panhakad
Posted on July 4th, 2008 in Sangkablogosperyuhan, xGMonologues
isang hingahan:
sasobrangdamikonggustongsabihinhindikoalamkungsaangparteakomagsisimula.
madaldal ako at alam nating lahat yan. kukurap pa lang kayo, matutuyo na ang lalamunan ko. yung mga daliri ng kamay ko nabubulol na at atat na atat pumilantik sa keyboard, daig pa ang pwet ng kung ano mang lahi ng manok na nagtatae. kung gaano kabilis ang pasok ng ideya sa utak ko, ganun din kabilis mawala–nalilimutan ko agad. shet talaga.
sobrang saya–hindi ko maipaliwanag yung pakiramdam. gusto ko nga magamok gamit ang elepante at durugin ang lahat ng nilalang na susubok na maging killjoy. ang mga taong malalaman kong kokontra, papasabugin ko yung baga. walang tamang salita ang maaaring gamitin para maipahayag kung ano ang nararanasan ko ngayon. kung may salita man na angkop para sa kalagayan ko, malamang hindi ko rin magagamit dahil gusto kong ikulong sa puso ko ang masayang pakiramdam na maaring tumakas oras na banggitin ang nasabing grupo ng mga letra.
im so gay, noh?
hindi na kasi ako katulad ng dati na humihithit ng sinunog gulong. suplada na ako ngayon. lumelebel ap na ako. hindi na rin ako nagtutubog ng naptalina sa tubig para iturok sa ugat ko. hindi ko na rin sinisinghot ang betsin, hindi kasi ako hiyang sa umami seasoning. pakiramdam ko lasang ulam yung kulangot ko. wala na, oldskool na yun. luma. lipas. laos. gusto ko healthy ako, tayong lahat kaya napagpasyahan ko na pakuluan ang pandan at singhutin ang ang usok nito.
biro lang.
ang totoo nalaman kong may itinagong pandan extract sa refrigerator. ayun, tinungga ko. ang pangit naman kung kukutsarahin ko pa, lalo naman kung iistrohin ko. nakakatamad magpakulo ng tubig, aksaya sa gasul. bakit ko pa pahihirapan ang sarili ko? kaya nga ako nilalang na mas matalino sa unggoy dahil sa simpleng dahilan na maganda ako.
walang saysay. alam ko sasabihin niyo walang kwenta ang lathala na ito. kelan nga ba nagkakaroon ng katuturan ang blog? mahalaga ito para sa akin–ang eksaktong oras na binabasa niyo ito. dito niyo malalaman na mas importante ang emosyon na ipinararting ko kaysa sa mga salita na sinasabi ko. masaya kayo dahil masaya ako na masaya ako. sa sobrang ligayang nararamdaman ko, kaya ko gumawa ng 5 entry sa isang araw. weh, mali pala, 5 kabuhayan entry sa isang araw pala yun. mukhang pera ako, bakit ba? walang pakialamanan. kaya lang naisip ko na madami pa ang mas mahalagang gawin kesa maglathala tulad na lang ng manira ng tao, mangyurak ng dangal at manglait ng kapwa.
rak on.
sabi ko nga magblog na lang talaga ako. pinangaralan ako ng alamat ng blogosperyo dahil isang beses sa loob ng dalawang linggo lang daw ako maglabas ng entry. natawa naman ako, sabi ko: hahaha! potah. dumarating talaga yung kailangan ka maginarte–baka nakakalimutan niyo, karapatan ko yun bilang diyosa. requirement ang kalandian sa pagiging bathaluman ng blogosperyo.
backtoregularblogging.

July 4, 2008 at 1:59 am
ahaha. uu naman nga. karapatan un ng diyosa. bawal ang magreklamo.
bkt ka nga ba masaya?hmm. intriguing na eto.
July 4, 2008 at 7:22 am
eto ba ang epekto ng pandan extract?
back to regular blogging ibig sabihin twice a month ka na lang ulet magpopost?
July 4, 2008 at 9:33 am
at ipinakikilala….*drum roll*…
…
ang pagbabalik…
ng diyosa ng blogging…
xienahGirl !!! *applause*
tatry ko nga din ang pinakuluang pandan. pede din ba ang usok ng sinaing na may pandan?
ano bang magandang epekto nun? kung vanilla extract o kaya banana essence ang available sa ref, okey lang ba?
moth balls at naptalina ba ay iisa?
bakit ang dami kong tanong?
naeksahayted lang ako kasi evryday ko na yatang makikita na may bagong entri si xG.
backtoregularblogging :)
July 4, 2008 at 10:02 am
bakturegularblaging ka nanaman, mainam yan. Ikaw naman talaga ang tunay na tagapagligtas ng bored office personnel na tulad ko.
Pandan na pala ang nagpapatakbo ng blog na ito ngayon ah, mainam. At least may improvement ka, gusto ko nyan.
More power to you syempre, more gayness and more hirits.
Wow, I’m so like jolog with this comment!
July 4, 2008 at 11:46 am
welcome back. haha, as if naman na nawala ka.
ikaw pa! patay na lahat ng epal, ang mga naninira ng tao, ang mga mapangyurak ng dangal at mga malakas manglait ng kapwa eh sigurado akong buhay pa rin ang mga hirit mo, ang mga salita mo, at ang mga monologues mo.
nakatatak na yan sa bawat isipan ng tao. ipapasa sa mga mas nakakabata, hanggang sa maging isang alamat ang mga salita at katagang pinasikat ng nag-iisang dyosa ng blogosperyo.
ang pilit ginagaya, pilit tinutularan ngunit di mapantayan! ayan si xienah girl, isang huwarang blogger. at sigurado ako, ang tanging irereply nya lang sa comment kong ito ay walang iba kundi “wateber!”
