wateber ten
ang totoo, hindi ko nabibigyan ng tamang hustisya ang salitang blog. ang dami ko ng nasabi sa datkom pero parang sa palagay ko wala pa rin kayong alam tungkol sa akin. heto bibigyan ko kayo ng sampung katotohanan tungkol sa pagkatao ko.
babala: ang mga sumusunod ay naglalaman ng mga sensitibong pahayag na maaaring hindi maintindihan ng ordinaryong mambabasa. matinding pangunawa ang kailangan.
1.) di ako nakaakyat ng entablado ng may award dahil pinersonal ako ng professor ko
2.) may trabaho ako pero di ako makapagtrabaho dahil sa problema sa pamilya.
3.) meron akong 3bloggers na kinaiinisan–isang babae, dalawang lalake.
4.) nagaalala ako dahil namamana ang bipolar disorder.
5.) bumabalik na naman ang pagiging iritable ko pagdating sa mga lalake.
6.) baon kami sa utang at inaasahan ng lahat na ako ang magbabayad ng mga iyon.
7.) kung meron akong pagsisisihan, yun ay ang natuto ako magblog.
8.) sa ika-3 pagkakataon, sisiguraduhin ko na hindi na ako magmamahal ng blogista.
9.) bukod kay vEx, hindi ko talaga alam kung ilan kaming lahat na magkakapatid.








May 30th, 2008 at 1:38 pm
hhmm..parang tag.
nasan pala ung ika-sampu??
10.wateber
naku mare..isa rin yan sa iniisip ko..kelan kaya ako makakapagtrabaho..at nahihiya na ako manghingi ng pera..patapal tapal na nga istayl. manghihingi ako pera pambyad ko lang utang.tapos un.. uutang nanaman..hihingi pambayad..ahaha.talagang nagkwento ako..bad.
eto xG..>>>HUG<<< hug na lang kita..wehehe.
[Reply]
May 30th, 2008 at 1:42 pm
asan yung pang sampu? may mga encypted characters ba na kelangang idecode para makita yung pang sampu? o meron bang, hidden joke or humor sa blog na sa sobrang slow ko eh hindi ko nakita? o may pang sampu pero tanga lang talaga ako kaya di ko makita?
[Reply]
May 30th, 2008 at 2:29 pm
nakalimutan mo ata yung number 10.
[Reply]
May 30th, 2008 at 3:05 pm
uy blind items. sino yung tatlo? hehehe chismoso mode.
[Reply]
May 30th, 2008 at 3:45 pm
nakakausi kung sino yung tatlong blogger..hehe! oist mukhang broken hearted ah! sabi ko naman kasi sayo (ay teka wala pa ata akong nasabi. lols)..bsta ingat ka na lang sa susunod..wag masyado mabilis mainlab lalo na sa blogger dahil sweet lover yan…pero hindi mo naman kelangan magalit sa lahat ng lalaki.
[Reply]
May 30th, 2008 at 3:52 pm
2.) Kala ko magttrabaho kana sa Bulancan?
3.) Ako ba yung isang babae dyan? lolz
6.) Alam ko ang nararamdaman mo, ganyan din ang tingin sakin ng mga kamag-anak namin pag katapos akong maka-gradaute hayuupz sila…
8.) Hehe sino yan ha?
[Reply]
May 30th, 2008 at 6:44 pm
Pinersonal din ako ng teacher ko. Aba, pag kita ko sa card ko…takte! Hahahahaha!!! Lagi ko kasi syang inaaway eh. Hehehehe!
By the way, exchange links?
