[offtopic]
patawarin niyo ako kung hindi ako napasama sa candy blog awards. sinubukan ko talaga na makapasok sa kategoryang best boy blog pero napansin yata ng mga hurado na babaeng bakla ako kaya hindi ako pinayagan. sa palagay ko naman, karapatdapat ang mga nakabilang na mga nominado para sa patimpalak na iyon. siyempre sinasabi ko lang yan para di ako nagmumukhang nagmamapakla pero ang totoo, medyo nalulungkot ako dahil yung pangarap ko na magkaroon ng sariling lappie ay bigla na lang gumuho sa aking harapan. kung gusto niyo na kahit papaano ay sumaya ako, iboto niyo na lang sa [candyblog awards voting site] sina gyk ng [stereo-love] para sa kategorya na best blog design o di kaya naman ay best overall blog at si bulitas ng [show dont tell] para sa best use of photography.
[/offtopic]
nalimutan ko na yata ang paraan ko sa pagblog–ang mas malala, hindi na yata ako marunong magblog.
gulat kayo ano? kala niyo naliligaw kayo ano? pareho lang tayo. alam ko pamilyar para sa ilan sa inyo ang bagong lumang layout ng datkom. sinabi ko noon na ito talaga ang pinakapaborito ko sa lahat ng mga naging themes ko. kaya naman ginawa ko ang lahat ng makakaya ng kagandahan ko, sampu ng ilang flinstones vitamins, para lang mailipat ang codes mula sa blogger patungo sa wordpress. pasensiya na kayo, henyo lang talaga ako kung tutuusin dahil binuno ko ito ng hindi hihigit sa tatlong oras. ok payn nagbibiro lang ako, dalawang oras at kalahati lang talaga. hindi maganda ang kinalalabasan ng datkom sa internet explorer kaya dumating na ang sagot sa kahirapan ng pilipinas–pwede kayong kumuha ng nagtataray na firefox para naman mas makita ninyo ng maigi ang theme na ito. kung tatanungin niyo kung pwede sa safari hindi ko alam. sa firefox na lang tayo para masaya. come, lets join us.
sinusubukan ko talaga na makuha ang bawat detalye ng lumang theme ko sa aking blogspot, pero may mga bagay na hindi na talaga maibabalik kagaya ng dati. kahit ano pa ang gawin ko, meron at meron pa rin talagang nagbabago–gusto man natin o hindi, kailangan na lang natin tanggapin ang mga bagay na iniba ng panahon. pinilit ko na ibalik ako sa dati kong sarili pero mukhang di ko na magagawa iyon, marami na ang nangyari. kailangan lang talaga mangyari ng mga bagay. masakit, mahirap pero kailangan tanggapin. kaya matapos ang ilang mga hindi matatawarang kaganapan at dahil sa awa ng mga bathaluman ng kalangitan, nahimasmasan na rin ako.
when im good, im very good, but when im bad–im better.
isa sa mga pinakaayaw ko ay ang ang pinapakealaman ang mga bagay na ginagawa ko. mukha lang akong nagmamarunong minsan pero marunong talaga ako, di ko lang pinapahalata. giyera patani, malamang na maghalo ang balat sa tinalupan. babangon ako at dudurugin kita dahil hindi natutulog ang balita. just for play, magdusa ka. ang totoo, hinahabaan ko lang ang pasensiya ko pero hindi talaga maiiwasan na meron at meron talagang mga tao na sadyang ipinanganak para ubusin ang natitira kong lakas para magpatay malisya.
ang hirap magisip. hindi madaling paganahin ang utak para magkaroon ng mga bagong konsepto na pwedeng ilagay dito sa blog ko. mahirap magmukhang henyo sa internet pero ginagawa ko ang lahat ng makakaya ko para mapaganda ang datkom.
