[un] edit. finish. publish.
Posted on July 1st, 2008 in Sangkablogosperyuhan, Teh Life, xGMonologues
kung pwede humiling, sana hindi na lang ako natuto magblog.
kung babalik ako sa nakaraan, pipiliin ko ang 2years ago. nakakatawa lang isipin dahil umiiyak ako habang sinusulat ko ang lathalang ito.
sabi nila kapag binigay mo ang puso mo sa isang bagay, mamahalin ka rin nito pabalik. malas nga lang kasi hindi lang puso ko ang binigay ko–pati lungs, kidney liver kahit nga spleen tinodo ko na. karir kung karir. chiksilog ang naging buhay ko sa loob ng isang taon. umaabot na nga ako sa punto kung saan nagkakasakit na ako. hindi na ako makatulog. hindi ako makakain ng tama sa oras. napapabayaan ko na ang sarili ko. inilagay ko ang buong pagkatao ko dito sa blog na ito. banal ang lahat ng detalye na makikita ninyo sa bawat pahina. sagrado ang mga emosyon na ipinararating ko sa mga nagbabasa. hindi naman ako nabigo, hindi niyo ako binigo.
di ako makapagtype ng maayos. malabo yung mata ko. yung mga putanginang luha kasi nakaharang sa mata ko.
in hell. ex hell.
ayaw ko sabihin na hiatus ako pero mukhang ganun na nga ang lumalabas. alam ko wala akong dahilan para tumigil sa blogging pero ang mas nakakalungkot: wala na rin akong dahilan para magpatuloy sa paglalathala.
sabi ko kasi kapag may nakakita na sa akin sa personal at kapag may nakakita na sa picture ko, hihinto na ako sa pagblog. siyempre emo lang ako noon kaya ko nasabi yun. umaarte lang, ganun. ang totoo, mas emo ako ngayon. marami na rin akong nagawa sa loob ng 2taon. nanalo na ako sa mga pakontes, napabilang na ako sa PLLP. nakita ko na yung mga ibang bloggers sa personal, kumita na rin ako sa pamamagitan ng kabuhayan blog, nabili ko na yung mga gusto kong gamit. may nakaaway na rin ako at mukhang magiging ganap ang kanyang galak dahil sa wakas, lulubayan ko na siya.
wala na akong mahihiling pa.
higit sa lahat: may mga naging kaibigan ako. wala naman talaga sa plano ko ang makipagprenster sa mga bloggers. ang gusto ko lang, blogging. tuldok. kaso hindi pala talaga maiiwasan. ito ang parte ng blogging na mahirap talikuran. hindi ko sila itinuring as online buddies kundi bilang mga totoong kaibigan.
saglit kailangan ko muna ulit umiyak. sandali.
ok. game na ulit.
huwag kayong magalala, hindi ako kawalan sa blogosperyo. hindi niyo mapapansin na wala na ako. bitter sweet. sabi nila, bitter daw pero ang totoo mas madami pa ang matatamis na alala. daig ko pa ang nanalo ng best perfomance in a non performing role, ganun yung pakiramdam.
tanginang moonstar88 ito, bakit ko pa kasi pinatugtog. naiiyak na naman tuloy ako.
kailangan ko lang ulit masabik maglathala. kung darating man ang pagkakataon na yun, sana nandiyan pa rin kayo–patuloy na nakaantabay. hindi kasi talaga ako tinuruan kung paano ang tamang pagwawakas. seryoso, mas nagaalala pa ako na baka sa pagbabalik ko hindi niyo ako pansinin. hindi ko talaga kakayanin kapag nangyari yun.
kung ano man ang magiging kapalaran ng chiksilog sa mga susunod na araw, sa mga susunod na linggo, sa mga susunod na buwan–matutunan sana natin na tanggapin iyon ng maluwag sa kalooban natin.
**mabuti na lang hindi ito totoo. bwahahaha.

July 1, 2008 at 4:12 pm
kumusta naman at moonstar88 ang pinakikinggan ko, Panalangin.ahaha. EMO rin ang backgroundmusic. basta x, salamat at minahal mo blogging.
July 1, 2008 at 4:19 pm
awe…
nakakalungkot…
**mabuti na lang hindi ito totoo.
hahaha…
dahil parang mababawasan na ako ng libangan…
wag naman sana…
sana.sana.sana.
magkainsperasyon na si XIENAH. hahaha :)
July 1, 2008 at 4:21 pm
bakit ganun?! kung kelan ako’y nagsisimula pa lamang dami naman ang umaalis. Ganun ba talaga pag kalaunan? lahat ng gusto mo itatakwil mo? bka ako din sooner or later. sayang naman.!
