walang urbanidad

english professor: ssup up hommies? i got yo motherfuckin’ pre-test examination in my hands.

seatmate: the feeling of taking that shit was horrible. i was about to circle the drain when i answered that crazy paper.

xienahgirl: im an academic chicken so i know i will just shake it off. woots for me for being one big smerk.

english professor: this is pretty much a putty exam. for the first time in my fucked up life of teaching–being skangkified, i will be singing my shout out to the only one who shined like a star.

seatmate: quit clowning around, i know the bitch who might have actually aced the test.

xienahgirl: pimping much? that geekaloid is going down for being over the top.

english professor: yo asswipers, come over here and roll these papers to their respective owners.

seatmate: hush, babydoll–quit chirping about moar Mcnasty things.

xienahgirl: that whore must have had some zippy mental intercourses ages ago.

seatmate: one quick diva snap for you gabwanaha tramp. oh here is my test result: epic fail.

xienahgirl: oh! i thought that was your middle name? the world will be a happier place if one lame brained fucktard will evaporate.

seatmate: i die nao.

xienahgirl: i will dust off whoever that smartie artie is. imma blow off his neck and make it his own head.

seatmate: chillax! hulking out will do you no good. you are such a gaybob.

xienahgirl: wait. where is my paper, you freak? dont tell me, youre in it for this shituation?

seatmate: it must have bounced into some other earth.

xienahgirl: shaddap baloney. stop the zithels, just show me the deal!

seatmate: why dont you ask the insanezilla professor in front?

xienahgirl: yo! crazzyyy braidee, do i need to holler at you for me to know where exactly my god damn exam paper is?

english professor: why dont you shnizzle your gigantomongous ass over here you funkalicious biatch.

xienahgirl: you, talking to me boo?

english professor: hell yeah! you were the one who nailed the examination-oh-oh.

xienahgirl: absoeffinglutely fantascinating!

english professor: zackly! right back at you, whore.

seatmate: OMFG, you are such a nerdie dot com but its all good. your face is so shappy.

xienahgirl: flame on! its tough love and i deserve some xoxo.




bitukang halang

xG: weh, nagpaload ka.
vEx: tanga, bumili lang ako ng pagkain.
ano yan? pahingi naman.
ayoko nga, nagugutom ako.
eto naman. isang piraso lang.
ano ba! nagugutom nga ako.
bumili ka rin ng iced tea? magtitimpla na lang ako.
ano ba? kalahating kutsara lang yan ah.
sige na, pahingi ng toasted bread.
ayoko nga.
bakit ba ang damot mo?
isa! ano ba?
isang piraso lang.
ayoko nga

*sabay sampal ngudngod at lamutak ni xG ng isang plastik ng toasted bread sa mukha ni vEx*

linisin mo yan
bakit ako maglilinis niyan? ikaw nagkalat niyan.
kanino bang toasted bread yan?
sino nga nagkalat niyan?
ayaw mo linisin?
ayoko nga.
ganun ah?

*kinuha ni xG ang mga pirapiraso ng nagkalat na toasted bread. isinaboy kay vEx at sa kama niya*

alam mo, matagal na ako nagtitimpi sa iyo.
kala mo di ako lalaban?

*insert away kalye here: sakalan, kagatan, suntukan, kalmutan, sabunutan*

sige ah
subukan mo ako, wawasakin ko talaga itong phone mo.
mama: ano nangyayari dito?
bakit di mo itanong diyan kay vEx?

ano sumagot ka?
….
sabihin mo kay mama kung ano nangyari?