July 4, 2008 at 12:43 pm
hehe, kaya nga kahit walang saysay o walang kwenta sabi mo ay binabasa ko pa rin entries mo. kc un gusto ko sau, espontenyus (tama ba spelling?). d mo iniisip kung may aral ka bang idinudulot, basta rak on lang! tutal naimbento nman ang blogging pra d mangaral kundi para ilabas ang emosyon (at kumita!). Go girl!
July 4, 2008 at 1:03 pm
“back to regular blogging ibig sabihin twice a month ka na lang ulet magpopost?”
wahaha.
wui, inlab?
July 4, 2008 at 3:42 pm
“mga huwalanghiyang bored opis personel. di marunong magkomento. puro basa lang.”
hoy! XG! dahan dahan ka sa pananalita mo ha!
nasasaktan ako.
hahaha.
July 4, 2008 at 7:18 pm
*clap*clap*clap*
at sana, wala ng password protected entry. :P
July 4, 2008 at 8:28 pm
ayos!!
XIENAH ang pagbabalik…
palakpakan.
masaya akong malaman na masaya ka..
APIR…
baliksadatinggawiangdiyosa.
yahu..yahOw.yehOw!
napacomment lang :D
July 4, 2008 at 8:33 pm
na-inspire ako.. na-inspire akong magpakulo ng pandan at hithitin ang usok nito.. :D
July 5, 2008 at 12:11 am
iwewelcome back pa ba kita? haha. eh lagi naman kitang nakakausap. hahaha. sige na nga. ayoko maging KJ dahil baka pasabugin mo ang baga ko. skeri.
Welcome back xienah.
Para sa kung anong dahilan? Hindi ko talaga alam. Nakiki-ride-ride lang ako sa wave. :P
July 5, 2008 at 2:18 am
walangjo katol lang ang tinitira ko dati, sinunog na gulong naman ang sayo.
kaya pala malakas ang hatak mo sa blag.
i will follow thy example, bathaluman.
incidentally, ang bathaluman ba e sa batcave nakatira?
July 5, 2008 at 3:17 pm
palakpakan..
mas mapapadalas ang pagbisita ko ngayon dito.
geh..mag blog ka lang ng mag blog.
rak on XG!
July 6, 2008 at 12:33 am
msarap ba ang pandan?lagyan mo nalang nlang ng dahon ng bayabas para amoy paa.syet…masaya ka soulmate?dahil ba…dahil ba….indi ko alam?
pohtek ang korni naman..kung ako nga kung indi lang ako nahihiya, mag bloblog ako 7 times a day, 10 days a week…syet.
cge na soulmate…Dyosa ka na….daig mo na si carmen electra.
July 6, 2008 at 1:44 pm
wow. ang panget tlgang singhutin ang betsin, mas maganda na siguro yung asukal. malay mo, maglasang sundot kulangot ang kulangot mo. :)) gawi ka sa blog ko. :)
July 6, 2008 at 3:27 pm
bb. xienah, mukhang epektib ang pandan ah?
hahaha.
hayaan mo susubukan ko yan 1 time.
iniintay ko pa rin ang ating short film ha. hehe
syempre ikaw ang starring, supporting lang ako=p
July 6, 2008 at 5:55 pm
matry nga ang pandan extract. nakakahigh yata. haha. :))
backtoregularblogging - siguro kailangan na nga. haha, masyado ka nasenti lately. :P
July 6, 2008 at 6:19 pm
uy naman. back to regular blogging.
at pandan extract? di ko pa na try yon.
sana nga walang password-protected na posts..
salamat ulit sa NCP na sinend mo.. hehehe.
July 6, 2008 at 7:15 pm
rak on katams. hehehehe
July 6, 2008 at 11:51 pm
parang di ka nawala. hehehe.
namiss na naman kita.
sabi na nga ba lab talaga kita e.
hehehe
July 7, 2008 at 12:59 am
go xG! you rock!!
July 7, 2008 at 9:35 am
ahh, may pag iinarte pa pala ang isang diyosa. Well, akala namin totohanan na talaga iyon. Sige mag hasik pa u ng lagim. hihi. i on mo na ang bato (in inglish ROCK ON!)
July 7, 2008 at 2:51 pm
Dito lang ako sa side-side, nagaapply habang nagjujumping-jack na lumulukso sa jumping rope. Blog ng blog bebeh! marami na akong backread pero hahabol ako, pangako. wehehehe…
July 7, 2008 at 6:50 pm
Gusto ko lang din sabihin na bukod sa blogging techniques mo, ang isa pang inaabangan ko dito eh yung mga reply mo sa comments.
Yun lang. Thanks. I know, I am welcome.
July 7, 2008 at 9:38 pm
nakalimutan ko yung ico-comment ko. kaya eto na lang.
rawr.
have a sexy day. hearts and kisses. =)
July 7, 2008 at 11:01 pm
nagcomment na ba ako sa post na ito? parang nagcomment na ako dito eh.
July 8, 2008 at 12:16 pm
eto dumaraan uli rito.. parang di kita nkita ngaung araw sa plurk.
July 8, 2008 at 12:56 pm
accept mo plurk ko. Nakikijoin. hehe
July 8, 2008 at 9:29 pm
hahaha. ang adik. :)) ay nako, buti ka pa nga may naiibblog pa. ako wala na. :|
nga pala, inadd kita sa plurk. :D