July 1, 2008 at 4:41 pm
nakakaiyak, tuloy luha ko kasama sipon pati luga ko.
dinaig pa ang sulat sa magpakialnman ni mike enriquez at maalaala mo kaya ni ted failon. huhuhu.
di ko mabasa yung letra ng kumento ko, putang ina kasing mga luha to, epal. :(
July 1, 2008 at 4:43 pm
hala. kala ko totoo xG. :)
sana magkawork ka na xG :) para mafocus yung sarili mo sa ibang gawain. nakaksawa din kasi ang paulet ulet na gawain sa araw araw(opinyon ko, si M din sumangayon jan, kaya patay na ang plurk).
sana SOON.
July 1, 2008 at 5:26 pm
baliw ka xienah. haha. kailangan mo na ba ng psychiatric referral? hahaha. marami akong kilala. mga psych na psychiatrists. lol.
July 1, 2008 at 6:00 pm
SHIT!
noong binabasa ko to, nag-iisip na ako ng icocomment ko. Nung nabasa ko yung hiatus, sabi ko, hindi ito pwede. Nawindang ako nung nabasa kong aalis ka na. POTEK, hindi ito pwede, di ko pa nakikita si ate x - mga sinabi ko sa sarili ko.
BUTI NA LANG ECHOS LANG ANG LAHAT! :P
July 1, 2008 at 7:53 pm
tangina malapit ng tumulo ang luha ko ng mabasa ko **mabuti na lang hindi ito totoo. bwahahaha.
taena! hahaha..
mahal ka namin xienah.. mahal namin ang dyosa.. Alam kong isa ka sa mga taong dadalaw sa burol ko pag namatay ako kase isa ka sa pinakamabuting kaibigan na nakilala ko. at maswerte ako dahil dun.. Basta kung may kailangan ka.. nandito lang lage kame nina mariano. mga minions mo.. saka bago pa kame nagkajowa ikaw na ang number 1 sa heart namin.. :D
ingat xienah!
July 1, 2008 at 7:54 pm
at bakit nakabold lahat ng comment ko? tsktsktsk.. nakalimutan ko na naman iclose.. tsktsktsk
July 1, 2008 at 8:27 pm
toink! hanep sa punchline.
July 1, 2008 at 8:29 pm
hala!
na e-emote na ako eh..andun na eh!
naiisip ko na ung sasabihin ko na ..
ms.xg..mamimiss ko ang blog mo.
na sana makabalik ka uli.
na isa kang kawalan sa mundo ng blogging.
na sana okay ka lang..kasi mamumugto ang mata mo sa pag iyak..balita ko pa naman kamukha mo daw si cass ponti..
tapos may hirit na joke lang..
takte..!
napa “pucha naman” ako,haha!
so aun..buti na lang hindi pala totoo to.
iba ka tlga..baw ako sau.
July 1, 2008 at 11:02 pm
*rolling eyeballs.
hahahaha. puro emo ka na ba talaga? sus ka. hahaha
July 2, 2008 at 12:00 am
Anak ng putakte. Napaluha na ako sa sinasabi mo, tapos, ang ganda ng ending.
July 2, 2008 at 9:09 am
Wow naman, joke joke lang ba to? Sus, umiiyak nanaman.
Siguro dapat mo na munang unahin ang mga lalake kaysa sa chiksilog. Mukhang dinudumog ka ata ngayon ng atensyon mula sa iyong kalinks na mga dudes, haha.
Nagrereturn of the comeback pa nga yung iba diba.
Heniwie, kung aalis ka naman eh ayos lang basta siguraduhin mong babae ka pa pagbalik mo at kung babae ka pa din naman, sana hindi ka pa buntis, ahaha.
July 2, 2008 at 10:39 am
waaaa. buti naman kung ganun, nakakalungkot kasi kung ang blog na ito ay mawawala nalang bigla, it means so much sa mga readers na ang blog na ito. (kasali ako) kwela basahin. Link na kita hehe. sana ok lang
July 2, 2008 at 1:24 pm
asus, mabuti na lng hindi totoo…feeling senti rin ako sa pagbabasa, nalungkot sa pamamaalam at pilit na umiintindi…
bwahahaha, buti na lng hindi totoo!
July 2, 2008 at 1:51 pm
you quit blogging and they win.
stick around and stick the finger about their faces by living well.
seeing you very happy will incense them all the more.
everyone wins.
July 3, 2008 at 8:59 am
Napadaan.
EWAN KO SAYO ANG LABO MO. :d
July 3, 2008 at 12:49 pm
kalurkey ka. shet helfff.
buti nalang talaga hindi totoo. wuhahahahaha.
at bakit may moonstar88 hehehehe
migraine? ahekz
July 3, 2008 at 2:48 pm
sus napeke ako run ah buti na lang hindi totoo…para mo na rin sinabing nagpatalo ka sa kanila kung susuko mo na lang ang blogging mo…alam ko naman na masaya ka sa pagsusulat.
oist kelan ba yung release date ng video mo? haha!