*pumasok sa kwarto si vEx, tinanggal yung saksakan ng desktop–gawain ng supot.*

xG = 100points; vEx = -70points

katatapos lang nito mangyari–isinusulat ko ito ilang minuto matapos kami muntik na magpatayan ni vEx para sa isang piraso ng toasted bread.

ayaw ninyong makikita ang pagkakataon na hindi nasusunod ang gusto ko. ito ang sinasabi kong hindi talaga ako dapat ginugutom dahil nagdidilim ang paningin, tinutubuan ng sungay at nagkukulay amag ang balat ko. wala akong sinasantong laki ng katawan–pinapatulan ko yan kahit maliit at payat ako, basta tinawag na ako ng bathala ng kagutuman. malas lang ni vEx–nanununtok ako ng lalake, lalo na kung wala sa hulog.

hindi ko alam kung sino yung may kasalanan, pareho yata kami. si vEx na madamot, ako na hindi nakapagtimpi at ang toasted bread na madaling madurog. nagkasakitan kami–pisikalan: bangasan ng baga, wasakan ng bungo. kawawang toasted bread, napulbos. parang eksena na kuha mula sa isang laos na pelikula na hindi inere sa mga sinehan at hinayaan na lang na mabulok sa bodega. ngayon masakit pa yung leeg ko dahil sa pagkakasakal sa akin ni vEx. nagiba nga yung boses ko, hinahabol ko ang hininga ko habang nagsasalita. inaamin ko naman na maldita talaga ako. hindi ako umaatras kung away kalye ang labanan sa simpleng dahilan na jologs ako at lalo na kung si vEx ang kasapakan ko. nakakairita lang kasi pinagpapaliwanag ko si vEx sa harapan ng nanay ko sa kung sino ba talaga ang kumanti kanino pero hindi siya nagsalita.

mayabang ako. maangas ako. i rule. teka, malaking kalokohan–pareho kaming talo.

ano nga ba ang mas matimbang? hindi natin alam kung ano ang papanigan dahil may manipis na linya sa pagitan ng kalam ng tiyan at tinig ng konsensiya. ang kawalan ng laman ng sikmura ang nagiging pangunahing sanhi kaya natatabunan ng hangin ang prinsipyo na matagal mong pinakatatago, dahilan kung bakit madami ang gumagawa ng hindi katanggap tanggap sa lipunan. nagiging malabo ang paghuhusga ng utak–rason sa pagkalito kaya madami ang gumagawa ng masama sa kapwa.

ang mga ganid, umaapaw mula sa kanilang mga katawan ang sobrang pagpapahalaga sa sarili at nagsisilbing balakid ito para pumipigil na makaramdam sa pangangailangan ng iba. ikinukulong nila ang sarili sa mga bagay na inaakala nilang makapagdudulot ng kaligayahan. ang totoo, malaki ang espasyo na kailangan punan sa kanilang mga pagkatao na unti unting nilalamon ng makamundong luho–espasyo na magkakaroon lang ng laman kung matututong magbigay ng lubos at buong puso sa kapwa.

ayaw ko man sabihin ito pero kailangan: halang ang bituka ko. wala na ako ngayong pinagkaiba sa mga taong salot na kinamumuhian ng bayan. nakakahiya. huwag niyo akong tularan, hindi magandang halimbawa ang naipakita ko sa inyo.

Pahabol Sulat:
magingat kayo dahil nagugutom pa rin ako hanggang ngayon.




faceplugs

may mga taong binabayagan binabagayan yan, oo tama–yung tao ang dapat babagay sa earphones.

kaya nga nagsusuot ng earphones, para hindi makaabala ang pinakikinggan mong nakakahiyang kanta sa ibang tao. ito atin atin lang–naabala talaga ako sa pagmumukha ng mga taong nakasuot ng earphones. ang nangyayari kasi ngayon ginagawang fashion statement ang headphones. kala mo cool ka? ulol you. bakit? may problema ka sa pamilya mo? sabihin mo, gagawan natin ng paraan.

napansin ko busy siya: nakapasak sa tenga ang earphones pero hindi naman nakakita ng oras para isaksak ang dulo ng cord nito sa audio player. ang nakakamangha pa, sa sobrang hectic ng schedule–hindi nakabili ng audio player para sa earphone. may earphone walang audio player, astegs. ano yun, imaginary music? astegs times two. huwag tayong papaloko sa mga yan dahil hindi lahat ng nakaearphones may audio player.