merong isang litong kaluluwa ang nagakala na ang pagredirect ng http://chiksilog.com/blogsikret sa http://chiksilogblogsikret.tk ay nakakatuwa. naiinis ako, ay mali pala–galit ako sa ginawa niya. naiirita ako sa kabastusan na ginawa niya dahil pakiramdam ko, nanakawan ako ng bonggang bongga. nagpadala ako ng email sa dot tk tungkol sa kalokohang ito at sinabi ng management nila na ang kawalanghiyaang ito ay isang kaso ng [copyright infringement]. nanikip yung dibdib ko at hindi ako makahinga dahil ang bigat ng mga salitang nabanggit. english kasi, limitado lang sa 50 english words per day ang kaya ng brains ko kaya hindi ko nakayanan. pinanghinaan ako ng loob at nawalan ako ng gana magblog. ito ba ang isusukli sa akin ng mundo ng blogging kung saan binigay ko ang lahat? ganito niyo ba itrato ang tao na nagpapasaya sa inyo? ito ba ang paraan ninyo ng pasasalamat sa akin? bakit ang dami kong tanong? bakit hindi niyo ako masagot?
nakakadismaya.
kung marunong kayong manarantado, mas magaling ako manarantado. huwag niyong hingin ang hindi niyo kayang tanggapin. hindi niyo gugustuhin na banggain ako at makita ako kung paano magalit. magiliw ako sa lahat at ayokong mainis pero kung magpapatuloy ang ganito, mukhang makakatikim kayo kung paano ako kapag nairita ako. kaya kung sino ka man na gumawa nitong kawalang kwentahan na ito, handa akong makinig sa paliwanag mo. ang bait ko pa nga kung tutuusin dahil binibigyan kita ng pagkakataon na iere ang lahat ng maiisip mo na pwedeng maidadahilan mo.
heto nga pala ang email address ko, nakakahiya naman baka tamarin ka pa hanapin. xienahgirl@yahoo.com
iadd mo na rin ako sa plurk para tumaas naman karma points ko.
http://plurk.com/user/xienahgirl
para naman hindi ka na maabala, pwede na rin sa yahoo messenger.
Y!M: xienahgirl
huwag mo ng antayin na ako pa ang maghanap sa iyo. kung ako ikaw–malamang di ko gagawin yun sa sarili ko. teka, ang gulo. basta magkusa ka na lang na umamin para sa katahimikan nating dalawa. may pagkakataon ka pa para makapagbago at maibangon ang pagkatao mo mula sa pagkakalugmok dahil dito sa ginawa mo. yun lang ang masasabi ko sa iyo sa ngayon. balik ka ulit matapos ang 5 minuto baka naman may masabi pa ako ulit na nakalimutan ko lang.
tuloy tuloy lang muna tayo sa pagblog, keri lang.




Jun 16, 2008
napa-HUWAW ako sa new layout. Alam kong dati mopang gustong ilipat ito Ate x, kaya ito na to! Natuwa naman ako! :D
Di pa rin ba solve yang nagredirect? Baaaad! :D BTW, i miss you na ate! Lubblubb! :*
Jun 16, 2008
akala ko naliligaw lang ako.
akala ko nasa empermera ako.
mali pala, chiksilog na nga ito. hehehe..
tae talaga yung gumawa ng [dat][tk]..
imissyou
Jun 16, 2008
mag kumpisal na kasi ang salarin, he he
Jun 16, 2008
pinuntahan ko yung empermera kanina nakita ko yung hepa layout mo kaya pala kase yung hemo layout mo eh nandito na sa datkom…
gudlak kina bulitas..
nung nagbakasyon ako kala ko di na ako marunong magblog.. welll hindi ko alam kung marunong ka ba talaga ako nun.. ang gulo ko.. shet!
Jun 16, 2008
akala ko nung una eh naligaw ako. haha. ang puso mo xienah. ma-HB ka. :P
Jun 16, 2008
weeeeeee…
nakaka-eksayt!
nu luk ang chiksidatkom.
hanglufet! kasing lufet ni xG. pwera bola.
eto lang masasabi ko…
NICE!
NICE!
NICE!
magaling. magaling. magaling.
hehe. falakfakan…
Jun 16, 2008
oo nga..
ako din akala ko empermera.
di pala…
maling akala.
tsktsktsk
Jun 16, 2008
hi. nagulat ako sa bagong anyo, nasanay sa itim na paligid hehe. nway tamang-tama ang layout mo sa nararamdaman mo ngaun – galit at mukhang dadanak ng dugo. Dapat matakot na ung “hacker” mo sa kutsilyo, bka ang itlog nya (kung lalaki) pa ang masaksak nito. wahaha.