July 3, 2008 at 3:44 pm
astig ka talaga xienagirl!
July 3, 2008 at 4:10 pm
i never towted you felted that way. (mapagmahal lang talaga ako sa “ed”, paborito ko silang letters sa alpabeto. heehhee)
kala ko true to life na, buti na lang hindi. wag ka munang mag-emo sa kawalan ng malalathala, eto nga’t nakapaglathala ka ng tulong sa kawalan ng malalathala. (hinga.)
July 3, 2008 at 5:43 pm
adik ka xG. tutulo na sana luha ko bago ko mabasa last line. nadala ako dun ah. naramdaman ko ang emosyon. binalot ako ng takot na baka tuluyan mo na kaming iwan. LOL. buti na lang isa lang tong biro. haha.
July 3, 2008 at 6:14 pm
Ayan, mabuti nga at hindi ito totoo kasi tignan mo ba naman itong mga taong ito? Sila ba ang gusto mong iwan? Di naman siguro, hehe. Mahal ka ng mga yan. Ako? Oo siyempre, labs din kita kahit sabog ako lagi sayo.
Pag nagtrabaho ka, mas marami ka pang mase-share.
July 3, 2008 at 7:23 pm
ate xG ‘wag ka naman magbiro ng ganon… tinakot mo ko… seryos… akala ko mawawala ka na sa blogosphere…
July 3, 2008 at 7:34 pm
namiss kita ate x. totoo yun. namiss kita talaga. pati yung iba. :(
sana nga hindi totoo yun. garabe, baka HIATUS II ang mangyare. :P
July 3, 2008 at 8:10 pm
tatlong araw na ang nakalipas pero naiiyak pa rin ako. wahuhuhuhu.
ahahaha. OA na. boo to myself talaga. BOO!
=)
July 3, 2008 at 8:16 pm
naku hiatus lang yan… dapat bumalik ka.. sayang ang link ko sa blog ko isa ka kasi sa daily reads ko eh.. medyo matagal nga ang pagbalik mo tapos aalis ka naman…
*** kung totoo un..
bigyan nlang kita ng hugs…..(diko alam pano ung shortcut ng hugs eh) oh well kunwari niyakap na kita..
July 3, 2008 at 8:17 pm
akala ko naman totoo. mejo nacarried away ako nung una..
ta pala hindi totoo. buti nalang talaga hindi totoo.
July 3, 2008 at 9:51 pm
hay nku xg..
kapag nawala ka…
di na buo ang mundo ng blogging.
toinks!
super emote tayo ngayon ah?
salamat sa bulaklak,hehe mag basa lang ako ng mga post mo tatawa na ko.
buti na lang at joke lang to nu..
mag wewelga ang mga blogger kapag nawala ka. toinks! ;p
aja! aja!
July 3, 2008 at 11:19 pm
rawr.
akala ko totoo, nalungkot naman ako.
xG di ka pwedeng mawala sa blogosphere ng hindi pa kita nakikita. heheh! chaka isa ito sa mga binabasa ko palagi. madaming nakalagay sa links ko pero konti lang talaga ang binabasa ko. hehehe! pag nawala ka mawawalan ako ng isang babasahin. sinong ipapalit ko?
at hindi ka pa pwede mawala sa blogosphere kasi pag nangyari yun, pano mo makikita ang pagbagsak ni inday?
jan ka lang, wag kang aalis ah. hihihi!
hearts and kisses.
have a sexy day, xG.
July 3, 2008 at 11:28 pm
BAKIT NAWALA ANG COMMENT KO? O MY GULAY/
di ka pede mawala kasi lab ka namin. lab kita. alam mo ba natotomboy na ako sayo. napakaswerte ko kasi nakita na kita. isa kang dyosa! weeee
July 3, 2008 at 11:47 pm
aba..aba..akala ko mawawala ka na soulmate..laking tuwa ni inday kung mawawala ka..ahehe…nagbabalik na din ako galing sa putikan..tuloy ang buhay soulmate..walang u-turn u-turn…
hay…laking kawalan ka soulmate sa ating munting munting industriya…
wag mong sabihin saken, mag aaply ka na din sa batibot, teen series.
July 4, 2008 at 12:25 am
hmmm. . . nayun ko lan nabasa.
haha, hindi pa naman kumurap ang mata ko sa pagbabasa. ayun, at ang ending *kabooom!* ahaha, hmmm. . .
mahirap talagang iwan ang blogging, ilang bloggers na din ang nagdrama ng pagiwan ng mga blogsites nila, pero bago pa man pamugaran ng agiw ni spidey,ayun, may update nanaman.
di ba? hmmm, honga naman, dami din nagaabang ng mga isusulat mo. pa-apir!
flyfly!