may isa pang katarantaduhan silang ginagawa–yung isa lang ang nakasuot na earphone sa tenga. style ba yun? kalokohan ng mga tao talaga.

tuparin natin ang pangarap ng mga maralitang dukha, ano nga ba naman yung makapagearphones lang diba? pagbigyan na natin dahil anak rin naman sila ng mga nanay nila. pwede magrekwes? konti lang. sana sa susunod huwag na sila magabala na bumili ng headset, yung may microphone para lang makinig ng kanta. sasabihin niyo: walang basagan ng trip. kung bungo niyo kaya ang basagin ko? fun yun. ipaliwanag ninyo sa akin dahil hindi ko maintindihan kung anong ligaya ang naidudulot ng pagsusuot ng headset na may microphone habang nakikinig at naglalakad sa kung saan mang kalye. pausong bulok. huwag na kayong mahiya. aminin na kasi na hindi kayo nakapaglinis ng tenga at ayaw ninyo na may makakita na may lugang tumutulo kaya kayo nagsuot ng earphones. pakatotoo lang tayong lahat.

mas mahal ko ng sobra ang tenga ko kaysa kahit ano pang magandang musika na nalikha. bakit kadalasan nakatodomaks ang volume ng audio player? kailangan ba talaga malaman ng buong sangkapuluan na si sarah geronimo ang pinakikinggan mo? hindi problema si sarah geronimo kundi ang nasa pagitan ng magkabilang earphones mo. oo, paking teyp–yung kokote mo tinutukoy ko, kung meron ka nga nun. ang lakas ng pagpapatugtog mo, naririnig naming lahat. fix your life nga.

isa pang kinaiinisan ko ay yung mga taong nakasuot ng headphones at nakikinig ng kanta samantalang nasa isang lugar na nga sila na may pinapatugtog na. teka. parang di ko nagets yung sinabi ko. repeating redundant. basta, ang aksaya sa kuryente. mga leche kayo. maitanong nga kung ano ang paborito niyang puno at irerekomenda ko na iyon ang gawin na kabaong para sa nalalapit niyang pagkamatay.

naiirita talaga ako sa mga tao na nakaearphones, ang sarap nila pagisahin ng loam soil–ay, parang mas magiging masaya kung pagiisahin ko ang taong nakaearphones at ang cement.

ito na nga yata ang pinakamababaw na dahilan kung bakit ako iritable sa mga taong naka suot ng earphones. meron nito sa lahat ng klasrum: mayabang na kaklase. palagi siyang naka suot ng earphones. nagkataon na pinaguusapan namin siya ng mga tropa ko–alam niyo na, yung mga yurakan sessions kung saan karaniwan na ang panglalait sa kapwa nilalang. inaamin ko na matindi talaga sila manglibak ng pagkatao at ang biktima noon ay si mayabang na kaklase. hindi namin napansin na nasa likuran namin siya at nakaearphones. hula ko wala talaga siyang pinakikinggang kanta kundi ang mga tsismisan lang namin na tungkol sa kanya.

bingo kami. pahiya konti bukas bawi. kaso malas, ang dami ng nagdaan na bukas di pa rin kami nakakabawi. teh fuck. kaya dito na lang siguro sa entry na ito ako hihingi ng katarungan, lucky bastard–nabanggit ka pa dito.

isa itong kaso ng irrational hatred, walang tamang dahilan kung bakit ako nakakaramdam ng inis–basta alam ko sa sarili ko na asar lang ako. marami lang talaga akong isyu pagdating sa mga taong nakasuot ng earphones. alam ko madami sa inyo matatamaan dito pero huwag kayong magalala dahil hanggat hindi ko kayo nakikitang nakaearphones–bati pa rin tayo.




« Previous Entries