Jun 16, 2008
akala ko sa ibang site ako napunta. hahaha. :))
sa best boy’s blog ka pala sumali eh! sayang, iboboto pa naman kita. tsk tsk.
yung tinutukoy mo ba yung kinaiinisan mo sa blogosphere? haha. suntukan na! haha. send e-punch. *click* :))
Jun 16, 2008
xg. some fucktard took over my blog too. gmail account ko na hack. lahat ng accounts ko nasa gmail ko. plurk. twitter. blogger. multips. lahat pinalitan na ang password. ultimo cbox.
sino pa bang pwedeng gumawa non? hindi naman ako sikat. tangina. what a lame move.
so delete veramoko.blogspot.com
whatever it is that is posted after today is not written by me.
Jun 16, 2008
next naman gawin mong layout ung sa parapnasia.
yung nag .tk sa iyo yung 15 yr.old na die hard fans mo. sigurado ako. totoy, bata ka pa para mang gagu. patuli ka muna. thanks.
Jun 17, 2008
akala ko bumalik ako sa the past,,,yung da past natin soulmate….i dont care about the past…i jusy want this to last…pootah..no correlation naman.
okies nga to eh..parang dugo ang tema…i larve it soulmate..
ahahhaa…..balot ang nag change ng web add mo….iwan ko lang kung anong modus nila..pero mukhang kaaway mo na si president GMA soulmate..ahah
Jun 17, 2008
rawr. ako rin makikigaya at sasabihin na akala ko nagkamali ako ng na-click. talagang ini-double check ko pa na nasa tamang blog ako.
ang mga nanggugulo sayo ay mga epal lang, wag kang magalala, balang araw… errr… they’re gonna die a slow and painful death. sana umabot pa yan sa 50 english words per day quota mo. gusto ko itagalog kaya lang naisip ko, pano yun? mamatay sya ng mabagal at masakit? parang di maganda pakinggan. haahha! teka, nasa-sidetrack ako.
basta, maganda ang bago mong luma na layout. maayos naman sya tignan sa IE, pero mas maganda sa firefox. :)
have a sexy day xG. hearts and kisses.
Jun 17, 2008
back to basics na nga ang itsura ng blog mo..parang mas ok nga ngyon sa tingin ko rin..
ano naman kaya mapapala nung gumawa ng tk acct ng blogsikret? di ko talaga agets kung para saan yun. easy lang xienah..hindi ka na gaganda nyan kung lagi kang galit.
Jun 17, 2008
huwaw! nostalgic. naalala ko tuloy yung unang comment ko sa empermera. haha. parang antagal na e no. gusto ko talaga yung itlog na sinasaksak. ’stig.
“original WordPress Theme created by XienahGirl powered by NewBeginning” -anlupit. w00t!
Jun 17, 2008
Nostalgia. Akala ko empermera-slash-caregiver. :)
Jun 17, 2008
cgurado ako na ako pa lang ang unang magsasabi nito.
akala ko naligaw ako, akala ko ibang site ang napuntahan ko, akala ko namali lang ako ng click. hahaha!
para maiba lang, tinignan ko pa yung address bar ng browser ko, pero tama naman ang nakalagay, “http://www.chiksilog.com” pag tingin ko, nasa tamang lugar pala ako. :D
patayin sa sindak ang nagredirect sa dat-tk, bukas ay di na siya sisikatan ng araw, galit na si peyborit, pati butas ng karayom papasukin nya mahanap ka lang kung sino ka man. hala ka! lagot ka!
Jun 17, 2008
huwaw! kala ko naligaw ako ng site! malaking pagbabago ang aking namasdan. LOL.
i so love your new (or old?) theme. hehe.
“huwag mo ng antayin na ako pa ang maghanap sa iyo” – kaya nga ako ng mismo naghanap sayo eh. alam ko kasing magaling kang makipagtaguan. hehe.
