ka lang ewan. alam mo kung ano yung dapat sa iyo? akshuli di ko rin alam. buset. hayaan mo na lang siguro. huwag mo ng ikumpara ang sarili mo doon sa taong gusto niya dahil obyusli, wala kang binatbat dun.
ang tanging paraan para maghilom ang iyong puso ay ang patayin ang taong naging sanhi nito. nakakatawa diba? pilitin mong matawa, tae ka. ayan ang sinasabi mo kapag gusto mo pagaangin ang pasanin ng taong pinapayuhan mo, pero bakit parang ikaw yung unti unting namamatay?
arte mo, huwag ka ngang emo. ayaw kong sabihin na naiintindihan kita at alam ko ang pinagdadaanan mo dahil magmumukha lang akong ungas at pinatulan ko ang kabaliwan mo. hanggang kelan ka ba magkakaganyan? alam ko naman na hindi ka nagtatanim ng galit sa puso, tama yun. sabi mo nga kapag nagkimkim ka ng hinanakit, mawawala ang posibilidad na mapupunan natin iyon ng panibagong pagibig. hindi ito ang katapusan ninyong dalawa, parte lang ito ng kwentong buhay niyo. parte ang panandaliang paghihiwalay ng napakagandang kwento ng buhay niyo. hindi kita pinipilit na magmadali at magpanggap na maging maayos ang lahat–katarantaduhan iyon. mahirap lokohin ang sarili. diyosa ka lang, hindi ka si wolverine na may kakayahang maghilom ng mga sugat ng pakikipaglaban. kikay ka eh, ikaw si storm. aantayin kitang maghilom sa takdang panahon gamit ang tamang paraan na alam mo.
walang ibang taong makakatulong sa iyo kung hindi ang sarili mo lang din. sana mapakinggan mong muli ikaw at kapag nangyari iyon, makakakita ka ng isang tao na magsisilbing hulmahan ng bagong puso mo. makakahanap ka rin ng taong magmamahal sa iyo ng higit pa sa pagmamahal mo para sa kanya. paramis, darating ang araw na pagtatawanan natin ang kabobohan mong ito. hindi na nga ako makapaghintay na mangyari iyon. mabilis lang yan. iyon ang isang matibay na pruweba na muli ka ng makapagmamahal.
yun lang muna sa ngayon. shet ka, ang sakit ng puson ko. gege. paalamness.
mas bakla sa iyo,
xienahgirl


Friday at 12:58 pm
haha.. sinulatan mo sarili mo.. parang yung mga kaklase ko nung highschool na nagpapadala sila ng rose para sa sarili nila upang sabihin lang na may nagkakagusto sa kanila.. olats yun! dapat magising sila sa katotohanan at wag mag ilusyon tulad ng ginawa mo mabuti nga’t gising ka na at tanggap mo na ang mga bagay bagay.. tong madramang yugtong ito ng buhay mo eh patatawanan na lang naten sa inuman…
mabuhay ka xienah!
para sa puso mo muling iibig!
at para sa taong magpapahalaga sayo’t iibigin ka ng lubos!
kampay!
[reply to this comment]
Friday at 1:02 pm
oo na. bakla na ako. oo na emo na ako. natisod lang ako. nagkamali. babangon ako pangako. at paramis, matututo na ko sa mga kamaliang nagawa ko.
naapreciate ko ang mga payo mo. tats naman ako at talagang ginawan mo pa ng entry ang ka-engotang nagawa ko. hindi ko kasalanang ayaw niya sakin. nagmahal lang ako. pota, tao lang. umiibig, nabibigo, nasasaktan, nakakarekober, at iibig muli.
sos! ayoko ng umiyak, mugto na ang mga mata ko. sawa na kong lumuha. dehydrated na ang katawan ko, epekto ng pagmumukmok ko ng ilang araw. paramis, tutulungan ko ang sarili ko. makakaget ober din ako. babaunin ko na lang ang mga matatamis at mala-keso naming alaala. salamat uli sa mga payo mo, sa mga payo niyo.
bwahahahaha. Pft. emo! xet! isa lang ang masasabi ko.
WATEBER!