[Reply]
May 30th, 2008 at 8:41 pm
soulmate…natatakot ako baka ako ang isa sa kinaiinisan mo at pakulong mo ako sa bote…soulmates pa naman tayu..wahahha..mukhang depress mode ka ngayun soulmate a?anong nangyari?broken hearted?maligo ka sa bath tub puno ng chocolate ate..ahahhaa….ate??ako ang brother mo aside from vex…
[Reply]
May 30th, 2008 at 9:26 pm
buti ka nga tatlo lang ako hindi ko mabilang kung ilan. hmpft! teka.. isa bako dun? kasi ayaw mo magpasunod sakin sa twittering tweety bird! suplada ka xienah… suplada ka… hahahahaha!
[Reply]
May 30th, 2008 at 10:05 pm
dito pareho tayo,
4.) nagaalala ako dahil namamana ang bipolar disorder.
9.) hindi ko talaga alam kung ilan kaming lahat na magkakapatid.
saka kung may nanakit man sayo, gusto kong iparating ang taos puso kong putangina sa taong yun. pero kung sakaling magkaayos man kayo, di ok.
[Reply]
May 30th, 2008 at 10:45 pm
sana ay hindi ako kabilang sa mga kinaiinisan mo, pero kung kasama man ako ay ipagpaumanhin mo kung ano man ang nagawa ko, hehe, paranoia to the highest level..
minsan nagsisisi din ako natutunan ko magblag, ahehe
asan nga yung 10? XD
[Reply]
May 31st, 2008 at 12:17 am
wateber ten nga naman pala *boink*
[Reply]
May 31st, 2008 at 1:08 am
kilala ko kung dalawa na kinaiinisan pero ung isa hindi. waaaa.. ako ba yun? ahuhuhu.. hindi naman siguro ako mukhang lalaki diba? hhehehe..
ang mga lalake talaga.. tsk tsk.. ano gusto mo gawin natin sa kanila?
ang number 10 ay wateber.. hehehe..
[Reply]
May 31st, 2008 at 9:20 am
magkokomento sana ako kaso maghahanap muna ako ng matinding pangunawa. haha
may masabi lang e no.
seryoso mode ka ngayon ate ah. at yung 10 siguro e bahala na kaming mag-isip. haha
[Reply]
May 31st, 2008 at 10:14 am
syet. namamana ang bipolar disorder?
sana hindi ito dominant sa akin. natakot ako para sa magiging anak ko.
[Reply]
May 31st, 2008 at 2:09 pm
di ka na magmamahal na blogista?
ma- cancel na nga ang account ko. Lol!
[Reply]
May 31st, 2008 at 3:13 pm
whooo yes isa ako sa kinaiinisan ni X hahahaha. walang lungkot lungkot dito. emo ka na ganon? hindi yan. kapit bisig lang tayo. magsama-sama. ating abutin, pangarap na bituin. Mapayapang paraang pagbabago.
Katotohanan, kalayaan, katarungan
ay kayang makamit na walang dahas.
Basta’t magkaisa tayong lahat!
[Reply]
May 31st, 2008 at 4:04 pm
sana di ako yung isang kinaiinisan…
panu naman ung di na magmamahal ng isang blogista? di pa nga tayo kita sa trinoma yaw mo na agad=[
[Reply]
May 31st, 2008 at 8:42 pm
dahil mas feel ko ang magreply kesa gumawa ng bagong entry sa sarili kong blog:
1.) di ako nakaakyat ng entablado ng may award dahil pinersonal ako ng professor ko
- pinersonal din ako ng isang doc-prof kaya mas pinipili ko ang maging normal na estudyante na lamang kahit na bibbo kid ako in nature.
2.) may trabaho ako pero di ako makapagtrabaho dahil sa problema sa pamilya.
- ayokong magtrabaho kaya ako nag-aaral pa. yung tungkol sa problemang pamilya, ibang usapan na yan. hug na lang kita. *hug*
3.) meron akong 3bloggers na kinaiinisan–isang babae, dalawang lalake.
- kilala ko ata yung isang babae at dalawang lalake. dahil lalake din ako, sige na, aamin na akong ako yung pangatlo. =P
4.) nagaalala ako dahil namamana ang bipolar disorder.
