showbiz

nakiusap sa akin ang mga malalapit kong kaibigan dito sa blogosperyo na huwag ng magsalita tungkol sa mga isyu na hindi ko na babanggitin dahil baka tumaas pa ang hits at traffic ng blog na iyon. bilang mabuting kaibigan at pagrespeto sa kanilang mga payo, napagpasyahan ko na makinig at isakatuparan ang binitawan kong salita sa kanila–hindi dahil sa iyon ang pinakamabuting gawin, kundi dahil ayaw ko makita na nasasaktan sila dahil nasasaktan ako.

kailangan ko maging malakas para sa kanila. hindi ko sila bibiguin–bring it on.




people change

[offtopic]
patawarin niyo ako kung hindi ako napasama sa candy blog awards. sinubukan ko talaga na makapasok sa kategoryang best boy blog pero napansin yata ng mga hurado na babaeng bakla ako kaya hindi ako pinayagan. sa palagay ko naman, karapatdapat ang mga nakabilang na mga nominado para sa patimpalak na iyon. siyempre sinasabi ko lang yan para di ako nagmumukhang nagmamapakla pero ang totoo, medyo nalulungkot ako dahil yung pangarap ko na magkaroon ng sariling lappie ay bigla na lang gumuho sa aking harapan. kung gusto niyo na kahit papaano ay sumaya ako, iboto niyo na lang sa [candyblog awards voting site] sina gyk ng [stereo-love] para sa kategorya na best blog design o di kaya naman ay best overall blog at si bulitas ng [show dont tell] para sa best use of photography.
[/offtopic]

nalimutan ko na yata ang paraan ko sa pagblog–ang mas malala, hindi na yata ako marunong magblog.

gulat kayo ano? kala niyo naliligaw kayo ano? pareho lang tayo. alam ko pamilyar para sa ilan sa inyo ang bagong lumang layout ng datkom. sinabi ko noon na ito talaga ang pinakapaborito ko sa lahat ng mga naging themes ko. kaya naman ginawa ko ang lahat ng makakaya ng kagandahan ko, sampu ng ilang flinstones vitamins, para lang mailipat ang codes mula sa blogger patungo sa wordpress. pasensiya na kayo, henyo lang talaga ako kung tutuusin dahil binuno ko ito ng hindi hihigit sa tatlong oras. ok payn nagbibiro lang ako, dalawang oras at kalahati lang talaga. hindi maganda ang kinalalabasan ng datkom sa internet explorer kaya dumating na ang sagot sa kahirapan ng pilipinas–pwede kayong kumuha ng nagtataray na firefox para naman mas makita ninyo ng maigi ang theme na ito. kung tatanungin niyo kung pwede sa safari hindi ko alam. sa firefox na lang tayo para masaya. come, lets join us.

sinusubukan ko talaga na makuha ang bawat detalye ng lumang theme ko sa aking blogspot, pero may mga bagay na hindi na talaga maibabalik kagaya ng dati. kahit ano pa ang gawin ko, meron at meron pa rin talagang nagbabago–gusto man natin o hindi, kailangan na lang natin tanggapin ang mga bagay na iniba ng panahon. pinilit ko na ibalik ako sa dati kong sarili pero mukhang di ko na magagawa iyon, marami na ang nangyari. kailangan lang talaga mangyari ng mga bagay. masakit, mahirap pero kailangan tanggapin. kaya matapos ang ilang mga hindi matatawarang kaganapan at dahil sa awa ng mga bathaluman ng kalangitan, nahimasmasan na rin ako.

when im good, im very good, but when im bad–im better.

isa sa mga pinakaayaw ko ay ang ang pinapakealaman ang mga bagay na ginagawa ko. mukha lang akong nagmamarunong minsan pero marunong talaga ako, di ko lang pinapahalata. giyera patani, malamang na maghalo ang balat sa tinalupan. babangon ako at dudurugin kita dahil hindi natutulog ang balita. just for play, magdusa ka. ang totoo, hinahabaan ko lang ang pasensiya ko pero hindi talaga maiiwasan na meron at meron talagang mga tao na sadyang ipinanganak para ubusin ang natitira kong lakas para magpatay malisya.

ang hirap magisip. hindi madaling paganahin ang utak para magkaroon ng mga bagong konsepto na pwedeng ilagay dito sa blog ko. mahirap magmukhang henyo sa internet pero ginagawa ko ang lahat ng makakaya ko para mapaganda ang datkom.

merong isang litong kaluluwa ang nagakala na ang pagredirect ng http://chiksilog.com/blogsikret sa http://chiksilogblogsikret.tk ay nakakatuwa. naiinis ako, ay mali pala–galit ako sa ginawa niya. naiirita ako sa kabastusan na ginawa niya dahil pakiramdam ko, nanakawan ako ng bonggang bongga. nagpadala ako ng email sa dot tk tungkol sa kalokohang ito at sinabi ng management nila na ang kawalanghiyaang ito ay isang kaso ng [copyright infringement]. nanikip yung dibdib ko at hindi ako makahinga dahil ang bigat ng mga salitang nabanggit. english kasi, limitado lang sa 50 english words per day ang kaya ng brains ko kaya hindi ko nakayanan. pinanghinaan ako ng loob at nawalan ako ng gana magblog. ito ba ang isusukli sa akin ng mundo ng blogging kung saan binigay ko ang lahat? ganito niyo ba itrato ang tao na nagpapasaya sa inyo? ito ba ang paraan ninyo ng pasasalamat sa akin? bakit ang dami kong tanong? bakit hindi niyo ako masagot?

nakakadismaya.

kung marunong kayong manarantado, mas magaling ako manarantado. huwag niyong hingin ang hindi niyo kayang tanggapin. hindi niyo gugustuhin na banggain ako at makita ako kung paano magalit. magiliw ako sa lahat at ayokong mainis pero kung magpapatuloy ang ganito, mukhang makakatikim kayo kung paano ako kapag nairita ako. kaya kung sino ka man na gumawa nitong kawalang kwentahan na ito, handa akong makinig sa paliwanag mo. ang bait ko pa nga kung tutuusin dahil binibigyan kita ng pagkakataon na iere ang lahat ng maiisip mo na pwedeng maidadahilan mo.

heto nga pala ang email address ko, nakakahiya naman baka tamarin ka pa hanapin. xienahgirl@yahoo.com

iadd mo na rin ako sa plurk para tumaas naman karma points ko.
http://plurk.com/user/xienahgirl

para naman hindi ka na maabala, pwede na rin sa yahoo messenger.
Y!M: xienahgirl

huwag mo ng antayin na ako pa ang maghanap sa iyo. kung ako ikaw–malamang di ko gagawin yun sa sarili ko. teka, ang gulo. basta magkusa ka na lang na umamin para sa katahimikan nating dalawa. may pagkakataon ka pa para makapagbago at maibangon ang pagkatao mo mula sa pagkakalugmok dahil dito sa ginawa mo. yun lang ang masasabi ko sa iyo sa ngayon. balik ka ulit matapos ang 5 minuto baka naman may masabi pa ako ulit na nakalimutan ko lang.

tuloy tuloy lang muna tayo sa pagblog, keri lang.




678


dahil mahirap magsalita mag-isa