[reply to this comment]
Friday at 1:08 pm
maraming nagmamahal sayo xienahgirl :)
[reply to this comment]
Friday at 2:36 pm
buti naman nagising ka na sa katotohanang di sya ang nakatadhana para sayo. ngayon mas mabubuhos mo na atensyon mo sa kin. hahaha
cheer up, girl! look around you. mas maraming nagmamahal sayo. uhummm
[reply to this comment]
Friday at 2:52 pm
wag kang magalala. pagsubok lang yan lukring. shet. helfff
[reply to this comment]
Friday at 3:10 pm
ito talaga ang oldskul style ng pagsusulat..mala-diary…ginagawa ko rin yan minsan para gumaan pakiramdam ko eh!
kung kelangan mo ng kausap..andito lang ako. kung kainuman naman ang hanap mo andyan naman sila…pero wag ka ng iiyak lolobo ang eyebags mo sige ka.
p.s. hindi ko sinasadyang saktan ka sa last entry ko..di ko alam eh psensya.
[reply to this comment]
Friday at 7:31 pm
whoa! super galeng nito! one of the (if not THE) best, poignant stuff I’ve read in recent weeks!
mukhang heavy tayo ngayon ah. i was tempted to say ‘lighten up’ but di ko alam anong degree ng emotional turmoil ka ngayon so i’d bite my tongue.
if it is of any comfort, then id say no one is really exempted from bruises. everyone has a fair share of it. “roll on with the punches”, sabi nga sa movie. “today is just another day.”
[reply to this comment]
Friday at 7:41 pm
sulat para sa sarili?.. hehe
di ka nag iisa sa pagiging tanga pagdating dyan XG.
biktima na din ako ng sariling katangahan at maling akala..
tsk tsk.. nakakabadtrip talaga yung feeling na yun.
hirap kasing mag expect..hai..
kaya mo yan XG!!
Gowh!!!
[reply to this comment]
Friday at 7:52 pm
Dadating din yung deserving para sayo. Andito kami poryu. Hindi man sapat yung labb namin eh pagtyagaan mo na muna hanggang sa dumating yung deserving-por-yor-labb. ;) <3
[reply to this comment]
Friday at 9:00 pm
naiiyak ako.
totoo.pramiss..
nakakarelate lang sayo…
“talagang di natututo ang puso. hindi namimili ng kasalanan na gagawin.”
hayyy..oo nga!
demit! hahaha :D
[reply to this comment]
Friday at 9:11 pm
dont forget to send the letter, baka di makarating, he he
[reply to this comment]
Friday at 9:34 pm
aww. feeling super close ako eh, kaya eto bearhuuug! :) ahihihi!
ayus lang yan, kapag dumating na yung right guy for you, he’ll be ten billion times better. ten billion times better!
smile. =)
have a sexy day.
[reply to this comment]
Friday at 11:48 pm
mare, ika’y maaaring ihalintulad sa isang atay, kaya mo maghilom ng mag-isa.kelangan lang ng pahinga. lilipas rin ang lahat at darating ang dapat darating sa tamang panahon.
Reality bites,pero ano pa bang mas sasarap kung alam mo na maraming sumasalo saiyo. Sa oras na ilalaglag ka ng isa.
[reply to this comment]
Saturday at 1:31 am
Para sakin ba ito bebeh? T.y. sa lessons pero matigas lang talaga ang ulo ko. Taena, pero masakit.
[reply to this comment]
Saturday at 5:27 am
indi ko alam kung nagpapatawa ka o ano soulmate…pero nararamdaman ko na masakit ngang magmahal sa taong alam mong indi mapapasayo….pero iba talaga ang mga jokers mag drama…nakakatagos sa puson.
ako soulmate?bahala na maging kabit..ganun ako ka gago basta sa pag ibig….
bahala na ang kabit…basta may siklayf…o d ba?
charus.
[reply to this comment]
Saturday at 6:48 pm
para akong nagbasa ng mga sinaunang entries ko ah.
that’s why it’s called falling in love - it’s supposed to hurt in one way or another, at one time or the other.
para sa akin, mas masarap ang makaramdam na nasasaktan ka dahil yun lang ang tanging paraan para malaman mong tao ka pala. mahirap kapag wala ka nang naramdaman dahil manhid ka na. tandaan: hindi nagreregenerate ang mga neurons.
kaya habang okay pa sila, gamitin ng gamitin. masaktan na kung masasaktan
=D
naniniwala naman ako that there’s a rainbow after the rain (wag kang kumanta)… at katulad ng nasabi ko noon sa namayapa kong blog, if you’re even luckier, you might get even the pot of gold at the end of that rainbow too. =D
kaya xienah, tayo na, lakad na and let’s go look for that rainbow. samahan kita. ;-)
[reply to this comment]
Saturday at 8:19 pm
ito ba yung umiiyak ka, di mo mapigilan… namamaga ang mata? tsk, sabi ko sa iyo ate x, bumaligtad ka para matigil ang pagpatak ng luha.
di bale, dadating ang tama, yung di ka sasaktan, di ka paiiyakin. marami pang magkakandarapa sa isang dyosa. remember that.