-namamana ata ang katamaran
5.) bumabalik na naman ang pagiging iritable ko pagdating sa mga lalake.
- iritable ako. period.
6.) baon kami sa utang at inaasahan ng lahat na ako ang magbabayad ng mga iyon.
- nakikita ko na na ako ang magmamana ng mga umuutang sa amin. good grief.
7.) kung meron akong pagsisisihan, yun ay ang natuto ako magblog.
- minsan, nagsisisi din ako sa kadaldalan ko. pati sa internet eh nagkakalat ako ng lagim.
8.) sa ika-3 pagkakataon, sisiguraduhin ko na hindi na ako magmamahal ng blogista.
- masarap pa rin magmahal xienah. *hug*
9.) bukod kay vEx, hindi ko talaga alam kung ilan kaming lahat na magkakapatid.
- tatlo kami. tatlong itlog.
[Reply]
June 1st, 2008 at 3:39 am
anrami ng nagtatag saken neto :-) pero di ko pa din nagagawa. wala kasi masyadong magandang iLagay eh :-) haha.
ayun lang naman.
seryoso ba yung 10?
[Reply]
June 1st, 2008 at 4:15 am
ayan a, because I respond to my readers at masyado kang reklamador (lol!) tinangggal ko na yung badge ko sa flickr at entrecard tutal di ko naman pinagkakakitaan yung blog ko.
Sana di na mag hang PC mo. =)
Ang lakas mo sa akin! Hahahaha!
[Reply]
June 1st, 2008 at 9:30 am
>>>HUG<<<
lunes eto.. ipnasyal ko rito si eyebags.wehehe.
[Reply]
June 1st, 2008 at 3:44 pm
Nakakapagtakang hindi ganon kabigat ang mga bagay na ito kung binabasa mo lang at hindi nanggaling mula sa sarili mong bibig.
Nung panahon na sinabi mo saken ang ilan sa mga bagay na ito ay naiba agad ang pananaw ko sa buhay at naisip kong ang isa sa mga prominenteng katauhan sa bloggista world ay may mas malalim pang mga bagay na pumapalibot sa buhay niya.
Saludo ako sayo Xienah, apir apir tayo. Mabigat ang mga bagay na ito pero maganda ka pa din, ahihi.
Basta kung magmamana ka man ng bipolarity eh wag mo sana akong bubulyawan.
[Reply]
June 2nd, 2008 at 1:32 pm
nasan yung pang ten xG.
sino kaya yung mga blogger na yun?
nakakintriga naman. tsk tsk
sana hindi ako yung isa sa mag kinaiinisan.
ako ba yun xG??
[Reply]
June 2nd, 2008 at 6:18 pm
hanapin mo na lahat ng kapatid mo para may katulong ka na sa pagbayad ng mga utang ninyo.. :)
[Reply]
June 2nd, 2008 at 7:53 pm
hahaha ako ba ung isa sa kinaiinisan mo? haha nagffeeling ako eh.. kung ikaw eh may bipolar ako eh may paranoia haha.. joke lang un.. pero kung sino man un.. peace nlang.. kahit ako pa ung isa huhu…
[Reply]
June 2nd, 2008 at 9:02 pm
ako alam ko kung ilan kaming magkakapatid… sampu lang naman. hindi yan half-half ha. buo yan. ha ha
[Reply]
June 2nd, 2008 at 9:19 pm
asus totoo ba yung 8 :)
[Reply]
June 2nd, 2008 at 9:56 pm
Mahirap hirap ang sixth and ninth.
Sauce, kaya mo yun. Matapang ka ate! matapang ka! Magaling ka, magaling!
[Reply]
June 2nd, 2008 at 10:34 pm
minsan kasi akala ng iba lalaki ako. haha! :)
shet, namimiss na kita xG!