Jun 17, 2008
namiss ko ang empermera hehehehehe at parapnasia. un ba un hhehehehe
helffff
Jun 18, 2008
ganyan talaga kapag sikat xg. para lang yang showbiz. kapag sikat ka, mas maraming magtatangkang sirain ka. positive thinking na lang tayo. take it as a compliment. nakooow!!!
ingatz
Jun 18, 2008
una sa lahat, congrats sa bagong bihis na blog.
pangalawa sa lahat, gusto ko talaga ang bihis ng blog mo ngayon.
pangatlo sa lahat, naiingit ako sa bihis ng iyong blog.
at panghuli, wag mo nang pansinin ang mga bloodsuckers sa tabi na sinusupsop lahat ng pasensya mo dahil tataas lang ang hayblad mo, at sasakit lang ang headache mo.
be happy and let them die with jealousy.
(oi ingles yun ha..)
Jun 19, 2008
nakakaasrr nga yung gumawa nun e…eniway, kung sino ka man dyang **** ka, umamin ka na! ******* mo!
Jun 19, 2008
hai its my 1st time to comment..
tagal na din akong lurker dito sa site muh..
bago bihis site muh? hmm bket parang ako lang may gusto nun dati mung layout?
nywei, ok din naman to, madugo..
Jun 19, 2008
paano ba magalit si Xg?
ayaw kong subukan baka awayin mo ako. lol!
early valentines tong layout mo, wala lang pula kasi.
Jun 19, 2008
napapailang kurap din ako ng mata ko ng makita ang komento mo sa blog ko. di kapani-paniwala. ambelibabol!
yohuu :D
isang batalyong salamat po :D
Jun 19, 2008
nung unang nabasa ko itong entry na eto akala ko nag-aaus ka uli ng layout..wehehe.tapos magkokomento na ko sana.kaso di ko mahanap ung comment box. eto natagpuan ko na.
naku sino ba nagredirect nung blogsikret mo?? tsktsk.. baka naman nagpapacute lang un..wheheh.
Jun 20, 2008
akswali di ako makamove on. hanggang ngayon. haha
Jun 20, 2008
uhaw naman!
isang empermera redux theme v3.14!
nahigitan pa ang firefox v3 by point 14!
nakakamiss din yung orig font ng “CHIKSILOG” sa header saka yung nasa kanang bahagi na tagline “NILINLANG. NILOKO. ALAM KO NG SIKRETO MO.”
pero sumatotal, ang lakas pa rin ng visual impact ng simplistic colors of super bloody red with a clean white pearl — xienang xienah ang dating!
at dahil nakakahawa ang pagka-emo ng theme at entries mo dito, naisipan ko lang itanong kung alin nga ba mas magandang piliin –
a) isang taos sa pusong putangina? … o
b) isang aylabyu na lumabas sa butas ng ilong?
holy syete!
nagblog na naman ako sa comments section! hehehe
Jun 20, 2008
hahaha! sige lang, awayin mo. sinimulan niya eh!
nga pala, pano mag comment sa tagboard? di ko alam eh sorry. :))
Jun 21, 2008
kulang na lang e yung tagline mo sa kanan:) Gusto ko ring tong theme mo na ito. Pero napansin ko lang nung sinabi mo, oo nga, ito nga yung sa empermera, hehe:D
Nalimutan mo na kung paano ka magblog? Ganun talaga, hehe. Sabi mo nga people change. Oras lang yan:) makakapagblog ka ulit gaya ng gusto mo.
Jun 21, 2008
di ako makarecover. hanuber.. :)
namimiss na kita xG! SHET, natitibo na naman ako sayo
Jun 22, 2008
kala ko rin naligaw ako. anyway.. kudos sa layout mo. mas gusto ko rin to. hehehe.
salamat din sa pag-plug. nakakagalak.. hihihi.
Jun 28, 2008
ngayon lang ako nakabalik dito ah.. at balik na naman pala sa pula ang chiksilog.. naku! kung sino man yan, lagot talaga siya!! ang dami pa naman bak-up ni xienahgirl.. tsk tsk..
Jun 30, 2008
Hindi pa pala ako nakakapagkomento dito. Nakalimutan ko na atang magkomento kung nakalimutan mo namang magblog.
Lumang entry na ito. Wala nang ispiritu, lipas na.
Hindi na ako magre-react at alam ko namang hindi ka maniniwala kung sabihin ko sayong ako ang nagredirect ng blogsikret sa dotTK.
Yun lang. Hooray Chiksilog.com
Mabuhay ang babaeng bakla.