[reply to this comment]
Sunday at 6:41 pm
naku..
keri mo yan.
u weren’t called dyosa for nothing.
may nakalaan para sa iyo.
bka na traffic lang.
hehe.
[reply to this comment]
Sunday at 8:10 pm
at bat ka naman natatawa? haha. oo nga pala joke nga pala yun. tatawa na din ako. hahaha
[reply to this comment]
Monday at 9:32 am
xG. ayos ang sulat mo sa sarili mo. at nadurgo mo na ang buhay pagibig mo sa mga sinabi mo.
mahirap talagang lutasin ang problemang pag-ibig. alam ko kasi alam ko?! :)
ang sakit. kasi masakit. at kapag masakit, masakit talaga, ouch :(
[reply to this comment]
Monday at 10:00 am
may point nga yang sinabi mo pero ayoko lang dagdagan pa sama ng loob mo..at alam mo naman sigurong kahit kelan hindi ko sasadyain yun. hindi mo pa alam? basta ganun yun.
[reply to this comment]
Monday at 2:17 pm
nakakamiss to the max ang magbasa ng mga blogs mo.. hehehe.. buti na lang at im back to life ulit..
ako, sawa nang mag-analyze ng mga bagay tungkol sa love..
naghihintay na lang ako ngayon..
tapos di na ako nag-iisip basta’s happy ako..
buhay gaga..
hehehe.. at least masaya at exciting..
bwahahah!!!
enjoy lang tayo!!
mwah!
[reply to this comment]
Monday at 8:48 pm
haha. hindi atah un kabaklaan kundi ka itchusan.! Catch me i’m falling for you
[reply to this comment]
Monday at 10:08 pm
eto ba yung sinasabi mo sa chowking? hindi nga sineryoso mo yon? walang kwentang koment. wag ka na magreact.
[reply to this comment]
Tuesday at 3:41 pm
galing! di ka dapat number 2. number 1 ka dapat dun sa paligsahan.
tagos na tagos itong post mo. kaya lang masakit, masakit sa mata sa mga katulad kong nauubusan na ng petsa sa kalendaryo.
akala mo lang hindi. pero oo, oo — nababawasan din ang pagmamahal. pasasaan pa at makakalimutan mo rin yung lowlife-sonabitch-imbecile-godknowswhatelse na yun. teka, ano nga ba ginawa nya sau?
idol na rin kita.
[reply to this comment]
Wednesday at 1:30 pm
basta kung kwentong love life?
ewan….
pwede bang sex life na lang ang pag usapan?
dyuk lang. =)
Smile- God loves you!
[reply to this comment]
Thursday at 9:09 am
isang praan pra madaling maka-move on ay ang tanggapin sa sarili mo na naging bobo ka pra lng sa taong un. mahirap un pro nagawa mo un xG :) . at naishare pa sa amin hehe.
ok rin na naisulat mo pakiramdam mo kc pagdating ng araw, pg mababasa mo ang entry na ito ay matatawa ka na lng sa lahat ng sinulat mo. at marerealize mo that u have move on (waah seryoso, nakarelate kc ata).
[reply to this comment]
Thursday at 1:43 pm
hmmn..wak n u emote xota lng yan eh hakhakhak! ilang taon u n ba?..alm u gusto q ng mgkaate hahahaha!!
[reply to this comment]
Thursday at 2:02 pm
vote na ung mga hindi pa nagvovote.weehehe..
makiraan uli dito..
[reply to this comment]
Thursday at 5:40 pm
aba dear xienah.. i dir friend mo na yan… hahaha
[reply to this comment]
Friday at 10:49 am
Hi dyosabeh, kamusta ka na? Tapos ka nang magdamdam? Buti naman, kaya nga ngayon ako nagkomento para kahit papaano masaya ka na. Oh diba? Tawanan na lang ang mga bagay na to. Wala namang namatay eh! Ay meron pala, ang damdaming masidhing naghahangad ng init ng pagmamahal.
O siya siya, move on na.
[reply to this comment]
Wednesday at 2:34 am
uu gwapo xa(kuya q eh)..35 yrs.old n xa pero mukha xa 25 (grabe ang build up) heheh..w8 pagagawain q xa ng fs hahaha!!
[reply to this comment]
Wednesday at 1:43 pm
ei xa n lng ang natitira sa magandang lahi namin(kidlat)..anu po fs u hehehe!!!
[reply to this comment]
Thursday at 1:23 pm
wahhh parehong pareho tayo ng pinag dadaanan ngayon… :(
sana ay malampasan natin ito.. :)
[reply to this comment]