[Reply]
June 3rd, 2008 at 11:49 am
na personal na rin ako dati sa eskwelahan..pero elementary pa un..gustong bawiin ng teacher ko ung award ko kasi epal daw ako..hahaha!Ang gusto nia kasi siya ang gagawa ng speech ko for the graduation..gawin bang scripted..eh syempre pa matigas ulo ko,kaya aun..magkaaway kami sa mismong graduation.
baon din kami sa utang…dahil sa pagkakasakit at pagkamatay ng nanay ko..at nakaka guilty na wala akong maitulong para mabayaran ko un.
probelemang pamilya..hindi tlaga maiiwasan yan..konting pasensya pa at lawak ng pang unawa..malalagpasan mo din un..(teka.sa sarili ko dapat ito sinasabi ah..lol)
sana maging maayos ang lahat sa iyo.
what ever it is that you’re going tru hopefully ma overcome mo lahat..
[Reply]
June 3rd, 2008 at 11:50 am
pahabol..so far,hindi ko pa naman pinag sisisihan na natuto ako mag blog kasi nka kilala ako ng mga sensible at wacky friends dito..hehehe.
[Reply]
June 3rd, 2008 at 7:16 pm
may kinaiinisan kang blogger? hmm, sino kaya yun? isip isip!
hindi yata totoo yung kasabihang “basta blogger, sweet lover” try mo namang mag mahal ng driver, baka yun totoo na. :))))
corny ko.
[Reply]
June 3rd, 2008 at 7:52 pm
wow. parang ang dami kong namiss nung ng blog leave ako ah?
#mai kinaiinisan din akong mga bloggers. 3 babae.
#sa ika-3 pagkakataon ba kamo? nagmahal ka ng blogista??
madrama din pala ang buhay mo ate. apir tau! same2 tayo eh?
[Reply]
June 3rd, 2008 at 8:32 pm
uu mare..kabuhayan blog nga. kasi kelangan ko ng pambayad utang..wala pa ung 3months kaya di pa pwede..wehehe..
[Reply]
June 4th, 2008 at 3:20 am
pano naging wateber ten e syam lang yun???
[Reply]
June 4th, 2008 at 10:14 am
i just would like to clarify something. nakasulat kasi sa #3 na may kinaiinisan kang bloggers, isa ba ko dun? hehe. sa #8 naman, bat ayaw mo ng magmahal ng blogista? sayang namen. ahehe…
[Reply]
June 4th, 2008 at 1:11 pm
yihi. padaan lang po. kakaaliw naman tong blog niyo.
[Reply]
June 4th, 2008 at 6:57 pm
alin bang blog ang sinasabi mo x?? meron kang bagong kabuhayan blog? o ung dati?? diba dati na ung kumikita??..
miss ko na kau..
[Reply]
June 4th, 2008 at 9:04 pm
hahaha.. nailove ka pala sa isang blogista? yun ba yung pinariringan mo sa YM? ok.. fine sikreto lang natin yun.. atliz.. natagpuan ko na ang blog mo.. aba’y nilibot ko ang blogosphere makita ka lang.. yun pala ay nakasulat naman pala sa YM. palibutlibut paku.. hahaha…
[Reply]
June 4th, 2008 at 9:20 pm
kung tama ang memorya ako, hindi ako ung kinaiinisan mo. hindi nga? ganun? bakit na naman?
hindi nako updated sa labslayp mo pero natatandaan kong minsan nagka-MU-han tau. in-add moko sa blog link mo na di ko na kailangang magsabi ng care to exchange link?, magmakaawa, o mang-akit gamit ang aking nipple na may dalawang pirasong kulot na buhok. at ni-link din kita. wala nang pero pero, technically, mutual understanding nga un.
cheers to life na lang. at kahit hindi to tag, gagawa ako ng wateber ten. next year.
[Reply]
June 5th, 2008 at 3:17 am
siguro naman sa isang babae na kinaiinisan mo sa blogosphere eh hindi ako yun? naku wag naman sana! ahahah! sino yung yumurak ng iyong puso? resbakan natin!!!
