mon ver one and three fourths
whos that pokemon?
whos that pokemon?
malalaman mo lang ang kahalagahan at kahulugan ng pagiging ina sa oras na maging nanay ka na.
paulit ulit kong sinasabi sa inyo na gusto ko magkaroon ng anak pero ayaw ko magkaroon ng asawa. kung paano ko magagawa ang katarantaduhan na iyon, hayaan ninyo na ako na lang ang makaalam.
hindi ko na matandaan kung kailan ako nagsimulang mangarap na magkaroon ng sarili kong anak pero marahil nagsimula ito noong naglalaro ako ng luto-lutuan nung bata ako. ako ang nanay at ang mga stuff toys ko ang boluntaryong naging aking mga anak. normal lamang ito para sa isang batang babae, ang mangarap na isang araw ay maging ganap siyang ina kaya lang walang naging tatay ang mga anak kong stuff toys. ang papangit kasi ng mga batang lalake sa lugar namin bukod pa riyan, mapanghusga ang ilan sa mga kalaro ko. kadalasan akong tinutukso noon tungkol sa aking timbang kaya simula noon, dumating ako sa punto na magkaroon ng sariling mundo. ako lang ang naglalaro. gusto ko, ako lang ang gagamit ng mga laruan ko. hindi ako otistik, selfish lang talaga. dugyot kasi yung mga bata sa amin, naiiwan ang marka ng mga kamay nila sa mga plastic pots and pans ko. kadire. ang hirap kaya maglinis ng laruan. pwede na nga magtanim ng kamote sa mga nakasiksik na lupa sa kuko nila. yakers. dapat inipon ko lahat ng lupa na yun para may mapagtaniman ng palay o di kaya ay mapagpatayuan ng bahay ang mga mahihirap. ano na lang ang sasabihin ng mga anak anakan kong stuff toys? lupa at alikabok ang ipapakain ko sa kanila?
3 ang gusto kong maging anak, kambal na lalake at isang babae. mayroon na nga akong pangalan para sa mga magiging anak ko. ekstaytment. hindi ko ilalabas dito sa blog ko ang mga magiging pangalan ng mga anak ko dahil baka gayahin niyo. kayo pa? mga inggiterong kapitbahay kayo. alam ko wala sa lahi namin ang mga kambal pero gusto ko talaga magkaroon ng panganay na anak na lalake. isang irihan na lang para hindi mahirap. onetime bigtime. ang kukulit kasi ng mga batang lalake. ang lilikot. parang kiti-kiti na may 4 na puyo at laging nangangati ang pwet kaya hindi mapakali sa isang upuan. kahit naiinis ka na sa kapasawayan nila, matutunaw naman ang puso mo kapag naglambing sila. siyempre gwapo at matalino ang magiging anak ko. mana sa tatay nila–na malamang pinikot ko lang. dapat kontrapelo yung kambal ko. magkaiba sila ng hilig: sports at music. superhero costumes ang suot nila kapag aalis kami–si ironman at si juggernaut o di kaya naman pareho yung estilo ng damit nila, magkaiba lang ng kulay: black and white. emo kasi ako.
yung babaeng anak ko, siyempre kamukha ko at dapat magmana sa akin. nakakaaliw ang mga batang babae. sa kanya ko ibubuhos lahat ng kakikayan ko na hindi ko nagawa sa sarili ko. tuwing aalis kami, naka ballgown siya at may suot na korona. hindi ko siya pagsusuotin ng pink. sabi ko kikay ang anak kong babae, hindi malandi. ako rin ang magbibigay sa kanya ng payo pagdating sa mga lalake. magaling ako dun–sa pagpapayo, hindi sa mga lalake. sisiguraduhin ko na ako ang magiging bestfriend niya.
naplano ko na kung saan sila magaaral, kung ano ang magiging kurso nila, kung ano ang magiging klase ng buhay na meron ang magiging mga anak ko–likas ang pagiging ina para sa lahat ng babae pero kailan iyon magsisimula? hindi sapat ang dalhin ang sanggol ng 9na buwan sa kanyang sinapupunan. ang pagiging nanay ay hindi tungkol sa pagluluwal ng iyong anak sa mundo. hindi iyon agad agad na nagsisimula sa isang hinangahan lamang. naguumpisa ang pagiging ina sa sandaling matanggap ng babae ang kaligayahang dulot ng katotohanan na magkakaroon na siya ng anak at matutunan niyang tanggapin iyon habangbuhay.
masaya kong palalakihin ang mga magiging anak ko sa paraan na ginawa sa akin ng mismong nanay ko. hindi ang nanay ko ang pinakamagaling na nanay sa mundo–mas magaling pa siya sa lahat ng magaling na nanay sa buong mundo.
sa lahat ng nangangarap maging nanay, sa mga nanay, sa mga magiging nanay, kay mom, mommy, mama, mamita, inay, nanay, ermats–happy mother’s day.
oh hai! i am xienahgirl and this is my digital doppleganger. i fuck my keyboard with my fingers. how about you? (...)
i woke up with no electricity, no internet, no breakfast-JHERO. i dont want to use my camera anymore—the view finder is fucked up. i cant see a thing. dont try to ...
i really appreciate people who takes the time to ask me this question :D can i just rant? yes? ozm. humidity interrupted my supposedly 12hour sleep and im not really happy about ...