[Reply]
June 5th, 2008 at 9:30 am
rawr, san ang no. 10?
hakuna matata ka dapat xG, baka tubuan ka ng gray hair nyan sa kaka-worry.
magkaka-kulay din buhay mo, hintay ka lang.
comment sa no. 3, kulamin na lang natin mga bloggers na yan. heheh!
comment sa no. 4, madami nang tried and tested na kagamutan sa bipolar disorder… kaya okay lang na ma-mana ang sakit na iyan… hahah! i jest…
comment sa no. 5, kaya nga minsan pinagdadasal ko na maging bi na lang ako. para pag gusto kong pumatay ng lalaki, titingin na lang ako sa mga babae… hahaha! ganun na lang din isipin mo.
comment sa no. 8, eh pano kung na in-love ka bago mo malaman na blogger pala yung boylet? wag mong isumpa…mahirap yan.
comment sa no. 9, gusto mo magpa-ampon sa mga rich new yorkers? heheh! sabay tayo maghanap ng adoptive parents. para di mo na iniisip kung meron ka pang ibang kapatid. rawr.
hearts and kisses. =)
[Reply]
June 5th, 2008 at 8:13 pm
3.) meron akong 3bloggers na kinaiinisan–isang babae, dalawang lalake.
walang “alien”. good. hehe
[Reply]
June 6th, 2008 at 9:01 pm
may kinaiinisan ka..?? cno kya un.. tyak di ko kilala ako ay ibong plipat lipat ng pugad kung saan-saan kya mlamang sa dmi ng blogista di ko cla knowings… pero mukhang may nakaambang panganib sa knila ngyung binunyag mo na.. gudluck na lang
[Reply]
June 6th, 2008 at 11:36 pm
ang hirap talaga pag maraming utang at ikaw ang napiling pambayad.
[Reply]
June 8th, 2008 at 2:25 am
tama! ayos yon. di na uso ang tunay na pag ibig ngayon. uso na yung pagiging praktikal. hahaha.
[Reply]
June 8th, 2008 at 5:54 pm
hmmm.. ako rin.. agree sa number 7 (sana di na lng ako natuto.. mahirap e maintain).. kaya lng… hmmm….
[Reply]
June 15th, 2008 at 7:59 pm
la na ako balita sau. ngaun na lang ko napadpad dito.
di ka pa rin kumukupas ka-tams.
:)
“helfffff”
-yan natutunan ko kay sir a_liswag haha kilala mo ba?
[Reply]
June 17th, 2008 at 7:21 pm
ah at sa kanya mo pala nakuha ung TOP THE BOARD EXAMS hahaha ibalik ang karangalan ba ng FEU ehehehehe. ganun pala top 1 pala ang iskul naten dati hahahahaha
helfff <–yan na te ung spelling ng hellff nia hehehehe
at may putangina talaga hahahaha. kras mo talaga siya noh
[Reply]
June 17th, 2008 at 7:33 pm
siya ba si mr. e hehehehehe
[Reply]
July 16th, 2008 at 11:46 pm
hi..ang masasabi q lng..malalim ka..at skip goat u ‘tong pagbablog..tama b aq?..
[Reply]
July 17th, 2008 at 10:35 am
“skipgoat” present po 2 sa mga taong parang me sariling mundo? tulad q…hehehe..1 mo. plng ata me nhilig sa pgbasa ng blogs..auz!!fit n fit sa utak at damdamin q hakhakhak..!!
p.s marami din me drama sa buhay..pero ganun tlaga ang buhay parang life hehehe..belat n lng dun s mga taong ngpaiyak saken hakhakhak!!1
[Reply]
July 17th, 2008 at 10:39 am
p.s 2(play station 2?)..d2 nman me mgtatambay sa blog u..naubos q n kc yung k badoodles..ang ganda rin kc nitong sau eh..ang galing!!!
[Reply]